Content-Length: 111424 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Unlapi

Unlapi - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Unlapi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang unlapi ay isang panlapi na nilalagay bago ang ugat ng isang salita.[1] Kapag nadagdag ito sa simula ng isang salita, binabago nito ang salita sa ibang salita. Halimbawa, kapag ang unlaping pa ay nilalagay sa saway, nalilikha nito ang salitang pasaway.

Ang mga unlapi, tulad ng ibang mga panlapi, ay maari maging impleksyonal, nililikha ang isang bagong anyo ng isang salita na may parahong pinagbabatayang kahulugan at parehong leksikong kategorya (ngunit iba ang ginagampanan sa pangungusap), o maaring deribasyonal o hinango, nililikha ang isang bagong salita na may isang semantikong kahulugan at minsan ay mayroong ibang leksikong kategorya.[2] Ang unlapi tulad ng ibang panlapi ay kadalasang isang morpemang nakatali o lilitaw lamang bilang bahagi ng isang mas malaking salita.[1]

Ang salitaing unlapi mismo ay binubuo ng salitang-ugat na lapi (nangangahulugang "pag-iisa" sa kasong ito) at unlaping un (nangangahulugang "nasa unahan").

Sa Tagalog at Filipino

Talaan ng mga unlapi

Unlapi Kahulugan Halimbawa Kumento
ka- isang tao o bagay na bahagi isang pinaghalong buo kausap, "kasamang indibiduwal na kinakausap" Sinasabing kapareho ito ng hulaping -er sa Ingles.[3]
mag- (gamit sa pangngalan) dalawang tao o bagay na may kaugnayan sa isa't isa mag-asawa, "dalawang indibiduwal na kasal"
mag-, ma- (gamit sa pandiwa) pinahahawatig nito ang aksyon sa hinaharap o nagpapagawa ng isang utos (1) maglilinis "gawing malinis ang isang bagay sa hinaharap"
(2) matutulog "magiging tulog sa hinaharap"
(3) maglaba "pautos na gawin ang paglalaba"
nag-, na- pinahahawatig nito ang aksyong nagdaan o sa kasalukuyan (1) naglalaro "kasalukuyang gumagawa ng laro"
(2) nagbihis "tapos na sa pagbibihis"
(3) nanood "tapos na sa panonood"
pag- ang pagsasagawa ng aksyon pagsulat, "paggawa ng sulat"
pa- isang bagay na pinapakiusap o pinapagawa padala, "pakiusap na dalhin ang isang bagay"
pan-, pam-, pang-, pa- isang bagay na ginagamit para ganapin ang aksyon (1) panlunas "isang bagay na ginagamit para sa magbigay lunas"
(2) panghukay "isang bagay na ginagamit para hukayin ang isang bagay"
(3) pambahay "isang bagay na ginagamit para sa o kapag nasa bahay"
(4) pamalo "isang bagay na ginagamit para sa pagpalo"
Ginagamit ang pan- sa mga salitang nagsisimula sa titik d, l, r, s, o t samantalang ginagamit ang pam- sa mga salitang nagisimula sa titik b o p.[4] Ginagamit naman ang pang- sa mga salitang nagsisimula sa kahit anong patinig (a, e, i, o at u) at mga katinig na g, h, k, m, n, ng, w, at y.[4] Kapag ang salitang pandiwa ay nagsisimula sa mga ponemang p, t, s, o k, kadalasang nagagamit ang pa- bilang alternatibong anyo at nawawala ang ponema tulad ng sa pampunas na nagiging pamunas, pantakip na nagiging panakip at pangkulay na nagiging pangulay.[5] Walang pamantayang ginagamit kapag ang salita ay nagsisimula sa c, f, ñ, j, q, v, o z ngunit kadalasang ginagamit ang pang- tulad ng sa pang-jogging.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Wilson 2011, p. 152–153.
  2. Beard, Robert (1998). "She Derivation". The Handbook of Morphology (sa wikang Ingles). Blackwell. pp. 44–45.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Palmer, Russell S.; Rader; Clarito, Art D. "Every Affix Is an Archipelago: Tagalog Ka- as a Semantic Partial". questia.org. Southwest Journal of Linguistics. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-21. Nakuha noong 2019-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Welcome to the Filipino UCCLLT Project- Tuloy Po Kayo Sa Filipino UCCLLT Proyekto". www.language.berkeley.edu (sa wikang Ingles at Tagalog). University of California, Berkeley. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-12. Nakuha noong 2019-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Schachter, Paul; Otanes, Fe T. (1983-01-01). Tagalog Reference Grammar (sa wikang Tagalog at Ingles). University of California Press. ISBN 9780520049437.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Unlapi

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy