Reikiavik
Ang Reikiavik (Islandes at Inggles: Reykjavík) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Islandia. Ang kinalalagyan nitong 64°08' pa-hilaga ay ang dahilan kaya ito ang pinaka-hilagang kabisera ng isang soberanong bansa. Matatagpuan ito sa timog-kanlurang Islandia, sa baybaying timog ng Faxafloi Bay. Sa populasyong 120,000 (at humigit sa 200,000 sa kalakhang Reikiavik), ito ang sentro ng mga gawaing pang-ekonomiya at pampamahalaan ng Islandia.
Reykjavik Reykjavík | |||
---|---|---|---|
| |||
Mga koordinado: 64°08′51″N 21°56′06″W / 64.1475°N 21.935°W | |||
Bansa | Iceland | ||
Lokasyon | Reykjavíkurborg, Capital Region, Iceland | ||
Itinatag | 1786 | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 274,538,739 km2 (106,000,000 milya kuwadrado) | ||
Populasyon | |||
• Kabuuan | 139,875 | ||
• Kapal | 0.00051/km2 (0.0013/milya kuwadrado) | ||
Kodigo ng ISO 3166 | IS-0 | ||
Wika | Wikang Islandes | ||
Websayt | https://reykjavik.is/ |
Ang Reikiavik ay pinaniniwalaan ng unang lugar na tinirahan na pangmatagalan sa Islandia, na sinasabing itinaguyod ni Ingólfur Arnarson noong bandang 870. Bago mag ika-18 siglo, walang mga estrukturang urbano sa kinatatayuan ng lungsod. Ang lungsod ay itinatag noong 1786 bilang opisyal na bayang pangkalakalan at unti-unting lumaki sa pagdaan ng mga dekada, at sa gayon ito ay naging sentrong panrehiyon, at sa kalaunan pambansa, ng mga gawaing pangnegosyo, pantao at pampamahalaan.[3]
Mga Kawing Panlabas
baguhin- Official website (sa wikang Islandes)
- Visit Reykjavík - sa Inggles
- Live webcam to Reykjavíkurtjörn Naka-arkibo 2011-07-22 sa Wayback Machine.
- Gabay panlakbay sa Reikiavik mula sa Wikivoyage
Mga sanggunian
baguhin- ↑ https://statice.is/statistics/population/inhabitants/municipalities-and-urban-nuclei/; hinango: 11 Hulyo 2023.
- ↑ https://statice.is/statistics/population/inhabitants/municipalities-and-urban-nuclei/.
- ↑ "The Complete History of Reykjavik". Guide to Iceland (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-13.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.