Pumunta sa nilalaman

Joacaz ng Juda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Shallum)
Jehoahaz ng Juda
Kaharian ng Juda
Panahon 609 BCE
Sinundan Josias, ama
Sumunod Jehoiakim, kapatid
Ama Josias
Kapanganakan c. 633/632 BCE

Si Jehoahaz III o Jehoahaz ng Juda (Hebreo: יְהוֹאָחָז‎, Yəhō’aḥaz, Hinawakan ni "Yahweh"; Griyego: Ιωαχαζ Iōakhaz; Latin: Joachaz) na tinawag ring Shallum,[1][2] ayon sa Bibliya ay hari ng Kaharian ng Juda at anak ni Josias na kanyang hinalinhan bilang hari.[3] Ayon sa Bibliya, siya ay naghari ng tatlong buwan at ang kanyang ina ay si Hamautal.[4]

Kuwento ayon sa Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinuportahan ni Paraon Necho II ang humihinang Imperyong Neo-Asirya laban sa lumalakas na Babilonya at Medes. Noong 609 BCE, si Necho II ay nagmartsa sa Syria upang tulungan ang pinuno (tinawag na hari ngunit hindi pinangalanan sa Bibliya) ng Asirya na si Ashur-uballit II. Ayon sa 2 Hari 23, hinarang at pinilit ni Josias na hari ng Kaharian ng Juda na labanan si Neco II sa Megiddo kung saan pinatay ni Necho II si Josias. Ayon sa Tekstong Masoretiko ng 2 Hari 23:39, nilabanan ni Necho II ang hari ng Asirya. Dahil sa kamaliang ito, ito ay binago at ginawang "tinulungan ni Necho II ang hari ng Asirya" sa NIV. Ang mga hukbo ni Necho II at mga hukbo ng Asirya ay tumawid sa Ilog Eufrates upang bawiin ang Harran na itinatag ni Ashur-ubbalit II matapos bumagsak ang Nineveh sa magkasanib na puwersa ng Babilonya at Medes noong 612 BCE. Ang Asirya at Ehipto ay nabigo at umurong sa puwersang Babilonya at Medes na humantong sa pagtatapos ng Imperyong Neo-Asirya. Ayon sa 2 Hari, sa pagbalik ni Necho II sa Ehipto, pinalitan niya ang haring si Jehoahaz na anak ni Josias ng isa pang anak ni Josias na si Jehoiakim. Si Jehiakim ay naging isang basalyo ng Ehipto at nagbibigay ng tributo dito.(2 Hari 23:35). Nang matalo ang Ehipto ng Babilonya sa Labanan ng Carcemish noong 605 BCE, kinubkob ni Nabucodonosor II ang Herusalem na nagtulak kay Jehoiakim na lumipat ng katapatan tungo sa Babilonya at naging basalyo nito sa loob ng 3 taon. Nang mabigo ang mga Babilonyo na muling sakupin ang Ehipto, lumipat si Jehoiakim na katapatan tungo sa Ehipto. Noong 598 BCE, kinubkob ni Nabudonosor ang Herusalem sa loob ng 3 at si Jehoiakim ay tinakilaan upang dalhin ni Nabudonosor II sa Babilonya(2 Kronika 36:6) ngunit namatay at hinalinhan ng kanyang anak na si Jeconias. Pagkatapos ng 3 buwan sa ika-7 ni Nabucodonosor II sa buwan ng Kislev 598 BCE, ipinatapon ni Nabucodonosor si Jeconias at mga mamamayan ng Kaharian ng Juda sa Babilonya at nilagay na kapalit ni Jeconias si Zedekias na maging hari ng Kaharian ng Juda. Si Zedekias ay nag-alsa laban sa Babilonya at nakipag-alyansa sa Paraong si Apries. Dahil dito, kinubkob ni Nabudonosor II ang Juda na tumagal ng 30 buwan at pagkatapos ng 11 taong paghahari ni Zekias, nagwagi si Nabudonosor II sa pananakop sa Juda kung saan pinatay ni Nabucodonosor II ang mga anak ni Zedekias at si Zedekias ay binulag at tinakilaan at dinala sa Babilonya kung saan siya naging bilanggo hanggang sa kanyang kamatayan. Ang Herusalem at Templo ni Solomon ay winasak ng mga Babilonyo noong 587/586 BCE. Pagkatapos bumagsak ang hari ng Babilonya na si Nabonidus kay Dakilang Ciro noong 539 BCE, pinabalik ni Ciro ang mga taga-Juda sa Herusalem at pinayagan ang mga ito na muling itayo ang templo ni Solomon noong 516 BCE. Ang Juda ay naging probinsiya ng Imperyong Persiya bilang Yehud Medinata. Ayon sa mga iskolar, dito napakilala at naimpluwensiyahan ng mga Persiyano at relhiiyong Zoroastrianismo ang mga Hudyo sa kanilang mga paniniwalang gaya ng mga anghel, demonyo, dualismo at mesiyas at tagapagligtas(Saoshyant).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1 Chronicles 3:15
  2. Hirsch, Emil G. and Ira Maurice Prie (1906). "Jehoahaz", Jewish Encyclopedia
  3. Kautzsch, E. "Jehoahaz", The New Scaff-Herzog Encyclopedia of Religious Knowledge, Vol.IV, Samuel Macauley Jackson (ed.), Baker Book House, Grand Rapids, Michigan (1953)
  4. Isaac Kalmi (1 Pebrero 1997). M. Patrick Graham; Kenneth G. Hoglund; Steven L. McKenzie (mga pat.). "Was the Chronicler a Historian?", The Chronicler as Historian. Bloomsbury Publishing. pp. 68–. ISBN 978-0-567-32754-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy