Content-Length: 104553 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Paglipad_sa_kalawakan

Paglipad sa kalawakan - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Paglipad sa kalawakan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang paglipad sa kalawakan (Ingles: spaceflight) ay ang kaganapan ng pagpapalipad ng isang kuwitis papunta sa kalangitan. Ang layunin at tungkulin ng isang paglipad sa kalawakan ay ang upang makapaglakbay nang matagumpay ang isang kuwitis na lumalagos sa kalawakan. Maaaring isagawa ang pagpapalipad sa kalawakan na mayroong sakay na mga tao o walang lulang mga tao. Ang mga halimbawa ng mga misyon ng paglipad sa kalawakan na mayroong sakay na mga tao ay ang programang Soyuz ng Rusya, programa ng sasakyang pang-alangaang (space shuttle program) ng Estados Unidos, at ang Pandaigdigang Himpilang Pangkalawakan. Ang mga halimbawa naman ng mga pagpapalipad sa kalawakan na walang nakalulang mga tao ay ang pagpapadala sa kalawakan ng mga pangsiyasat na pangkalawakan at satelayt (na umoorbit sa paligid ng Mundo). Ang mga ito ay umaandar o nagsasagawa ng mga tungkulin sa pamamagitan ng kontrol na telerobotiko o maaaring kumikilos nang mag-isa at sa sarili nilang kusa.

Ang paglipad sa kalawakan ay ginagamit para sa panggagalugad ng kalawakan, katulad ng mga misyong may tao na papunta sa buwan ng Mundo o mga misyong walang tao na papunta sa mga planetang nasa sistemang solar. Maaari ring gamitin ang paglipad sa kalawakan para sa turismo at mga telekomunikasyong ginagamitan ng mga satelayt. Nagsisimula ang isang paglipad sa kalawakan sa pamamagitan ng isang paglulunsad ng isang kuwitis, na nagbibigay ng sapat na lakas o enerhiya upang malabanan ang puwersa ng grabidad ng Mundo. Nagbibigay din ito ng tulin, upang makaalis mula sa atmospera ng Mundo. Kapag nasa kalawakan na ang kuwitis, pinagmamasdan ang galaw ng kuwitis at pinag-aaralan ng mga siyentipikong nasa Mundo. Mayroong ilang mga kuwitis na nananatili na lamang sa kalawakan, mayroong ilang nawawasak kapag muling pumasok sa atmospera ng Mundo, habang ang iba naman ay maaaring tumama sa ibang mga planeta.

SasakyanAstronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Sasakyan at Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Paglipad_sa_kalawakan

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy