Content-Length: 211530 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Griyegong_Koine

Griyegong Koine - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Griyegong Koine

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Griyegong Koine
ἡ κοινὴ διάλεκτος
Bigkas(h)e̝ kyˈne̝ diˈalektos ~
i cyˈni ðiˈalektos
RehiyonSilangang Mediteraneo (kasama na ang Silangang Imperyong Romano) at Gitnang Silangan
Panahon300 BK – 300 AD
Mga sinaunang anyo
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3
grc-koi
GlottologWala
Kasaysayan ng wikang Griyego
(tignan din: alpabetong Griyego)

Proto-Griyego (c. 3000 BCE –1600 BCE)
Micenico (c. 1600 BCE –1100 BCE)
Sinaunang Griyego (c. 800 BCE –330 BCE) Mga dialekto: Aeolic, Arcadocypriot, Attic-Ionic, Doric, Locrian, Pamphylian, Homeric Greek, Macedonian
Griyegong Koine (c. 330 BCE –330 CE)
Griyegong Mediebal (330 CE–1453)
Modernong Griyego (mula 1453) Dialects: Calabrian, Cappadocian, Cheimarriotika, Cretan, Cypriot, Demotic, Griko, Katharevousa, Pontic, Tsakonian, Maniot, Yevanic


*Dates (beginning with Ancient Greek) from Wallace, D. B. (1996). Greek Grammar Beyond the Basics: An Exegetical Syntax of the New Testament. Grand Rapids: Zondervan. p. 12. ISBN 0310218950.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Ang Koine (mula sa κοινή "karaniwan", at sa modernong Griyego: Ελληνιστική Κοινή) na kilala rin bilang diyalektong Alehandriyano, karaniwang Atiko o Griyegong Helenistiko ang karaniwang supra-rehiyonal na anyo ng wikang Griyego na sinalita at isinulat noong panahong Helenistiko at panahong Romano. Ito ay umunlad sa pamamagitan ng pagkalat ng Griego kasunod ng mga pananakop ni Dakilang Alejandro noong ika-4 siglo BCE at nagsilbing karaniwang lingua franca ng karamihan ng rehiyong Mediteraneo at Gitnang Silangan nang sumunod na mga siglo. Ito ay pangunahing nakabase sa Griyegong Atiko at mga kaugnay na anyong pagsasalitang Griyegong Ioniko kasama ng mga iba't ibang mga admixture na dulot ng dialektikong paglelebel sa ibang mga anyo.[1] Ang Griyegong Koiné ay nagpapakita ng isang malawak na spektrum ng mga iba't ibang mga istilo mula sa mas konserbatibong mga anyong pampanitikan hanggang sa mga sinalitang bernakular ng panahong ito.[2] Bilang pangunahing wika ng Imperyong Bisantino, karagdagan na iniunlad sa Griyegong Mediebal, ang pangunahing ninuno ng Modernong Griyego.[3]

Ang pampanitikang Koiné ang medium ng karamihan ng pagkatapos ng klasikong pagsusulat na pampanitikan at pang-iskolar gaya ng mga akda nina Plutarko at Polybius.[1] Ang Griyegong Koiné rin ang orihinal na wika ng Bagong Tipan, ng saling Griyegong Septuagint ng Tanakh at ng karamihan ng mga maagang kasulatang teolohikal ng mga ama ng simbahan. Sa kontekstong ito, ang Griyegong Koine ay kilala rin bilang ang Griyegong pam-Bibliya, pang-Bagong Tipan o pang-patristiko.[4] Patuloy na ginagamit bilang wikang liturhiko ng mga serbisyo sa Simbahang Griyegong Ortodokso at sa ilang mga Simbahang Katolikong Griyego.

Ang Romanong Emperador Marco Aurelio, maski nag-Latin sa kaniyang mga tao, ay sumulat niyang pansariling pag-iisip sa Griyegong Koine, sa isang aklat na ngayong tinatawag na Mga Meditasyon.

Pinagmulan at kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga pook na nag-Griyego habang ang panahong Helenistiko (323–31 BK)
  • Madilim na asul: mga pook kung saan ang mga tagapagsalita ng Griyego ay malamang isang karamihan
  • Banayad na asul: mga pook na napaka-Helenisado

Lumitaw ang Griyegong Koine bilang karaniwang diyalekto sa loob ng mga hukbo ni Alejandrong Dakila. Sa ilalim ng pamumuno ng Macedonia, ang kanilang diyalekto, na kapapagbuo lang, ay sinabi mula sa Kahariang Ptolemaiko ng Ehipto hanggang sa Imperyong Seleucid ng Mesopotamia. Pinalitan ang mga diyalektong Sinaunang Griyego ng payak na forma na nakaintindi ang mga tao kahit saan. Lumitaw ang mga elemento ng Griyegong Koine habang Klasikong Gresya, ngunit ang simula ng panahong post-Klasiko ng Griyego ay ipinapaliwanag bilang pagkamatay ng Alejandrong Dakila noong 323 BK, kung kailan ang mga kultura na inimpluwensyahan ng Gresya ay nagsimula naman impluwensyahan ang wikang Griyego.

Ang paglipas sa kasunod na panahon, kilala bilang Griyegong Mediebal, minsan na inilalagay sa pundasyon ng Constantinople ni Dakilang Constantino noong 330 AD, pero madalas na lang mula sa wakas ng huli na ang antiguwedad). Kaya tinutukloy ng panahong post-Klasiko ng Griyego ang lalang at ebolusyon ng Griyegong Koine sa buong mga panahong Helenistiko at Romano ng kasaysayan hanggang sa simula ng Gitnang Kapanahunan.

Mula sa antiguwedad ang lingguwistikong mga ugat ng Karaniwang Griyegong diyalekto ay di-tiyak. Habang ang panahong Helenistiko, ang karamihan ng mga iskolar ay ipinalagay na ang Koine ay bunga ng halo ng apat na pangunahing diyalektong Sinaunang Griyego, "ang komposisyon ng Apat" (Sinaunang Griyego: ἡ ἐκ τῶν τεττάρων συνεστῶσα). Sinuportahan ang itong tingin noong unang bahagi ng ika-20 na siglo ni Paul Kretschmer sa kaniyang aklat Die Entstehung der Koine (1901), habang nina Ulrich von Wilamowitz-Moellendorff at Antoine Meillet, batay sa madiin na elementong Ioniko ng Koine — σσ imbes na ττ at ρσ imbes na ρρ (θάλασσα – θάλαττα, "dagat"; ἀρσενικός – ἀρρενικός, "makapangyarihan, barako, panlalaki") — ay ipinalagay ang Koine isang porma na sinimplehan ng Ioniko.

Ibinigay ng Griyegong lingguiwista ni Georgios Hatzidakis ang tingin na natatanggap ng karamihan ng mga iskolar ngayon. Ipinakita niya na sa kabila ng "komposisyon ng Apat", ang "matibay na nukleyo" ng Griyegong Koine ay Atiko. Sa madaling salita, ang Griyegong Koine ay naaaninag bilang Atiko na may halo ng mga elemento lalos na mula sa Ioniko, pero rin mula sa ibang mga diyalekto. Ang antas ng kahalagahan ng mga lingguwistikong elemento di-Atiko sa Koine ay maaari ibahin ayon sa rehiyon ng Helenistikong mundo.

Sa bagay na iyan, ang mga diyalekto ng Koine na sinalita sa mga kolonya ng Ionia sa Anatolia (e.g. Pontus, cf. Griyegong Pontiko) ay mayroon mas madiin na Ionikong katangian kaysa sa mga iba, yamang ang mga diyalekto ng Lakonia at Tsipre ay pinanatili ang mas katangiang Griyegong Doriko at Griyegong Arkadocypriot, ayon sa pagkakabanggit. Ang Koineng pampanitikan ng panahong Helenistiko ay kaya katulad na Atiko na madalas na tinutukoy bilang Karaniwang Atiko.

Mga pinagkukunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga unang iskolar na nag-aral ng Koine, parehong sa panahong Alehandriyano ag Maagang Moderno, ay mga klasisista kung kaninong prototipo ay pampanitikang Griyegong Atiko ng panahong Klasiko, at na sumimangot sa anumang ibang diyalekto ng Sinaunang Griyego. Ang Griyegong Koine ay kaya ipinalagay bilang isang porma na nabulok ng wikang Griyego at kaya hindi dapat na bigyang pansin.

Ang bagong tingan ng kahalagang pangkasaysayan at pampanitikan ng Griyegong Koine nag-umpisa lang noong unang bahagi ng ika-19 na siglo, kung saan gumawa ang mga tanyag na iskolar ng serye ng mga pag-aaral tungkol sa ebolusyon ng Koine sa bunog panahong Helenistiko at Imperyong Romano. Ang mga pinagkukunan na ginagamit para sa mga pag-aaral ng Koine ay napakarami at hindi lahat maaasahan. Ang pinakamahahalaga ay mga inskripsiyon ng mga panahong post-Klasiko at mga papiro, dalawang uri ng teksto na may kapani-paniwalang nilalaman at na deretso na nasuri.

Ang ibang mga mahahalagang pinagkukunan ay Septuagint, ang Griyegong pagsasalin ng Tanakh, at Griyegong Bagong Tipan. Ang pagtuturo ng itong mga teksto ay nakadirekta sa pinakakaraniwang mga tao, at kaya ginamit ang popular na wika ng panahon.

Ang ibang mga pinagkukunan ay batay sa nagkataong mga pagtuklas tulad ng mga inskripsiyon sa mga gusi na sinulat ng bantog na mga pintor, mga pagkakamali ng mga mag-aaral ng Atiko dahil sa imperpektong kaalaman ng Griyegong Atiko, at kahit ilang mga talahuluganan ng Griyego–Latin mula sa panahong Romano,[5] e.g.:

Καλήμερον, ἦλθες;
Bono die, venisti?
Magandang araw, dumating kayo ba?

Ἐὰν θέλεις, ἐλθὲ μεθ' ἡμῶν.
Si vis, veni mecum[a].
Kung nais mo, sumama natin.[b]

Ποῦ;
Ubi?
Saan?

Πρὸς φίλον ἡμέτερον Λύκιον.
Ad amicum nostrum Lucium.
Sa ating kaibigan ni Lucius.

Τί γὰρ ἔχει;
Quid enim habet?
Talaga, ano'ng may niya?
Ano bang problema niya?

Ἀρρωστεῖ.
Aegrotat.
May sakit siya.

Sa wakas, napakahalagang pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa sinaunang Koine ay wikang modernong Griyego na may iba't ibang diyalekto at sarili nitong pormang Koine. Pinananatili ng mga itong diyalekto ang ilan sa mga pasalita lingguwistikong detalye, ng sinaunang wika, na iniwala ng tradisyong pampanitikan. Halimbawa, pinananatili ng Griyegong Pontiko at Cappadociano ang sinaunang pagbigkas ng η bilang ε (νύφε, συνέλικος, τίμεσον, πεγάδι para sa ulirang Modernong Griyego νύφη, συνήλικος, τίμησον, πηγάδι atbp.),[c] yamang pinananatili ang wikang Tsakoniyo (Griyego: τσακώνικα, Ingles: Tsakonian) ang mahabang α imbes na η (ἁμέρα, ἀστραπά, λίμνα, χοά atbp.) at ibang mga lokal na katangian ng Griyegong Doriko.[kailangan ng sanggunian]

Pinananatili ng mga diyalekto ng katimugang bahagi ng mga rehiyon na nag-Griyego (Dodekaneso, Tsipre, atbp.) ang dobleng mga katinig (ἄλ-λος, Ἑλ-λάδα, θάλασ-σα) yamang bumigkas ang ibang mga tao sa maraming salita ng υ bilang ου o pinananatili ang mga sinaunang dobleng porma (κρόμμυον – κρεμ-μυον, ράξ – ρώξ atbp.). Ayon sa mga lingguwistika, ipinapahiwatig ng naturang mga penomeno na ang itong mga katangian ay nabubuhay mula sa Koine, na nagkaroon naman ng hindi mabilang diyalekto sa mundo Grekopono.

Mga kaibahan ng Griyegong Atiko sa Koine

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagkakaiba ang Koine sa Sinaunang Griyego sa maraming paraan: ang balarila, pagkabuong pansalita, bokabularyo, at ponolohiya (sistema ng mga tunog).

Mga kaibahan sa balarila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ponolohiya ng Griyego sa Bagong Tipan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilang mga teksto sa Koine

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinapakita ng susunod na mga teksto ang mga pagbabago sa Griyegong Atiko sa lahat ng mga aspekto — ang balarila, morpolohiya, at bokabularyo — at maaaring tayong hinuhain ang mga pagbabago sa ponolohiya.

Inilalarawan ng mga susunod na komentaryo ang kaunlarang ponolohiko sa loob ng panahon ng Koine. Hipotetiko ang mga transkripsiyong ponetiko at ang layon ay ilarawan ang dalawang yugto sa kaunlaran na muling niyayari: ang isang maagang konserbatibong uri na malapit pa sa Klasikong Atiko, at ang isang medyo mas huling, mas progresibong uri na sa ilang mga aspekto ay nilalapitan ang Modernong Griyego.

Isang Romanong kautusan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang susunod na halaw, mula sa isang kautusan ng Senado ng Roma sa bayan ng Tisbe (Sinaunang Griyego: Θίσβη) sa Beosya (Sinaunang Griyego: Βοιωτία) noong 170 BK, ay ipinapakita sa isang pagbigkas na muling niyayari na kinakatawan ang isang hipotetikong konserbatibong uri ng Grigeyong Koine (sa pangunahing lupain) sa maagang panahong Romano. Ipinapakita ng transkripsiyon ang pagtaas ng η sa /eː/, ang parsyal pagtaas ng ῃ at ει sa /iː/, ang pagpapanatili ng diin, at ang pagpapanatili ng /h/ sa simula ng mga salita.

περὶ ὧν Θισ[β]εῖς λόγους ἐποιήσαντο· περὶ τῶν καθ᾿αὑ[τ]οὺς πραγμάτων, οἵτινες ἐν τῇ φιλίᾳ τῇ ἡμετέρᾳ ἐνέμειναν, ὅπως αὐτοῖς δοθῶσιν [ο]ἷς τὰ καθ᾿ αὑτοὺς πράγματα ἐξηγήσωνται, περὶ τούτου τοῦ πράγματος οὕτως ἔδοξεν· ὅπως Κόιντος Μαίνιος στρατηγὸς τῶν ἐκ τῆς συνκλήτου [π]έντε ἀποτάξῃ οἳ ἂν αὐτῷ ἐκ τῶν δημοσίων πρα[γμ]άτων καὶ τῆς ἰδίας πίστεως φαίνωνται.
[peri hoːn tʰizbîːs lóɡuːs epojéːsanto; peri toːn katʰ hautùːs praːɡmátoːn, hoítines en tiː pʰilíaːi tiː heːmetéraːi enémiːnan, hópoːs autois dotʰôːsin hois ta katʰ hautùːs práːɡmata ekseːɡéːsoːntai, peri túːtuː tuː práːɡmatos húːtoːs édoksen; hópoːs ˈkʷintos ˈmainios strateːɡòs toːn ek teːs syŋkléːtuː pénte apotáksiː, hoi an autoːi ek toːn deːmosíoːn praːɡmátoːn kai teːs idíaːs písteoːs pʰaínoːntai]
Tungkol sa mga usapin na kinatawan ng mga mamamayan ng Tisbe. Tungkol sa kanilang sariling mga gawain: ginawa ang susunod na desisyon tungkol sa panukala, na ang mga tao na patuloy na totoo sa ating pagkakaibigan ay dapat ibigay ang mga pasilidad para mamahala ng nilang sariling mga gawain: na dapat hirangin ng nating praetor/gobernador, ni Quintus Maenius, ang limang miyembro ng Senado, na sa kanya parang angkop ayon sa kanilang publikong mga gawa at sa indibiduwal na kabutihan.

Ang Griyegong Bagong Tipan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang susunod na halaw, ang simula ng Ebanghelyo ni Juan, ay ipinapakita sa isang pagbigkas na muling niyayari na kinakatawan ang isang progresibong popular na uri ng Koine noong muling panahong Kristiyano. Ang mga bagong katangian ay sumasaklaw: ng kawalan ng haba ng patinig, ng monoptongisasyon (Ingles: monophthongization), ng transisyon sa iaang asento ayon sa diin, at pagtaas ng η sa /i/.

Ἐν ἀρχῇ ἦν ὁ λόγος, καὶ ὁ λόγος ἦν πρὸς τὸν θεόν, καὶ θεὸς ἦν ὁ λόγος. οὗτος ἦν ἐν ἀρχῇ πρὸς τὸν θεόν. πάντα δι᾽ αὐτοῦ ἐγένετο, καὶ χωρὶς αὐτοῦ ἐγένετο οὐδὲ ἕν ὃ γέγονεν. ἐν αὐτῷ ζωὴ ἦν, καὶ ἡ ζωὴ ἦν τὸ φῶς τῶν ἀνθρώπων. καὶ τὸ φῶς ἐν τῇ σκοτίᾳ φαίνει, καὶ ἡ σκοτία αὐτὸ οὐ κατέλαβεν.
[ˈen arˈkʰi in o ˈloɣos, ke o ˈloɣos im bros to(n) tʰeˈo(n), ke tʰeˈos in o ˈloɣos. ˈutos in en arˈkʰi pros to(n) tʰeˈo(n). ˈpanda di aɸˈtu eˈʝeneto, ke kʰoˈris aɸˈtu eˈʝeneto ude ˈen o ˈʝeɣonen. en aɸˈto zoˈi in, ke i zoˈi in to pʰos ton anˈtʰropon; ke to pʰos en di skoˈtia ˈpʰeni, ke i skoˈti(a) a(ɸ)ˈto u kaˈtelaβen]
1 Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. 3 Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. 4 Nasa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. 5 Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Bubenik, V. (2007). "The rise of Koiné". Sa A. F. Christidis (pat.). A history of Ancient Greek: from the beginnings to late antiquity (sa wikang Ingles). Cambridge: University Press. pp. 342–345.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Horrocks, Geoffrey (1997). "4–6". Greek: a history of the language and its speakers (sa wikang Ingles). London: Longman.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Horrocks, Geoffrey C. (2010). Greek: a history of the language and its speakers (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). London: Longman. p. xiii. ISBN 978-1-4051-3415-6. Nakuha noong 14 Setyembre 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. A history of ancient Greek by Maria Chritē, Maria Arapopoulou, Centre for the Greek Language (Thessalonikē, Greece) pg 436 ISBN 0-521-83307-8
  5. Augsburg.
  6. "Magandang Balita Biblia, Juan 1:1–5".
  1. Sic — mali ang Latin, pero ay nasa pinagkukunan.
  2. Ang Lating glosa sa pinagkukunan ay mecum "kasama ko", pero ang Griyego ay μεθ' ἡμῶν "kasama tayo".
  3. Sa kabilang banda, hindi ang lahat ng mga iskolar ay pumapayay na ang Pontikong pagbigkas ng η bilang ε ay isang arkaismo. Bukod sa improbabilidad na ang pagbababgo ng tunog ng /ɛː/>/e̝(ː)/>/i/ ay hindi nangyari sa itong mahalagang rehiyon ng Imperyong Romano, itinatala ni Horrocks na naisusulat ang ε sa ilang mga konteksto imbes na anumang titik na kinakatawan ang /i/ sa ibang mga diyalekto — e.g. ι, ει, οι, o υ, na hindi kailanmang binigkas na /ɛː/ sa sinaunang Griyego — hindi lang η (c.f. όνερον, κοδέσπενα, λεχάρι para sa ulirang όνειρο, οικοδέσποινα, λυχάρι.) Kaya ipinalalagay ni Horrocks ang itong katangian ng Sinaunang Griyego sa paghina ng mga patinig, kahalintulad sa ligta ng mga patinig na hindi binigyang-diin. Horrocks (2010: 400)








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Griyegong_Koine

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy