Simbahang Ortodokso ng Silangan
Ang Simbahang Ortodokso ng Silangan (Ingles: Eastern Orthodox Church) na opisyal na tinatawag na Simbahang Katolikong Ortodokso (Ingles: Orthodox Catholic Church[note 1] at karaniwang tinutukoy bilang Simbahang Ortodokso (Ingles: Orthodox Church),[4] ang ikalawang pinakamalaking simbahan o Iglesiang Kristiyano sa buong mundo [5] na may tinatayang 300 milyong mga deboto [6] na ang pangunahing mga bansa ay ang Belarus, Bulgaria, Cyprus, Georgia, Greece, Macedonia, Moldova, Montenegro, Romania, Russia, Serbia, at Ukraine na ang lahat pangunahing Silangang Ortodokso. Ang sektang ito ay nagtuturo na ito ang Isa, Banal, Katoliko at Apostolikong Iglesia na itinatag ni Hesus at ng kanyang mga apostol mga 2,000 libong taon na ang nakalilipas.
Ang Simbahang Silangang Ortodokso ay binubuo ng ilang mga nangangasiwa sa sariling mga katawang ecclesial na ang bawat isa ay natatangi sa heograpiya at nasyonal ngunit nagkakaisa sa teolohiya. Ang sariling-pinangangasiwaang(o autocephalous) na katawan ay kadalasan ngunit hindi palaging sumasakop sa isang bansa ay pinapastulan ng isang Banal na Sinod na ang tungkulin kabilang sa maraming mga bagay ay ingatan at ituro ang apostoliko, patristikong mga tradisyon at mga kaugnay na pagsasanay ng simbahan. Tulad ng Romano Katolisismo, Komunyong Anglikano, Asiryong Simbahan ng Silangan, Oriental Ortodokso at ilan pang mga simbahan, ang mga obispong Ortodokso ay bumabakas ng kanilang lahi sa mga apostol sa pamamagitan ng proseso ng paghaliling apostoliko.
Binababakas ng Simbahang Silangang Ortodokso ang pagkakabuo nito sa pamamagitan ng Imperyong Byzantine o Imperyo Romano tungo sa sinaunang iglesiang itinatatag ni Apostol Pablo at ng mga Apostol. Sinasanay nito ang pinaniniwalaang nitong orihinal na sinaunang mga tradisyonal na naniniwala sa paglago nang walang pagbabago. Sa mga hindi doktrinal na bagay, ay minsang nakikisalo mula sa mga tradisyong lokal na Griyego, Slaviko, at Gitnang Silangan kabilang pa sa iba na naghuhugis ng pag-unlad kultural ng mga bansang ito. Ang layunin ng mga Kristiyanong Ortodokso mula sa bautismo ay patuloy na dalhin ang kanilang mga sarili tungo sa diyos sa buo nilang mga buhay. Ang prosesong ito ay tinatawag na theosis o deipikasyon at isang pilgrimaheng espiritwal kung saan ang bawat tao ay nagsisikap na maging banal sa pamamagitan ng paggaya kay Hesus at pagpapalago ng panloob na buhay sa pamamagitan ng walang tigial na panalangin(na ang pinakakilala ang Panalangin ni Hesus) o hesychasm hanggang sa mapag-isa sa kamatayan sa apoy ng pag-ibig ng diyos.[7]
Ang kanon na ginagamit ng Silangang Ortodokso ay kinabibilangan ng Griyegong salin ng Tanakh na tinatawag na Septuagint at ang Bagong Tipan. Ito ay kinabibilangan ng pitong mga aklat Deuterocanonical na itinatakwil ng Protestantismo at isang maliit na bilang ng iba pang mga aklat na wala sa Kanlurang Kanon. Ginagamit ng mga Kristiyanong Ortodokso ang terminong "Anagignoskomena" (isang salitang Griyego na nangangahulugang "mababasa" o "karapat dapat basahin") para sa 10 mga aklat na kanilang tinatanggap ngunit wala sa 39 aklat na kanon ng Lumang Tipan sa Protestantismo. Itinuturing ito ng mga Kristiyanong Ortodokso na kagalang galang ngunit sa mas maliit na lebel sa 39 aklat ng kanon ng Tanakh.[8] They do, however, use them in the Divine Liturgy.[9] Naniniwala ang mga Kristiyanong Ortodokso na ang kasulatan ay inihayag ng Banal na Espiritu sa mga kinasihang taong may-akda nito. Gayunpaman, ang mga kasulatan ay hindi ang pinagkukunan ng mga tradisyon na nauugnay sa simbahang ito ngunit ang kabaligtaran. Ang tekstong biblikal ay nagmula sa tradisyong ito. Ito ay hindi rin ang tanging mahalagang aklat sa simbahang Ortodokso. May mga daan daang sinaunang kasulatang patristiko na bumubuo ng tradisyon ng Simbahang Ortodokso. Ang mga Ikono ay matatagpuan na nagpapalamuti ng mga pader ng gusaling Ortodokso at hagiograpiya na kadalasang tumatakip sa panloob na istraktura ng kompleto.[10] Maraming mga tahanang Ortodokso ang may lugar na inilaan para sa panalangin ng pamilya, sulok ng ikono kung saan ang mga ikono ni Hesus, Birheng Marya at mga Santo ay karaniwang inilalagay sa Silangang nakaharap na pader.
Depinisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Halos mula sa pasimula, ang mga Kristiyano ay tumutukoy sa Simbahan o Iglesia(Church) bilang "Isa, Banal, Katoliko(o unibersal) at Apostolikong Simbahan".[11] Sa kasalukuyang panahon, sa karagdagan pa sa Simbahang Ortodokso, ang maraming mga sektang Kristiyano ay nag-aangkin ng titulong ito kabilang dito ang Romano Katolisismo, Anglikano, Unang Pitong Konsehong Ekumenikal, at Simbahang Oriental Ortodokso. Gayunpaman, itinuturing ng Simbahang Ortodokso ang ibang mga sektang ito na schismatiko at sa ilang mga kaso heretikal(mali). Sa pananaw Ortodokso, ang mga Asiryo at Oriental ay lumisan sa Simbahang Ortodokso sa unang mga ilang siglo pagkatapos ni Hesus at kalaunan, ang mga Katoliko ay isinagawa ang parehong bagay na naging pinakamlaking pangkat na lumisan sa Ortodokso. Ang pangyayaring ito ay kilala sa kasaysayan bilang Unang Pitong Konsehong Ekumenikal at ito ay tradisyonal na pinepetsahan na 1054 bagaman ito ay isang dahan dahang proseso kesa sa isang biglaang paghahati.
Ang Ortodokso(Orthodox) mula sa Griyegong orthos ("tama", "totooo", "tuwid") + doxa ("opinyon" o "paniniwala", na kaugnay ng dokein, "mag-isip")[12] ay tinanggap ng Simbahang Ortodokso upang itangi ang sarili nito mula sa mas nagiging malaking katawan ng hindi-ortodoksong mga denominasyong Kristiyano.[13]
Ang ilang mga sinaunang simbahan sa Silangang Europa, Kanlurang Asya at Hilagang Aprika ay gumagamit rin ng salitang Ortodokso ngunit iba mula sa Simbahang Ortodokso na inilalarawan sa artikulong ito.
Typica
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang nagbibigkis sa Ortodokso ang teolohiya o aral. Ang lahat ng mga kasapi ng simbahang ito ay naghahayag ng parehong mga paniniwala anupaman ang lahi o nasyonalidad. Gayunpaman, sa pagsasanay at mga tradisyon, may mga pagkakaiba sa istilo depende sa bansa na pinagmulan o lokal na kagawian o pareho nito. Ang mga lokal na kagawian na ito ay tinutukoy na mga pagkakaiba sa typica at tinatanggap ng mga pinuno ng simbahan dahil ang mga ito ay natatantong hindi sumasalungat sa teolohiya sa mga pundamental na katuruang Orotodokso. Dahil dito, maraming mga Simbahang Ortodokso ay kumuha ng pambansang pamagat(e.g. Albanian Orthodox, Bulgarian Orthodox, Georgian Orthodox, Greek Orthodox, Macedonian Orthodox, Montenegrin Orthodox, Romanian Orthodox, Russian Orthodox, Serbian Orthodox, Ukrainian Orthodox etc.) at ang pamagat na ito ay nagsisilbi upang itangi ang wika, sinong mga obispo at aling typica ang sinusunod ng partikular na kongregasyong ito. Sa Gitnang Silangan, ang mga Kristiyanong Ortodokso ay kadalasan ring tinutukoy bilang Romano(o Rum) Ortodokso dahil sa historikal na koneksiyon nito sa Silangang Romano(Imperyo Byzantine) gaya ng binabanggit sa Kapitulo 30 (Sura Rum) ng Quran. Ang mga kasapi ng simbahang ito ay buong nagkakaisa sa pananampalataya at mga Sagradong Misteryo sa lahat ng mga kongregasyong Ortodokso kahit anupaman ang nasyonalidad. Ang mga pagkakaiba sa praxis(pagsasanay) ay medyo iba. Ang mga ito ay sumasangkot sa mga bagay gaya ng kaayusan kung saan ang isang partikular na hanay ng mga himno ay inaawit o anong oras ang isang partikular na serbisyo ay isinasagawa. Sa pangkalahatan, ang isang Kristiyanong Ortodokso ay maaaring maglakbay sa buong mundo at maging pamilya sa mga serbisyon kahit hindi alam ang wika kung saan ito ipinagdidiwang.
Organisasyon at pamumuno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang permanenteng criteria ng istraktura ng simbahan para sa Simbahang Ortodokso sa kasalukuyan sa labas ng mga kasulatan ng Bagong Tipan ay matatagpuan sa mga kanon(regulasyon at kautusan) ng unang pitong mga konsehong ecumenical; ang mga kanon ng ilang mga lokal o probinsiyal na konseho na ang autoridad ay kinikilala ng buong simbahan; ang mga apostolikong kanon na pinetsahan mula sa ika-4 siglo CE; at ang "mga kanon ng mga Ama" o mga napiling sipi mula sa mga kilalang pinuno ng iglesia na may kahalagahang kanonikal. [14]
Itinuturing ng Simbahang Ortodokso si Hesus bilang pinuno ng Simbahan at ang Simbahan ang kanyang katawan. Kaya sa kabila ng malawak na pinanghahawakang kilalang paniniwala sa labas ng mga kulturang Ortodokso, walang isang obispo sa ulo ng Simbahang Ortodosko. Ang mga reperensiya sa Patriarka ng Constantinople bilang pinuno na katumbas ng papa sa Romano Katoliko ay mali. Pinaniniwalaang ang autoridad at biyaya ng diyos ay direktang ipinasa sa mga obispong Ortodokso at kaparian sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay na isang kasanayan na sinimulan ng mga apostol at ang hindi napapapatid na historikal at pisikal na ugnayan ay mahalagang elemento ng totoong iglesia (Gawa 8:17, 1 Tim 4:14, Heb 6:2). Gayunpaman, isinasaad ng Simbahang Ortodokso na ang paghaliling apostoliko(Apostolic Succession) ay nangangailangan ng Pananampalatayang Apostoliko at ang mga obispong walang Pananampalatayang Apostoliko na nasa heresiya ay nawawalan ng kanilang pag-aangkin sa Paghahaling Apostoliko.[15]
Ang bawat obispo ay may teritoryo(see) na pinangangasiwaan nito. Ang pangunahing tungkulin nito ay siguraduhing ang mga tradisyon at pagsasanay ng Simbahang Ortodokso ay maiingatan. Ang mga obispo ay magkakatumbas sa autoridad at hindi maaaring manghimasok sa huridiksiyon ng isa pang obispo. Sa pangangasiwa, ang mga obispong ito ang mga teritoryo nito ay isinaaayos sa iba't ibang mga pangkat autocephalous groups o mga synod ng obispo na nagtitipon ng hindi bababa sa dalawang beses sa isang taon upang talakayin ang katayuan ng pangyayari sa kanilang mga respektibong see. Bagaman ang mga obispo at ang kanilang mga autocephalous synods ay may kakayahang mangasiwa ng paggabay sa mga indbidwal na kaso, ang mga aksiyon nito ay hindi karaniwang nagtatakda ng presedente na umaapekto sa kabuuang simbahan. Ang mga obispo ay halos palaging pinipili mula sa mga ranggong monastiko at dapat manatiling hindi kasal.
may ilang mga panahon nang ang alternatibong mga ideyang teolohiyal ay lumitaw upang hamunin ang pananampalatayang Ortodokso. Sa gayong mga panahon, itinuring ng Simbahang Ortodokso na kailangang tipunin ang isang pangkalahatang "Dakilang" konseho ng lahat ng mga pwedeng obispo sa buong mundo. Itinuturing ng Simbahang Ortodokso ang Unang Pitong Konsehong Ekumenikal(na isinagawa sa pagitan ng ika-4 at ika-8 siglo CE) na pinakamahalaga. Gayunpaman, nagkaroon pa ng iba na naganap gaya ng mga Synod ng Constantinople, 879–880, 1341, 1347, 1351, 1583, 1819, and 1872, Synod ng Iaşi (Jassy), 1642, at ang Pan-Orthodox Synod ng Herusalem, 1672, na ang lahat ng ito ay nakatulong upang ilarawan ang posisyong Ortodokso.
Ang mga konsehong ecumenical sumunod sa isang anyong demokratiko na ang bawat obispo ay may isang boto. Bagaman presente at pinayagan na magsalita sa harapan ng konseho, ang mga kasapi ng korte ng Imperyo Romano/Byzanting, mga abbot, mga pari, mga monghe at mga laymen ay hindi pinayagang bumoto. Ang pangunahing layunin ng mga Dakilang Synod na ito ay patunayan at pagtibayin ang mga pundamental na paniniwala ng Simbahang Ortodokso bilang katotohanan at alisin bilang heresiya ang anumang maling mga katuruan na nagbabanta sa Simbahang Ortodokso. Ang papa ng Roma sa panahong ito ay humawak ng posisyong “una sa mga katumbas"”. At bagaman ito ay hindi presente sa anumang konseho, patuloy nitong hinawakan ang pamagat na ito hanggang sa paghahati ng Silangan-Kanluran noong 1054 CE.
Ayon sa katuruang Ortodokso, ang posisyong "Una sa mga Katumbas" ay hindi nagbibigay ng karagdagang kapangyarihan o autoridad sa obispo na humahawak nito kundi bagkus ang taong ito ay umuupo bilang organisasyonal na ulo ng konseho ng mga katumbas(tulad ng isang pangulo). Ang mga salita at opinyon nito ay hindi nagdadala ng higit na kabatiran o karunungan kesa sa anumang obispo. Pinaniniwalaan ng Ortodokso na ang Banal na Espiritu ay gumagabay sa Simbahang Ortodokso sa pamamagitan ng mga desisyon ng buong konseho at hindi ng isang indibidwal. Sa karagdagan, nauunawaang kahit ang ang mga desisyon ng konseho ay dapat tinatatanggap ng buong simbahang Ortodokso upang maging balido.
Ang isa sa mga desisyon na ginawa ng Unang Konseho ng Constantinople(ang ikalwang konsehong ecumenical na nagtagpo noong 381 CE) at sinuportahan ng kalaunang mga konseho ay ang Patriarka ng Constantinople ay dapat bigyan ng katumbas na karangalan sa Papa ng Roma dahil ang Constantinople ay itinuturing na "Bagong Roma". Ayon sa ikatlong kanon ng ikalawang konsehong ecumenical: "Dahil ito ang bagong Roma, ang obispo ng Constantinople ay dapat magtamasa ng mga pribilehiyo ng karangalan pagkatapos ng obispo ng Roma". Ito ay nangangahulugang ang parehong ito ay nagtatamasa ng parehong mga pribilehiyo dahil ang mga ito ay parehong mga obispo ng mga kapital ng imperyo ngunit ang obispo ng Roma ay mangunguna sa obispo ng Constantinople dahil ang Lumang Roma ay nanguna sa Bagong Roma. Ang ika-28 kanon ng ikaapat na konsehong ecumenical ay nagliwanag ng puntong ito sa pagsasaad na: "Dahil sa ang mga Ama ay tamang nagkaloob ng mga pribilehiyo sa trono ng Lumang Roma dahil ito ang haring siyudad. Ang ang Isang Daan at Limampung pinaka relihiyong mga Obispo(i.e,. ang ikalawang konsehong ecumenical noong 381 CE) na itinulak ng parehong pagsasaalang alang ay nagbigay ng parehong mga pribilehiyo sa pinabanal na trono ng Bagong Roma, na matuwid na humahatol na ang siyudad na pinararangalan ng Soberanya at Senado at nagtatamasa ng parehong mga pribilehiyo sa lumang imperyal na Roma ay dapat sa mga bagay ecclesiastical ay dapat palakihin gaya niya." Ang Papa ng Roma ay meron paring pangungunang pangkarangalan bago ang Constantinope kung ang Schism na Silangan-Kanluran ay hindi nangyari. Dahil sa schism na ito, hindi na kinikilala ng Simbahang Ortodokso ang lehitimasya ng Papa ng Roma. Ang Patriarka dahil dito tulad ng Papa bago nito ay ngayon nagtatamasa na ang pamagat na "una sa mga katumbas". Gayunpaman, hindi ito nagpapahiwatig na siya ang pinuno ng Simbahang Ortodokso. Gayundin, hindi ito opisyal na pamagat ng anuman kundi bagkus ay paraan ng paglalarawan ng senioridad ng mga obispong imperyal ayon sa lahat ng iba pang mga obispo.
Distribusyon sa buong mundo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bata sa bilang ng mga tagasunod, ang Ortodoksiya ang ikalawang pinakamalaking komunyong Kristiyano sa buong mundo pagkatapos ng Romano Katoliko.[5] Ang mga kasapi ng Ortodokso sa buong mundo ay tinatayang 300 milyon.[6]
Ang Ortodoksiya ang pinakamalaking isang pananampalatayang relihiyoso sa Gresya(95%) at sa Silangang Europa kabilang ang Moldova (93%), Georgia (89%), Romania (87%),[16] Belarus (85%), Serbia (84%),[17] Bulgaria (83%), Cyprus (80%), Ukraine (80%),[18] Russia (75%),[19] Montenegro (74%),[20] at Macedonia (65%).
Ang mga tagasunod ng Ortodoksiya ay kumakatawan sa mga 38% ng populasyon sa Bosnia and Herzegovina. Sa Albania ang mga tagsunod nito ay mga 25% at ang 40% ay kabilang sa Romano Katoliko. Ito ang nananaig na relihiyon sa Kazakhstan at kumakatawan sa 40% ng Kazakhstan, 4% ng Lithuania at 13% oEstonia. Ang mga pamayanang Ortodokso ay umiiral rin sa Lebanon (8% ng populasyon ng Lebanon)[21] Jordan (80%), Israel, West Bank at Gaza Strip (Palestinian Christians). Ang mga minoridad na Ortodokso ay umiiral sa Poland, Slovakia, Hungary (Romanian minority), Turkey at Azerbaijan. May malalaking pamayanang Ortodokso rin sa buong Europa, Aprika, Asya, Australia at Hilagang Amerika. Sa Estados Unidos at Canada, ang Ortodoksiya ay lumalago at sa kasalukuyan ay bumubuo sa pagitan ng 1% at 5% ng buong populasyon.
Mga nota
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ang Simbahang Ortodokso ay tumuturing sa sarili nito bilang kapwa ortodokso at katoliko. Sa mas maaga at patristikong paggamit, ang Simbahan ay karaniwang tumutukoy sa kaniyang sarili bilang "Simbahang Katoliko"[1][2] whose faith was the "Orthodox faith". Such usage is still reflected today in the Orthodox liturgy, e.g. "unite them to your Holy, Catholic and Apostolic Church" (from the litany of the catechumens, Liturgy of St. John Chrysostom). Current convention however, favors the name "Orthodox Church", perhaps partly to avoid confusion with the Roman Catholic Church, especially its Eastern rites. But, especially in official contexts, the Orthodox Church continues to use the title "Catholic Church", and Orthodox authorities such as Saint Raphael of Brooklyn have asserted that the full name of the church includes the term "Catholic" as in "Holy Orthodox Catholic Apostolic Church". The Church is referred to as the "Orthodox Catholic Church" in official church documents and some books.[3]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The encyclopedia of Christianity ISBN 978-90-04-12654-1
- ↑ The Confession of the Orthodox Patriarch Dositheus of Jerusalem ISBN 978-0-8042-0526-9
- ↑ Bishop Kallistos (Ware) (1993). The Orthodox Church. Penguin Books. ISBN 0-14-014656-3. p. 307
"About Orthodoxy". The Orthodox Church. The Diocese of Eastern Pennsylvania, Orthodox Church in America. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-13.
"About Orthodoxy". Christ the Saviour Orthodox Church.
"About Orthodoxy". "Saints Michael and Gabriel" Romanian Orthodox Church. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-25.
Ukrainian Orthodox Church of the USA - Ecumenical Patriarchate of Constantinople Naka-arkibo 2012-02-29 sa Wayback Machine.
Holy Cross Greek Orthodox Church, Stroudsburg, Pennsylvania
"The Orthodox Church - An Introduction". Orthodox Christian Information Center.
"THE HOLY ORTHODOX CHRISTIAN CHURCH: ITS FAITH AND LIFE". ArchangelsBooks.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-02.
"Orthodox Church". Orthodox Church of Dover, Florida. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-20.
Orthodox Churches of New Castle and Lawrence County, Pennsylvania Naka-arkibo 2012-06-20 sa Wayback Machine.
Monks at Dečani Monastery in Kosovo. "The Eastern Orthodox Church". Orthodoxlife.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-01.
"Introduction to the Orthodox Faith". Saint George Antiochian Orthodox Christian Cathedral. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-05.
"Orthodoxy". Saint Archangel Michael Serbian Orthodox Church. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-28.
"The Orthodox Church". Saint Mary of Egypt Orthodox Church. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-04.
Holy Ascension Orthodox Church, Frackville, PA
"Orthodox Christianity - Introduction". Serbian Orthodox Diocese of Ras and Prizren. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-15.
Father Steven Tsichlis. "Frequently Asked Questions About the Orthodox Church". St. Paul's Greek Orthodox Church, Irvine, California. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-20.
Saint Mary Antiochian Orthodox Church, Pawtucket, RI Naka-arkibo 2012-05-14 sa Wayback Machine.
"HISTORY". Serbian Orthodox Church, Luzern. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-18.
"TO BE AN ORTHODOX CHRISTIAN ..." Orthodox Christian Church in Thailand (Moscow Patriarchate). Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-26.
"Eastern Orthodoxy". Encyclopædia Britannica.
Johannes P. Schadé (October 25, 2006). Eastern Orthodoxy. ISBN 978-1-60136-000-7.{{cite book}}
:|work=
ignored (tulong)
Richard R. Losch (May 3, 2002). The Eastern Orthodox. ISBN 978-0-8028-0521-8.{{cite book}}
:|work=
ignored (tulong)
Wendy Doniger (September 1999). Eastern Orthodoxy. Merriam-Webster, Inc. ISBN 978-0-87779-044-0.{{cite book}}
:|work=
ignored (tulong)
Thomas E. FitzGerald (September 30, 1998). Eastern Orthodoxy. ISBN 978-0-275-96438-2.{{cite book}}
:|work=
ignored (tulong)
Andrea C. Paterson (August 19, 2004). Eastern Orthodoxy. ISBN 978-1-59467-453-2.{{cite book}}
:|work=
ignored (tulong) - ↑ Our Church is also spoken of as the "Eastern Church" to distinguish it from the Churches of the West. "Eastern" is used to indicate that in the first millennium the influence of our Church was concentrated in the eastern part of the Christian world and to show that a very large number of our membership is of other than Greek national origin. Thus, Orthodox Christians throughout the world use various ethnic or national titles: "Greek", "Russian", "Serbian", "Romanian", "Ukrainian", "Bulgarian", "Antiochian", "Albanian", "Carpatho-Russian", or more inclusively, as "Eastern Orthodox" (Rev. Alciviadis C. Calivas, Th.D. "The Greek (Eastern) Orthodox Church. What's in our name?").
- ↑ 5.0 5.1 "Major Branches of Religions Ranked by Number of Adherents". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-15. Nakuha noong 2012-11-06.
- ↑ 6.0 6.1 "Orthodox Denomination". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-05. Nakuha noong 2012-11-06.
- ↑ "http://www.goarch.org/ourfaith/ourfaith7114"; Deification". Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ Pomazansky, Michael, Orthodox Dogmatic Theology, pp. 33-34
- ↑ S. T. Kimbrough, Orthodox and Wesleyan Scriptural Understanding and Practice, p. 23
- ↑ Ware p. 271
- ↑ The Catholic Catechism: A Contemporary Catechism of the Teachings of the Catholic Church by John Hardon by 217 # Publisher: Doubleday # ISBN 0-385-08045-X # ISBN 978-0-385-08045-3 [1]
- ↑ orthodox. Dictionary.com. Online Etymology Dictionary. Douglas Harper, Historian. Dictionary Definition (accessed: March 03, 2008).
- ↑ Lace, William W. Christianity. San Diego, CA: Lucent Books, Inc., 2005
- ↑ Eastern Orthodoxy (Christianity) – Britannica Online Encyclopedia
- ↑ "Antiochian Orthodox Christian Archdiocese of North America". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-02. Nakuha noong 2012-06-04.
- ↑ content
- ↑ "Republicki Zavod za statistiky – Republike Srbije". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-03. Nakuha noong 2012-11-06.
- ↑ "CIA – The World Factbook – Field Listing – Religions". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-24. Nakuha noong 2012-11-06.
- ↑ "Russian Public Opinion Research Center". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-18. Nakuha noong 2007-11-10.(sa Ruso)
- ↑ "Popis stanovništva 2003 - Zavod za statistiku Crne Gore (in Montenegrin)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-04. Nakuha noong 2012-11-06.
- ↑ Lebanon – International Religious Freedom Report 2010 U.S. Department of State. Retrieved on 14 February 2010.