Pumunta sa nilalaman

Fernando VII ng Espanya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Fernando VII)
Fernando VII
Kapanganakan14 Oktubre 1784
  • (San Lorenzo de El Escorial, Pamayanan ng Madrid, Espanya)
Kamatayan29 Setyembre 1833[1]
LibinganCripta Real del Monasterio de El Escorial
MamamayanEspanya
Trabahoruler
AnakIsabel II ng Espanya
Magulang
Pirma

Si Fernando VII (Kastila: Fernando; 14 Oktubre 1784 – 29 Setyembre 1833) ay ang Hari ng Espanya noong maaga hanggang kalagitnaang ika-19 na dantaon. Naghari siya sa Kahariang Kastila noong 1808 at muli noong 1813 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1833. Kilala siya ng kanyang mga tagasuporta bilang el Deseado (ang Ninasa) at sa kanyang mga kritiko bilang el Rey Felón (ang Haring Kriminal).

Ipinanganak sa Madrid sa El Escorial, ginugol ni Fernando VII ang kanyang kabataan bilang malinaw na tagapagmana sa tronong Espanyol. Pagkatapos ng Kaguluhan sa Aranjuez noong 1808, naluklok siya sa trono. Noong taon na iyon, pinatalsik siya ni Napoleon; iniugnay niya ang kanyang monarkiya sa kontra-rebolusyon at reaksyonaryong polisiya na nagdulot ng malalim na bitak sa Espanya sa pagitan ng kanyang puwersa sa kanan at mga liberal sa kaliwa. Bumalik sa kapangyarihan noong Disyembre 1813, muli niyang itinatatag ang absolutistang monarkiya at tinanggihan ang liberal na konstitusyon noong 1812. Nagdulot ang isang pag-aalsa noong 1820 na pinamunuan ni Rafael del Riego na mapuwersa si Fernando VII na ibalik ang konstitusyon kaya nagsimula ang Liberal na Trienio: isang panahon na tumagal ng tatlong taon para sa pamumunong liberal. Noong 1823, pinahintulot ng Kongreso ng Verona ang isang matagumpay na pamamagitang Pranses upang ipanumbalik siya sa ganap na kapangyarihan sa ikalawang pagkakataon. Sinugpo niya ang malayang pamamahayag mula 1814 hanggang 1833, na kinukulong ang maraming patnugot at manunulat.

Sa kanyang pamumuno, nawala sa Espanya ang halos lahat ng nitong pag-aaring Amerikano, at pumasok ang bansa sa isang malawakang digmaang sibil nang namatay siya. Pinagtatalunan ang kanyang pampolitikang pamana simula noong namatay siya, kasama ang karamihan sa dalubhasa sa kasaysayan na ituring siya bilang isang walang kakayahan, despotiko, at hindi nakikita ng malinaw ang mga bagay-bagay.[2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://emp-web-84.zetcom.ch/eMP/eMuseumPlus?service=ExternalInterface&module=artist&objectId=18341; hinango: 7 Oktubre 2021.
  2. Royal Splendor in the Enlightenment: Charles IV of Spain, Patron and Collector (sa wikang Ingles). Meadows Museum, SMU. 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sevilla, Fred (1997). Francisco Balagtas and the Roots of Filipino Nationalism: Life and Times of the Great Filipino Poet and His Legacy of Literary Excellence and Political Activism (sa wikang Ingles). Trademark Publishing Corporation.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy