Pumunta sa nilalaman

Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon
National Telecommunications Commission
Buod ng Ahensya
Pagkabuo23 Hulyo 1979
Punong himpilanDaang BIR, East Triangle, Diliman, Lungsod Quezon
Mga tagapagpaganap ng ahensiya
  • Gamaliel Cordoba, Komisyonado
  • Delilah F. Deles, Bise-Komisyonado
  • Edgardo V. Cabarios, Bise-Komisyonado
Pinagmulan na ahensiyaKagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon (DICT)
Websaytntc.gov.ph

Ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon ng Pilipinas (Ingles: National Telecommunications Commission), na dinaglat bilang NTC, ay isang kalakip na ahensiya ng Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-impormasyon at Komunikasyon na responsable para sa pangangasiwa, pagpapasya at pamamahala sa lahat ng mga serbisyo sa telekomunikasyon sa buong bansa.

Kasalukuyang pinamumunuan ang NTC ni Komisyonado Gamaliel Cordoba, na nanungkulan noong Agosto 2009, at naglingkod sa ilalim ng pamamahala ng mga dating pangulo na sina Gloria Macapagal Arroyo at Benigno Aquino III, at ng kasalukuyang Pangulo Rodrigo Duterte.[1]

Nilikha ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon (NTC) sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 546 na ipinalaganap noong 23 Hulyo 1979 ni Pangulong Ferdinand Marcos, at kumonsulta sa mga tungkulin sa regulasyon at mala-hukuman na kinuha mula sa Lupon ng Komunikasyon (Board of Communications) at Kawanihan ng Pagkontrol sa Telekomunikasyon (Telecommunications Control Bureau), na binuwag sa parehong Kautusan.

Higit sa lahat, ang NTC ay ang natatanging lupon na may sakop sa pangangasiwa, pagpapasya at pamamahala sa lahat ng mga serbisyo sa telekomunikasyon sa buong bansa. Para sa mabisang pagpapatupad ng ganitong responsibilidad, pinagtitibay at itinataguyod ang mga nasabing alituntunin, panuntunan, at regulasyon na kaugnay sa operasyon ng establesimiyento at pagpapanatili ng mga iba't ibang pasilidad at serbisyo sa telekomunikasyon sa buong bansa.

Bagaman malaya kung tungkulin sa regulasyon at mala-hukuman ang pinag-uusapan, ang NTC ay nananatiling nasa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-impormasyon at Komunikasyon bilang isang kalakip na ahensya. Gayunpaman, tungsod sa mga tungkuling mala-hukuman, maaapela lamang nang direkta ang mga pasiya ng NTC sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.

"Hindi nakikialam" ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon mula noong 1995 sa pagpasa ng Batas Republika Blg. 7925[2] na mabisang nagderegulado at nagsapribado sa industriya ng telekom. Ikinakatwiran na ang pagiging "di-pakialamero" nito ay nagresulta sa pagkakaroon ng Pilipinas ng isa sa mga pinakamabagal na Internet sa Asya.[3] Sinabi mismo ng NTC na ang batas na iyon ay ang "dahilan kung bakit nahihirapan ang pamahalaan sa pangangasiwa ng serbisyo sa internet ngayon".[4]

Pinamumunuan ang NTC ng isang Komisyonado na hinirang ng Pangulo.

Talaan ng mga Komisyonado

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Komisyonado Mula Hanggang
Ceferino C. Carreon 23 Agosto 1979 14 Marso 1986
Tomas C. Reyes 14 Marso 1986 1 Abril 1986
Jose Luis A. Alcuaz 23 Marso 1987 12 Nobyembre 1989
Josefina T. Lichauco (gumaganap) 13 Nobyembre 1989 3 Setyembre 1991
Mariano E. Benedicto II 4 Setyembre 1991 7 Enero 1993
Simeon L. Kintanar 7 Enero 1993 31 Enero 1998
Fidelo Q. Dumlao (gumaganap) 1 Pebrero 1998 15 Hulyo 1998
Ponciano V. Cruz, Jr. 16 Hulyo 1998 14 Disyembre 1998
Joseph A. Santiago 16 Disyembre 1998 8 Pebrero 2001
Agustin R. Bengzon (gumaganap) 12 Pebrero 2001 25 Pebrero 2001
Eliseo M. Rio, Jr. 26 Pebrero 2001 3 Hunyo 2002
Armi Jane R. Borje 3 Hunyo 2002 16 Enero 2004
Ronald O. Solis 19 Enero 2004 29 Nobyembre 2006
Abraham R. Abesamis 30 Nobyembre 2006 10 Agosto 2007
Ruel V. Canobas 13 Agosto 2007 31 Hulyo 2009
Gamaliel Asis Cordoba 1 Agosto 2009 kasalukuyan

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ranada, Pia (Hulyo 14, 2016). "Duterte retains Arroyo appointee Cordoba as NTC chief". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 15, 2016. Nakuha noong Hulyo 14, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "REPUBLIC ACT No. 7925". Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 12, 2016. Nakuha noong Hunyo 27, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "National broadband only way to break telco duopoly". Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 27, 2016. Nakuha noong Hunyo 27, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "PH Internet slowest in Asean". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 23, 2016. Nakuha noong Hunyo 27, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy