Aksidente sa minahan ng Copiapó, 2010
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Ang pagsagip sa San José de Copiapó on 5 Agosto 2010 | |
Petsa | 5 Agosto 2010 | –13 Oktubre 2010 (69 days)
---|---|
Oras | 14:05 CLT (UTC -3) |
Lokasyon | Copiapó, Chile |
Ang aksidente sa minahang Copiapó noong 2010 ay naganap noong 5 Agosto 2010, noong bumigay ang bahagi ng minahan ng ginto at tanso sa San Jose, na nagpatibong sa 33 katao sa ilalim ng lupa. Nabuhay ang mga minero sa ilalim ng lupa sa loob ng 69 araw.[1][2] Nailigtas ang lahat ng mga minero at naiahon sa ibabaw ng lupa noong 13 Oktubre 2010, at ang unang minero ay naiahon sa pamamagitan ng kapsulang Phoenix bandang 00:10 noong 13 Oktubre 2010.
Matatagpuan ang minahang San Jose sa 45 kilometro hilaga ng Copiapó, sa hilagang Chile. Nabitag ang mga minero sa halos 700 metrong lalim at sa 5 kilometro kung susundin ang pasikut-sikot ng lagusan mula sa pangunahing pasukan. Marami nang kasaysayan ng disgrasya ang nasabing minahan, kabilang na ang isang kamatayan.[3]
Naganap ang pagsagip sa unang minero, si Florencio Ávalos, bandang Martes, 12 Oktubre 2010, 23:55 oras ng Chile, gamit ang kapsulang pansagip Fénix at nakarating sa ibabaw makalipas ang 16 minuto.[4][5] Bandang 21:55, oras ng Chile, naisagip ang lahat ng 33 minero, na lahat ay halos nasa mabuting kalagayan at inaasahang maka-rekober. May isang minero na nagka-pulmonya, at mayroon din na nagkasakit ng impeksiyon sa ngipin at diperensiya sa mata. .[6] Lahat sila ay nagkaroon ng impeksiyon ng fungi sa balat.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Navarrete, Camila (6 Agosto 2010). "Se confirman las identidades de mineros atrapados en mina San José en Región de Atacama" (sa wikang Kastila). Radio Bío Bío. Nakuha noong 12 Oktubre 2010.
- ↑ "Onemi confirma a 33 mineros atrapados en yacimiento en Atacama" (sa wikang Kastila). La Tercera. 6 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Enero 2011. Nakuha noong 12 Oktubre 2010.
- ↑ Haroon Siddique (23 Agosto 2010). "Chilean miners found alive – but rescue will take four months". The Guardian. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Marso 2013. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
- ↑ "First of 33 trapped miners reaches surface". CNN. 12 Oktubre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Oktubre 2010. Nakuha noong 12 Oktubre 2010.
- ↑ "Chile Miners Rescue: Live". Telegraph. 12 Oktubre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-10-13. Nakuha noong 12 Oktubre 2010.
- ↑ Chile Mine Rescue Live BBC News, 13 Oktubre 2010