Content-Length: 88961 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Malayang_Unibersidad_ng_Berlin

Malayang Unibersidad ng Berlin - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Malayang Unibersidad ng Berlin

Mga koordinado: 52°27′11″N 13°17′26″E / 52.453055555556°N 13.290555555556°E / 52.453055555556; 13.290555555556
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pangunahing pasukan sa Campus Dahlem

Ang Malayang Unibersidad ng Berlin (Aleman: Freie Universität Berlin, Ingles: Free University of Berlin, madalas dinadaglat bilang FU Berlin o FU) ay isang unibersidad para sa pananaliksik na matatagpuan sa Berlin, Alemanya. Isa ito sa mga pinakakinikilalang unibersidad ng Alemanya, na kilala sa pananaliksik sa humanidades at agham panlipunan, pati na rin sa larangan ng natural na agham at biyolohiya.

Ang Malayang Unibersidad ay itinatag sa noo'y Kanlurang Berlin noong 1948 na nakatanggap ng suportang Amerikano sa panahon ng unang bahagi ng Cold War bilang isang de facto na pagpapatuloy ng Kanluran sa Pamantasang Frederick William, na na matatagpuan sa Silangang Berlin na naharap sa malakas na komunistang panunupil; ang pangalan nito ay tumutukoy sa katayuan ng Kanlurang Berlin bilang bahagi ng malayang daigdig ng kanluran na iba sa tinatawag nilang "di-malayang" daigdig na komunista sa pangkalahatan at "di-malayang" pamantasang kontrolado ng mga komunista sa Silangang Berlin.

Ang Malayang Unibersidad ng Berlin ay isa sa 11 pamantasang elit na Aleman na bahagi ng German Universities Excellence Initiative.

52°27′11″N 13°17′26″E / 52.453055555556°N 13.290555555556°E / 52.453055555556; 13.290555555556 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Malayang_Unibersidad_ng_Berlin

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy