Aperture
Sa larangan ng optika, ang aperture (bigkas: a-per-tyur) ay isang butas kung saan pumapasok at dumadaan ang ilaw. Nakasalalay sa aperture kung gaanong katuwid ang direksiyon ng ilaw kung saan ay mahalaga para sa kinalabasan ng anyo sa image plane. Kung ang aperture ay makitid, pantay ang direksiyon ng ilaw na ipinapasok at matalim ang pokus ng larawan. Kung ang aperture ay malawak, hindi pantay ang direksiyon ng ilaw na ipinapasok at isang litratong matalim lang ang pokus sa isang bahagi ng larawan sa tamang distansya habang ang ibang bahagi ng larawan ay malabo at hindi naka-pokus. Ang aperture rin ang nagtatakda kung gaano karaming direksiyon ng ilaw ang ipinapayagang pumasok at gaanong karaming ilaw ang pinapaabot sa image plane (kapag mas makitid ang aperture, mas madilim ang litrato sa ibinigay na oras ng paglantad). Sa mata ng tao, ang balintataw ang aperture.
Kadalasan, ang isang sistemang optikal ay maraming butas na maaaring pasukan o mga istruktura na tinatakdaan ang mga direksiyon ng ilaw. Itong mga istruktura ay maaaring maging ang gilid ng lente o ng salamin. Maaari din itong isang singsing o kaya isang pangabit na pumipirmi ng optikal na elemento sa isang lugar o kaya isang espesyal na elemento tulad ng diaphragm na inilalagay sa daanan ng ilaw upang limitahin ang ilaw na ipinapasok ng sistema. Sa pangkalahatan, ang tawag sa mga istrukturang ito ay mga stop (tigil), at ang stop ng aperture ay ang stop na nagtatakda kung ano ang anggulo ng direksiyon ng ilaw o gaanong kaliwanag ang larawan.
Sa ibang kontexto, lalo na sa potograpiya at astronomiya, ang aperture ay tumutukoy sa diyametro ng stop ng aperture sa halip nang itukoy ang pisikal na stop o ang butas mismo. Halimbawa, sa teleskopyo ang stop ng aperture ay kadalasan ang gilid ng lenteng objective o ang salamin (o ang hawakan ng salamin). Teleskopyo naman ang usapan na mayroong, halimbawa, isang daang sentimetrong aperture. Alalahin na ang stop ng aperture ay hindi naman nangunguhulugan ang pinakamaliit na stop ng sistema. Ang pagpapalaki at pagpapaliit gamit ang lente at ibang elemento ng teleskopyo ay maaaring maging malaki ang stop ng aperture para sa sistema. Sa astropotograpiya ang aperture ay maaaring ibigay bilang isang sukat o walang sukat na proporsyon sa pagitan ng sukat at ng haba ng pokus. Sa ibang uri ng potograpiya kadalasang ibinibigay ito bilang isang proporsyon.
Salin mula sa orihinal na Ingles (https://en.wikipedia.org/wiki/Aperture)