0% found this document useful (0 votes)
862 views46 pages

The Pugadenians2

This book is not for sale. Copies are only owned by The PBA Board of Regents. Before and after reading the book please recite the "Panatang Maka-PBA"

Uploaded by

Limberto Suarez
Copyright
© Attribution Non-Commercial (BY-NC)
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
862 views46 pages

The Pugadenians2

This book is not for sale. Copies are only owned by The PBA Board of Regents. Before and after reading the book please recite the "Panatang Maka-PBA"

Uploaded by

Limberto Suarez
Copyright
© Attribution Non-Commercial (BY-NC)
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 46

THE

PUGADENIANS
(may the pugad be with you…)
THE
PUGADENIANS
(may the pugad be with you…)

Pugad Baboy Association & Pugad Baboy Academy


Pugad Baboy Publishing House

The Pugadenians
Authors:

Ryan Labrador Boncocan


Daryl May Cerro Esmasin
James Albert Tanjutco Tribiana
Mary Ann Jamile Jindani
Brian Iglecia Velarde
Shara Jane Francia Lagutom
Limberto Badion Suarez
Phoebe Pasao Mendoza
Joel Beruega Atienza
Judith Valles Vega

This book is owned by:

Limberto Badion Suarez


a.k.a.
ambet^bear^cute

Copyright of 2009. All rights reserved. No part of


this book may be reproduced or transmitted in any form
or by any means, electronic or mechanical, including
photocopying, recording or by any information, storage
and retrieval system. There are only few copies of this
book. Authentication process will only undergo through
PBA.
This book doesn’t have any connection to Bob Ong,
Pol Medina Jr, IETI, College of Science and Technology,
and any other establishments written here.

If you have seen this book without a cover you


should be aware that this book is pirated copy. It was
reported as “unsold and destroyed” to the publisher, and
neither the author nor the publisher had received any
payment for this “stripped” book. And by the way, this
book is not for sale. Copies of this book are only owned by
PBA Board of Regents. Because we know that no one will
buy a copy of this book.

(Note: Naintindihan niyo po ba ‘yung nakasulat sa itaas?!


Huwag pasaway huh!!!)

Dedication
The PBA Board of Regents would like to dedicate
this book for themselves, to their family, to their friends
and of course to their beloved alma mater, the IETI,
College of Science and Technology. We thank you for your
support.

Please watch out for our next book entitled “The


Chronicles of PBA: the Penguin, the Bear, and the Askal.”
It is coming soon. We are still on the casting process.
Thanks.

Before and after reading the book please recite the


“Panatang Maka-PBA.”
Instruction:
Connect your two pointing and middle fingers as if
it is a roof, then connect your two thumbs to make a base,
and close the rest of your fingers. The shape that will be
made should be a triangle. Now, position the formed
image to your “PUSOD”, finally, recite “Panatang Maka-
PBA.”
(Note: Whoever will not follow, will be punish to the full
extent of the law by PBA.)

“Panatang Maka-PBA.”
Iniibig ko ang P.B.A.
Aking kinabibilangang assosasyon
Tahanan ng aking mga kalokohan
Pinulot ako at inampon
Upang gawing instrumento ng kanilang kaepalan

Dahil mahal ko ang P.B.A.


Pakikinggan ko ang mga advice ng aking mga ka-
miyembro
Susundin ko ang batas ng P.B.A.
Tutuparin ko ang tungkuling magbayad ng admission fee

Tatawa, mag-aaral, at tatawa ulit ng buong katapatan


Iaalay ko ang aking yaman, kakapalan at kaepalan
Sa samahang walang katulad

Association’s Motto:
Ang asosasyon ng mga nilalang sa ibabaw ng lupa
na gumagawa ng wala… Burger lang ang katapat… 

Contents
PBA history
Internet Girl atbp.

Boso

Kumatok ka muna

Sekreto

Natuto na

Ang Hiwaga, Kababalaghan, Misteryo at ang


Kapangyarihang taglay ng Utot na kulay Pinkish-Blue

Kaibigan

Jollibee Dance

Badtrip sa Programming(C)

Mr. C

Pingu 101

Quandary

Adios Mi Amigo

Quiz No.1

PBA Brief History

Nagsimula ang lahat sa walang habas na


kasiyahan at tawanan ng dalawang magkaibigan. Sina
Dha-Dha Penguin at Ambet Bear dahil sa pagbabasa ng
ipinagbabawal na comics. Ang Pugad Baboy. Naisipan
nilang gumawa ng asosasyon na gumagawa ng wala at
tinawag itong Pugad Baboy Association(P.B.A.). Ang
dalawang magkaibigan ang mga naging founder ng kulto
at nanghikayat sila ng mga miyembro. Hindi po ito
sapilitang pagsali, kundi suhulan lang para sila ay
dumami.
Si Yhanny, ang pusher ng PB comics, ang
napagkaisahang maging Pangulo. Si Dha-Dha naman ang
naging Ikalawang-Pangulo nito. Si Mimi naman, na adik sa
internet, ay naging Sexytary ng kulto at si Shara naman,
na pinakamayaman na miyembro, ang naging Financer. Si
Ambet naman, na unang na adik sa PB Comics ang naging
Legal/Illegal recruiter. Bakit kamo illegal? Kasi suhulan mo
lang siya ng isang burger miyembro ka na. Wala nang
tanung-tanong pa. Si Phoebz at Jojo naman ay naging mga
Muse at Escort and vice-versa. Nadagdagan pa ang Board
of Regents nang makigulo sina James at Brian. Si James
ang naging Co-Vice-President at si Brian naman ang
naging Machotary(di nga?! Questionable ‘to!). Kumatok
naman sa mataas na office building ng PBA si judz. Kami
ay nakaramdam ng matinding awa para sa kanya, kaya
kinupkop namin siya. Akala namin ay mahiyain, nagkamali
pala kami. Kaya, ayun, naging member siya ng PBA. Take
note, nag-iisang member lang siya. Nag-iisa. As in!
Mula nang umupo sa posisyon si Pres. Yhanny ay
nagkaroon kaagad ng anomalya. Nag-set siya ng mga
batas na labag sa loob ng mga miyembro at nagkaroon
din ng membership fee na 200.00 Php. Ang 90% nito ay
mapupunta sa Presidente at 10% lamang sa samahan.
Umangal ang buong board at pinagpaliwanag ang
Presidente. Sabi nito na pinapirmahan niya sa Sexytary
ang mga batas na ito. Pero ang hindi alam ng Presidente
ay mali ang naging proseso niya kaya pina-revise sa
kanya lahat ng naunang ipinatupad na batas. Ngayon ay
maayos na ang pamamalakad niya at nadaragdagan pa
ang mga miyembro nito. Hanggang ngayon ay lumalago
pa sila. Mag-ingat.
Naisipan ng Presidente na magtayo ng isang
akademya. Tinawag itong Pugad Baboy Academy. Naging
tanyag ito sa maraming larangan. Mapatalino man o sa
isports. Lagi silang nangunguna dahil sa galing ng mga
guro at estudyante. May isa pang dahilan, wala naman
silang kalaban eh.
Ngayon ay marami nang branch ang naturang
akademya. Lalo pa silang yumayaman. Lalo ding
dumadami ang kurakot ni Yhanny.

PBA Board of Regents

President: Ryan “yhanny corrupt” Boncocan


Vice-President: Daryl May “dha-dha penguin”
Esmasin
Co-Vice-President: James Albert “manong silicon”
Tribiana
Sexytary: Mary Ann “mimi internet girl” Jindani
Machotary: Brian “bry bosero” Velarde
Financer: Shara Jane “shang ganda” Lagutom
Legal/Illegal Recruiter: Limberto “ambet bear” Suarez
Muse: Phoebe “phoebz boksingera”
Mendoza
Escort: Joel “jojo rock lee” Atienza
Member: Judith “judz hinhin” Vega
…ρβα…

Internet Girl Atbp.


by: me ann

Aking ikukwento ay tungkol sa mga iba’t – ibang


pangalan na tawag sa akin ng aking mga friendsisesises.
Ito’y hango sa aking trulalue at walang halong eklabung
karanasan na nagsimula sa aming paaralang IETI San
Pedro College. Dito naghalo ang mga nilalang ng bawat
kurso (And Boom! It became Coco Crunch! hehehe!!!)
At dun na nagsimula ang iba’t ibang katawagan sa
akin pero ayoko ng pahabain pa ito (ayoko talaga ng
mahaba at paliguy- ligoy) dahil alam ko naman na atat na
kayong malaman ang aking totoong ikukwento. Pero bago
ang lahat, kiss muna! Uiii…. Asar ka na ba? Huwag ka
nang mainip dahil eto na ang inyong hinihintay mga
kampong (usong tawag sa trying hard mag- artista),
butchay/butchoy (usong tawag sa gwapo’t magandang
kabataan). Kung gusto ninyo pa lang malaman ang mga
usong tawag sa taong ito (2009) ay text uso
<space>tawag<space>gustong malaman then send to
5566. Malaman ninyo sana ang gusto ninyong malaman,
pero balik tayo dun sa ikukwento ko. Ahmm…. Ganito kasi
yun…
Madalas na tawag sa akin ng kaklase kong 10x ang
pagkachubby ay “Internet Girl”. Bakit??? Obvious ba? Adik
kasi akong mag – internet kaya ganun ang tawag niya sa
akin (wag kang galit) ganito kasi yun….
Sa school kasi namin, bawat sem ay may 30 hours
kami para gumamit ng internet. Truecafe ang tawag. May
personal user ID at password para malaman kung ilan ang
nababawas sa aming mga hours (oras I mean). Kapag
wala kaming klase nandun ako sa Internet Room. Walang
inatupag kundi mag-friendster at mag laro ng mga games.
Hehehe…
I don’t know kung bakit ba ako naadik sa Internet
na parang hinihila ako nito at gustong magbutas ako ng
bangko. Siguro dahil nakakalibang ang mga nagagawa sa
Internet tulad ng Games, Chat, at Friendster.
Sa Friendster kasi, dati hilig ko mag – add ng kung
sinu – sinong nilalang para dumami friends ko at ‘getting
to know each other’ ang gawa namin. Kapag friend ko na
sila ‘comment to the max’ naman ako lalo na sa mga
classmate ko. Mahilig din ako sa papalit – palit ng mga
pretty cool backgrounds. Pero nakakasawa din pala at
ubos na ang oras ko dahil dyan sa friendster na ‘yan (May
natira pa naman kahit konti).
Isa pa yung y8, nung una kong laro sa y8 ay may
164 games siya. Favorite game ko dun 13 days in hell…
mahilig kasi ako sa barilan at patayan ng zombies. Sa
fukgames naman metal slug, maganda din un pero dati ko
pa un nilalaro eh! Bata pa ko hindi nga lang online. Pero
pinakagusto ko super pets, kasama siya sa friendster.
Cute kasi tapos pwede mo siya bilihan ng damit, pakainin,
paliguan at may battle din at nag lelevel up siya. Hehe!
Yun ang maganda, sa super pets magkakaroon ka din ng
iba’t ibang friends na galing sa iba’t ibang lugar dahil sa
mga nakakabattle mo.
Pero di lang naman Internet Girl and tawag sa akin
eh. My Fullname is Mary Ann Jindani, Sexytary ng sikat na
Asosasyon, ang PBA. Some of my friends call me Me Ann,
one of my close friend call me Mimz, cute noh! Hehehe!
Pero minsan tinatawag niya kong kulisap… huhuhuhu…
kasi hindi ako palasuklay ng buhok kaya sometimes
‘mahangin ba sa labas?’ kapag di maayos ang buhok ko
kung anu – anong pangalan ng insekto ang tinatawag sa
akin. Yung isa ko namang teacher ‘tarsier’ ang tawag sa
akin. Oh Mhaie!!! Huz dat Pokemon! Di ko yun kamukha
noh!!!
Ang pinaka-ayaw kong tawag sa akin ay ‘patani’
SHEDAH!! Kahiya nuh!! Di ko naman kamukha yung
babae na Inglesh Speakenie na mapapanuod sa GMA 7.
(OOOPS.. Sorry! Sama ko na yata.hehehe!) yung
pinkamamahal kong Machotary ng PBA ang unang
tumawag sa akin nun pati si Semaj basong sisiw hmp!!!.
‘Yung kambal ko naman sa school tawag naman sa
akin Mimi at tawag ko sa kanya Ruru. Kambal tawag sa
amin dahil lagi kaming magkasama, di nga kami
mapaghiwalay eh. Hehehe!
Minsan nga may isang Emongoloid ang tumawag
sa amin na B1 at B2. Gumanti ako at tinawag ko siyang
Doding Daga. Pero itong Doding Daga na ito ang
pagpauso na baguhin ang Surname ko. Lagi niya kong
tinatawg na ‘Jindaeng’. Yan tuloy pati yung iba kong Prof.
ganun ang tawag sa akin. Minsan nga eh Janjalani pa
tawag sa akin pero ok lang yun di naman ako madaling
maasar. (Owwsss… heheh!!!)
Kapag naman makulit ako oh kung anu –ano naiisip
kong gawin tinatawag ako ng mga kaibigan kong Ahneng,
Saltik, Adik, Baliw, at Khulet. Sa ayos naman buhok ko
minsan tawag nila sa akin Chuhay/Duday o di kaya Chun –
Li yung sa Street Fighter. Ang unang tumawag sa akin ng
Chun-Li ay ang kapatid ko na si Rock Lee (kunwaring
kapatid) na walang ginawa kundi mag paikot ng buhok sa
patilya. Hehehe
Maraming pangalan ang tinawag sa akin ng mga
kaibigan ko. Minsan ibabase sa ugali, pananamit, hilig,
itsura at kung anu –ano pa. Pero ok lang sa akin yung mga
tawag nila sa akin, dun sila masaya eh… Pero kapag di na
maganda yung tawag, nakakainis din. Lalo na yung mga
nakakainsulto. Mabait akong kaibigan, hindi ako
mapagtanim ng galit lalo na… kung pahiramin mo ako
este bigyan mo ko ng time sa Internet..heheheh!!!!
Uyyy… Iniisip niya na yung mga pangalan na
tinatawag sa kanya. Gabu!
…ρβα…

Boso
by: bry

Boso ang bansag sa naninilip ng katawan ng iba at


tawag din ay manyak. Ako nga pala ang tinatawag nilang
bosero. Ohy!! Teka porket yun ang tinatawag nila sa akin
eh naninilip na ako ng katawan ng iba. Alam ko nagtataka
kayo kung bakit ako naging bosero pero hindi ako
naninilip ng katawan ng iba. Ganito kasi ‘yun, yung isa
kong kaklase na babae na masyadong “T.H.” or tamang
hinala. Eh napagkamalan akong naninilip nung kanyang
ano ahm… secret…
Alam ko hindi kayo nakumbinse sa paliwanag ko
kanina… Eto ang buong detalye. Meron kasi kaming exam
sa Filipino at nung pagtingin ko sa likod eh nagulat ako
dahil nagkasya silang tatlo sa isang maliit na upuan at
ang babaeng nagbansag sa akin ng bosero ay nakayuko
at ang akala nya eh sinisilipan ko siya pero ang hindi niya
alam eh nagtaka lang ako dahil nagkasya silang tatlo sa
isang maliit na upuan. Ang isa pang dahilan ay hindi ko
magagawang mangboso dahil ako ay sobrang bait,
sobrang konserbatibo at sobrang gwapo!! Hay naku
nasabi ko nanaman ang totoo kong itsura…
Simula nung napagkamalan akong nangboboso eh
hindi na nila ako tinigilan asaring bosero oh katunog pa
ang asero. Tinulad siguro nila sa asero kasi kamukha ko
ata si Richard Gutierez ahm. May pagkakaiba rin kami,
mas gwapo lang ako… Ehem! Sinasabi ko lang ang totoo..
Kung gusto nyo akong makita eh wag na baka kusa na
kayong magpaboso, hehe! Sa gwapo kong ito. Tandaan,
hindi ako mayabang, hindi rin po ako sinungaling.
Hahaha!!!
Teka wag na kayo magreact baka mapalayo pa
tayo sa istorya, alam nyo ba sa tuwing pagsasalubong
naming mga kaklase ko lalo na ang mga ICT tinatakpan
nila ang kanilang dibdib… Nagtataka lang ako bakit nila
tinatakpan? Eh wala namang masisilip!! Pero naiintindihan
ko naman sila kasi hindi naman masama ang mangarap.
Hanggang dito nalang ang kwento salamat sa nagbasa.
Hindi ko rin sasabihin na bosero ang nagbabasa nito pero
yun ang totoo. Hahaha!!! Ang saya-saya talaga!
…ρβα…

Kumatok ka muna
by: phoebz

Sa aking pagninilay-nilay hindi ko maintindihan


kung bakit kailangan kong sumulat para lamang sa hindi
ko alam na dahilan. Subalit bago ko simulan ang magiging
bahagi ng librong gingawa ng PBA sa pangunguna ng
SUPER TWIN na sina Ambet “the Bear” at Dha-dha “the
Penguin”, ay gusto kong iparating ang taos puso kong
pasasalamat sa mga taong bahagi ng Pugad Baboy
Association. Unang-una sa lahat ay ang SUPER TWINS, sa
mga officers, sa mga miyembro at sa aking sarili. Sa
lawak ng pag-uutak ng SUPER TWINS ang pagsusulat ng
mga kaepalan ay sumiklab, naitatag ang PBA na ngayo’y
namamayagpag sa aming pagkakaalam. Sa kasulukuyan
kami ay naghahasik ng lagim sa paaralng IETI na kung
saan itinatag ang PBA. Sadyang malakas ang
impluwensya ni BOB ONG sa mga taong tulad namin,
kung hindi dahil sa mga librong kanyang isinulat wala ang
PBA, sa kanyang mga libro nagsimula ang lahat. Sa
ngayon ang mga nabibilang sa PBA ay nagfe-feeling busy
as a writer. Ako ay magpapakilala sa pangalang BHIE, isa
sa mga officers ng PBA, ginawang Muse ng hindi ko alam.
Siguro wala na silang ibang makuha pa kaya ako ang
itinalaga nila as a muse kahit alam ko na inuuto lang nila
ako, pumayag na rin ako, sayang eh! Wala man akong
magawa, hindi ko magawang pumalag, sa kabuuan ng
mga officer ako ay nagpa-uto na sa kanila ng bonggang-
bongga. Nais ko ring iparating ang walang hanggang
pagpapasalamat ko sa mga taong nabibilang sa PBA, na
araw-araw kong kasama sa pag-aaral, sa tawanan,
kulitan, kaepalan, kajologsan, sa kasinungalingan, sa
pang-uuto, sa pagpapauto, sa araw-araw na pagkain ng
tae (joke lang!), “Tawa kayo! Nagpapatawa ako, hindi
lang po halata.” Nakakalungkot mang isipin na
mababawasan kami ng isang makapangyarihang officer
na siyang napamahal na sa amin ng sobrang bonggang
bonggang bongga, as in todong-todo na talaga. Gusto
man naming siyang pigilan sino ba naman kami para siya
hadlangan sa mas makakabuti para sa kanyang
kinabukasan. Gusto ko lang na sabihing hindi ka
mawawala sa puso’t isipan namin, mahal naming
kaibigan.
Ang PBA na kinabibilangan ko ay gumagawa ng
WALA – ang walang kabuluhang kaepalan ay isa na dito.
Nagsimula ang pagkatok sa mga usapan ng
nagkakaepalan ang tatlong taong walang magawa sa
buhay na mga mukhang walang direksyon ang buhay
pero mayaman sa ganda ng mukha(Walang kokontra,
kwento ko ‘to!).
Bago ka makapasok sa usapan ng iba kailangang
KUMATOK ka muna. Ginagawa lamang ito ng mga epal na
taong tulad namin. Kung gusto mong hindi ka ma-O.P. o
magmukhang alien sa oras ng biruan matuto kang
kumatok, kung hindi mo ito gagawin “out of the
conversation” ka, kumbaga haller – tsugi ka sa usapan.
Ang pagkatok ay ginagawa kahit saan. Sa ulo, sa katawan,
sa likod, ‘wag lang sa gitna ng ano. Haller! Okay ka lang?!
‘Wag marumi ang isip(sa gitna ng kalsada, baka may
sasakyang dumaan!). Sa usapang seryoso o walang sense
hindi ka agad agad makakapasok. Kung inaakala mo na
ganoon kadali makihalubilo sa mga usapan, nagkakamali
ka! Kung ating susuriin parang walang sense ang
pagkatok pero kung iisipin nating mabuti ang pagkatok ay
nagiging paraan din ng pagpapasintabi sa mga usapan.
“Paggalang” ika nga.
Ang mga taong dogmatic na kung saan ay boring,
disgusting at naniniwalang siya lang ang laging tama
during conversation ay hindi pinahihintulutang pumasok.
Pati na rin ang uri ng tao na condescending which is
boastful, arrogant person “bragga docio” type ika nga (ay
masasapul lang). Ang mga maargumentong epal,
egocentric(he/she only sleeps with the best, that’s why
he/she sleeps alone), insincere(he/she don’t mean what
he/she says, telling something that does not come into
the deepest of his/her heart). Sa kalinawan ng paliwanag,
at higit sa lahat ay “LIFELESS” na walang alam kundi
“Yes” or “No”, ay walang lugar para makapasok sa
usapan na gusto niyang pasukan, dahil ang mga epal ay
para lamang sa mga epal. Ito po ay buong puso kong
pinagmamalaki na natutunan ko sa aking instructor noon
na itago natin sa pagkakakilanlang “SE Jr.”. Ang
pinahihintulutan lang pumasok sa mga usapan ay ang
mga taong may sense of anticipation, moral value, humor,
loyalty, at higit sa lahat may “A LOT OF COMMON SENSE”.
Lahat ng nabibilang sa PBA ay meron nito, hindi lang
halata…!!! Sa mga makakabasa nito “Hayaan ninyo na
lang ako sa mga isinulat ko kung kayo nga hinayaan ko na
lang, walang basagan ng trip...” Ngayon mahal naming
mga mambabasa alam ninyo na kung paano ang
pagkatok at kung para saan ito, sana naman matuto kayo
kung paano magpapasintabi. Ito ay para pa sa inyong
kabutihan at para na rin sa pagiging medyo “epal”.
…ρβα…

Sekreto
by: shang

May mga bagay o pangyayari sa buhay ko na


gusto kong sarilinin na lamang. Mga bagay sa buhay ko
na di ko kayang sabihin kahit sa mga pinagkakatiwalaan
kong mga kaibigan. Hindi naman ako malihim na tao, pero
may mga bagay lang talagang nais kong ako lang ang
nakakaalam. Hindi naman kasi pwedeng lahat sasabihin
mo sa iba, dapat mayroon din tayong self-privacy.
(Pero kung minsan, nahihirapan akong sarilinin ang
mga bagay na gumugulo sa isip ko. Kahit pa sabihing
napakakumplikado o confidential ang isang bagay, kapag
pala nahihirapan ka nang sarilinin ito, na sa wari mo ay
sasabog na ang dibdib mo sa bigat ng iyong dinadala,
natutukso kang ishare o ikwento ito sa iba. Nang sa ganun
kahit paano sa pamamagitan man lang niyon mabawasan
man lang ang bigat ng dinadala mo. Pero sa bandang huli,
mananaig pa rin ang kagustuhan mong walang ibang
makaalam kundi sarili mo lang talaga. Kahit pa siguro
hirap na hirap ka nang i-keep ito sa sarili mo
nagmamatigas ka pa rin. Andyan lang naman ang mga
kaibigang handang dumamay at makinig sa sasabihin mo,
mga kaibigang alam mong pwede mong pagkatiwalaan
gaano man kabigat at kakomplikado ang dinadala mo.
Sadyang may mga bagay talagang nakalaan lang para sa
iyo.)
Pero sabi nang iba, mahirap daw talagang
magtago ng lihim o sekreto. Minsan daw kasi kapag
inatake ka ng kadaladalan, na parang isang sasakyang
nawalan ng preno ang iyong bunganga, hindi mo
namamalayan ang mga katagang lumalabas sa bibig mo.
Naranasan ko na rin yan, hindi lang minsan kundi
MADALAS…!!! Inaamin ko sa sarili ko na talagang
madaldal ako. Minsan sa sobrang kadaldalan ko, kung
anu-ano na ang lumalabas sa bibig ko at di ko
namamalayang nasasabi ko na pala ang mga sekretong
ibinahagi lang sa akin ng mga taong nagtiwala sa akin.
Pero hindi naman ako nagsisisi o naguiguilty dahil alam ko
namang maging sa iba ay nangyayari rin yun, naniniwala
kasi ako sa kasabihang “nobody is perfect!” Kung kaya’t
alam kong naiintindihan ako ng mga taong nagtiwala sa
akin. Inaamin ko na palusot lang yun pero wala naman
sanang kokontra.
Naniniwala rin ako sa kasabihang “walang
sekretong di nabubunyag.” Lahat ng sekreto gaano mo
man ito katagal itago, malalaman at malalaman parin ito
ng ibang tao. Bakit pa kasi nauso ang pagtatago ng
sekreto? Alam ko na halos lahat ng tao dito sa mundo ay
may mga itinatagong sekreto. Pero ayon sa isa kong
kaibigan ang pagtatago raw ng sekreto ay kasalanan, kasi
pa’no raw kung ang sekreto mo ay makakasama pala sa
iba tapos biglang nabunyag sa taong iyon, eh di
nagkasala ka na… may instant kaaway ka pa. O di kaya
naman ay ang pinakatatago mong sekreto ay ang lihim
mong pagnanasa sa isang tao, sabihin nalang nating sa
AKIN, kasalanan nayun, hindi ka lang sa akin nagkasala
maging sa Diyos na rin. Ngunit depende naman yun kung
ano ang purpose mo sa pagtatago ng sekreto o kung
anong uri ng sekreto ang sekreto mo. Dalawang uri lang
naman eh, mabuti at masama. Depende rin ito sa
sitwasyon… Halimbawa na lang ay ang pagkasangkot mo
sa isang krimen o ang pagiging saksi mo sa isang
malagim na patayan, malaking bahagi ng buhay mo ang
madadamay, hindi lang ikaw ang sangkot dito kundi
maging ang buo mong pamilya, kung kaya’t mas pipiliin
mo ang manahimik na lamang.
Subalit meron din kayong dapat na malaman at
matutunan tungkol sa pagtatago ng sekreto. Una, kung
gusto mong i-share ang sekreto mo sa iba dapat piliin mo
ang taong pagkakatiwalaan mo. Alam ko naman kasing sa
panahon ngayon nagkalat na ang mga taong tsikadora.
Kaya dapat siguraduhin mo na ang taong ito ay tahimik,
hindi matabil ang dila at higit sa lahat hindi tsismosa.
Kaya ngayon pa lang umpisahan mo na ang paghahanap
ng kakaibiganing pipi. At ang pangalawa at
pinakaimportante sa lahat ay ito… kung may sekreto kang
ayaw mong malaman o i-share sa iba, isa lang ang
kailangan mong gawin, makipag-one-on-one talk ka sa
iyong sarili at kumbinsihin mo ang sarili mo na sumunod
sa iyo. Napakasimple at napakadaling gawin di ba?

END of story.

Umaasa ako na kahit papano ay marami kayong


natutunan sa isinulat kong walang kabuluhan. At ito ay
iniaalay ko sa mga kaibigan kong mahilig magsikreto at
namomroblema sa mga sekreto. Lubos din akong umaasa
na kahit “dalawa” man lang sa “dalawang” ipinayo ko ay
gawin ninyo! Lubos kong pinasasalamatan ang mga
“hayop” na kaibigan kong naniniwala at sumusuporta sa
aking kakayahan. Isa ring napakalaking karangalan ang
mapabilang sa asosasyon ng iba’t ibang uri ng hayop at
nilalang, (hehehe…) asosasyon pala ng mga nilalang na
gumagawa ng wala, ang Pugad Baboy Association. At para
sa mga karagdagang detalye, ang PBA ay pinamumunuan
ng cute na penguin, isang mukhang baboy pero cute na
polar bear, at isang cute na asong kalye na ewan kung
bakit naging presidente ng PBA. Ang mga miyembro dito
ay mga pinagsama-samang engkanto, alien at mga
nilalang sa planetang Earth. May isang duwende, tatlong
magagandang dilag na tinaguriang “mga babaeng walang
hinhin”(at isa ako dun), isang taong kulot na sinasabi
nilang salot, isang lalaking mahilig mamboso at ang
pinakasikat na nilalang sa bansang Pilipinas na naging
masalimuot ang buhay sa planetang Earth kung kaya sya
ay lumipat sa planeta ng mga nilalang na gumagawa ng
wala, siya ay walang iba kundi si Rizal. Sa kasalukuyan,
ang mukhang baboy pero cute na polar bear na syang
aming illegal/legal recruiter ay patuloy na nangrerecruit
nang sapilitan sa mga inosenteng nilalang.
…ρβα…

Natuto na
by: judz

Para po sa kaalaman ng lahat ipinapakilala ko po


ang PBA sa inyo. PBA means Pugad Baboy Association. Ito
po ay isang unique, astig, at kakaibang grupo na
matatagpuan lamang sa IETI, College of Science and
Technology. Ito ay may malaking ginagampanang
tungkulin sa buhay-buhay namin. Ang grupong ito ay
kamakailan lamang nabuo sa tulong ng dalawang
makapangyarihang nilalang sa grupo namin na walang iba
kundi ang kambal na magkaiba ng mukha at
pinanggalingan ngunit magkapareho ng timbang. Sina
“Bear” at “Penguin”.
Sa pagpapatuloy ng kwentong ito di ko pala alam
kung paano napadpad ang landas ko sa PBA. Kung paano
nga ba pinagtagpo-tagpo ng tadhana ang mga bumubuo
sa grupong ito. Ang misteryong ito ay wag na nating
problemahin. Basta, ako’y natutuwa at nagpapasalamat
na napasali ako dito.
Ang PBA ay ang grupong gumagawa ng “wala”. Ito
po ang mahiwagang kasabihan namin. Alam ko po na
nalilito ang mga utak niyo sa pag-iisip kung ano nga ba
‘yun. Don’t worry di ka nag-iisa karamay mo ako. Kasi ako
rin di ko maintindihan ‘yung mga mahiwagang katagang
iyon. Basta, kunwari alam mo na lang. ‘Wag na lang
kontrahin kasi baka mapatalsik pa ako.
Dahil sa pagdating ng PBA sa buhay ko maraming
akong natutunan. Ika nga “kung may knowledge, may
power” at totoo ‘yun. Sabi nila “astig” at “mabangis” daw
kami sa lahat ng bagay… sa kaepalan, sa kalokohan, sa
kakalogan, sa kakulitan, sa kaartehan, sa kayabangan, at
higit sa lahat sa kakyutan… di ba? Ang umangal okay lang
kasi ‘di naman sila kasali.
Kahit po ganito kaming mga naiibang nilalang, sa
earth po pa rin kami nanggaling. ‘Yun nga lang unique po
kami. Mamatay na kayo sa inggit. At higit sa lahat
matitino po ang mga isip namin. Marami po kaming plano
para sa ikauunlad ng association. At proud na proud kami.
At isa na po dito ang paglalathala ng libro. Bawat isa sa
amin ay inatasang ng mahal naming si Ambet a.k.a. Bear
na magsulat, at ang topic na ibinigay sa akin ay “Natuto
na”. Kasi ito daw ay angkop sa aking katangian(walang
kokontra…)! Para sa inyong mahal naming mangbabasa,
ang PBA ba ay B.I. or G.I.(B.I. means Bad Influence and
G.I. means Good Influence)? Gets?!
Bago po ako pumasok sa IETI, College of Science
and Technology, sabi nila inosenteng tao daw ako. Kasi
tahimik, mahiyain at hindi pala-kibo. Wala daw akong
kamuwang-muwang sa mundo. At ‘yun ang akala nila…
pero mali sila doon! Kasi lahat ay may pag-babago sa
bawat taong nakakasalamuha nila. Sa pagdating PBA sa
private life ko, everything had changed(English ‘yun at
proud ako na sa PBA ko natutunan ‘yun). Dahil sa kanila
nagbago ang takbo ng buhay. Sila rin ang dahilan kung
paano ako naging tao…! Deeper explanation, naging
“totoong tao”. Kaya malaki po ang utang na loob ko at
tinatanaw ko ito sa kailaliman ng puso ko.
Sasagutin ko na pala ang tanong ng PBA sa akin,
kung B.I. or G.I. ba sila. Hindi sa pagpaplastic, mahal ko
ang PBA. At ikinalulugod ko po sabihin G.I. po silang
impluwensya sa akin. Sila po ang nagturo sa akin na
maging malakas ang loob, maging matatag, maging
palaban, maging makapal ang mukha, magpose ng
malandi, kumatok bago pumasok sa usapan, matutong
sumayaw ng Jollibee dance, tumawa lang kapag may
problema, matutong umagaw ng eksena at higit sa lahat
mang-asar ng bonggang-bongga. Kahit ganoon po ang
ginagawa naming marami kaming taong natutulungan na
maging masaya upang hindi na sila malunod sa gabundok
na problema ng mundo. At simple lang ang paraan dun,
ililigtas namin at isasali sa PBA para maiwasan ang
pagiging depressed sa mga problema. Kahit di namin
maiwasan ang mga taong may matang mapanghusga at
kami ang pinoproblema “We don’t care.” Kasi gusto lang
namin makatulong sa kapwa.
Sa PBA kasi di ka makakaramdam ng problema
dahil mga manhid na po kami dun. ‘Pag kami po ay
magkakasama-sama masaya po ang mundo. Kaya
nagpapasalamat po ako sa taong muntik nang masiraan
ng bait sa pagbuo nito. Kahit ganun po natutuwa kami sa
tagumpay namin ngunit sa kabilang banda ako po ay
nalulungkot sapagkat may isang napakaimportante at
nakapamakapangyarihang miyembro ang sandali na lang
namin makakapiling. Sapagkat malapit na siyang lumisan
sa aming grupo. Ngunit wala kaming magagawa, spagkat
hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente. Kahit na
maiksi ang oras ng ating pagsasama, nakabaon ka na sa
puso’t damdamin naming. At para po sa hindi nakakaalam
siya po ang isa sa mga nakibaka sa pagbuo ng PBA. Kahit
masakit po sa amin pipilitin naming tanggapin ang
pagsubok na ito. Dahil kaming mga taga-PBA ay dapat
walang pinoproblema kasi kami ang nilalang na
gumagawa nun.
Salamat pala sa pag-recruit mo sa akin. Hindi ka
nagsisi kasi worth it naman. Ipagmamalaki ko talaga ang
grupong pinaghirapan mong buuin. Kahit saan man ako
mapadpad sa napakalaking mundong ito, promise, hindi
ko talaga kakalimutan ang mga bagay na natutunan ko. I
will improve this knowledge and skills. Hehehe!!!
…ρβα…

Ang Hiwaga, Kababalaghan, Misteryo at ang


Kapangyarihang taglay ng Utot na kulay Pinkish-Blue
by: manong

Una sa lahat and before anything else, nais muna


kitang batiin ng isang magandang umaga, tanghali,
hapon, gabi, madaling araw o kung ano man ang oras
dyan sa planeta mo. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan
habang binabasa ang obra maestro kong ito na
siguradong hahakot na naman ng napaka-raming award
sa loob at labas ng ating bansa at maging sa ibang
planeta na rin. Ang isinulat kong ito ay nagtataglay na
salamangka at mababasa lamang ito ng mga nilalang na
CUTE, MAGANDA, GWAPO, MACHO at SEXY, kaya kung ito
ay iyong nababasa, dapat kang magbunyi at magdiwang
sapagkat isa ka sa mga napili ng dakilang taga-pili na
nagngangalang Boknoy na maging kasapi ng Asosasyon
ng mga Mapapalad na Nilalang sa Ibabaw ng Lupa
(AMNIL). †<oh oh oh bakit ka ngumiti dyan? Anong felling
mo CUTE, MAGANDA, GWAPO, MACHO at SEXY ka kaya
mo ito nababasa?? Bwahahaha uto-uto ka pla eh.>†
Ako’y hinde na magpapaligoy –ligoy pa at
sisimulan ko na ang aking napaka super dooper intresting
na paksa para sa librong ito. †< hinde ko nga alm kung
anong title ng librong ito eh>†. Pero bago ang lahat and
before anything else, dapat ko munang ipakilala ang
aking sarili sa aking mga FANS †<kung binabasa mo ito,
member ka na ng Fans Club ko sa ayaw mo at sa gusto>†.
Ako nga pala ang napaka MACHOng kasintahan ng ubod
ng ganda pero penguin na si Daryl May C. Esmasin na si
James Albert T. Tribiana. Isa akong BsCpE student ng
paaralang kakulay ng MMDA, ang IETI na matatagpuan sa
planetang Earth na nasa Milky Way Galaxy. Kilala ako sa
tawag na “James” at “Semaj” sa aking mga kaibigan,
kamag-aral at sa mga hinde ko kilala ngunit kilala nila ako
†<Hirap talaga maging sikat>†. At kilala naman ako sa
tawag na “Mahal, Papa at Panny” sa aking iniirog na si
Penguin, este Daryl pala †<Additional Info: alam niyo ba
na hinde humahaba ang bangs ni Daryl nung 1st year 1st
sem>†.
Game, seryoso na. nabasa mo naman siguro yung
title nitong binabasa mo diba? Inutil ka kung hinde mo
yun nabasa! Isa kang napaka laking “T”! †<ikaw na
bahala magisip kung anong ibig sabihin ng T. Ano ka
sinuswerte? Pati ba naman yun ako pa ang mag-iisip para
sayo>†. Sabi nga ni Ma’am Abejar, nagkakaron ng ideya
ang mambabasa tungkol sa kanyang binabasa sa
pamamagitan ng pagbasa sa Title, kaya kung iniisip mo
na ang aking isinulat ay tungkol sa Hiwaga, Kababalaghan
at ang Kapangyarihang taglay ng Utot na kulay Pinkish-
Blue, pwes dapat kang mag-celebrate at magpa- Burger
sapagkat mali ang iniisip mo †[Bwahahaha]†. Ang aking
isinulat ay tungkol sa †<Background music: tan ta na nan
tralala lala doobi doobi doo>† Ancient at Sinaunang Sining
ng Pambabara.
Narinig mo na ba yung kwento ni “Snow White at
ang Pitong Kabibeng Dagat”? kung hinde pa, ako’y
nakakaramdam ng awa para sa iyo sapagkat hinde mo pa
nababasa o naririning ang napaka-gandang kwentong
iyon. Pero dahil sa ako ay isang napakabait na nilalang,
ikukwento ko yun sa iyo ng walang hinihinging kapalit
basta ilibre mo lang ako ng BigMac Burger sa Jollibee. Siya
nga pala, ang bahaging ito ay walang kinalaman sa aking
paksa, nais ko lamang itong ilagay para ikaw ay asarin at
para humaba ang iyong babasahin… bwahahahahaha
Hinde ko alam kay Limbertot kung bakit ito ang
ibinigay na paksa sa akin, eh hinde naman ako marunong
mambara at hinde ko pa iyon nagagawa ng kahit isang
beses sa buong buhay ko †<oh oh oh wag ka na umepal,
wag ka na kumontra at magreact, nakikibasa ka na nga
lang eh.†. Hoy ambetot dapat malaki ang porsiyento ko
sa Book Sales ng librong ito ha, kasi rush ko itong ginawa
at wala akong kahit kaunting ideya tungkol sa topic na
ibinigay mo sa akin.
Ayon sa tropa kong sila Newton, Einstein,
Archimedes at Manong Allan na taga bukas ng aircon sa
Pastor’s †<na crush ni Jordalyn Ones. Uyyyy kinikilig s’ya
oh. Bwahahaha>†, ang pambabara daw ay isang sining ng
pakikidigma na nagmula pa sa sinaunang sibilisasyon ng
bansang Hapon at Tsina †<na pangalan ng tutang
ninenok ni Daryl>†. Ito ay isa sa mga ipinagbabawal na
technique sa bayan ng Konoha sapagkat ang sinumang
gumamit nito sa pakikipaglaban ay siguradong kamatayan
ang nag-aantay sa kanya. Ikaw ay siguradong magtataka
kung bakit ganun ang epekto ng technique na ito sa
sinumang magtangkang gumamit nito sa oras ng laban,
simple lang ang eksplanasyon diyan, KUNG HINDE KA BA
NAMAN SIRA ULO!!! MAY BLOODLINE LIMIT NA
SHARINGAN AT BYAKUGAN YUNG KALABAN MO TAPOS
ITONG TECHNIQUE NA ITO ANG IPANTATAPAT MO!!!!.
Kahit nga yung ipis at pulgas na alaga ng Mahal ko na si
Daryl ay hinde mamatay kapag ginamitan ng technique
na ito, nalaman ko iyon sapagkat naikwento sa akin dati
ni Daryl na sinubukan nyang gamitan ng technique na ito
yung ipis niya †<na nagngangalang Roachy>† at yung
pulgas niya †<na nagngangalang Garapaty>† pero hinde
iyon tumalab sa dalawang alaga niya. Sabi ko na lang sa
kanya, baka naman mali yung Hand Seals na ginawa mo
at baka hinde sapat o sobra yung dami ng Shakra at
Ryatsu na pinalabas mo. Ilang beses pa niya inulit na
gamitan ng technique na iyon sina Roachy at Garapaty,
subalit kabiguan lamang ang kanyang nakakamit sa
bawat pagsubok na kanyang ginagawa. †< kawawa
naman ang Mahal ko>†
Kung binabasa mo pa rin itong ginawa ko
hanggang ngayon, ibig sabihin ay interesado kang matuto
ng Sinaunang Sining ng Pambabara. †<wag ka na
magdeny at magpakipot. Hinde bagay sayo. Oo ikaw nga
ang tinutukoy ko, ikaw na ABNORMAL na nagbabasa ng
obra maestro kong ito>†. May pagkakomplikado at
siguradong mahihirapan ang isang katulad mo lamang na
matutunan ang istilong ito, subalit dahil nga sa ako’y
mabait at walang hinihinging kapalit sa aking pagtulong,
basta’t ilibre mo ako ng BigMac Burger sa Jollibee, ituturo
ko sa iyo ang basics ng istilong ito.

Ang basics ng Sinaunang Sining ng Pambabara:


1. Una, dapat ay maghanap ka ng iyong biktima.†<pero
kung talagang abnoy ka tulad ng mga kakilala kong
nagbabasa nito, pwede mo ring subukan na barahin ang
sarili mo>† Ipinapayo kong piliin mo yung taong madaling
mapikon para mas maging matagumpay ang ritwal na
iyong gagawin.

2. Ikalawa, dapat alam mo kung kelan ang eksaktong oras


kung kalian mo siya babarahin, hinde mo siya pwede
barahin bago siya magsalita, kailangan umpisashan mo
ang pambabara habang siya ay nagsasalita o kaya naman
kapag siya ay tapos na sa kanyang sinabing wala namang
katuturan para sa iyo.

3. Ikatlo, siguraduhin mong marami kang baon na mga


salitang pambara sapagkat maaaring lumaban ng
barahan yung biktima mo. Kapag ito’y nangyari, dapat ay
handa kang makipagbarahan hanggang kamatayn at
siguraduhin mong wag ka magpapatalo, dahil kung ikaw
ay natalo, kailangan mong maglagay ng kwek kwek na
kulay blue at may sili sa butas ng iyong ilong.

4. Ikaapat at ang pinaka mahalaga, dapat ay may tiwala


ka sa iyong kakayahang mambara,

Sundin mo lamang ang mga nakalagay sa itaas at


ikaw ay sigiradong magiging isang propesyonal na
mambabara at hahangaan at titingalain ka ng mga kapwa
mo autistic, abnoy †<na tulad ng mga kasapi ng PBA>† at
sira ulong naniwala sa lahat ng mga pinagsasasabi ko
dito. Bwahahahaha Wakokokoko Hahahaha Hihihihi
Hekhekhek
…ρβα…

Kaibigan
by: phoebz

Lahat tayo ay naghahangad ng tunay na kaibigan,


karamihan sa atin ang nagkakasundo dahil sa
pagkakapareho ng ugali, at sa pagkakapareho sa
maraming bagay. Lingid sa ating kaalaman na ang
kaibigan ay isa sa pinakamahalagang regalong ibinigay sa
atin ng Panginoon. Kung ating papansinin ang kaibigan ay
karamay o kasama natin sa maraming bagay tulad ng
karamay sa problema (maging personal man ito o hindi)
kasama sa kalokohan, tawanan, kulitan, kaepalan,
karamihan sa atin na sa kaibigan natin naipapakita ang
tunay nating pagkatao, maging jologs man tayo o hindi,
panget o maganda, artistahin man ang dating o hindi,
meron man tayo o wala, tinatanggap tayo ng buo at
walang pag –aalinlangan. Sa mundo ng friendship, hindi
mo kailangang baguhin ang sarili mo para lamang
magustuhan ka ng iba, mas masaya sa pakiramdam na
alam mong kahit elyen ka tinanggap ka ng buo maging
ano at sino ka man. Kung iisipin nating mabuti tatlong
bagay lang ang mahalaga sa buhay natin, ang una ay ang
“Panginoon”, ikalawa ang ating “Pamilya”, at ang ikatlo ay
ang ating “Kaibigan”, na isa sa bumubuo at humuhubog
sa ating pagkatao. Mawala man ang isa sa kanila ay wala
na rin tayo. Ang tunay na pagkakaibigan ay wala sa tagal
ng panahong pinagsamahan, kundi kung paano nyo
pagkatiwalaan ang isa’t –isa, at kung paano n’yo rin
tanggapin ang isa’t isa bilang parte ng buhay n’yo. Hindi
mahalaga sa pagkakaibigan kung mayaman ka man o
hindi, ang pagkakaibigan ay nakikita sa puso ng bawat
isa. Alam nating lahat na ang kaibigan ang siyang
nagiging takbuhan natin sa panahon na masaya tayo, sa
panahon na may problema tayo (mabigat man ‘to o
magaan), sa panahon na walang – wala tayo. Kung
minsan mas higit na minamahal pa natin ang kaibigan
natin kaysa sa sariling pamilya, sapagkat kung minsan
mas higit na naiintindihan tayo ng ating kaibigan kaysa sa
sarili nating pamilya. Parati lamang siyang andyan sa
ating tabi, ang kaibigan ang siyang nagiging sandalan
natin sa maraming bagay. Kung misan ay isa din sa ating
inspirasyon at kasama natin sa pagbuo ng pangarap. Sya
ang nagbibigay ng lakas ng loob sa atin, sa panahong
hindi na natin alam kung saan pa tayo patutungo, ang
nagiging daan natin upang matagpuan natin ang
pupuntahan, ang nagiging ilaw natin sa madilim nating
buhay.
Ang kaibigan ay isa sa pinakamahalagang bagay
sa mundo na hindi dapat itapon bagkus ay dapat natng
ingatan at alagaan. Ang kaibigan ang siyang nagiging
guro natin kung minsan, ang nagtuturo sa mga tamang
bagay na dapat nating gawin.
Ang nagpapasaya sa ating buhay, maging katawa
tawa man sila sa harapan ng iba ginagawa niya ang lahat
ng paraan mapasaya lamang tayo. Nagpaparamdam na
tayo ay mahalaga sa Panginoon. Minsan may mga bagay
na siya lang ang higit na nakauunawa kaysa sa iba. Ang
pagkakaibigan ay hindi natutumbasan ng pera (burger
pwede pa!) – churva lang. hehehe Seryoso na ulet… Hindi
ito nabibili, buti na lang! (mahirap pa naman ako!) –
churva ulet! (di na mauulet!). Wala ng mas hihigit pa sa
tunay na kaibigan sya lamang ang hindi nang – iiwan sa
panahon na kaylangan natin ng karamay, handang ibigay
ang lahat (kaya man o hindi). Ang kaibigan ay hindi
nakalilimot (malayo man kayo sa isa’t isa o hindi). Minsan
siya ang nagiging Anghel natin, nagiging GABAY upang
malaman natin kung anong nais ng Panginoon na
maramdaman natin at malaman, kung anong purpose
natin sa ibabaw ng lupa. (Malamang! Alangan naming sa
ilalim di ba!?). Minsan ang kaibigan ang nagpapaalam
kung sino talaga tayo. Minsan gaano man tayo kasama
hindi pa rin tayo magawang iwan ng tunay na kaibigan.
Hindi ko ito isinulat dahil lang sa wala akong magawa,
isinulat ko ito dahil ito ang paraan ko upang iparating ang
taos puso kong pagpapasalamat sa mga kaibigang
humuhubog sa aking pagkatao hindi sa paghubog ng
aking katawan. (hehe…)
Ang kaibigan ang s’yang kaisa – isang nagtyatyaga
sa pagmumukhang meron tayo. Minsan may mga
kaibigan na nagiging Bad Influence sa’tin, minsan naman
ay good influence. Minsan ang kaibigan ang syang
nagtuturo sa atin kung paano gumastos sa mga walang
kabuluhang bagay, eklabush ika nga! Maging ano man
ang dulot niya sa’tin, mabuti man o masama, siya pa rin
ang taong ‘pag nawala ay hahanap – hanapin natin. Kung
minsan tinuturuan tayo ng kaibigan natin kung paano
magsinungaling sa ating magulang pero nakatutuwang
isipin na sa panahon ng kagipitan siya ang una nating
tinatakbuhan. Sa ngayon ako ay kabilang sa Asosasyon ng
Pugad Baboy, ang grupong gumagawa ng wala (walang
kabuluhang kaepalan ay isa na dun). Ang mga nabibilang
dito ang isa sa mga nagiging inspirasyon ko sa araw –
araw. Pumapasok ako sa eskwelahan hindi lang para
matuto dahil na rin sa gusto ko rin silang makita at
makasama. May mga B.I sa kanila at G.I, pero lahat sila ay
itinuturing ko na isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng
buhay ko. Tinuturuan nila ako kung paano maging isang
tunay na tao at totoo sa sarili ko. Minsan sa
magkakaibigan hindi maiiwasan ang tampuhan
dumadating tayo sa puntong nagkakagalit rin kung
minsan, pero agad din namang lumilipas. Minsan hindi
natin maiwasan na magtampo sa ating kaibigan pero yun
ay sumusubok lamang sa tatag ng samahan, kung paano
natin dalhin ang isa’t isa. Alam nating lahat na mahirap
makahanap ng isang tunay na kaibigan pero kung
“totoong tao ka” hindi mahirap na makatagpo ng isang
tunay na kaibigan. Ang pagiging totoo sa sarili at sa iba ay
ang syang nagiging puhunan natin upang makatagpo ng
tunay na friend. Ang mga nabibilang sa Asosasyon ng PBA
ay mga taong mabababaw lamang ang mga kaligayahan,
madaling kagaanan ng loob, mga palakaibigan at higit sa
lahat sobrang gaganda at gagwapo (walang kokontra,
gawa ko ‘to,”walang basagan ng trip”).
Sa mga pinakamamahal naming mambabasa
nawa’y may nakuha man lang kayong kahit kaunting
nagpaantig sa inyong mga puso’t kaluluwa.
…ρβα…

The Jollibee Dance


By: jojo

Bago ang lahat ay luma muna. Bago ko simulan


ang umaatikabo, maaksyon at di mawaring uri ng kwento.
Nais ko munang sabihin kung paano nagsimula ang lahat.
At yun ay di ko rin alam, dahil hamak na sampid lang ako
sa grupo. Ayon sa aking mga narinig, nakita, naamoy at
nadama nagsimula ang lahat sa isang uri ng babasahin na
kinabaliwan at kinahumalingan ng grupo maliban ako. Sa
babasahin ring ito kinuha at hinango ang pangalan ng
grupo na tinaguriang PBA (Pugad Baboy Association). Ang
PBA ay itinatag ng dalawang magkaibigang Penguin at
Bear. Dahil sa dalawa pa lang sila at mahina pa ang
grupo, nanakot, nanindak at pinwersa ang mga
inosenteng taong katulad ko na sumali sa grupo. Ako ay
itinalaga nila bilang excort kahit na pilit akong
tumatanggi. At kalaunan sa awa ng Poong may kapal ay
naging maayos at matiwasay na ang takbo ng grupo
magpasa hanggang ngayon.
Dahil sa maayos na nga grupo, ang kasiyahan na
aming nadarama sa tuwing kami’y nagkakasama-sama ay
hindi mapigilan. Dito na rin nagsimula ang kung anu-
anong mga kalokohan. Mga kalokohan na siyang
nagpapasaya sa tuwing kami’y magkakasama. Isa sa mga
kalokohang nagpapasaya sa amin ay ang walang
hanggang sayawan. Mga dance step na lalong
nagpapaigting ng kasiyahan. Ngunit sa dinami-dami ng
step na nabuo ay isa lang ang aking pinaka-tinawanan at
nagpasaya sa aking kaloob-looban. Ang dance step na ito
ay tawagin na lang nating “The Jollibee Dance”. Ang
sayaw na ‘to ay nabuo ng isa sa makapangyarihang
miyembro ng grupo. Ang miyembro ring ito ang nanakot
sa akin kaya ako nadawit sa kaguluhang ito. But anyway,
bago ako lumayo sa punto ng kwentong ito, nais kong
ipaliwanag kung paano nga ba sayawin ang naturang The
Jollibee Dance. Dahil alam kong iniisip mo at gusto mong
matutunan rin ito. Oohps teka lang dahil may
requirements sa sayaw na ito, dahil kahit ako ay hindi ko
magawa-gawa. Simple lang naman ang mga requirements
nito. Una, dapat nakapolo kang maluwag sayo.
Pangalawa, dapat nakapantalon ka ring maluwag at
malambot kaya hindi pwede ang maong. At pangatlo, at
huling requirement dito ay dapat healthy ka. Ngunit hindi
basta-basta healthy lamang ang ibig kong sabihin kung
hindi dapat you have a “fat body”. At melon pa isa, dapat
hindi ka mahihiya at magagalit sa ano mang magiging
reaksyon ng mga tao kapag nakita ka nilang sinasayaw
mo ito. Dahil sa sayaw na ito ay pakapalan at pamanhidan
ng mukha upang hindi mo madama ang mga salitang
isinasapak sa iyo ng mga taong hindi nakaka-appreciate
nito. Alam kong iniisip mo kung bakit naman ito aabot
doon. Dahil simple lang naman ang proseso ng pagsayaw.
Una, tumayo ka upang mas lalong maganda, pero kung
ayaw mo, bahala ka!! Pangalawa, bend your hands in
front of you. Pangatlo, move your big fat belly left and
right. Kaya nga dapat healthy ka with big fat belly, but not
actually too big! Pang-apat, make sure na susunod sa
galaw mo ang polo at pants mo. And do step four
continuously until you are tired and mad to those people
who didn’t appreciate of what you’re doing!! At yun lang,
ganoon lang kasimple. But I warn you, para na rin sa
iyong kapakanan, don’t do it in a public place kung ayaw
mong damputin ng mga pulis at pulutin sa kangkungan,
pero kung ayaw mong makinig okay lang, bahala ka!!
Bago ko tapusin ang kabaliwang ito nais ko
munang sabihin at ipakilala sa iyo mahal kong
mambabasa kung sino ba talaga ang kauna-unahang tao
sa ibabaw ng mundo na sumayaw ng “The Jollibee
Dance”. Ang taong ito ay itago na lang natin sa pangalang
Bear or A.K.A. Ambet! Ngunit sa kasamaang palad, dahil
sa pabago- bago ang mapaglarong panahon. Hindi akalain
ng grupo na lilisanin niya ang aming Unibersidad ng IETI.
Ayaw ko mang isipin ngunit alam kong mababawasan ang
kasiyahan ng grupo. Hindi dahil sa hindi na naming siya
makakasama, kung hindi ay ‘di ko na makikita ang
kanyang jollibee dance na siya lamang ang tanging
nakagagawa ng sayaw.
Syanga pala bago ko tapusin itong part ng librong
ito, may nais lamang akong sabihin sa mga kawani ng
University of IETI na makakabasa ng mahiwagang libro ng
PBA. Ipromote nyo naman itong librong ito dahil sa IETI
nabuo at nadevelop ang grupo. At kasama rin kayo sa
aklat na ito kaya obligado kayong ipromote ito. Pero kung
ayaw nyo, OK!!
…ρβα…

Badtrip sa Programming (C)


by: ambet

Whaaah!!! Kakaasar! Badtrip talaga kanina! Di kasi


namin nagawang i-run yung pinagawang program sa amin
ng prof namin. Naaasar ako sa sarili ko kasi di gumana
yung logic ko (meron ba?!) kanina. Pa’no ba naman
makakapag-isip eh gutom ako. Hindi lang ako pati mga
klasmeyts ko. Di naman namin masisi yung prof namin
kung pang gabi yung schedule namin. Mas kawawa yung
mga BS-IT-1 kasi 2:00 pm-8:00 pm sila. Pinayagan kaming
mag break para makakain. Pero dahil sa sobrang hirap
hindi na yun sumagi sa isipan namin dahil sa sobrang
hirap niya at midterm pa. Kaya nga ang sabi ng prof
namin, dun na kailangan ng maraming logic ang
programming. Ano ba ang logic? Logic is the correct
thinking of a person. Panu nga naman kami makakapag-
isip?! Eh gutom nga kami. Pero ano naman ang koneksyon
ng pagkain sa tamang pag-iisip at pagdedesisyon ng isang
tao? Ma-eexplain ba nito ang pagkabaliw ng ilang tao?
Dahil ba sa pagpapalipas ng gutom ng tao kaya siya
nawawala sa tamang pagiisip? Mangyayari kaya yun sa
akin? Siguro naman hindi. Palagi kasi akong busog! Wag
kayong papagutom ha(concern?!). Pero para sa taong
besi-busy-han hindi maiiwasan ang pagkain sa di tamang
oras o hindi mismo pagkain.
Balik tayo dun sa program namin. Ang hirap
talaga, as in! Nakakabaliw isipin kung paano namin
paiikot-ikutin yung program. Bawat mali debug ng debug.
Hanggang sa hindi mo na sya talaga mapagana.
Debug. Isang salitang hindi ko maaaring kalimutan
sa tanang buhay ko dahil sa mga kaakibat nitong mga ala-
ala. One time, nabingi kami ng mga kaklase ko sa salitang
yan. Imbes na debug ay libag ang aming naulinigan.
Tinawag na namin ang isa’t-isang libagers. Ieexplain ko pa
ba kung bakit may “-er” na nakadugtong sa salitang mali
ang aming pagkakadinig? Idinagdag na dun ang “-er” para
gawing yun at matawag ito sa tao. Ngayon isang tao na
lang ang tinatawag naming “Libager”. Hindi ko na
babanggitin kung sino, sikreto ko lang yun.
Programming. Kailangan ng logic. Kailangang mag-
debug kapag may mali. Kailangang mag declare, mag
lagay ng decision, ng loops at kung anu-ano pa para lang
mapatakbo ang program at taos puso mong mapakopya
sa mga kaklase mo para pare-pareho kayong makatapos.
Nakakatuwang balikan ang mga araw. Nakakalungkot
mang isipin na malapit na itong matapos kailangan ko pa
rin itong tanggapin. Pero hanggat may pasok pa
magpapakasiya pa kami at sabay-sabay na mababaliw sa
programming. Kahit na hirap na hirap na kami, paglabas
naman ng computer lab ay mga nakangiti na dahil nairaos
naming muli ang isang gabi ng paghihirap at lahat kami
ay may naacomplish. Madami mang angal wala din naman
kaming nagawa. Sana maipasa lahat namin ito.
Napasigaw ako kanina paglabas ko ng school dahil
sa tindi ng badtrip ko sa sarili ko. Pero napatawa pa rin
ako sa huli dahil ang ilan sa mga tunay kong kaibigan ay
naroroon at pilit na pinasisiya ang mga sarili mula sa
napakahirap na subject. Dun na din naming naisipang
ipagpatuloy ang pagpaplano sa isang libro na pinangarap
naming maipublish para sa mga sarili namin..
Sa susunod na Lunes naman pinaghahanda na
kami ng bimpo ng prof namin. Bimpo raw na kasing laki at
kapal ng tuwalyang pang paligo. Idedefense raw namin
yung ginawa naming program tapos man ito o hindi.
Paring thesis defense ang style, kinakabahan na kami.
Hindi namin alam ang mga pupwede nilang itanong kaya
wala rin kaming maaaring isagot. Hay! Hirap kailangang
magtiis para makapasa. Pinili namin ang buhay na ito
kaya kailangan magtiis. Bawal umangal! Kailangan lang
ng logic at pagdedebug.

Isa pang badtrip


Hindi natuloy ‘yung defense. Pinakaba lang pala
kami. Sa wakas at C+ na kami. Kaso ang gulo naman
niya. Konti lang ang pagkakatulad nila ng Pascal. Nasanay
pa man din kami sa pascal. Nung nakaraan bago matapos
ang isang gabi ng programming ay pinakopya muna sa
aming mga flashdrive ang installer ng C+. Badtrip talaga.
Matagal raw magkopya pagdating sa akin. Kaya nagtaka
ako. Kaya naman ng memory ko. 2gig ‘yun. ‘Yun pala
niloloko ako ng professor namin. Kasi malaki talaga ‘yung
memory na nakakain ng installer na iyon. Kaya naman
pala matagal eh. Naloko na. hindi pa nag-“safely remove”
sa flash drive ko.
Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ba ako kopya
ng kopya ng mga installer na iyon. Wala naman akong PC
na pagiinstall-an. Badtrip talaga. Ahh. Alam ko na. For
future use. Oo nga noh! Kapag may PC na akong sarili.
Magkaroon kaya ako?
Kung sino man po ang may mabuting puso na
gustong magdonate ng PC makipag-ugnayan na lang po
sa PBA. Salamat po.
…ρβα…

Mr. C
by: yhannie

Bago ko umpisahan ang segment na ito gusto ko


lamang liwanagin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng
Mr. C. Kung sa tingin niyo “Mr. Cute” yun, medyo
magaling kayo manghula, at tsaka halata naman na cute
talaga ako, macho pa(walang ngingiti…). Kung talagang
hindi ka maniniwala na cute talaga ako ‘wag mo na ituloy
ang pagbabasa…
Kahit ako din hindi ko alam na cute pala ak,
pinalaki kasi ako ng nanay ko na lagi niyang sinasabi na
ang gandang lalaki ko daw. Simula noon nagkaroon ako
ng confidence sa sarili ko at habang lumalaki dala-dala ko
ang salitang “cute”. Alam kong gusto niyo malaman kung
sino talaga ako, nang nauso na ang mga tao naging
popular ang pangalang “Ryan” na ngayon ay kilala sa
tawag na “yhanny”. Salamat sa taong nagbigay ng
bagong pangalan ko, bawal sabihin kung sino siya, pero
kung ililibre niyo ako ibibigay ko sa inyo kahit address
niya.
Kasalukuyang miyembro ako ng “Pugad Baboy
Association” na binubuo ng mga ganap nang tao. Naitayo
ang asosasyon sa tulong ng dalawang magkaibigan na
hindi nagkakalayo ang timbang, nakilala ko sila dahil
nasuhulan ko ‘ata ng “pagkain”… este libro. Hindi ko alam
kung nagandahan sila sa libro o pinilit lang nilang basahin
dahil nag-effort ako na ilagay ‘yun sa aking bag. Bilang
pasasalamat gumawa sila ng asosasyon. Hindi ko lubos
maisip na ako pala yung gagawin nilang PRESIDENTE ng
samahan. Natuwa naman ako kahit sa tingin ko inu-uto
lang nila ako.
Bilang isang president ng samahan kailangan
gumawa ako ng mga batas na naayon sa aking
kagustuhan at mag-ipon ng pondo para sa ikabubuti ng
asosasyon. Biglang nanglisik ang aking mga mata ng may
pumasok sa aking maliit na isip at nagkaroon ng idea
kung saan gagamitin ang pondo na hindi pa ngayon alam
kung saan kukunin. Kinalaunan, na-aprobahan din ng
“Department of Corrupt”(DOC) ang aking ginawang
financial statement na kukunin sa nasabing pondo. Okay
naman ang pagkakahati-hati nito. Narito ang mga detalye:

30% - pamasahe na gagamitin ng presidente sa


kanyang mga appointment
20% - pagkain ng presidente, maliit pa nga dahil
matipid ang presidente pagdating sa
kanyang kalusugan
30% - tirahan, dahil madalas ginagabi ng uwi ang
presidente galing sa kanyang mga
appointment
10% - savings account ng presidente na sa
ngayon ay wala nang laman.

Sa wakas magagamit ko na din aking natutunan sa


matematika ng ako’y elementarya pa lamang. 30%+20%
+30%+10%... Oopps… nasaan yung aking kinakalawang
na calculator…
May 10% pa pala na natira, ito ay mapupunta sa
pondo talaga ng Pugad Baboy Academy, na isang pang-
pribadong paaralan na tumatanggap ng mga
estudyanteng hindi bababa sa timbang na 130 lbs. at mga
estudyanteng napatalsik sa kani-kanilang unbersidad
dahil sa pagiging malakas kumain sa loob ng kanilang
campus.
Lahat ng nabanggit ko ay sa panaginip ko pa
lamang nangyari. Hindi ko inaasahan na kahit sa
panaginip ay hinahanbol ako ng “KARMA”. Kasi ako’y
magising ay diretso ako sa lababo para maghilamos. Nang
aking buksan ang gripo, kahit isang patak ng tubig ay
walang lumabas(wala ‘atang tubig). Kaya pala nang isang
araw may dumating sa amin na sulat galing sa bagong
nagmamay-ari ng kompanya ng tubig dito sa amin na
panandalian nilang puputulin ang daloy ng tubig sa
kadahilanang hindi sila nabigyan ng baranggay clearance
na gagamitin sa pagkuha ng business permit.
Nang ako ay lumabas at naglalakad sa
sementadong kalsada habang nagti-text ay may
natapakan akong isang malambot na bagay. Nang aking
tingnan ay isa pa lang “PUPU” ng aso na kakasilang pa
lang. Medyo naawa ako sa pupu dahil ito ay aking
napitpit, sa oras na ‘yun wala akong nagawa kundi i-hit
and run ‘yung pupu na napitpit, buti na lang nakisama din
ang panahon, medyo umulan at nagawa kong
makapaghugas ng paa.
Lumipas ang apat na oras ay bumalik ang serbisyo
ng tubig. Nasiyahan ulit ako dahil makakaligo na. Meron
pa palang kamalasan na naghihintay sa akin sa school
nang ako’y pumasok na at natapos din agad ang aking
subject. Tumambay pa kami ng aking mga nag-
gagwapuhang kamag-aral sa canteen, hindi upang kumain
kundi ay para magpalipas ng oras habang
nagkukwentuhan ng kani-kanilang mga crush sa loob ng
campus. Dumating ang aming mabait na kaibigan na
hihiramin ang aking mumurahing cellphone, nagkaroon pa
naman ako ng memory lost at nakalimutan ko ang code
ng aking mumurahing cellphone, hindi sinasadyang
napintod ang off button, hindi ko na ito mabuksan ulit,
nasayang tuloy ang aking “unli” na tawag ng mga
kabataan ngayon. Nang ako’y magising sa katotohanan
naisip ko na lahat pala ng mali nating ginagawa ay may
katapat ding kaparusahan.
Kaya ‘yung mga corrupt na pulitiko balang araw
babalik din lahat ng mga mali nilang ginagawa sa kanilang
nasasakupan, malay natin makatapak din sila ng tae.
Dahil sa mga pangyayaring hindi ko na gustong maulit pa
bumalik na din ang aking matinung kaisipan. Mas masaya
pala na laging pantay-pantay ang tingin mo sa lahat ng
bagay at sa mga nilalang dito sa ibabaw ng lupa, kung
ganito lahat ng kaisipan ng bawat nilalang siguro walang
“corrupt”, “magnanakaw” o anumang masamang gawain
sa ibabaw ng mundo. Pagnagkataon uusad ang ating
bansa at magkakaroon ng mapayapang kapaligiran. Sa
ngayon meron akong kayamanan na hindi kayang agawin
ng iba. Ito ay ang aking masayang pamilya at mababait
na kaibigan.
Bago pa ako maiyak nais kong ibahagi sa inyo
kung paano ko nakilala ang aking mga cute at feeling cute
na kaibigan. Isang araw naghahanap ako ng
mapapasukang school dahil late na ako nag-enroll
nahirapan akong maghanap. Nang ako’y mapadpad sa
isang hindi masyadong pamilyar na lugar sa akin, may
nadaanan akong isang magandang school na kulay PINK.
Hindi ko pwedeng sabihin dahil wala naman akong
kontrata para i-plug sila, pero dahil napamahal na yata
ang school na ito sa akin ay sasabihin ko na. Ito ay ang
“IETI, College of Science and Technology” na
pinamumunuan ng mga magagaling at mababait na
professor, kung sakaling mabasa nila ito siguradong
ipapasa na nila ako o kaya gagawin nila akong scholar.
Nang unang pasok ko sa school marami akong nakilala at
kaibigan na rin, medyo tahimik pa ako noong una dahil
hindi ko pa sila masyadong kilala. Nang makalipas ang
ilang linggo nagpapalitan na kami ng kani-kanilang
opinyon at kwento, hindi ko inaasahan na ganoon pala sila
kababait. Habang sinusulat ko ang kwentong ito ay
patuloy na masaya ang samahan ng barkada.
Pinagsasaluhan namin ang tawanan, kwentuhan, asaran
at kanya-kanyang kaepalan, pati na rin ang pagkain na
nabibili namin sa labas.
…ρβα…

Pingu 101
by: dha-dha

Hindi ko lubos maisip kung paano ako nasama sa


mga taong tulad ko na gumagawa din ng wala. Minsang
nagkaroon ng bakasyon, alam mo yung unlimited text sa
SMART? Oo yun nga yun.

PROCEDURE:

1. Bumili ng SMART sim na worth 70.00 pesos sa


bayan, sa mall, retail store basta yung pang
mamahalin at sosyal lamang.
2. Pagkatapos bumili ay itapon na ang dati mong sim
na mumurahin at palitan na ng mamahaling new
polish sim card na tatagal lamang ng ilang buwan
kung addict texter ka.
3. Kuhain ang mga numero ng mga classmates,
family, teachers, janitor o janitress, number ng
crush mo, mga dati mong classmate, mga kakilala,
mga kapitbahay, pati na rin yung mga taong ayaw
mo kausap kasi magulo kausap pero wala kang
magawa dahil susulitin mo ang UNLI mo at
kailangan ma-consume mo iyun within two days,
katabi sa jeep, driver, yung panadera,
assassinator, isama na rin ang kapwa natin
mamamatay tao, si manong lasenggo, homo
sapiens, at yung mga yumao ng tao na gusto mo
pang makausap ay mag-rereply din sayo basta
malakas ang signal, GO!
4. Matapos kunin ang numero ng mga nabanggit na
tao ay ready ka na para sa SMART – SMART UNLI
TEXT.

PAANO:
1. Mag paload ka ng 30,000 php sa mga outlet na
alam mong medyo alam ang ibig sabihin ng 30,
000 load ngunit ang babayaran mo lang ay 30
pesos lamang talaga. Pero kung matiyaga kang
maghanap ng maloloko mo eh pumunta ka sa
Mindanao at maghanap ng medyo hindi mukhang
mangkukulam at hindi rin mukhang wakwak na
buong pusong magbibigay ng load sayo ng walang
kapalit.
2. Kailangan mong gumising ng alas tres ng madaling
araw o kung hindi ka naman talaga natutulog ay
hintayin mo na lang sumikat ang araw basta hindi
aabot ng alas nwebe dahil madidismaya ka lamang
sa malalaman mo. PROMISE!

<wait lang kakain lang ako>

3. Game. Ang susunod naman, I-type ang <30> at I


send sa <258>
4. Maghihintay ka ng 30 minuto, pero ang totoo eh
pag send mo pa lang eh rehistrado ka na.
5. Kung nasundan mo ang aking taos pusong
pagtuturo sayo ay CONGRATULATIONS!
***confetti** Ikaw na ay certified photo copy UnLi
TexTer!

Ayun, dito nagsimula ang PBA. Minsang nag kiti-kiti


text kami ni Ambet gamit ang UnLi eh napag-tripan
naming dalawa na bumuo ng isang organisasyong pang-
FAMAS ang dating.
Ang mga kasangkot sa miyembrong ito ay puro mga
taga STVAC. Hindi ko nga alam kung bakit may isang
EDUC <ehem> ang nasabit sa kanila.
Matapos ang walang kalatuy – latoy kong kwento eh
meron lamang akong mga karagdagang mga walang
kwento ulit. Isang simpleng komposisyon lamang ng aral
at kaunting katarantaduhan na mula sa akin. Mga
bokabularyo na mula sa aking diksyonaryo at mga
salitang angkop para lamang sa mga miyembro ng PBA..

Supot ka pala!
- isang tiyologo na nagmula sa tagalog na
salitang supot na ang ibig sabihin sa ingles
ay plastic. Actually, dalawa ang ibig sabihin
nito depende sa version mo.
- Una, <ŝüphÖt> ang pagbabalangkas ng
nasabing salita ay ginagamitan ng taimtim
na paghinga ng malalim. Inguso ang iyong
labi na may 45º lamang ang lapat at
sasabayan ito ng malalim na paghinga
upang mas malinaw at taimtim ang pagsabi
mo ng supot. SUPOT! SUPOT! <repeat after
me> SUPOT! <higher><repeat tab 2x>
- Ang ikalawa naman ay <šupot>, matigas,
taimtim, walang katulad! Ito ang paraan ng
pagbigkas ng salitang nabanggit. Ginagamit
lamang ito ng mga taong may sapat na
lakas ng loob upang magsabi ng kanilang
nararamdaman patungo sa taong ayaw nila
o sadyang may hinagpis lamang sa buhay o
nakulangan sa tulog o natatae lang.

Tengga ako!
- salitang ginagamit ng taong walang load.
“<TèNnga>” Ito ang tamang pag banggit
sa salitang naka quote*quote.

GM
- o Group Message. Ito ay ginagamit lamang
ng mga taong naka UnLi. Dalawa ang
paraan ng paggamit ng salitang GM
- Una, GM pangkalahatan
- Ikalawa, Gm para sa isang tao lamang.

Kurakutist
- salitang na aangkop para sa mga taong
tulad ng aming Presidente na si Yhanny.

Gorilla ka! Odtujan!


- WARNING: ang salitang ito ay mapanganib!
Huwag basta basta gagamitin kailangan
may sapat na kasanayan sa pagtakbo at
pagiwas sa mga hampas ng unggoy!

Penguin Dance
- nagmula ito sa “Athaios Le Torneau” na
isang grupo ng mga bampirang naglalakad
sa umaga (huwag mo na tanungin kung
sino ang myembro).

Bear – Bear
- PRONUNCIATION: “Bhèr – Bhèr”
- Salitang nakalaan para lamang kay Ambet

Matanda ka na ba?
- Ito ay sapat lamang sa mga taong
sumusunod:
i. James
ii. Ryan

Bibe
- <Vivè> ang salitang ito ay kahapon ko lang
nalaman!

END OF FIRST PART

Kala mo tapos na!? Mukha mo!!! Ilan pa lang yan


sa mga salitang pinasimulan ng PBA sa buong IETI!
Pugadenians, good luck sa inyong lahat! Lalong
lalo na kay Ambet na pumapayat na!^-^

DRAMA PART:

Summer is coming, pero sana yung team natin ay


hindi basta basta magbago. Let’s do our best para sa
lahat and hope for the better…

This is all I can say for things you’ve done to me


guys…

SUPER THANKS!!!!!!!!!!!!!!

Love ko po keo 
mwahmwah
Tsuptsup
…ρβα…

Quandary
by: dha-dha

When things gotten wrong


In fervor and masquerade
No friends I have seen
But the PBA itself

I demand to unearth
The elongated last of amity
And so I see them
The PBA itself

The lost, the urn, the failure will come


Yet the friendship will last, from this day on
I might surrender and leave behind
But the wealth of alliance will last eternally

I am gratified for the warmth of your empathy


I thank you for the convergence you offered me
And this I stand for the PBA that I revere
Who had dear fully adore me from my ups and downs

**IPHIGENA DHADHA BATHORY PENGUIN**


…ρβα…

Adios mi amigo
by: ambet

Paalam. Goodbye. Adios. Iba’t-ibang lenggwahe.


Pare-parehong pagpapakahulugan. Paalam.
Nangangahulugan ng pag-iwan. Mahirap maiwan ng taong
nagpapaalam. Mahirap din ang mang-iwan kung alam
lang nila.
May iba’t-ibang klase ng pamamaalam. Mayroong
panghabang-buhay, panandalian, at panandalian na
parang panghabang-buhay. Mahirap mawalan ng mahal
sa buhay ng panghabang-buhay o yung kamatayan.
Nakakamiss. Ang panandalian naman ay parang wala
lang, kasi mamaya, bukas o sa susunod na linggo ay
maaari mo na siya ulit masulyapan at makita.
Ang pamamaalam ng panandalian na parang
panghabang-buhay ang isa sa pinakamahirap. Lalo na
kung napalapit na sa iyo ang mga nilalang na iiwanan at
mangiiwan. Nakakaiyak. Nakakaasar. Nakakaiyak dahil
nakakalungkot. Nakakalungkot dahil iiwanan ka at
mangiiwan. Nakakaasar dahil aalis ka.
Maraming beses na ako iniwanan. Minsan lang ako
mang-iwan. Sanay na ako maiwan ng mga nilalang na
mahal ko sa buhay. Hindi ako sanay mang-iwan. Ayaw ko
kasing may nasasaktan tuwing nang-iiwan ako. I really
hate to say goodbye, but sometimes I really need to say
that word, not only for my own good but also for the
others. Wait lang huh… magpupunas lang ako ng ilong.
Kasabay kasi ng pagdurugo ng ilong ko ay ang pagtulo ng
hindi pa hinog na sipon ko.
Mahirap talagang iwanan ang mga nilalang na
kahit sa sandaling panahon ay natutunan mong mahalin.
Lalo na yung mga nilalang na gumawa talaga ng marka sa
puso mo. Mga nilalang na hindi mo malilimutan. Mga
tunay na kaibigan. Kaibigan na talagang maaasahan sa
lahat ng bagay. Lalo na sa kalokohan.
Mula nang pumasok ako sa kolehiyo ay mas
dumami ang nalaman kong kalokohan na pwede kong
gawin. Hindi tulad ng high school na kakaunti lang. Ikaw
kaya ang mapa-barkada sa mga nilalang na tulad ng mga
taga-PBA?! Ewan ko lang kung hindi ka makatiis. Pero
hindi kasama sa mga kalokohang iyon ang pag-inom at
paninigarilyo. Hindi sila ganun. Hindi ko din naman iyon
gusto. Mapait ang alak at may history ako ng hika noong
bata pa ako.
Speaking of hika, naaalala ko ang kwento noon ng
nanay ko tungkol sa mga kinatay na maliliit na pagong ng
lolo ko at inihaw ito para sa amin ng pinsan ko na may
hika din. Napanaginipan raw ito ng lola namin. Ito rin raw
‘yung nakagaling sa hika ng nilalang na napanaginipan ng
lola ko. Nakalimutan ko na ang pangalan ng nilalang na
tinutukoy niya sa kanyang panaginip. Nagpaalam na pala
‘yung lolo kong kumatay dun sa mga pagong. Sumalangit
nawa ang kanyang kaluluwa. Bata pa ako nung nawala
siya. Hindi ‘yun naging masyadong malaking impact sa
buhay ko dahil bata pa nga ako nun at hindi pa hasa ang
aking damdamin para sa mga ganun. Pero nalulungkot
ako kahit papaano dahil madalas niya akong bigyan ng
piso noon. Masaya na ako sa piso dahil bata pa nga ako.
Naaalala ko tuloy ‘yung isa naming kaklase na
madalas sabihin na siya ang pinakabata sa course naming
noon. Hanggang sa malaman naming na ‘yung isa pala
naming kaklase ang pinakabata. Pero pinagpipilitan pa din
niya sa akin na mas bata pa din siya kaysa sa akin. Ano
naman ang pakialam ko. May mapupulot ba akong talino
doon? Wala naman!
Speaking of talino, nakakawala ba ng talino ang
pagpapagupit ng buhok? Kasi parang mula nang
magpagupit ako nawala lahat ng ideya ko para dito. Hindi
ko na tuloy alam kung paano ko pa susundan ang
partikular na sulatin na ito. Tulog muna ako. Pakigising na
lang ako ng 7:30 a.m. Wala naming pasok bukas eh, kaya
okay lang kahit medyo late na ako gumising. Ay! 7:30
a.m. pala talaga ang normal kong gising. Sige na bukas na
lang. Good night!

Kinabukasan.

Muli na namang sumagi sa aking diwa ang mga


naiwan kong kaklase mula elementary hanggang high
school. ‘Yung mga kaklase ko sa high school ang nagbigay
ng isa sa pinakamalaking impact sa akin pagdating sa
pamamaalam. Nandyan ‘yung iyakan, ‘yung pagbabalik
tanaw sa mga nakaraang araw, ang mga balak gawin
habang wala pang pasok at ang matinding pangako na
hindi kalilimutan ang isa’t isa. Sana nga ganoon ang
mangyari sa batch namin. Malapit na palang mag-one
year mula nang grumadweyt kami. Paalam. Ang salitang
namutawi sa aming mga labi nang kami’y malapit nang
maghiwa-hiwalay.
Paalam. Salitang madaling bitiwan pero mahirap
tanggapin at gawin. Gasgas na nga ang linyang ‘yan. Pero
aminin natin sa sarili natin na totoo ‘yun. Mahirap
tanggapin na may mawawalang tao sa routine ng buhay
mo. Mahirap gawin kasi alam mong may malulungkot
kapag umalis ka. Pero tulad ng sinabi ko makabubuti ito
para sa lahat. Matututunan ng nangiwan na mabuhay sa
piling ng ibang tao at tumanggap ng mga bagong
kaibigan. Ganoon din naman sa mga maiiwanan. Pero
mahirap talaga! Whaaah! Nakakalungkot talaga! I hate
this feeling. Naiiyak tuloy ako. Huhuhu.
“Sumakay ako sa jeep na walang laman. Sa pag-
andar may mga sumasakay. Pero bumababa din agad.
Maraming sumasakay, pero nakalimot din, bumababa din
agad. Hanggang sa ako na lang ulit ang pasahero ng jeep.
Nagulat ako noong magsalita ‘yung driver, ‘Bata,
nakakatawa noh? Ang daming sumasakay pero lahat sila
bumababa, walang tumatagal sa’yo…’ Napangiti na lang
ako pero nasaktan ako, naisip ko kasi ganoon ang biyahe
ng buhay ko, maraming sumasakay pero wala pa sa
pupuntahan bumababa na agad. Walang nagtatagal.
Masakit isipin pero may mga tao talagang dumaan lang,
at hindi pwedeng magtagal. Nakakalungkot isipin pero
imposible na siyang mapasakay ulit siya sa jeep ng buhay
mo. Sa dami ng jeep sa mundo, swerte mo na lang ‘pag
napara niya ulit yung sa iyo.”
Ang napakahabang quote sa itaas ay galing sa
presidente ng PBA. Hindi ko alam kung kanino niya ito
nakuha at kung sino ang nakuhaan ng kinunan niya ng
quote sa itaas. Salamat sa napakagandang quote.
Ipinahihiwatig sa quote na ito na kailangan natin
mag-let go sa mga taong mawawala na sa routine ng
buhay natin. Pero sana magkita pa kayo. Hindi naman
kasi panghabang buhay na makakasama mo ang mga
nilalang na kapiling mo ngayon.
Naalala ko nitong February 14, 2009, nagkasundo
kami ng ilan kong kaibigan sa kolehiyo ng mag-videoke sa
labas ng kolehiyong aming pinapasukan. Pinilit nila
ipaalala sa akin ‘yung mga masasayang alaala namin ng
magkakasama. Mga kulitan. Mga asaran. Mga tawanan na
parang wala nang bukas. Kinantahan nila ako ng mga
nagpapaalam na kanta, dahil nga ako ay lilisan na at
lilipat na sa ibang unibersidad. Habang kumakanta ang
isang miyembro ng PBA ay binuksan ko ang isang sulat
galing sa muse ng PBA. Binasa ko ito at unti-unti akong
nalungkot at napaisip. Pinasalamatan ko ‘yung muse
namin. Napaiyak siya. Patuloy pa din ang videoke bilang
background namin. Inaantay pala nila akong umiyak din.
Pero sabi ng presidente at escort namin na tatawa sila
kapag nakita nila akong umiyak. Mga adik talaga. Pero
napigilan ko pa ang sarili ko. Niyakap ko ang muse namin
habang umiiyak(Yes! Tsansing!). Napaiyak na din ‘yung
financer namin at isang member. Tinatawag silang
“Tatlong Mariang Walang Hinhin.” Niyakap ko silang tatlo.
Kasya naman sila sa bisig ko. Ewan ko lang kung sa laki
kong ito kung hindi sila magkasya. Kung alam lang nila
kung gaano ko pinipigil ang pangingilid ng aking mga
luha. Nadurog ang puso ko nang makita silang umiiyak
dahil sa nalalapit kong paglisan at pamamaalam. Masaya
ako kasi napagtanto ko na may mga tao palang
nagpapahalaga sa akin. Masarap ang pakiramdam kapag
nalaman mo na may nabibigay importansya pala sa’yo.
Penguin. ‘Yan ang tawag namin sa vice-pres.
namin. Penguin kasi parang penguin siya maglakad. ‘Yun
‘yung sabi nila. Pero ‘wag ka, magaling yan sa maraming
bagay. Talentado kumbaga. Matalino pa, pero marami
ding alam na kalokohan sa buhay, kaya nga siya
napasama dito eh. Paalam na Dhadha. My super pig twin.
Presidente. Siya na siguro ang pinaka-kurakot na
presidente na nakilala ko(kung nabasa ninyo ang “Brief
history of PBA” alam niyo na ang ibig kong sabihin). Isang
presidente na umamin na sa kalokohan lang gumagana
ang utak. Pero matalino yan. Pusher nga lang. Siya ang
pusher ng PB comics. Kasangga ko sa yan sa kalokohan.
Paalam na Yhanny.
Bumbay. Isa sa mga kasangga ko pagdating sa
kalokohan. Pati sa mga kanta ng Air Supply. Tatahitahimik
Pero sa loob pala kalog din. May pagka-Bikolano pa kaya
pati ikaw mapapagaya. Pareho sila ng financer namin.
Paalam Jo.
Shang. Financer siya ng kulto, dahil isa siyang
mayaman na nilalang. Palaging nalilibre. Ang bait-bait.
Parang anghel. (note: ang tatlong huling pangungusap
bago ang parenthesis note na ito ay sapilitang ipinasulat
sa akin at walang suhulang naganap kundi takutan
lamang.) Palagi kong kasama sa maraming bagay. Kasapi
din siya ng isang samahan na kung tawagin ay “Tatlong
Mariang Walang Hinhin.” Paalam Shang.
Judz. Isa sa mga miyembro ng “Tatlong Mariang
Walang Hinhin.” Parang si Jo din. Tatahitahimik, pero
kapag nakausap mo mababaliw ka din. Noong una parang
hindi mo makausap. Pero kapag nakapagpalagayang loob
mo sumasagot din pala. Natuto na kasi mula sa mga bad
influence niyang kaibigan(*ehem* kasama po ako dun).
Paalam Judz.
Brian. Pinaniniwalaang bosero ng cleavage ng
babae. Pero wag ka, pati lalaki binobosohan niyan. Kaya
kapag nakasalubong niyo siya itago niyo ang mga
cleavage niyo, kasi pati mga walang dibdib binobosohan
niya. Kapag wala naman siyang mabosohan hininipuan
naman niya ang sarili. Ang tindi niya noh!? Mahilig din
‘yang makisabay sa uso. Tulad na lang nitong huli ng
mapansin naming may gupit ‘yung kilay niya. Pauso!
Paalam Brian. Paki-ingatan si Mimi niyo.
Mimi. Nilalang na adik sa internet. Wala pang
midterm minuto na lang ang naiiwan sa oras niya para sa
internet consumption sa school. Nagbubutas ng upuan sa
internet laboratory. Hindi mo siya maiistorbo kapag
nagiinternet siya. Badtrip ‘yun kapag hindi nakakagamit
ng internet sa lalo na kapag puno ‘yung internet
laboratory. ‘Wag mo siyang lalapitan at bibiruin kapag
nasa ganoong mood siya kundi matutunaw ka sa nanlilisik
niyang mga mata. Lagot ka! Peace out! Mabait si Mimi.
Kulang lang talaga sa height. Cute naman! Itinuturing na
kapatid ni Jo. Paalam Mimi.
Rizal. ‘Yan ang tawag ni Shang kay James. Paano
ba naman parang si Rizal ang hair-do. One side. Ang
taray-taray pa niyan. Kapag nakasalubong mo ang
movement ng ulo parang pa-check. As in bababa from
one side at aakyat to the other side. Isnabero. Seryoso.
Hindi pala-tawa. Pero deep inside babaliw-baliw din pala.
Paalam James.
Phoebz. Ang taong napakasipag. Kasapi sa “Mga
Mariang Walang Hinhin.” Gagawin ang lahat para sa
pamilya niya kahit hindi niya na intindihin ang kanyang
sarili. Makulit. Magulo. Palaging busy. Mag-iwan ka ng awa
sa sarili mo huh. Paalam Phoebz.
Marami pang tao akong gustong pagpaalamanan.
Pero dahil sa liit ng espasyo dito hindi ko na sila
mababanggit lahat. Basta, paalam na. Kilala niyo na kung
sino kayo. Hindi ko kayo makakalimutan. On the behalf of
ICT-I, STVAC, PBA and IETI, ang sulating ito ay handog ko
sa mga nilalang na maiiwan ko. Bye guys. Hindi ko kayo
malilimutan.
…ρβα…
Quiz No.1

Akala niyo siguro tapos na ang libro noh?!


Nagkakamali kayo… may pahabol pa ang isang
pugadenian na si dha-dha “penguin” para sa inyo…

L P U A S N A I N E D A G U P O
A P G D A B B E A R A B B I B E
B A U B S C Z D X D R I J K L Y
R Y M G K G N I N G N I N A P P
A H N O A P Q W X Z G B F R T S
D A D A L D N G E N I U G N E P
O N R R O U B S T O P U S L O V
R N E Y H A N A N Y J M E S T R
I Y G B I A N S B A J I N S Z N
C I R G N A H S L O G U T O B M
A E U N D O Z A P H Y O E B E M
I D B H A R D O H A B A L C O K
N S H I A P H V G E J O S J H O
A B O O B O N G B N I B E S P P
M E B N G N O B O B A G U I O N
J D Y A J S P M B J R M A I O C

DIRECTION: Search all the answers on the puzzle above,


not below you not on your left or right just over and
above..:)

1. Pangalan ng isang organisasyon


2. Half Indian, half __________
3. The p______________n
4. President ng PBA (nickname)
1. Katawagan kay Ambet (2 answers)
2. Lovey Dovey ni Brian
3. Si Brian ay “toooooooot”
4. Honey ni Allan
5. Mahal ni Miah
6. Palayaw ni Jojo kulot, J_N M_A_
7. The Chronicles of PBA; the Penguin, the Bear and
the ____________
8. Si James ay S____________
9. Anong uri ng aso si Yhanny?
10. Favorite author ng PBA.
11. Si Phoebe ay B___________
12. _______________ lang ang katapat
13. Tawag sa mga sasapi ng Pugad Baboy

About the authors


Lahat ng mga manunulat ng librong ito ay kasapi
sa isang tagong samahan na ngayon ay nabunyag na. Ang
Pugad Baboy Association. Ang mga manunulat rito ay
galing pa sa iba’t-ibang kurso sa kolehiyong kanilang
pinapasukan. Merong galing ng ICT, AS, IT, Educ at CpE.
Iba’t-ibang tao, iisa ang hangarin. Iyon ay ang magdala ng
katuwaan para sa buong barkada. Nagsama-sama para
pasiyahin ang isa’t-isa.
About the book
The Pugadenians. Ang librong ito ay mga
pinagsama-samang sulatin ng mga nilalang na gumagawa
ng wala. Ginawa nila ang librong ito para naman raw
makagawa sila ng meron. Mahirap kapag hindi ka
nagkaroon, dahil “Mabuti nang delay, hindi naman
buntis.” Kaya ngayon ang librong ito ay nailabas sa
pamamagitan ng pag-e-effort ng PBA Board of Regents,
nabuo ang librong ito dahil sa pinagsama-samang
pangarap at mithiin ng mga nilalang na ito. Ginawa ito
para sa pagbabalik tanaw na maaari nilang gawin sa
nalalapit na hinaharap.

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy