Unang Digmaang Opyo
Unang Digmaang Opyo | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng ang Digmaang Opyo | |||||||||
| |||||||||
Mga nakipagdigma | |||||||||
Tsinang Qing | Nagkakaisang Kaharian | ||||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||||
Emperador Daoguang Lin Zexu |
Charles Elliot Anthony Blaxland Stransham | ||||||||
Lakas | |||||||||
Mga barkong panlaban | Mga barkong panlaban | ||||||||
Mapapansin na mas luma ang mga barkong ginamit ng mga Tsino dahil kahoy pa ang mga ibang kagamitan nito. |
Ang Unang Digmaang Opyo (Tsino: 第一次鴉片戰爭; pinyin: Dìyīcì Yāpiàn Zhànzhēng), kilala din bilang Digmaang Opyo o ang Digmaang Anglo-Sino ay isang serye ng mga sagupaang militar sa pagitan ng pakikipaglaban ng Britanya at ng Dinastiyang Qing ng Tsina sa loob ng mga taon mula 1839 hanggang 1842. Ang kagyat na isyu ay ang pagpapatupad ng mga Tsino ng pagbabawal ng kalakalan ng opyo sa pamamagitan ng pagsamsam ng mga pribadong kalakal ng opyo mula sa mga mangangalakal sa Canton at binantaan na magpataw ng kaparusahang kamatayan sa mga lalabag sa hinaharap. Sa kabila ng pagbabawal sa opyo, sinuporta ng pamahalaang Briton ang paghahabol ng mga mangangalakal para sa nasakoteng produkto, at pinilit ang prinsipyo ng malayang kalakalan at pantay na pagkilala ng Tsina. Ang opyo ang nag-iisang pinakakumikitang kalakal ng ika-19 na dantaon. Pagkatapos ng mga buwan ng mga tensyon sa pagitan ng dalawang bansa, inilunsad ng hukbong-dagat ng mga Briton ang isang ekspedisyon noong Hunyo 1840, na natalo sa huli ang mga Tsino noong Agosto 1842 sa pamamagitan paggamit ng mga Briton ng mas superyor sa teknolohiya. Pinataw ng mga Briton ang Kasunduan sa Nanjing, na pinuwersa ang Tsina na dagdagan ang banyagang kalakalan, magbigay ng kompensasyon, at isuko ang Hong Kong sa mga Briton. Dahil dito, nagpatuloy ang kalakalan ng opyo sa Tsina. Tinuturing ng mga nasyonalista ng ikadalawapung siglo ang 1839 bilang ang siglo ng kahihiyan, at maraming mga dalubhasa sa kasaysyan ang nagsasabi na ito ang simula ng makabagong kasaysayan ng Tsina.
Noong ika-18 dantaon, nalikha ng pangangailangan ng mga produktong luho (partikular ang seda, porselana, at tsaa) ang isang kawalan ng balanse ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Britanya. Bumuhos ang pilak ng Europa sa Tsina sa pamamagitan ng Sistemang Canton, na nilimita ang paparating na banyagang kalakalan sa silangang bahagi ng puwertong lungsod ng Canton. Upang kontrahin ang kawalan ng balanse, nagsimula ang Kompanya sa Silangang Indiya na matanim ng opyo sa Bengal at pinahintulot ang pribadong mangangalakal na Briton na ibenta ang opyo sa mga kontrabandistang Tsino para sa ilegal na pagbenta sa Tsina. Binaligtad ng pagdagsa ng narkotiko ang labis na kalakalang Tsino, na sinaid ang ekonomiya ng pilak, at tumaas ang bilang mga adik sa opyo sa loob ng bansa, ang mga kinalabasan nagdulot sa seryosong pag-alala ng mga opisyal na Tsino.
Noong 1839, ang Daoguang Emperador, na tinanggihan ang panukala na gawing legal at buwisan ang opyo, ay hinirang ang Birrey Lin Zexu upang pumunta sa Canton upang ganap na ipatigil ang kalakalan ng opyo.[1] Sumulat si Lin ng isang bukas na liham kay Reyna Victoria, na hindi niya nakita, na umaapela sa kanyang moral na responsibilidad upang itigil ang kalakalang opyo.[2][3][4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Fay (2000) p. 73 (sa Ingles).
- ↑ Fay (2000) p. 143. (sa Ingles)
- ↑ "digital china/harvard: Letter of Advice to Queen Victoria". cyber.harvard.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-23.
- ↑ "Longman World History". wps.pearsoncustom.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-23.