Anguila
Anguilla | |||
---|---|---|---|
British overseas territories | |||
| |||
Awit: God Save the King | |||
Mga koordinado: 18°14′N 63°03′W / 18.23°N 63.05°W | |||
Bansa | United Kingdom | ||
Lokasyon | British overseas territories, United Kingdom | ||
Kabisera | Ang Lambak, Anguila | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Monarkiyang konstitusyonal | ||
• Premier of Anguilla | Ellis Webster | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 91 km2 (35 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2023)[1] | |||
• Kabuuan | 19,079 | ||
• Kapal | 210/km2 (540/milya kuwadrado) | ||
Wika | Ingles |
Ang Anguilla ( /æŋˈɡwɪlə/ ang-GWIL-ə) ay isang teritoryo sa ibayong dagat ng Britanya at teritoryong pang-ibayong dagat ng Unyong Europeo sa Karibe. Isa ito sa pinaka nasa hilaga ng Kapuluang Leeward sa Maliit na Antilles, na nakahimlay sa silangan ng Portoriko at ng Kapuluang Birhen at tuwirang nasa hilaga ng San Martin. Ang teritoryo ay binubuo ng pangunahing pulo ng Anguilla mismo, na tinatayang 26 km (16 mi) ang haba at 5 km (3.1 mi) ang lapad sa kanyang pinaka malapad na punto, kasama ang isang bilang ng mas maliliit na mga pulo at mga kayo na walang pampamalagiang populasyon. Ang kabisera ng pulo ay ang Ang Lambak. Ang kabuuang area ng lupain ng teritoryo ay 91 km2 (35 mi kuw),[2] na may populasyong tinataya na nasa 13,500 (pagtaya noong 2006).
Ang Anguilla ay isang pangkat ng limang mga pulo sa Dagat Karibe, na pinamamahalaan ng Gran Britanya. Dating bahagi ang Anguilla ng nakikilala na sa kasalukuyan bilang San Kitts at Nevis, subalit humiwalay noong 1980. Nais ng Anguilla na maging bahagi pa rin ng Dakilang Britanya, habang ang San Kitts at Nevis ay nais maging nagsasarili. Pinangalanan ang Anguilla mula sa salitang Kastila para sa "igat", dahil sa pagiging magkahugis nito.
Politika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang reyna ng Nagkakaisang Kaharian ang pinuno ng Anguilla, subalit namamahala siya sa pamamagitan ng isang gobernador. Siya ang nagpapangalan, o nagtatalaga ng gobernador, at namamahala ang gobernador sa Anguilla bilang kinatawan niya. Ang lehislatura ay inihahalal ng mga tao, na may 11 mga kasapi, at tinatawag na House of Assembly o "Kabahayan ng Asemblea".
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kabuhayan ng Anguilla ay halos nakukuha mula sa pangingisda at sa turismo.
Kultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karamihan sa mga tao sa Anguill ay mga Protestante, at nagsasalita ng Ingles.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://www.cia.gov/the-world-factbook/countries/anguilla/summaries/#people-and-society; hinango: 4 Agosto 2023.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-07. Nakuha noong 2011-12-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)