Kaharian (biyolohiya)

(Idinirekta mula sa Kingdom (biology))

Mula sa taksonomiya ng biyolohiya, ang kaharian (Ingles: kingdom) ay isang kahanayang pang-taksonomiya na maaaring (batay sa kasaysayan) ang pinakamataas na ranggo, o (ayon sa bagong pamamaraang may-tatlong dominyo) ang hanay sa ilalim ng dominyo. Nahahati ang bawat kaharian sa mas maliliit na mga kalipunang tinatawag na kalapian. Sa kasalukuyan, gumagamit ang mga araling-aklat mula sa Estados Unidos ng pamamaraang may anim na kaharian: Animalia, Plantae, Fungi, Protoctista, Archaea, at Monera; habang ang mga saligang-aklat naman sa Britanya at Australia ay naglalarawan ng limang kaharian: Animalia, Plantae, Fungi, Protista, at Prokaryota o Monera.

LifeDomainKingdomPhylumClassOrderFamilyGenusSpecies
The hierarchy of biological classification's eight major taxonomic ranks. Padron:Biological classification/core Intermediate minor rankings are not shown.

Kinilala ni Carolus Linnaeus ang dalawang kaharian ng mga nabubuhay na nilalang: Animalia para sa mga hayop at Vegetabilia para sa mga halaman (ibinalangkas din ni Linnaeus ang mga mineral, na nilagay niya sa ikatlong kaharian na Mineralia). Pinagpangkat-pangkat ni Linnaeus ang bawat kaharian sa mga klase, na nang lumaon ay tinipon bilang kalapian para sa mga hayop at dibisyon para sa mga halaman.

Unti-unti naging maliwanag kung gaano kahalaga ang pagkilala sa pagkakaiba ng mga prokaryote at eukaryote, at pinatanyag nina Stanier at van Niel ang mungkahi ni Chatton noong mga dekada ng 1960.[1]

Limang kaharian

baguhin

Kinilala ni Robert Whittaker ang isang karagdagang kaharian ng mga Fungus. Ang kinalabasang pamamaraang may-limang kaharian, na iminungkahi noong 1968, ay naging tanyag na pamantayan, at ginagamit pa rin sa maraming mga akda dahil sa ilang pagpipino nito. Ito rin ang humubog ng naging batayan para sa mga mas bagong pamamaraang may maraming-kaharian. Pangunahin itong ibinatay sa mga kaibahan sa mga kinakain: karaniwan sa kaniyang Plantae ay mga multiselular (may maraming selula) na awtotropo, ang kaniyang Animalia naman ay mga multiselular na heterotropo, at ang kaniyang Fungi ay mga multiselular na saprotropo. Ang nalalabing dalawang mga kaharian, ang Protista at Monera, ay kinabibilangan ng mga kolonya ng mga may isang selula (uniselular) at mga may payak-na-selula.[2]

Anim na kaharian

baguhin

Sa loob ng mga taon ng dekada 1980, nagkaroon ng pagtutuon at pagdiriin ng pansin sa piloheniya at sa pagbibigay ng bagong kahulugan sa mga kaharian: na ang mga ito ay mga grupong monopiletiko, mga grupong binubuo ng mga magkakaugnay, lubhang magkakalapit, at magkakamag-anak na mga nilalang. Pangkalahatang ibinaba ang mga Animalia, Plantae, at Fungus sa mga punong-grupo ng mga magkakalapit at magkakamag-anak na mga kaanyuhan, at ang iba naman ay inilagay sa loob ng mga Protista. Batay sa mga pag-aaral ng rRNA, hinati ni Carl Woese ang mga prokaryota (kaharian-Monera) sa dalawang kaharian, na tinawag na Eubacteria at Archaebacteria. Sinubukan ni Carl Woese na makapagtatag ng isang pamamaraang may Tatlong Pangunahing kaharian (o Urkaharian, Urkingdom) kung saan ang mga halaman, mga hayop, Protista, at mga Fungus ay pinagkumpul-kumpol sa loob ng isang pangunahing kaharian ng lahat ng mga eukaryota. Binubuo ng Eubacteria at Archaebacteria ang iba pang dalawang mga urkaharian. Kumakatawan ang unang paggamit ng "pamamaraang may anim na kaharian" sa paghahalu-halo ng isinaunang pamamaraang may Limang mga kaharian at ng pamamaraang may Tatlong kaharian ni Woese. Naging pamantayan ng maraming mga akda ang ganitong mga pamamaraang may anim na kaharian.[3]

 
Isang paglalarawan ni Ernst Haeckel ng pamamaraang may-tatlong kaharian (Plantae, Protista, at Animalia) sa kaniyang Generelle Morphologie der Organismen (Pangkalahatang Morpolohiya ng mga Nilalang), noong 1886.

Naimungkahi ang sari-saring mga bagong kaharian-eukaryota, subalit karamihan ay madaliang iwinaksi, ibinaba sa kahanayan ng mga lapi o mga klase, o kaya'y ipinagwalang-bahala. Ang tanging kaisa-isang at karaniwang ginagamit pa ay ang kaharian-Chromista na iminungkahi ni Cavalier-Smith, kasama na ang mga nilalang na katulad ng mga kelp, diyatoma, at amag-tubig. Samakatuwid, hinati ang mga eukaryota sa tatlong pangunahing mga kalipunang heterotropiko: ang Animalia, Fungi, at Protosoa; at ang dalawang pangunahing mga kalipunang potosintetiko: ang Plantae (kabilang ang pula at luntiang alga) at Chromista. Ngunit, hindi ito ganap na ginamit dahil sa hindi pagkakaroon ng katiyakan hinggil sa pagkakaisa ng sari (ang monopilya o monosari) ng huling dalawang mga kaharian.

Binigyan ng diin ni Woese ang pagkakaroon ng pagkakatulad na henetiko sa ibabaw ng mga panlabas na itsura at ugali, na bumabatay sa mga paghahambing ng hene ng ribosomal na RNA (ribonucleic acid, asidong ribonukleyiko) sa antas na molekular upang masuri't mapili ang mga kategoryang gagamitin para sa pagtitipun-tipon. Hindi kawangis ng halaman ang mga hayop, ngunit sa antas na pang-selula, kapwa grupo ay mga eukaryota, na may pagkakapareho sa pagsasama-samang subselular (sa panloob na pang-ilalim ng selula), kabilang na ang nukleyus ng selula, na wala sa mga Eubacteria at Archaebacteria. At higit na mas mahalaga, ang mga halaman, hayop, fungus, at protista ay mas magkakahawig sa isa't-isa sa kanilang balangkas na pang-henetika (balangkas na pinagmanahan) sa antas na molekular, batay sa mga pag-aaral ng rRNA, sa halip na kalapit pala ng mga Eubacteria o Archaebacteria. Napag-alaman din ni Woese na ang lahat ng mga eukaryota, kapag pinagsama bilang isang grupo, ay higit na mas magkakalapit at magkakaanak, ayon sa henetiko, sa mga Archaebacteria sa halip na kalapit ng mga Eubacteria. Ibig sabihin lamang nito na ang mga Eubacteria at Arachaebacteria ay magkahiwalay na mga grupo kahit na ihambing sa mga eukaryota. Kung kaya't itinatag ni Woese ang pamamaraang may-tatlong dominyo, bilang paglilinaw na ang lahat ng mga Eukaryota ay higit na mas magkalapit pang-henetiko kung ihahambing sa kanilang mga kaugnayang pang-henetiko sa bacteria man o sa archaebacteria, na hindi kinakailangang palitan ng Pamamaraang May-Tatlong kaharian ang mga Pamamaraang May-Anim na kaharian.

Ang pamamaraang may Tatlong Dominyo o Sakop ay isang "pamamaraang may anim na kaharian" na pinagkakaisa ang mga kaharian-pang-eukaryota sa loob ng Dominyong Eukarya ayon sa kanilang mga kalapit na henetiko o pinagmanahang mga pagkakahawig kung ihahambing sa Dominyon ng Bacteria at sa Dominyong Archaea. Kinilala rin din Woese na ang kaharian-Protista ay hindi siang monopiletikong grupo at maaari pang lubos na hatiin sa antas ng kaharian. May mga iba ring naghati ng kaharian-Protista sa mga Protosoa at Chromista, bilang halimbawa.

Mga bagong kaunlaran

baguhin

Noong 1998, hinati ni Cavalier-Smith ang Protista sa 2 bagong mga kaharian: Kromista, ang grupong pilohenetiko (phylogenetic) ng mga ginintuan-kayumangging mga alga na kabilang ang mga alga na ang mga kloropasta (chloroplast) ay naglalaman ng mga kloropila (chlorophyll) a at c, at maging ang iba't ibang mga walang-kulay na mga kahawig na kamag-anakan nila, at Protosoa, ang kaharian ng mga protosoan.

Mga imperyo Mga kaharian
Prokaryota Bacteria
Eukaryota Animalia Plantae Fungi Chromista Protozoa
  • Cavalier-Smith, T. 2004. Only six kingdoms of life (Anim lamang na kaharian ng buhay). Proc. R. Soc. Lond. B 271: 1251-1262. (pdf pindutin).

Ang pagpapangkat-pangkat ay isang gumagalaw na larangan ng pananaliksik at usapin. Sa pagdating mga bagong pagtuklas at teknolohiya, pinahihintulutan ang pagpipino ng balangkas. Halimbawa, ang mga pamamaraan sa pagsusunud-sunod ng mga hene ay nakapagpapahintulot sa paghahambing ng mga henom ng iba't ibang mga grupo (Pilohenomiks), isang pag-aaral na inilimbag ni Fabien Burki (at iba pa) noong 2007.[4] proposes four high level groups of eukaryotes based on phylogenomics research.

  1. Plantae (luntian at pulang alga, at mga halaman)
  2. Mga Opisthokont (mga ameba, fungus, at hayop)
  3. Excavata (mga malalaya at parasitikong protista)
  4. SAR (daglat para sa mga Stramenopile, Alveolate, and Rhizaria – mga pangalan ng ilan sa mga kasama dito. Napagalaman ni Burki na ang dating magkahiwalay na grupong Rhizaria at mga Chromalveolate ay higit na magkahawig sa 123 karaniwang hene, hindi katulad noong unang kaisipan hinggil sa mga ito.)
Linnaeus
1735
2 kaharian
Haeckel
1866[5]
3 kaharian
Chatton
1937[6]
2 imperyo
Copeland
1956[7]
4 na kaharian
Whittaker
1969[2]
5 kaharian
Woese atbp.
1977[3]
6 na kaharian
Woese atbp.
1990[8]
3 dominyo
(walang balangkas) Protista Prokaryota Monera Monera Eubacteria Bacteria
Archaebacteria Archaea
Eukaryota Protista Protista Protista Eukarya
Vegetabilia Plantae Fungi Fungi
Plantae Plantae Plantae
Animalia Animalia Animalia Animalia Animalia

Tandaan lamang na ang mga katumbas na nasa talaang ito ay hindi walang kapintasan: katulad ng pagkakalagay ni Haeckell ng pulang alga (Florideae kay Haeckell; Florideophyceae sa makabago) at bughaw-lunting alga (Archephyta kay Haeckell; Cyanobacteria sa makabago) sa kaniyang Plantae, ngunit sa makabagong pag-aantas ay itinuturing silang mga protist at bacteria, ayon sa pagkakasunud-sunod ng dalawa. Subalit, bagaman dito at sa iba pang mga kabiguan sa pagtutumbas, nakapagbibigay ang tablang talaan ng isang gamiting kapayakan; may kamalian sa talaan dahil sa paguugnay ng mga imperyo kay Chatton, hindi siya ang naghanay ng 2 grupo o maging ang nagbigay ng opisyal ng mga pangalan sa mga ito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. R. Y. Stanier at C. B. van Niel (1962). "The concept of a bacterium (Ang diwa ng isang bakteryum". Arch. Microbiol. 42: 17–35.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 R. H. Whittaker (1969). "New concepts of kingdoms of organisms (Bagong mga diwa sa mga kaharian ng mga organismo)". Science. 163: 150–160.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 C. R. Woese; W. E. Balch; L. J. Magrum; G. E. Fox; R. S. Wolfe (1977). "An ancient divergence among the bacteria (Isang isinaunang pagsasanga sa gitna ng mga bacteria)". Journal of Molecular Evolution (Diyaryo ng Kaunlarang Molekular). 9: 305–311.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Burki, Fabien (Hulyo 26, 2007). "Phylogenomics Reshuffles the Eukaryotic Supergroups (Binalasa ng Pilohenomiks ang mga Supergrupong Pang-Eukaryota)". PLoS ONE (nilathala Agosto 29, 2007). 2 (8): e790. doi:10.1371.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. E. Haeckel (1866). Generelle Morphologie der Organismen (Pangkalahatang Morpolohiya ng mga Organismo). Reimer, Berlin.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. E. Chatton (1937). Titres et travaux scientifiques. Sette, Sottano, Italy.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. H. F. Copeland (1956). The Classification of Lower Organisms (Ang Klasipikasyon ng mga Mababang Organismo). Palo Alto: Pacific Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Carl R. Woese, Otto Kandler, Mark L. Wheelis: "Towards a Natural System of Organisms: Proposal for the domains Archaea, Bacteria, and Eucarya" (Patungo sa isang Likas na Pamamaraan ng mga Organismo: Mungkahi para sa mga dominyong Archaea, Bacteria, at Eucarya), doi:10.1073/pnas.87.12.4576

Tingnan din

baguhin

Mga talaugnayang panlabas

baguhin
  1. Ang diwa ng limang kaharian (Ingles) Naka-arkibo 2008-02-19 sa Wayback Machine.
  2. Pagpapangkat-pangkat ni Whittaker (Ingles) Naka-arkibo 2008-01-05 sa Wayback Machine.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy