Nemesis
Sa mitolohiyang Griyego, si Nemesis (Griyego: Νέμεσις) ay isang diyosa ng makatarungang paghihiganti na tumutugis sa mga taong nagkasala o mga gumawa ng hindi mabuting gawain. Siya rin ang diyosa ng retribusyon o pagpaparusa, na nagdadala ng pagganti sa mga may napakaraming kayamanan o may sukdulang pagmamalaki ng sarili. Hinihingi ng sinaunang mga Romano ang kanyang tulong para sa digmaan upang ipakitang nakikipaglaban sila para sa makatarungang kadahilanan o layunin.[1][2] Sa sinaunang wikang Griyego, tinatawag din siyang Rhamnousia, Rhamnusia, o Ramnusia ("ang diyosa ng Rhamnous" o "ang diyosa ng Ramnonte") sa kanyang santuwaryo sa Rhamnous na nasa hilaga ng Marathon, Gresya. Halimbawa ng kanyang kapangyarihan ang pagdurulot kay Narciso na umibig o ibigin ang sariling wangis o anyong makikita sa lawa-lawaan.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Nemesis; Narcissus". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa titik na N, pahina 430 at 437.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Nemesis - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.