Pumunta sa nilalaman

Republika ng Irlanda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Irlandes)
Irlanda
Éire
Watawat ng Irlanda
Watawat
Eskudo ng Irlanda
Eskudo
Awiting Pambansa: Amhrán na bhFiann  
The Soldier's Song (Ang Awit ng Kawal)
Kinaroroonan ng  Republika ng Irlanda  (dark green) – sa kontinenteng Europeo  (light green & dark grey) – sa Unyong Europeo  (light green)
Kinaroroonan ng  Republika ng Irlanda  (dark green)

– sa kontinenteng Europeo  (light greendark grey)
– sa Unyong Europeo  (light green)

KabiseraDublin
Pinakamalaking lungsodcapital
Wikang opisyalIrlandes, Ingles
PamahalaanRepublika at Parlamentaryong Demokrasiya
• Pangulo
Michael D. Higgins
• Punong Ministro
Simon Harris
Kalayaan 
24 Abril 1916
21 Enero 1919
• Kinilala
6 Disyembre 1922
29 Disyembre 1937
• Sumapi sa Unyong Europeo
1 Enero 1973
Lawak
• Kabuuan
70,273 km2 (27,133 mi kuw) (ika-120)
• Katubigan (%)
2.00
Populasyon
• Pagtataya sa 2006
4,239,848 (ika-121)
• Densidad
60.3/km2 (156.2/mi kuw) (ika-139)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2006
• Kabuuan
$177.2 bilyon (ika-49)
• Bawat kapita
$43,600 (ikalawa)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2006
• Kabuuan
$202.9 bilyon (ika-30)
• Bawat kapita
$50,150 (ika-5)
TKP (2004)0.956
napakataas · ika-4
SalapiEuro ()[1] (EUR)
Sona ng orasUTC+0 (WET)
• Tag-init (DST)
UTC+1 (IST (WEST))
Kodigong pantelepono353
Internet TLD.ie[2]
  1. .

Ang Irlanda[3][4] (Ingles: Ireland ( /ˈaɪərlənd/ o /ˈɑrlənd/), Irlandes: Éire, pronounced [ˈeː.ɾʲə]  ( listen)), kilala rin bilang Republika ng Irlanda (Irlandes: Poblacht na hÉireann) ay isang soberanya-estado o bansa sa kanlurang Europa na sumasakop sa limang-kaanim (five-sixths) ng pulo ng Irlanda. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay ang Dublin, na matatagpuan sa silangang bahagi ng pulo, kung saan ang pook ng punong-lungsod (metropolitan area) nito ay tahanan ng halos isang-kapat ng 4.6 na milyong nananahan sa bansa. Kabahagi ng estado sa tanging hangganang lupa nito ang Hilagang Irlanda, na bahagi ng Nagkakaisang Kaharian (United Kingdom). Pinaliligiran ito ng Karagatang Atlantiko, na sa timog nito ay ang Dagat Celtico, ang Saint George's Channel sa timog-silangan, at ang Dagat Irlandes naman sa silangan. Isa itong unitaryo at parlamentaryong republika na may inihao. Ang pinuno ng pamahalaan, ang Taoiseach, ay nominado ng mababang kapulungan ng parlamento, ang Dáil Éireann.

Kasunod ng Digmaang Irlandes para sa Kasarinlan at ng sumunod nitong Kasunduan Anglo-Irlandes, natamo nang tuluyan ng Irlanda ang kalayaan mula sa Nagkakaisang Kaharian bilang isang Malayang Estadong Irlandes nong 1922. Pinili naman ng Hilagang Irlanda na gamitin ang tinatawag na Ulster Month upang manatiling bahagi ng Nagkakaisang Kaharian. Sa umpisa'y isang dominyo sa loob ng Imperyong Britaniko (kinalauna'y Komonwelt ng mga Bansa), natanggap ng Malayang Estado ang opisyal na pagkilalang Britaniko ng ganap na malayang tagapagbatas (full legislative independence) sa Statute of Westminster ng 1931. Isang bagong saligang-batas ang pinagtibay noong 1937, kung saan ang pangalan ng estado'y naging Irlanda. Noong 1949 ang mga natitirang tungkulin ng hari - na itinadhana ng Batas Kapangyarihang Tagapagpaganap (Ugnayang Panlabas) ng 1936 (Executive Authority (External Relations) Act 1936) - ay inalis at ipinahayag ang Irlanda bilang isang republika sa ilalim ng Batas Republika ng Irlanda ng 1948 (Republic of Ireland Act 1948). Ang estado ay walang pormal na pakikipag-ugnayan sa Hilagang Irlanda sa malaking bahagi ng ikadalawampung siglo, subalit mula noong 1999 ang dalawa ay nagtutulungan sa ilang mga patakaran sa ilalim ng North-South Ministerial Council na nilikha ng Kasunduang Biyernes Santo (Good Friday Agreement).

Kasama ang Irlanda sa pinakamayayamang mga bansa sa mundo batay sa GDP per capita. Matapos sumali sa dating Pamayanang Ekonomikong Europeo (European Economic Community) na ngayon ay Unyong Europeo taong 1973, nagpatupad ng serye ng mga patakarang pang-ekonomiyang liberal na nagbunga ng mabilis na pag-angat ng ekonomiya, na sinabayan din ng mabilis na pagsipa ng di-pagkakapantay-pantay. Nakamit din ng bansa ang kasaganahan mula 1995 hanggang 2007, kung saan nakilala ang bansa bilang Celtic Tiger. Nabalam ito ng di-inaasahang krisis sa pananalapi na nagsimula noong 2008, kasabay ng pandaigdigang pagbulusok ng ekonomiya.

Bagama't bumabangon pa rin mula sa pagbagsak ng ekonomiya, ang Irlanda ay nananatiling isa sa mga pinakamasaganang bansa sa daigdig. Noong taong 2011 at 2013, naitala ito bilang ikapitong pinakamaunlad na bansa sa daigdig ayon sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao ng Nagkakaisang Bansa. Mahusay rin ang Irlanda sa iba't ibang sukatan ng pambansang gawain (national performance), kasama ang kalayaan sa pamamahayag, kalayaang pang-ekonomiya at kalayaang sibil. Ang Irlanda ay kasapi rin ng Unyong Europeo at kasaping tagapagtatag ng Konseho ng Europa at ng OECD. Itinataguyod nito ang patakaran ng walang kinikilingan sa pamamagitan ng di-pagpanig at hindi rin miyembro ng NATO, bagaman at nakikiisa ito sa Samahan para sa Kapayapaan (Partnership for Peace).

Itinakda ng Saligang-Batas ng Irlanda na "ang pangalan ng Estado ay Éire, o sa wikang Ingles, Ireland." Sa ilalim ng pambansang batas-Irlandes, ang katawagang Republika ng Irlanda (Republic of Ireland o Poblacht na hÉireann) ay "ang paglalarawan sa Estado" subalit hindi opisyal na pangalan nito. Ang opisyal na paglalarawang ito'y itinakda sa Batas Republika ng Irlanda ng 1948, na naglilipat ng mga natitirang tungkulin ng monarka patungo sa inihalal na pangulo. Gayunpaman, ang pangalan ng estado sa Ingles ay nanatiling Ireland. Ang pagpapalit sa pangalan ng estado ay nangangailangan ng pagbabago sa saligang-batas. Sa Nagkakaisang Kaharian gayunmpaman, ang Batas Irlanda ng 1949 ay nagtatakda na ang Republika ng Irlanda ay maaaring gamitin bilang katawagan para sa estadong Irlandes (bagaman at hindi nito ginamit ang katawagang "dapat.")

Bagama't tinanggap sa simula ng pamahalaang Britaniko, ang pangalang Irlanda ay pinagmulan ng pagtatalo sa pagitan ng pamahalaang Britaniko at Irlandes. Lumitaw ang mga suliraning ito dahil bahagi ng pulo ng Irlanda ay nasa ilalim ng Nagkakaisang Kaharian at dahil doo'y ipinagpalagay ng gobyerno ang pangalan bilang di-karapat-dapat. Sa isang kaso noong 1989, mayorya ng Kataas-taasang Hukumang Irlandes ang nagpahayag ng pananaw na hindi dapat ipatupad ng mga maykapangyarihang Irlandes ang extradition warrants kapag tinutukoy nila ang estado sa pangalang iba pa kaysa Irlanda (sa ganitong pagkakataon ang mga warrant ay kinailangang gamitin ang pangalang Éire). Bilang bahagi ng Kasunduang Biyernes Santo ng 1998, na lumutas sa mga isyu hinggil sa Hilagang Irlanda, iniurong ng estado ang pag-angkin nito sa buong pulo ng Irlanda. Mula noong kasunduang iyon, tinanggap at ginagamit na ng Nagkakaisang Kaharian ang pangalang Irlanda.

Ang mga katawagang Republika ng Irlanda, ang Republika o ang Timog ay malimit gamitin kung kailangang itangi ang estado mula sa pulo o kapag pinag-uusapan ang Hilagang Irlanda (ang Hilaga). Maraming republikanong Irlandes, at ibang laban sa paghihiwalay o partisyon (partition), ay iniiwasang tawagin ang estado na Irlanda. Nakikita kasi nila itong paraan upang palakasin ang ideya ng partisyon at nagbibigay ng kaisipang ang "Irlanda" at ang "pagiging Irlandes" o "kairlandesan" ay nakakomporme lamang sa Republika (tingnan ang partisyonismo). Sa halip, madalas nilang tukuyin ang estado bilang 26 na Kondehan (County) (kabilang ang Hilagang Irlanda bilang ang Anim na Kondehan) at minsan bilang isang Malayang Estado (isang pagtukoy sa estado bago mag-1937).

Ang Home-rule movement

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula noong Batas ng Unyon noong 1 Enero 1801 hanggang 6 Disyembre 1922, ang pulo ng Irlanda ay bahagi ng Nagkakaisang Kaharian ng Gran Britanya at Irlanda. Noong panahon ng Matinding Taggutom, mula 1845 hanggang 1849, ang populasyon ng pulo na mahigit 8 milyon ay bumaba ng 30%. Isang milyong Irlandes ang namatay sa gutom at/o sakit at 1.5 milyon pa ang lumikas, partikular patungo sa Estados Unidos. Ito ang nagtakda ng huwaran ng paglikas noong sumunod na siglo, na nagbunga ng patuloy na pagbaba ng populasyon hanggang dekada 1960.

Mula 1874, partikular sa ilalim ni Charles Stewart Parnell mula noong 1880, naging popular ang Irish Parliamentary Party sa pamamagitan ng malawakang pagkabalisang agraryo, sa pamamagitan ng Irish Land League, na napagwagian ang mga reporma sa lupa ng mga kasamá sa paglalabas ng mga Batas sa Lupang Irlandes, at sa pagtatangka nitong makuha ang Home Rule, sa pamamagitan ng dalawang nabigong mga Panukalang-Batas na magkakaloob sana sa Irlanda ng limitadong pambansang awtonomiya. Nagbunsod ito sa pagkontrol sa pambansang mga gawain sa ilalim ng Batas Pamahalaang Lokal ng 1898 na dating nasa kamay ng mga dominanteng panginoong maylupang punong-huwes ng Protestant Ascendancy.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bago mag-1999: Irish pound
  2. Ginagamit din ang domain na .eu kasama ng ibang kasaping-estado ng Unyong Europeo.
  3. "Irlanda, Ireland". UP Diksyonaryong Filipino. 2001.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Panganiban, Jose Villa. (1969). "Irlanda". Concise English-Tagalog Dictionary.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy