0% found this document useful (0 votes)
1K views46 pages

Grade 4 Filipino LAS

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

You are on page 1/ 46

4

Filipino
First Quarter

LEARNING ACTIVITY SHEET

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE

Learning Activity Sheet in Filipino

GRADE 4
Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.

Consultants:
Regional Director : ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV, DepEd R02
Assistant Regional Director : RHODA T. RAZON, EdD,CESO V, DepEd R02
Schools Division Superintendent : GILBERT N. TONG, PhD,CEO VI,CESO V, City of Ilagan
Asst. Schools Division Superintendent : NELIA M. MABUTI, CESE, City of Ilagan
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : SAMUEL P. LAZAM, PhD
Development Team
Writers: : JOAN T. CARIAGA
: MONETH G. NICOLAS
: MARIAFE C. NICOLAS
Content Editors : BERNADETH AGGARAO, MT I
: EMILY ORTIZ, MT I
: VIRGINIA A. BERGONIA, EPS
Language Editors : VIRGINIA A. BERGONIA, EPS Education Program Supervisor – FILIPINO
Layout Artists: : FERDINAND D. ASTELERO, PDO II
Focal Persons: : VIRGINIA A. BERGONIA, Education Program Supervisor– FILIPINO
: EMELYN L. TALAUE, Division LRMS Supervisor
: ROMEL B. COSTALES, Education Program Supervisor–FILIPINO, CLMD,
DepEd R02
: RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor–LRMDS, CLMD,
DepEd R02

Printed by: Curriculum and Learning Management Division

DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City

ii

Talaan ng Nilalaman
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Kasanayang Pampagkatuto
Pahina
Paggamit nang Wasto ng mga Pangngalan sa
Pagsasalita Tungkol sa Sarili at Ibang Tao sa Paligid……………………………1-8

Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon…………….9-16

Elemento ng Kuwento…………………………………………………………………..17-25

Pagtukoy ng Bahagi ng Kuwento- Simula- Kasukdulan- Katapusan.……….26-34

Pagsulat ng Talata Tungkol sa Sarili………………………………………………...35-38

Pagsasalaysay Muli nang may Wastong Pagkasunod-Sunod ng

NapakinggangTeksto Gamit ang mga Larawan, Salitang Hudyat at
Pangungusap………………………………………………………………………………39-43

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

iii

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

FILIPINO 4

Pangalan: ___________________________________Baitang: ____________

Seksiyon: ___________________________________Petsa: ______________

GAWAING PAGKATUTO

Paggamit nang Wasto ng mga Pangngalan sa Pagsasalita Tungkol sa Sarili

at Ibang Tao sa Paligid

Panimula (Susing Konsepto)

Ang Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,

at pangyayari. May dalawang uri ng pangngalan: pantangi at pambalana.
Pangngalang Pantangi ang tawag sa pangngalan kung tiyak o tunay ang
ngalan na tinutukoy. Nagsisimula ito sa malaking titik.

Halimbawa:

tao Joy, Nathaniel, Gng. Cariaga

bagay Gintong Pamana pook
Siyudad ng Ilagan pangyayari Araw ng
mga Puso, Pasko

Pangngalang Pambalana ang pangngalan kung karaniwang ngalan o

di-tiyak ang tinutukoy. Nagsisimula ito sa maliit na titik.

Halimbawa:

babae, guro, aklat, paaralan, kasalan

Mauuri rin ang pangngalan ayon sa nakikita at di-nakikita. Konkreto

(tahas) ang pangngalan kung nakikita at nahahawakan, at di-konkreto
(basal) kung hindi nakikita at hindi nahahawakan.

Halimbawa:

konkreto upuan, lamesa, libro

di-konkreto katuwaan, katapatan, kapayapaan
Kasanayang Pampagkatuto at koda
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa
sarili at iba pang tao sa paligid (F4WG-Ia-e-2)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

1
Gawain 1:

Panuto
Ipakilala ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagpuno sa patlang
gamit ang pangngalan.

Ako si ______________________________. Ako ay nakatira

sa _________________. Ang aking ama ay si _____________________________.
Siya ay nagtatrabaho bilang isang _________________________. Ang aking ina
ay si ______________________________________. Siya ay nagtatrabaho
sa________________________.

Ako ay nag aaral sa ___________________________________. Ang aking

guro sa Filipino ay si _________________________. Ang paborito kong
asignatura ay _______________________________.

Ako ay may alagang _______________at siya ay mahal na mahal ko.

Gawain 2

Basahin mo ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

PAMILYANG PILIPINO
Ni Arjohn V. Gime

Pamilyang Pilipino, tunay na huwaran

Nagbubuklod, tunay na nagkakaisa
Magkaagapay sa hirap at ginhawa
Laging magkasama, sa lungkot at ligaya.

Mapagkandiling ina’y, laging nakaagapay

Sa pangangailangan, tunay na nakaalalay
Dakilang pagmamahal, sa ami’y bumubuhay
Kanyang payo at aral, gabay sa buhay.

Amang haligi, di nagsasawang umintindi

Sa pangangailangan ng pamilya, di nag-aatubili
Gahol niyang panahon, pagod na katawan
Di naging hadlang, sa pamilyang nais paglingkuran.

Masisipag na anak, tiyaga ang puhunan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

2
Karangalan para sa magulang, laging inaasam
Pagsisikap sa pag-aaral, mulat na kamalayan
Sandatang kaalaman, dala para sa bayan.

1. Sino-sino ang miyembro ng pamilya na nabanggit sa tula?

__________________________________________________________________
2. Ano-ano ang katangian ng bawat kasapi ng isang pamilyang
Pilipino?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Katulad ba ng pamilya moa ng nabanggit sa tula?

4. Sino-sino at ano-ano ang dapat mong bigyan ng pagpapahalaga?

Isulat ang ngalan ng mga ito ayon sa hinihingi ng talahanayan.
Pantangi Pambalana

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

3
Gawain 3

Punan ang patlang ng angkop na pangngalan ang sumusunod na

usapan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Ang sagot ay maaaring
maulit.

Paeng daigdig Adamson University ama

Bowling parangal idolo

Bata 1: Panalo na naman sa ________________ si _______________________.

Bata 2: Apat na beses na yata siyang kampeon sa ____________________ sa

buong _____________.

Bata 1: Sa _____________________________ pala siya nagtapos.

Bata 2: Oo, binigyan nga siya ng _______________________.
Bata 1: Ang unang guro niya ay ang kanyang ___________________.
Bata 2: Oo, ______________ niya ang kanyang ama.
Gawain 4
Itala ang mga pangngalang pantangi at pambalana na nakikita mo sa loob
at labas ng inyong tahanan. Gamitin ang mga pangngalan sa pagsasalita
tungkol sa mga ito.

Halimbawa: Tatay Manuel

Si Tatay Manuel ay mapagmahal at masipag na ama.

1. Pangngalan: __________________________________________________________
Pangungusap:
________________________________________________________________________.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

4
________________________________________________________________________.
2. Pangngalan: __________________________________________________________
Pangungusap:
________________________________________________________________________.
________________________________________________________________________.
3. Pangngalan: __________________________________________________________
Pangungusap:
________________________________________________________________________.
________________________________________________________________________.
4. Pangngalan: __________________________________________________________
Pangungusap:
________________________________________________________________________.
________________________________________________________________________.
5. Pangngalan: __________________________________________________________
Pangungusap:
________________________________________________________________________.
________________________________________________________________________.
Gawain 5

Basahin ang talata. Itala ang mga pangngalan na ginamit dito at

pangkatin ito ayon sa uri nito. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba.

Si Aling Juliet ay maagang nabalo. Itinataguyod at pinagsusumikapan

niya ang pag-aaral ng kanyang tatlong anak sa pamamagitan ng pagtitinda
ng iba’t ibang uri ng mga prutas at gulay.

May kaunting salaping iniwan ang kanyang asawa na si Mang Diokno

at idinagdag niya ito sa puhunan sa pagtitinda. Umuupa si Aling Juliet ng
maliit na puwesto sa isang bagong tayong supermarket. Pinag-ibayo niya
ang kanyang lakas ng loob at inaasikaso nang husto ang kanyang munting
negosyo.
Dahil sa sobrang kasipagan at pagiging matiyaga ni Aling Juliet,
napaunlad niya ang kanyang negosyo at nakapagtapos rin ng pag-aaral ang
kanyang tatlong anak na sina Dianne, John, at Feng.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

5
Pangngalan

konkreto di -konkreto

Pangwakas
Natutuhan ko ang ________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Natuwa ako sa ____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gusto kong matutuhan pa ang tungkol sa ________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Mga Sanggunian

Mga Aklat
Lydia P. Lalunio, Ph.D., at Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika 4 Binagong
Edisyon 2010, LG & M Corporation
Angelika D. Jabines, Mga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R.
Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolores S. de Castro, Josenette R. Brana,
Maryann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn gime, Robena delos Reyes,
Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guimto, Yaledegler S. Maligaya, Anna
Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gatcielo Chiara D. Badillo at
Angelika D. Jabines, Yaman ng Lahi 4, Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine
Interlinks Publishing House, Inc.

Internet

google https://m.facebook .com>posts

Susi sa Pagwawasto

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

6
Gawain 1
Ang kasagutan ay nakasalalay sa mag-aaral

Rubrik sa Pagpapakilala ng Sarili Gamit ang

Pangngalan
4 3 2 1
Naipakilala ng Naipakilala Naipakilala Naipakilala ang
buong linaw ang nang buong nang buong sarili subalit
kanyang sarili linaw ang linaw ang may kulang na
gamit ang kanyang sarili kanyang sarili tatlo o higit
pangngalan ngunit may ngunit may pang
kulang ng isang kulang ng pangngalan
pangngalan dalawang
pangngalan

(Tanggapin ang sagot ng mga bata sa pagpapakila ng sariling pamilya)

Gawain 2
1. INA- kaagapay, nakaalalay, bumubuhay
AMA- haligi, di nagsasawang umintindi, di nag-
aatubili, naglilingkod ANAK- matiyaga

Gawain 3

Bata 1: bowling, Paeng

Bata 2: bowling, daigdig
Bata 1: Adamson University
Bata 2: parangal
Bata 1: ama
Bata 2: idolo

Gawain 4 Rubrik sa Pagsulat ng Pangungusap

5 4 3 2 1
Nilalaman
pagsunod sa uri at anyong hinihingi
Balarila
Wastong gamit ng wika
Hikayat
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

7
Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro
kaugnay ng gawain

5- Pinakamahusay 2- Mapaghuhusay pa
4- Mahusay 1- Nangangailangan pa ng mga
3- Katanggap-tanggap pantulong na pagsasanay

Gawain 5

Konkreto Di-konkreto
- Aling Juliet - kasipagan
- Mang Diokno - katiyagahan
- anak
- Supermarket
- prutas
- gulay
- asawa
- salapi

JOAN T. CARIAGA May-akda

FILIPINO 4
Pangalan: ___________________________________Baitang: _________
Seksiyon: ___________________________________Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon

Panimula (Susing Konsepto)

Maraming salita sa wikang Filipino ang magkatulad ng kahulugan.
Mayroon ding dalawa o higit pa ang kahulugan. Magkatulad ang kahulugan
ng salitang magkasingkahulugan o may pormal na depinisyon.
Pormal na depinisyon ang tawag kapag ang salita ay may
pinagbasehan o galing sa diksyunaryo.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

8
Ang Pamatnubay na salita ay makikita sa bandang itaas ng
diksyunaryo ito ay tumutulong upang mapadali ang paghahanap sa salita.

Halimbawa:
malago- mayabong
maganda- marikit

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon
(F4P-Id-1.10)

Gawain1
Bago mo basahin ang tula tukuyin muna ang kahulugan ng mga
salitang nasa loob ng maliit na kahon. Isulat ang sagot sa patlang.

alagaan kalungkutan
matatag
sandigan
tagumpay

Mini- Diksyunaryo

________________________ arugain, kalingain

________________________ pundasyon, batayan

________________________ pighati, panglaw

________________________ panalo, wagi

________________________ malakas, matibay

HALAGA NG PAMILYA
Ni Arjohn v. Gime

Pamilya’y dapat alagaan

Sila’y ating sandigan Sa
hirap at kalungkutan
Bawat kasapi’y maaasahan.

Mula pagkabata hanggang pagtanda

Di nagsawa sa pagkalinga.
Ipinunlang pag-aaruga
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

9
Aning binhi ng pamilya’y masagana.

Pamilyang pinagmulan ay ating buhay

Ama, ina, anak, laging magkaagapay
Ugnayang matatag na walang kapantay
Sama-sama sa pag-abot hangad na tagumpay.

Gawain 2
Basahing mabuti ang mga depinisyon ng bawat salita. Mula sa mga ito,
ibigay ang kasing kahulugan ng salitang may guhit sa pangungusap. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

________1. Dati’y maraming puno ang nakatanim sa maburak na lupa ng

Ilog Pasig.
________2. Isang lolo ang nagkukuwento ng mga pangyayari.
________3. Maraming magkasintahan ang namamasyal noon sa tabing-
ilog.
________4. Madalas din dito ang mga ina dala ang mga palanggana
ng mga labada.
________5. Sana’y manumbalik ang payapang kalagayan ng
kawawang ilog.

Gawain 3
Sa tulong ng larawan, gamitin sa sariling pangungusap ang
kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat larawan.

Halimbawa

Maraming naaning palay ang

aking tatay noong anihan.

sagana

__________________________________________
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

10
1.
__________________________________________

Kapit-bisig

_______________________________________
_____________________________________
___
2.

Nililinang

_______________________________________
_______________________________________
3.

inaasam

_______________________________________
_______________________________________
4.
Tagsalat

Rubrik sa Paggamit ng Salita sa Pangungusap

5 4 3 2 1
ANYO
 Pagsunod sa uri at anyong hinihingi o
ipinasusulat
BALARILA
 Wastong gamit ng wika/ salita
HIKAYAT
 Pagkaugnay ng mga ideya
KABUUAN
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

11
Gawain 4
Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Pansinin ang salitang may
salungguhit. Lagyan ng tsek (/) ang patlang ng dalawang kasingkahulugan
nito sa mga salitang pamimilian.

1. Ang tula ay sasaliwan ng himig upang maging awit at nang

matandaan ng makakarinig.
_____ sasamahan ______ sasabayan ______ aalisin

2. Ang mga nakasaksi sa labanan ay namangha.

______ nakakita ______ nanalo ______ nanood

3. Sanay makipaghamok ang dalawang magigiting na mandirigma.

______ makipagtunggali ______ makipaglaban ______ magwala

4. Nabighani ang dalawang mandirigma sa kapatid ng bawat isa.

______ Naengkanto ______ Naakit ______ Napaibig

5. Taimtim na dasal ang inusal ng mga magulang para sa kaligtasan ng

anak.
______ isinigaw ______ sinabi _______ sinambit

Gawain 5
Hanapin sa Hanay B ang pormal na depinisyon ng salitang nakasulat
sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B
_____1. katiting a. pagkapanalo
_____2. nakatoka b. kapiraso
_____3. lisanin c. paalala
_____4. tagumpay d. nakaatang
_____5. tagubilin e. iwan
Gawain 6
Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang kahulugan
ng salita o lipon ng mga salitang may salungguhit. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Natutuwa ako sa mga batang tulad mo. Matalino at may direksiyon sa
buhay. Malayo ang iyong mararating.
a. magtatagumpay c. makapangibang bansa
b. maglalakbay d. mamamasyal
2. Ngayong may matatag na silang hanapbuhay, nagpapalaki na rin sila
ng mga batang iniiwan sa mga ospital.
a. malaki c. kumikita ng maayos

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

12
b. tapos ng mag-aral d. maraming Gawain 3. Sabi ng
Panginoon, busilak ang kalooban ng sanggol.
a. walang alam c. walang malay
b. malinis d. madaling umiyak
4. Maligaya ako sa pangangalap ng dugo upang madugtungan ang
buhay ng tao.
a. pagbili c. pagbibigay
b. pangongolekta d. pagpapahiram
5. Ano po ang nagbunsod sa inyo upang piliin ang larangang iyan sa
halip na politika?
a. nagtulak c. nakahimok
b. nakapilit d. nakapaniwala 6. Hindi ko rin
maipahayag ang aking kaligayahan.
a. maisulat c. masabi
b. maiparinig d. maipagkaila
7. Tumutulong ako sa mag-asawa na nais magkaroon ng supling.
a. alila c. alaga
b. utusan d. anak
8. Nagdadalantao sila sa paraang hindi nila gusto.
a. Nagpakasal c. Nagbubuntis
b. Napapatay d. Nag-aalaga

Repleksyon/Pangwakas

Natutuhan ko ang ________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Natuwa ako sa ____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gusto kong matutuhan pa ang tungkol sa ________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sanggunian

Mga Aklat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

13
Angelika D. JabinesManunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue,
Fragilyn B. Rafael, Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H.
Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena Delos Reyes, Arbella Mae
Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya, Anna Marie
Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, at Angelika D.
Jabines. Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa para sa Ikaapat na Baitang,
Unang Edisyon 2015, Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks
Publishing House, Inc.

Hiyas sa Pagbasa
Batayang Aklat sa Pagbasa
Ikaapat na Baitang
Binagong Edisyon 2010
ISBN 978-971-0422-96-8
Lydia P. Lalunio, Ph.D., Francisca G. Ril, Patrocinio V. Villafuerte, at Ma.
Victoria A. Gugol, Ph.D., Hiyas sa Pagbasa 4, Karapatang-ari 2010 ng
LG&M Corporation

Internet https://www.slideshare.net>mobile

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
alagaan
sandigan
kalungkutan
tagumpay
matatag
Gawain 2

1. maputik 2. Ingkong 3. magsing-irog 4. batya 5. panatag

Gawain 3
Pagpuntos gamit ang Rubrik
Gawain 4

1. Ang tula ay sasaliwan ng himig upang maging awit at nang matandaan

ng makakarinig.
/ sasamahan / sasabayan _____ aalisin

2. Ang mga nakasaksi sa labanan ay namangha.

/ nakakita _____ nanalo / nakapanood
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

14
3. Sanay makipaghamok ang dalawang magiting na mandirigma.
__/__ makipagtunggali __/___makipaglaban _____ magwala

4. Nabighani ang dalawang mandirigma sa kapatid ng bawat isa.

_____ Naengkanto / Naakit / Napaibig

5. Taimtim na dasal ang inusal ng mga magulang para sa kaligtasan ng

anak.
_____ isinigaw / sinabi / sinambit
Gawain 5
1.b 2. d 3. e 4. a 5. c

Gawain 6
1. a 2. c 3. b 4. b
5. a 6. c 7. d 8. c

JOAN T. CARIAGA
Pangalan ng may Akda

FILIPINO 4
Pangalan: ____________________________________ Baitang: ________________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

15
GAWAING PAGKATUTO
Elemento ng Kuwento

Panimula (Susing Konsepto)

Ang kuwento ay may mga elemento. Ito ay ang tagpuan,

tauhan, at mga banghay.

 Tagpuan - tumutukoy ito sa pook o lugar at panahong

pinangyarihan, ginalawan at kapaligiran ng mga tauhan.

 Tauhan - dito malalaman kung sino -sino ang mga

magsisiganap sa kuwento at bida kung ano ang papel na
gagampanan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida o
suporta.

 Banghay - ito ay tumutukoy sa pagkasunod -sunod ng mga

pangyayari sa kuwento.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Natutukoy ang mga elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay)

F4PB-Ia-97

Gawain 1

Panuto: Tukuyin kung anong elemento ng kuwento ang mga sumusunod na

pangyayari. Isulat sa patlang kung ito ay tagpuan, tauhan, o banghay.

__________1. Inutusan ni Aling Lorna si Jose na bumili sa tindahan ng mga

kakailanganin.

__________2. Jose, Mang Ben, Aling Lorna, Mang Melchor, Mang Kaloy, Aling
Helen.
__________3. Sa wakas nakauwi na si Jose sa kanilang bahay

__________4. Sa bahay, sa kalsada, sa tindahan

__________5. Nakarating sa tindahan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

16
Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento at alamin kung paano

nagbago ang bida.

Parami ng Parami
Ni: Ma. Hazel J. Deria

Malungkuting mag-aaral si Lorena. Lagi lamang siyang nakaupo sa

ilalim ng punong mangga sa kanilang paaralan. Sapat na sa kanya ang
manood sa mga batang masayang naglalaro sa malawak na palaruan.

Isang araw, sa kanyang panonood, isang mag-aaral ang napaupo sa

tabi niya. Habol nito ang paghinga at bigla na lamang tumulo ang luha. Sa
takot ni Lorena, nasabi niya sa mag-aaral, “Anong nagyari sa iyo? May
masakit ba sa iyo?”

Inatake pala ng hika ang mag-aaral na katabi niya. Tumayo si Lorena

at tumakbo palayo sa mag-aaral.

Pagbalik ni Lorena, kasama na niya ang kanilang nars. Mula noon,

naging matalik na silang magkaibigan. Masayahing mag-aaral na si Lorena.
Lagi na siyang may kausap. Lagi na siyang may kalaro, hindi lamang isa
kundi parami pa nang parami ang kaniyang nagiging kaibigan.

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

_____________________________________________________________________

2. Saan at kailan nangyari ang kuwento?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga pangyayari sa kuwento?
A. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
B. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
C. _________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Gawain 3

Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga sumusunod na

tanong tungkol dito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

17
Ang Alamat ng Gagamba
Segundo D. Matias Jr.at Zeus Bascon

Noong unang panahon, may mag-asawa na biniyayaan ng isang

magandang anak na babae. Ang kanilang anak ay tinawag nilang Amba.
Ang mag- asawa ay may hanapbuhay na paghahabi ng mga tela. Parehas na
galing sa angkan ng mga mahuhusay humabi ang mag-asawa. Kaya’t tama
lamang na ito rin ay kaniyang ipapamana sa nag-iisang anak. Habang maliit
pa ang bata ay tinuruan na ng mag-asawa kung paano ang humabi. At
habang lumalaki na nga ang bata ay unti-unti itong naging bihasa sa
paghahabi ng tela. Maging ang mahirap na disenyo ay kaya ng gawin ng
bata sa murang edad. Nahigitan na nito ang kakayahan ng kanyang ama at
ina. Dahil sa natatanging kakayahan, naging tanyag ang bata sa iba’t ibang
lupalop. Marami ang dumarayo hindi lamang para bumili ng mga disenyo
kundi upang makita rin ang paggawa ng bata. Naging mayaman din ang
mag-anak dahil sa mga bentang tela na ginagawa.

Ngunit ang bata ay naging mayabang. Dahil sa alam nito na magaling

siya sa kanyang kakayanang paghahabi hinamon nito ang sino man na
makipagtagisan sa kanya. Maraming mga mahuhusay na naghahabi ang
tumanggap sa hamon ng batang si Amba. Gusto rin nilang patunayan kung
siya nga ay magaling tulad ng napababalita.

Nagtagisan ng galing ang mga maghahabi. Napakahusay nga ng bata.

Lahat ng magagaling na maghahabi ay napahanga sa kakayanan ni Amba.
Dinaig sila ng bata at dahil dito, mas lalong yumabang ang bata.

Ani niya, walang makakatalo sa kanyang kakayahan. Maging ang mga

diyosa ay kanyang hinamak na wala na ngang makakahigit pa sa galing
niya. Narinig ng mga diyosa ang kayabangan ng bata. Hindi na sila
nasisiyahan sa nagiging asal nito.

Isang araw, isang matanda ang nagpunta sa bahay ng bata at hinamon

niya ito. Natawa ang bata ngunit pumayag din ito. Mukha namang
pangkaraniwan lang ang matanda at baka nga hindi pa nito alam kung
paano humabi. Sigurado na siyang walang panalo sa kanya ang matanda.

Nag-umpisa ang paligsahan. Maraming tao ang dumalo upang manood

kung mananalo ang matanda sa batang si Amba. Naging napakaganda ng
telang hinabi ng matanda. Maging si Amba ay natulala sa mahirap na
disenyong nagawa ng matanda. Ang pasya nang pagkapanalo ay sa tela ng
matanda.

Nagngi-ngitngit ang bata. Paano daw siya natalo ng isang matanda na

mahina na ang mata at uugod-ugod pa. Pinagalitan niya ang matanda at
itinulak ito. Iginigiit niya na ang matanda ay nandaya at baka ipinalit
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

18
lamang ang isang nagawa ng tela sa ginawa nito. At baka siya pa gumawa
ng tela aniya.

Tangka na niyang pagbubuhatan ng kamay ang matanda nang biglang

lumuwag ang damit ng matanda at nagbago ang kanyang anyo. Iyon pala ay
isang diyosa na nagpanggap lamang.

Hindi na maganda ang asal ng bata ayon sa diyosa. Naging masyadong

mayabang ang bata at nararapat daw itong parusahan. Nagbago ang anyo
ng bata. Lumiit ito at nagkaroon ng mahahabang paa. Umiiyak ang kanyang
mga magulang ngunit alam nilang wala na silang magawa para sa bata.

Simula noon ang batang si Amba ay naging unang gagamba. Sa ngayon

makikita pa rin ang kahusayan ng mga gagamba sa paghahabi ng kanilang
mga bahay.

1. Sino sino ang mga tauhan sa kuwento?

_____________________________________________________________________
2. Kailan naganap ang kuwento?
_____________________________________________________________________
3. Anong mahahalagang pangyayari sa kuwento?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 4
Basahin at unawain ang kuwento.

Biyaya ng Lupa

Dati ay isang mahirap na magsasaka si Mang Simon. Nakikisaka

lamang siya sa bukid ng isang mayaman sa pook nila. Masipag siyang
naglilinang sa bukid katulong ang kanyang asawa at tatlong anak,

“Magtanim din tayo ng mga gulay sa paligid ng ating palayan,”

mungkahi ng kanyang maybahay.

“Tatay, nabasa ko po sa pahayagan na maaring gawing palaisdaan ang

sapa. Gumawa po tayo ng kulungan ng tilapia na ilalagay natin sa sapa,”
mungkahi ng panganay niyang anak na agad naman niyang sinang-ayunan.

Dahil sa sipag ng mag-anak, nabigyan ng Department of Agrarian

Reform si Mang Simon ng isang ektaryang lupa malapit sa sinasaka niya.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

19
Iniwan na nilang mag-anak ang pagiging kasama.

“Salamat sa Diyos at nabigyan tayo ng pamahalaan ng lupaing

masasaka. Ngayon ay sarili na natin ito. Gawin natin ang ating ginagawa sa
dating lupang sinasaka natin,” sabi ni Mang Simon.
“Pag-ibayuhin pa natin dahil sarili na natin ang lupa,” natutuwang
sabi ng mga bata.

Sa tulong ng dayagram, tukuyin ang mga elemento ng kwentong iyong

binasa.

Pamagat

Tagpuan Banghay
Mga Tauhan

Panahon:
1. Mang Simon A.
Lugar:
B.
2.asawa
C.
3.tatlong anak
D.

Gawain 5
Piliin ang tauhan, tagpuan at banghay sa mga sumusunod. Ilagay ito
sa nakahandang tsart na nasa ibaba.

1. Masayang kumakain ng almusal ang pamilya Abayon nang dumating

ang magandang balita.
2. Sa hapag kainan ng kanilang bahay
3. Nakapasa sa isang kilalang Paaralan ang kanilang kuya Ken
4. Lalong ginanahang kumain ang buong pamilya sila ay masayang
nagkuwentuhan habang kumakain.
5. Nanay Elma, tatay, Joy, Kuya Ken at Jela

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

20
Tagpuan
Tauhan

Banghay

Pangwakas

Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag:

Matapos ang aralin, natutuhan ko ang

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Matapos ang aralin, naramdaman ko na

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Dahil dito

Kaya

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

21
______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Sanggunian

Mga Aklat

Angelika D. JabinesManunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue,

Fragilyn B. Rafael, Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H.
Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena Delos Reyes, Arbella Mae
Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya, Anna Marie
Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, at Angelika D.
Jabines. Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa para sa Ikaapat na Baitang, Unang
Edisyon 2015, Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing
House, Inc.

Lydia P. Lalunio, Ph.D., at Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika 4 Binagong

Edisyon 2010, LG & M Corporation

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. banghay
2. tauhan
3. banghay
4. tagpuan
5. banghay

Gawain 2
1. Lorena
2. Isang araw
3. A. May isang mag-aaral na napaupo sa tabi ni Lorena na hirap sa
paghing.
B. Inatake ng hika ang mag-aaral at tumakbo si lorena para tawagin
ang kanilang nars.
C. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa.

Gawain 3
1. Mag-asawa Amba
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

22
Matanda/diyosa
Mga naghahabi
2. Noong unang panahon
3. -Si Amba ay mag-isang anak ng mag-asawang mahusay maghabi ng
tela.
-Tinuruan ng mag-asawa si Amba kung paano ang maghabi. Naging
mahusay siya sa paghahabi ng tela. Sa katunayan, mas mahusay pa
nga siya sa kanyang mga magulang.
-Naging mayabang si Amba. Hinamon nito ang sino man na
makipagtagisan sa kanya.
- Sa isang banda narinig ng diyosa ang kayabangan nito. Hindi na sila
nasiyahan sa asal ni Amba kaya naman naisipan ng diyosa na
parusahan siya.
-Simula noon si Amba ay naging gagamba.

Gawain 4

(Biyaya ng Lupa

Tagpuan Mga Tauhan Banghay

Panahon: 1. Mang Simon A.

Lugar: Sa bukid 2. asawa B.

3.tatlong anak C.
D.

Gawain 5
1. Tauhan- Nanay Elma, tatay, Joy, Kuya Ken at Jela
2. Tagpuan- Sa hapag kainan ng kanilang bahay
3. - Masayang kumakain ng almusal ang pamilya Abayon nang
dumating ang magandang balita.
- Nakapasa sa isang kilalang Paaralan ang kanilang kuya Ken -Lalong
ginanahang kumain ang buong pamilya sila ay masayang
nagkuwentuhan habang kumakain.

JOAN T. CARIAGA
May akda
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

23
FILIPINO 4
Pangalan: ____________________________________________ Baitang: ______________

Seksiyon: _______________________________________ Petsa: __________

GAWAING PAGKATUTO
Pagtukoy ng Bahagi ng Kuwento- Simula- Kasukdulan- Katapusan

Panimula (Susing Konsepto)

Bawat kuwento ay binubuo ng pangunahing pangyayari o simula, patapos

na aksiyon, kasukdulan, pababang aksiyon, at katapusan o wakas ng
kuwento.

May tatlong bahagi ang kuwento. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Simula- lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito
nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa. Kinapapalooban ito ng: a.
Pagpapakilala sa tauhan
b. Pagpapahiwatig ng suliraning kahaharapin ng mga tauhan
c. Pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa, ng damdaming
palilitawin sa kuwento
d. Paglalarawan ng Tagpuan
2. Kasukdulan- sa bahaging ito unti-unting naalis ang sagabal,
nalulutas ang suliranin, Dito natutukoy ang katayuan ng
pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o magtatagumpay.
3. Katapusan- ito ang resolusyon o kinahihinatnan ng kuwento.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento- simula- kasukdulan-

katapusan F4PB-Ii-24

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

24
Gawain 1
Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong “Nanimbang sa
Katig”

Nanimbang sa Katig

Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa bangkang may

motor. Nag-aawitan sila sa saliw ng palakpak at padyak ng mga paa.
Umiindayog sila kasabay ng pagtaas at pagbaba ng alon. Tuwang-tuwa sila
lalo kapag may malaking along sumasalpok sa kanilang bangka.

Maya-maya buong pagmamalaking nanimbang sa katig si Armando.

Tumayo siya nang walang hawak. Nagpalakpakan ang lahat. Ang tapang ni
Armando! Hindi nila pinansin ang malaking alon na dumarating.

Sa uwian, walang kibuan ang lahat. Ang iba naman ay mugto na ang
mata at tahimik na humihikbi.
Hango sa: Pagpapaunlad ng Pagbasa
St. Mary’s Publishing House

Panuto: Isulat ang pamagat ng kuwentong binasa. Sa unang hanay,

sumulat ng isang pangungusap tungkol sa simula, kasukdulan, at wakas o
katapusan ng kuwento.

Pamagat ____________________________________________________________

Simula

Kasukdulan

Katapusan/Wakas

Gawain 2

Basahin at unawaing mabuti ang isang anekdota sa buhay ni Fidel V.

Ramos. Pagkatapos ay sagutin ang mga gawain tungkol dito.

Isang Anekdota sa Buhay ni FVR

Lydia P. Laluna, etal

Ang isang katangian ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ay ang

kanyang pagiging matandain. Sa kanyang gulang na mahigit na animnapu,
pinagtatakhan ng kaniyang mga kasama kung bakit mabilis makaalala ang
Ikawalong Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

25
Isang araw, naanyayahan ang dating Pang. Ramos na magsalita sa
harap ng napakaraming tao sa Quirino Grandstand (tinatawag ngayong
Freedom Grandstand).

Bago magsalita ang dating Pang. Ramos, iniabot niya ang ilang papeles
sa isa niyang kawani. “Hawakan mo ito at pag-aralan. Ibalik mo sa akin
pagkatapos mong magawan ng assessment report,” ang utos ng dating Pang.
Ramos.
Dahil sa dami ng mga gawain, nalimutan ng kawani ang ipinagawa sa
kanya ng Pangulo.

Pagkaraan ng ilang buwan, ipinatawag ni dating Pang. Ramos ang

Kawani.

“Natatandaan mo ba noong bago ako magsalita sa Quirino

Grandstand, may iniabot akong mga papeles sa iyo. Sinabi ko sa iyo na
gawan mo iyon ng Assessment Report. Kung hindi ako nagkakamali, siyam
na buwan na ngayon ang nakaraan,” ang paggunita ng dating Pang. Ramos
sa kawani.
Napahiya ang kawani. Hindi niya akalaing sa mahabang panahong
nagdaan ay naaalala pa ni dating Pang. Ramos ang pangyayaring iyon.

“Dinaramdam ko po. Labis po akong nahihiya sapagkat akong bata

ang nakalimot,” sagot ng kawani.

Panuto: Punan ang sumusunod na angkop na detalye o bahagi mula sa

kuwento.

• Simula/Pangunahing pangyayari
Naanyayahang magsalita si _______________________________.
Iniabot ang papeles sa isang ______________________________

• Kasukdulan
Ipinaalala ni Pang. FVR ang ______________________________.

• Wakas
Humingi ng paumanhin ang _______________________________.

Gawain 3

Panuto: Pakinggan ang pagbasa sa kuwento. Pagkatapos ay isulat ang

hinihinging bahagi ng kuwento sa pyramid sa susunod na pahina.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

26
Isang Tagpo sa Buhay ni Ramon Magsaysay
Francisca G. Ril, et.al

Maghahating gabi na noon. Tahimik na ang buong paligid. Handa ng

matulog ang buong pamilya ni Sen. Cipiriano Primicias.

Ngunit hindi pa gaanong nagtagal nang biglang may kumatok. Halos

mag ika-12 na ng hatinggabi. Narinig ito ng drayber na noon lamang
natutulog sa ibaba. Sinilip niya kung sino ang taong kumakatok sa
trangkahan.

Sinabi ng tsuper kay Gng. Primicias na tila si Pang. Ramon

Magsaysay ang nakita niyang kumatok.

Hindi nagkamali ang drayber. Pinasundo ni Gng. Primicias ang

Pangulo sa kanilang drayber.

Dali-dali namang ginising ni Gng. Primicias si Sen. Primicias.

Tumagal nang mahigit na dalawang oras ang pag-uusap ng dalawa.

Habang sila’y nag-uusap, kumalat na ang balita sa buong kapitbahay ng
mga Primicias na naroon sa kanilang lugar ang Pangulo.

Nagulat si Pang. Magsaysay nang sa kanyang paglabas ay

napakaraming tao ang nakaabang sa kanya sa tarangkahan.

Ano ang kasukdulan ng kuwento?

Pamagat ng
kuwento
_______________
______________
Paano nagsimula ang kuwento? Paano nagtapos ang kuwento?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

27
Gawain 4

Basahin at unawaing mabuti ang babasahing kuwento.

Ang Hipon at Biya

Carla Pacis

Sa maputing buhangin at tangrib, dito ay magkasamang namumuhay ang

magkaibigang hipon at biya. Kahit di sila magkauri ay magkasama silang
namumuhay. Trabaho ni hipon ang bungkalin ang buhangin upang
mapanatiling maayos ang kanilang lungga. Dahil sa kanyang sampung binti
ay walang kahirap-hirap si hipon na linisin ito. Sinisiguro din niya na si
biya ay nakakakain nang maayos. Trabaho naman ni biya ang bantayan ang
lungga laban sa malalaking isda. Dahil malabo ang mata ni hipon ang
pagpilantik ng buntot ni biya ang senyas upang bumalik si hipon sa
kanilang lungga.

Dahil sa ilang araw na pagbagyo ay nag-away si hipon at biya.

“Huwag ka namang lumangoy-langoy lang diyan, kumilos ka din,”

sabi ni hipon kay biya. “Ano naman ang magagawa ko. Wala namang
makakapasok sa ating lungga,” sabat naman ni biya.

Alam ni hipon na tama si biya. Ngunit bakit lagi na lamang siya ang
kumikilos.
“Ikuha mo ako ng pagkain, kamutin mo ang likod ko!” wika ni hipon.

Ngunit di naman magawa ni biya ang iniuutos sapagkat wala siyang

mga kamay.

Hindi natiis ni biya ang mga iniuutos ni hipon kaya’t siya ay

lumabas na ng kanilang lungga. Walang nagawa si hipon upang siya ay
pigilan. Bago pa man lumubog ang araw ay takot na takot si hipon na
lumabas ng kanilang lungga. Muntikan pa itong makain ng dolphin at
pawikan. Naglakbay naman si biya upang makahanap ng bagong lungga
ngunit bigo sapagkat ang lahat ng nakikita niya ay mayroon nang
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

28
nakatirang ibang hipon at biya. Gutom na gutom na bumalik si biya sa
kanilang lungga. Pagsikat ng araw ay nagbungkal si hipon ng makakain at
nakita niya sa labas ang gutom na gutom na si biya.

“Kailangan kita upang bantayan ako, ipinapangako ko na magiging

mabait at hindi ko na ipapagawa ang mga bagay na alam kong hindi mo
kayang gawin.”

Mula noon, payapang namuhay sina hipon at biya.

Iguhit sa bawat kahon ang nagiging damdamin nina hipon at biya gamit ang
emoticon.

Damdamin ni Hipon

Simula Gitna Huli

Damdamin ni Biya

Simula Gitna Huli

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

29
Pangwakas

Natutuhan ko ang
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Natuwa ako sa
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Gusto kong matutuhan pa ang tungkol sa
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Mga Sanggunian

Mga Aklat
Lydia P. Lalunio, Ph.D., at Francisca G. Ril, Patrocinio V. Villafuerte, at Ma.
Victoria A. Gugol, Ph.D. Hiyas sa Pagbasa 4 Binagong Edisyon 2010, LG &
M Corporation

Angelika D. Jabines, Mga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R.

Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolores S. de Castro, Josenette R. Brana,
Maryann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn gime, Robena delos Reyes,
Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guimto, Yaledegler S. Maligaya, Anna
Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gatcielo Chiara D. Badillo at
Angelika D. Jabines,Yaman ng Lahi 4, Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine
Interlinks Publishing House, Inc.

Internet
https://www.slideshare.net>mobile
https:/www.marvicrm.com>2018/08

Susi sa Pagwawasto
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

30
Gawain 1

Pamagat: Nanimbang sa Katig

Simula Masayang masaya ang mga bata na

nakasakay sa bangkang de motor.
Tumayo si Armando sa bangka na walang
Kasukdulan hawak. Hindi nila napansin ang malaking
alon na dumarating.
Umuwi ang mga bata na walang kibuanat
Wakas ang iba naman ay mugto ang mga mata at
tahimik na humihikbi.

Gawain 2

• Simula/Pangunahing pangyayari
 Naanyayahanng magsalita si Pangulong Fidel V. Ramos.
 Iniabot ang papeles sa isang kawani.
• Kasukdulan
 Ipinaalala ni Pang. FVR ang Assessment Report.

• Wakas
 Humingi ng paumanhin ang _kawani.

Gawain 3

Ano ang kasukdulan ng kuwento?

(Kumalat ang balita sa buong kapitbahay ng mga Primicias
na naroon sa kanilang lugar si Pang. Magsaysay

Pamagat ng kuwento
Isang Tagpo sa
Buhay ni Ramon
Magsaysay

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

31
Paano nagsimula ang kuwento? Paano nagtapos ang kuwento?

Handa ng matulog ang buong Nagulat si Pangulong Magsaysay

pamilya ni Sen. Cipiriano nang sa kanyang paglabas ay
napakaraming tao ang nakaabang
Primicias ng biglang kumatok si
sa kanya.
Pang. Ramon Magsaysay. Nag
usap ang Senator at ang
Pangulong Magsaysay ng tumagal

ng mahigit na dalawang oras

Gawain 4
Damdamin ni Hipon

Simula Gitna Huli

Damdamin ni Biya

Simula Gitna Huli

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

32
JOAN T. CARIAGA
May akda

FILIPINO 4
Pangalan: _____________________________________ Baitang: ______

Seksiyon: _____________________________________ Petsa: _______

GAWAING PAGKATUTO
Pagsulat ng Talata Tungkol sa Sarili

Panimula (Susing Konsepto)

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga

pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong kuro-kuro, palagay o
paksang diwa.
Paano nga ba sumulat ng isang talata?

Tandaan:
Sa pagsulat ng talata, isaalang-alang ang sumusunod:
1. Isulat ang pamagat sa gitna ng papel.
2. Ipasok ng bahagya ang unang salita ng unang pangungusap sa
talataan.
3. Lagyan ng wastong palugit sa magkabilang tabi ng talataan. Higit na
malaki ang palugit sa kaliwa kaysa sa palugit sa kanan.
4. Gamitin ang malaking titik sa simula ng bawat pangungusap.
5. Gamitin ang iba’t ibang bantas sa pagtataps ng ibat’t ibang uri ng
pangungusap.

Halimbawa:

Nutrisyon sa Sariling Sikap

Ang nutrisyon o masusutansiyang pagkain ay kailangan ng ating

katawan. Ang masusustansiyang pagkain ay hindi mabibili sa botika kundi
ito’y bunga ng ating kasipagan. Ang mga ito ay gulay, halamang-ugat,
bungangkahoy, isda, karne at itlog. Sipag at kaunting salapi ang puhunan
ngunit ang aanihin naman ay kaginhawahan at maunlad na pamumuhay.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

33
Hinihikayat ng pamahalaan ang lahat na magtanim ng mga gulay,
magalaga ng mga manok, mangisda at iba pa upang may mapagkakitaan.
Ang kanilang maliit na kita ay madaragdagan. Mabibigyan nila ang kanilang
maganak ng sapat na pangangailangan lalo na ng masustansiyang pagkain
na hindi na bibilhin.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili (F4PU-Ia-2)

Gawain 1

Basahin at pag-aralan ng mabuti ang talata sa ibaba.

Ang Aking Sarili

Ako si Charmagne T. Cariaga. Siyam na taong gulang. Ipinanganak

ako noong Ika-13 ng Nobyembre, 2010. Nakatira ako sa Camunatan,
Siyudad ng Ilagan, Lalawigan ng Isabela. Ako ang bunso sa tatlong
masisigla at mababait na anak nina G. Rey M. Cariaga at Gng. Joan T.
Cariaga. Nag-aaral ako sa Camunatan Elementary School at kabilang sa
ika-limang baitang ngayong pasukan. Dahil sa pagsisikap kong mag-aral,
hindi ako nagpatalo sa aking mga kamag-aral kaya pinarangalan ako bilang
may pinaka mataas na parangal o nangunguna sa aming klase.

Ang pangarap ko sa buhay ay maging isang Accountant. Kaya ilalaan

ko ang marami kong oras sa pag-aaral at hindi ko sasayangin ang
pagkakataong maabot ang aking pangarap.

Simple lamang akong tao, masunurin, mapagmahal at mapagbigay sa

kapwa at may takot sa Diyos.

Mula sa iyong nabasang talata, sagutin ang sumusunod:

1. Ano ang pamagat ng talata?

____________________________________________________________________
2. Saan isinulat ang pamagat ng talata?
____________________________________________________________________
3. Saan ginamit ang malaking titik?
____________________________________________________________________
4. Paano nagtatapos ang bawat uri ng pangungusap?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

34
Gawain 2

Kung ikaw ay gagawa ng isang talata tungkol sa iyong sarili, anong

pamagat ang maari mong ilagay? Isulat ito sa kahon sa ibaba.

Gawain 3
Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong sarili.

_________________________________

__________________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagpupuntos

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

35
RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATA

5 4 3 2 1
NILALAMAN
 Pagsunod sa uri at anyong hinihingi o
ipinasusulat
BALARILA
• Wastong gamit ng wika/salita
• Wastong gamit ng bayby, bantas, estruktura
ng mga pangungusap
HIKAYAT
• Lohikal na pagkakayos/daloy ng mga idea
• Pagkakaugnay ng mga idea
KABUUAN
5- pinakamahusay 2- mapaghuhusay pa
4- mahusay 1- nangangailangan pa ng mga pantulong
3- katanggap-tanggap na pagsasanay

Pangwakas

Natutuhan ko ang
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Natuwa ako sa
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Gusto kong matutuhan pa ang tungkol sa

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Sanggunian

Mga Aklat
Lydia P. Lalunio, Ph.D., at Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika 4 Binagong
Edisyon 2010, LG & M Corporation

Angelika D. Jabines, Mga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R.

Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolores S. de Castro, Josenette R. Brana,
Maryann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn gime, Robena delos Reyes,
Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guimto, Yaledegler S. Maligaya, Anna
Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gatcielo Chiara D. Badillo at
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

36
Angelika D. Jabines, Yaman ng Lahi 4, Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine
Interlinks Publishing House, Inc.

JOAN T. CARIAGA
May akda

FILIPINO 4

Pangalan: ___________________________________ Baitang: _____

Seksiyon: ___________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsasalaysay Muli nang may Wastong Pagkasunod-Sunod ng
Napakinggang Teksto Gamit ang mga Larawan, Salitang Hudyat at
Pangungusap

Panimula (Susing Konsepto)

Ang pakikinig ay isang kasanayan na dapat nating matutuhan. Kung

marunong kang makinig, maisasalaysay mo muli ang isang tekstong
napakinggan. Masasabi mo ang wastong pagkakasunod-sunod nito ayon sa
pangyayari.
Maaaring gamitin ang mga larawan o salitang hudyat sa
pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto. Maaring gamitin ang mga
hudyat na salita gaya ng una, pangalawa, sumunod, pagkatapos,
pinakahuli. Sa larawan, maari ring gamitin ang bilang 1 hanggang 5 upang
ipakita ang pagkakasunod-sunod nito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

37
Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naisasalaysay muli nang may wastong pagkasunod-sunod ang

napakinggang teksto gamit ang mga larawan, salitang hudyat at
pangungusap
(F4PS-Ib-h-6.1)

Gawain 1
Maalala mo pa ba ang binasa mong kuwento tungkol sa “Parami ng
Parami”? Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang mga pangungusap ayon sa
pagkasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento.

Parami ng Parami
Ma. Hazel J. Deria

Malungkuting mag-aaral si Lorena. Lagi lamang siyang nakaupo sa

ilalim ng punong mangga sa kanilang paaralan. Sapat na sa kanya ang
manood sa mga batang masayang naglalaro sa malawak na palaruan.

Isang araw, sa kanyang panonood, isang mag-aaral ang napaupo sa

tabi niya. Habol nito ang paghinga at bigla na lamang tumulo ang luha. Sa
takot ni Lorena, nasabi niya sa mag-aaral, “Anong nagyari sa iyo? May
masakit ba sa iyo?”
Inatake pala ng hika ang mag-aaral na katabi niya. Tumayo si Lorena
at tumakbo palayo sa mag-aaral.

Pagbalik ni Lorena, kasama na niya ang kanilang nars. Mula noon,

nagging matalik na silang magkaibigan. Masayahing mag-aaral na si
Lorena. Lagi na siyang may kausap. Lagi na siyang may kalaro, hindi
lamang isa kundi parami pa nang parami ang kaniyang nagiging kaibigan.

____ Inatake ng hika ang mag-aaral na katabi ni Lorena.

____ Laging nakaupo si Lorena sa ilalim ng isang punong mangga sa

kanilang paaralan.

____ Tumayo si Lorena at tumakbo palayo sa mag-aaral.

____Mula noon naging matalik na magkaibigan si Lorena at ang

magaaral.

____ Kasama na ni Lorena ang kanilang nars.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

38
Gawain 2

Pakinggan ang babasahing resipe tungkol sa paggawa ng corn soup.

(Hinihikayat ang mag-aaral na ipabasa sa iba ang teksto.)

Igisa ang sibuyas at hipon. Idagdag ang sabaw ng hipon at pakuluan

sa loob ng ilang minuto. Idagdag ang mais at kaunting tubig. Timplahan ng
asin at paminta. Pakuluan hanggang sa lumambot ang mais. Huling ilagay
ang dahon ng sili.

Isalaysay muli nang may wastong pagkasunod-sunod ang paggawa

ng corn soup gamit ang mga salitang: una, pangalawa, sumunod,
pagkatapos pinakahuli

Una: _____________________________________________________.

Pangalawa: _______________________________________________

Sumunod: _________________________________________________.

Pagkatapos: ________________________________________________.

Pinakahuli: _________________________________________________.

Gawain 3
Mahilig ka bang gumawa ng juice tulad ng kalamansi? Alamin natin.

Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang mga pamaraan sa paggawa ng

kalamansi juice.

Hatiin ang kalamansi sa gitna.

Hugasan ang limang kalamansi.

Pigain ang kalamansi sa baso.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

39
Tanggalin ang mga buto.

Dagdagan ng asukal at tubig at haluin ito hanggang

matunaw ang asukal.

Gawain 4
Panuto: Pakinggan at unawaing mabuti ang babasahing kuwento.

Ang Langaw at ang Kalabaw

Isang araw habang si Kalabaw ay masayang-masayang naliligo sa ilog,

napuna niya ang isang langaw sa kanyang tabi. “Langaw, anong ginagawa
mo rito?” Pagalit ang tanong ni Kalabaw. “Pasensiya ka na. Hindi lamang
ako makalipad sapagkat nabasa ang aking pakpak,” malungkot na sagot ni
Langaw. “Ganoon ba? Hintayin mo ako at lulutasin ko ang iyong problema,”
sabi ni Kalabaw kay Langaw.

Ilang minutong nagdaan at bumalik si Kalabaw na may dala-dalang

mga dahon. Inilagay ni Kalabaw ang isang dahon sa kaniyang bibig at
dahandahan niyang ipinahid sa pakpak ni Langaw.

Patuloy na ginawa ito ni Kalabaw upang matuyo ang pakpak ni

Langaw. “Kalabaw maraming salamat sa iyong pagtulong. Marahil kung
wala ka ay namatay na ako.” masayang wika ng Langaw.

“Hayun, may kalabaw na kumakain ng damo. Barilin mo na at baka

makawala pa,” ang sabi ng mangangaso sa kaniyang kausap. Nakaakma na
ang baril nito nang dumating si Langaw. Lumipad siya nang paikot-ikot sa
tainga ng mangangaso hanggang sa bigla na lamang napaputok nito ang
baril.

Nang marinig ni Kalabaw ang putok. Kumaripas ito nang takbo.

Makalipas ang isang linggo, muling nagkita ang dalawa at naikuwento ni
Langaw kay Kalabaw ang kaniyang ginawang pagbabayad ng utang na loob.

Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?

1-iniligtas ni Langaw si Kalabaw.

2-tinulungan ni Kalabaw si Langaw

3.-masayang naliligo si Kalabaw sa ilog

4.-nabasa ang pakpak ni Langaw kaya hindi siya nakalipad
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

40
A. 1-2-3-4 C. 3-4-2-1
B. 3-2-1-4 D. 4-2-1-3

Pangwakas

Natutuhan ko ang
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Natuwa ako sa
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gusto kong matutuhan pa ang tungkol sa

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sanggunian

Mga Aklat

Lydia P. Lalunio, Ph.D., at Francisca G. Ril, Patrocinio V. Villafuerte, at Ma.

Victoria A. Gugol, Ph.D. Hiyas sa Pagbasa 4 Binagong Edisyon 2010, LG &
M Corporation

Angelika D. Jabines, Mga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R.

Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolores S. de Castro, Josenette R. Brana,
Maryann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn gime, Robena delos Reyes,
Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guimto, Yaledegler S. Maligaya, Anna
Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gatcielo Chiara D. Badillo at
Angelika D. Jabines, Yaman ng Lahi 4, Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine
Interlinks Publishing House, Inc.

Internet https://www.slideshare.net>Ihoralight
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
2
1
3
5
4

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

41
Gawain 3

2 Hatiin ang kalamansi sa gitna.

1 Hugasan ang limang kalamansi.

3
Pigain ang kalansi sa baso.

4 Tanggalin ang mga buto.

5 Dagdagan ng asukal at tubig at haluin ito hanggang matunaw

ang asukal.

Gawain 4

JOAN T. CARIAGA
May akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

42

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy