0% found this document useful (0 votes)
369 views20 pages

Kolehiyo NG Lungsod NG Lipa: College of Teacher Education

This document provides an overview of a course on Philippine literature criticism at the College of Teacher Education in Lipa City, Philippines. The course will cover 12 hours studying various topics in 1.1-1.6 on the meaning, genres, forms, dissemination, influences, and importance of Filipino literature. The goals are to develop knowledge of Philippine literature and its historical development, discuss works that reflect aspects of Filipino life, and express the oral and written traditions of Filipino literature to promote the national language.

Uploaded by

Jean Del Mundo
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

You are on page 1/ 20

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education

Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

VISION
A center of human I. KURSO: L 105 – PANUNURING PAMPANITIKAN
development committed to the
pursuit of wisdom, truth, justice, II. PAKSANG ARALIN : Kabanata 1- Samu’t-saring Kabatiran sa
pride, dignity, and local/global Panitikang Filipino
competitiveness via a quality but
affordable education for all Paksa Takdang Panahon
qualified clients. 12 na oras
1.1 Kahulugan ng Panitikan
1.2 Uri ng Panitikan
MISSION III.
Establish and maintain an 1.3 Anyo ng Panitikan
LAYUNIN :
academic environment promoting 1.4 Dispensasyon ng Panitikang
the pursuit of excellence and the Filipino
total development of its students 1.5 Impluwensiya ng Panitikan
as human beings, with fear of God
1.6 Kahalagahan ng Sariling
and love of country and
fellowmen. Panitikan

GOALS
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa A. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan
aims to: sa Pilipinas ayon sa historikal na pag-unlad nito;
1. foster the spiritual, intellectual,
social, moral, and creative life of B. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na
its client via affordable but quality sumasalamin sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay,
tertiary education; kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng
sambayanang Pilipino.
2. provide the clients with reach
and substantial, relevant, wide
C. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at
range of academic disciplines,
expose them to varied curricular pasulat na tradisyon ng panitikang Pilipino.
and co-curricular experiences
which nurture and enhance their D. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang
personal dedications and wika.
commitments to social, moral,
cultural, and economic E. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting
transformations. paglilingkod.
3. work with the government and
F. Nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng
the community and the pursuit of
achieving national developmental
Panitikang Filipino sa lokal at global na aspeto.
goals; and

4. develop deserving and qualified

clients with different skills of life
existence and prepare them for
local and global competitiveness.

IV. PAKIKIPAGPALIHAN:

KAHULUGAN NG PANITIKAN

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 1
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

PANIMULANG GAWAIN:
Panuto. Mula sa lahat ng iyong naging kabatiran at mga naging pag-aaral hinggil sa panitikan,
lagyan ng katumbas na salita ang akronim na PANITIKAN na sa iyong palagay ay naglalarawan
dito at ipaliwanag.

P ________________________________________________________________________________________________

A ________________________________________________________________________________________________

N ________________________________________________________________________________________________

I ________________________________________________________________________________________________

T ________________________________________________________________________________________________

I ________________________________________________________________________________________________

K ________________________________________________________________________________________________

A ________________________________________________________________________________________________

N ________________________________________________________________________________________________

Marami-rami na rin siguro ang mga narinig mo nang kuwento mula sa magulang, lolo, lola,
tiyo, tiya, pinsan, kamag-anak, kaibigan, guro, kaaway at iba pang tao. Hindi na rin siguro mabilang
ang iyong mga nabasa mula sa facebook, twitter, blog, o iba’t ibang social media, maging sa mga
libro, magasin, komiks, patalastas, peryodikit, brosyur at iba pa. Kung oo ang iyong sagot,
nagpapatunay lamang ito na hindi ka makakatakas sa daigdig ng panitikan. Halos lahat ng galaw
mo sa buhay ay nasa impluwensiya ng panitikan.

Sinasabing ang Panitikan ay kabuuan ng mga akda, o ang disiplina ng pag-aaral nito.
Ngunit bago pa man naging isang disiplina, ang panitikan bilang isang natatanging kabuuan o body
of works ay umiiral na. Ito ay sa kadahilanang likas sa tao ang magpahayag at lumikha. Naging
bunga ang panitikan ng pagnanasa ng taong makapagpahayag at maging malikhain.
Mula nang mapagtanto ng tao ang kahalagahan ng panitikan sa kanyang pagkatao,
nagsimula itong maging disiplina ng pag-aaral. Mula noon, ang dating behikulo lamang ng
ekspresyon at manipestasyon ng pagkamalikhain, ito ay naging isang karunungang kailangan ng
tao at ng kanyang sibilisasyon.

Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng panitikan ay isang pangangailangang pang- edukasyon

sa halos lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pag-aaral nito ay gumanap/gumaganap ng iba’t ibang
tungkulin at iba-iba sa bawat panahon, sa bawat lugar, sa bawat antas.
Sa ating kasalukuyang kaayusang pang-edukasyon, partikular sa antas-kolehiyo, ang pag-aaral ng
panitikan ay nakabatay sa dalawang pangunahing pemis: kognitibo at kultural, bukod sa iba pa.
Lunsaran ang panitikan ng pagpapaunlad ng mga kasanayang kognitibo o pangkaisipan ng mga
mag-aaral. Bukod dito, kasangkapan din ito, partikular ang pag-aaral ng ating sariling panitikan, sa
pagpapatibay ng sariling kabansaan at pagkakakilanlan.

Hindi kaiba sa ibang disiplina, ang pag-aaral ng panitikan ay isang prosesong

debelopmental.

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 2
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Kahulugan ng Panitikan
Sinasabing ang Panitikang Pilipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming
Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at
pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.

Bakas na bakas sa kultura ng mga Pilipino ang pasalitang pagpapahayag ng damdamin.

Hindi natin maitatatwa na ang ating mga ninuno o marahil mga lolo at lola ninyo ay nakaranas pa
ng mga umpukan noong sila ay mga bata at nagbibidahan ng kani-kaniyang pasiklab gaya ng
bugtungan. palaisipan paligsahan ng tula, o kaya nama’y pagkukuwento ng mga alamat,
kuwentong bayan. Ang mga ito ay maihahanay natin sa mga panitikang pasalita. Sa kasalukuyan,
marami pa rin ang gumagamit at sumisikat sa ganitong uri ng panitikang pasalita gaya ng spoken
poetry at paligsahan sa pamamagitan ng flip top.

Hindi rin matatawaran ang bugso nang hindi mabilang na naisulat na panitikang Pilipino na
umiiral sa ating bansa na naging bahagi na ng ating kasaysayan at karamihan pa nga ay naging
malaking ambag sa pagbibihis at pagbabago ng lipunang Pilipino.

Ayon kina Lalic, E.D. at Matic, Avelina J (2004) Ang panitikan ng isang lahi ay ulat na
nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdamin ng lahi nito. Sa panitikan ng isang bansa
mababakas ang mga kaisipan at mga bagay na nilulunggati, kinahuhumalingan o kinasusuklaman
ng lahi nito. Ang pagbabago ng kabuhayan ng isang bansa ay nakaiimpluwensya sa panitikan nito.

Hindi maikakaila na napakalaking bahagi ng mga mamamayan ng Pilipinas ang kabilang

pananampalatayang katolisismo dahil sa impluwensiya ng mga panitikang umiral sa bansa sa loob
ng mahabang panahon, gayonpaman dahil sa pag-usbong iba pang uri at klase ng panitikang
panrelihiyon kung bakit lumaganap at lalo pang dumami ang iba’t ibang sekta sa Pilipinas. Maging
ang pamumuhay ng mga Pilipino ay kinabakasan ng maraming pagbabago dahil sa impluwensiya
ng panitikan.

Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan. May mga

nagsasabing ang panitikan ay talaan ng buhay. Ayon kay Arrogante (1983), talaan ng buhay ang
panitikan sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang
buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig ng kanyang kinabibilangan at pinapangarap.

Ayon naman kina Salazar (1995), ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa
alinmang uri ng lipunan. Maaalalang nagsilbing titis sa mga Amerikanong may kulay ang
pagkakabasa nila sa Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe upang kanilang
ipakipaglaban ang kanilang pantay na karapatan sa mata ng batas at katarungan na
humantong sa kanilang tagumpay sa Digmaang Sibil sa Amerika. Pinukaw naman ni Jean
Jacques Russeau sa kanyang Social Contract ang isipan ng mga Pranses. Sa
pamamagitan ng akda ni Russeau, nabatid nilang sila’y biniyayaan din ng Diyos ng
karapatan at katarungan at natutunan nilang iyo’y kanilang ipakipaglaban. Nang patuloy
iyong ipagkait sa mga Pranses, ang pakikipaglaban nila sa katarungan at karapatan ay
humantong sa isang himagsikan sa Pransya, dito sa Pilipinas man ay makakatukoy ng
napakaraming katibayan kung paano pinakilos ng panitikan ang lipunan. Nagsilbing
inspirasyon sa mga katipunero ang mga akda ni Rizal upang maglunsad ng isang
himagsikan laban sa mga Kastila. Ang mapanghimagsik na dulang itinanghal noong

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 3
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

panahon ng mga Amerikano ay ikinapiit ng mga may-akda niyon at lalong nagpagalit sa

maraming Pilipino. Sinikil ng dating Pangulong Marcos ang laya sa pamamahayag ngunit
hindi niya napigilan ang paglaganap ng mga akdang naglalarawan sa pagmamalabis ng
kanyang administrasyon. Iyon ay isa sa maraming dahilan ng pagwawakas ng kanyang
pamumuno noong 1986 sa EDSA.

Ayon naman kay Webster (1947), ang panitikan ay katipunan ng mga akdang
nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo,
pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw. Kung ang panitikan ay katipunan ng mga
akdang nasusulat, maituturing bang panitikan ang mga tula, tugaman, kasabihan, awit at
iba pang pasalin-salin sa bibig ng tao lalo na noong panahong bago dumating ang mga
Kastila sa ating kapuluan? Ang sagot ay oo, panitikan din ang mga iyon. Kailangan
bigyang-diin na ang kahulugan ni Webster ay modernong pagpapakahulugan sa panitikan
sa panahong ang tao ay marunong nang sumulat at sa panahong ang panitikang pasalin-
dila ay naisalin na sa anyong pasulat. Kung tutuusin, maging ang palabuan ng salitang
panitikan ay nagbibigay-diin sa pasulat na katangian nito.

Ang salitang panitikan ay nanggagaling sa salitang-ugat na titik, kung gayon,

naisatitik o nasusulat. Ngunit lahat ba ng nasusulat ay maituturing nang panitikan? Ang
sagot naman sa tanong na ito ay hindi. Kung babalikan natin ang kahulugang ibinigay ni
Webster, matutukoy natin ang iba pang pangangailangan upang ang isang bagay na
nasusulat ay maituturing na panitikan-malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo,
pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.

Ayon kay Bro. Azarian sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ang panitikan ay

pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan, at pamahalaan, at kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha.

Ayon naman kay Jose Villa Panganiban (1954), ang paraan ng pagpapahayag ay
iniaayos sa iba’t ibang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa na nababalot ng pag-
ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba.

Binigyang din nina Luz de la Concha at Lamberto Ma. Gabriel (1978) ng katuturan
ang panitikan bilang salamin ng lahi, kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa,
kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag
gamit ang piling salita sa isang maganda at masining na paraan, nakasulat man o hindi.

Kung gayon, ano ang tunay na panitikan? Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag
ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa
masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo at
kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang
kawalang-maliw nito

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 4
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

URI NG PANITIKAN

Panimulang Gawain:

Panuto: Sagutin nang mabilisan ang mga sumusunod na bugtong:

Maikling landasin, di maubos lakarin.

Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.
Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.
Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay,
kailangang ako ay mamatay.

Maaaring mauri ang panitikan bilang Pasalin-dila o kaya’y Pasulat. Ito ay Pasalin-dila
kung naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao o pagkukuwento. Samatalang
naging Pasulat ang paraan ng pagsasalin ng panitikan sa ibang henerasyon magmula nang
matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat.

Bago pa man sinakop ng mga dayuhan ang Pilipinas ay may mga komunidad na tayong
umiiral. May sariling Sistema ng pamahalaan, edukasyon at maging yaman ng bayan na panitikan.
Ang mga ito ay karaniwang nasa anyong pasalita. Bagama’t maraming teorya na may mga akdang
naisulat na rin sa mga dahon, kawayan, bato at iba pa, pinaniniwalaang ang mga ito ay sinira,
winasak at sinunog dahil sa pagpapalaganap ng relihiyon, paniniwala at pananakop ng mga
dayuhan. Ngunit dahil hindi nila kayang sunugin at wasakin ang mga dila ng mga Pilipino ay
nakuha pa ring makapagtala at makapanatili ng marami sa ating mga pasalin-dilang mga panitikan
gaya ng: alamat, kuwentong bayan, epiko, mga awiting bayan, salawikain, karunungang bayan,
sawikain, at bugtong.

 Alamat – kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay;

 Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na

kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

 Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban
sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at
di-kapani-paniwala. Ilan sa mga halimbawa ay ang Bidasari – (Moro); . Biag ni Lam- ang
(Iloko); Maragtas (Bisaya) Haraya (Bisaya); Lagda (Bisaya); Kumintang (Tagalog); at Hari sa
Bukid (Bisaya).

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 5
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

 Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o
inaawit pa rin gaya ng Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung
Singsing, at Paruparong Bukid.

 Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.

 Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan.

 Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang

pahuhulaan.

Mula sa mga pasalitang panitikang ito natin masasalamin ang yaman ng kulturang Pilipino.
Hindi maisasantabi na ang mga prinsipyo mula sa mga salawikain, pagmamahalan at pag-iibigan
mula sa mga awiting bayan, kasama na rin ang ilang kultura’t umiiral na kabayanihan ng mga
ninuno sa pamamagitan ng mga kuwentong bayan at mga epiko.

Samantala, laganap sa kaalaman nang nakararami na ang pag-usbong ng panitikang

pasulat ay umiral sa Pilipinas nang ang bayan ay nasa kamay ng mga mananakop. Ito marahil ang
dahilan kung bakit karaniwan sa mga akdang pampanitikang pasulat ay nakapagbagong bihis sa
bayan lalo na sa pananampalataya, prinsipiyo at paniniwala. Binago rin ng mga panitikang ito ang
Sistema ng pamumuhay ng mga Pilipino na karaniwang ibinabatay sa mga nakatalang panitikan.

ANYO NG PANITIKAN

Panimulang Gawain:
Panuto: Manood ng isang Spoken Poetry (Youtube o anomang social media) at Ibuod ang sinasabi
ng tumula. Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng bidyu. Ang bidyu ay maaring tumagal lamang ng 3
minuto.

Batay sa anyo, ang panitikan ay maaaring mauri bilang Tuluyan/Prosa o Patula.

Tuluyan ang isang panitikan kung ito ay nasusulat sa karaniwang daloy ng pangungusap at sa
patalatang paraan. Samantala, ang panitikang patula naman ay yaong nasusulat sa taludturan at
saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at tugma o dili kaya’y malayang taludturan na
nangangahulugang walang sukat at tugma.

Mga Akdang Tuluyan o Prosa

Nobela – isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na nagaganap sa
mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga
kabanata.

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 6
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Maikling Kwento – isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng

isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.

Dula – isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.

Alamat – ay mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

Pabula – ay mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng mga

bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wri ba’y tunay na mga tao.

Parabula – ay mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan.

Anekdota at maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga mambabasa.

Maaari ring ito ay kinasasangkutan ng mga hayop o ng mga bata.

Sanaysay – ay isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng isang may-akda hinggil sa

isang suliranin o paksa. Ang mga editorial na inilalathala sa mga pahayagan at iba pang babasahin
ay mga mahuhusay na halimbawa ng sanaysay.

Talambuhay – ay kasaysayan ng buhay ng isang tao.

Balita – ay paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa

mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan, agham, edukasyon, palakas at
pinilakang-tabing.

Talumpati – ay isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang

talumpati ay nauuri batay sa iba’t ibang layunin. Ang isang talumpati ay maaaring may layuning
humikayat, magbigay impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinion o
paniniwala o lumibang.

Mga Akdang Patula

Ang mga akdang patula ay may apat na uri: tulang pasalaysay, tulang pandamdamin o
liriko, tulang padula o dramatiko at tulang patnigan.
Tulang pasalaysay ay kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at
tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa ilalim nito ang epiko,
awit at korido.

Epiko – tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at

pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi
kapani-paniwala.

Awit at korido ay mga patulang salaysay na paawit kung babasahin. Pawang sa

ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay nito. Kinapapalooban ito ng
romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 7
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

karahasan ng katotohanan.

Tulang pandamdamin o liriko – mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na

maaaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa kategoryang ito ang mga tulang awiting-
bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda.

Awiting-bayan ay maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong nagpasalin-
salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao, bunga nito’y hindi na matutukoy
kung sino ang ay may-akda ng maraming mga kantahing bayan.

Soneto ay tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang

naghahatid ng aral sa mambabasa.

Elehiya ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal

Dalit ay isang tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.

Pastoral ay mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.

Oda ay isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.

Tulang padula o dramatiko ay mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan. Ang La
India Elegante y El Negrito Amante ni Francisco Baltazar ay isang mahusay na halimbawa nito.

 Melodrama

Ang dulang ito ay nag wawakas na kasiya-siya sa mabuting tauhan bagama't ang uring
ito'y may malulungkot na sangkap, kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito
at nag tatapos sa kamatayan ng mga bida. Ginagamit ang melodrama sa mga musikal na dula.
Dito, malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.

 Komedya

Ang Komedya ay isang dulang patanghal (karaniwang binubuo ng oktosilabiko o

dodekasilabikong quatrain), na gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis
sa entablado, batalla o labanan na may koreograpiya, at magia o mga mahihiwagang epekto sa
palabas. Ito ay kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang tatlong araw upang ipagdiwang ang
pyesta ng patron

 Trahedya

Kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o
pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan. Isang halimbawa nito Ang Trahedya sa Balay ni
Kadil.

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 8
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

 Parsa
Ang parsa ay mga magkakabit-kabit o magkakadugtong-dugtong ng mga pangyayari ng
isang dulang nakakatawa.
 Saynete
Ang saynete ay dulang tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kuwento ng
pangunahing tauhan at sa pag-uugali ng tao tulad ng pagiging mabait,masiyahin at
maaalahanin.

Tulang patnigan ay mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa

bakuran ng mga namatayan.

1. Karagatan - ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroongnamatay.

Kunwari ay may matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Taposay paiikutin ang isang
tabong may tanda. Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot,ang matatapatan nito ay tatanungin
ng dalaga ng mga salitang matatalinhaga o makahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa
isang alamat ng isang prinsesangnaghulog ng singsing sa karagatan. Ang sinumang
binatang makakuha ngsingsing ay siya niyang pakakasalan.
2. Duplo - ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkasat
pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mgakasabihan,
salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sapatay.
3. Balagtasan - ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate nabinibigkas nang
patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na siFrancisco "Balagtas" Baltazar.
Pinatanyag ito ng "Hari ng Balagtasan" na siJose Corazon de Jesus (Huseng Batute).

Dispensasyon ng Panitikang Filipino

Panimulang Gawain:

Panuto: Ibigay ang iyong reaksyon halimbawang may nag post sa twitter, FB o anomang social
media ng ganitong uri ng Panitikan na tumutuligsa sa mga namumuno sa simbahan.
Amain Namin
Marcelo H. Del Pilar
Amain naming sumasaconvento ka,
sumpain ang ngalan mo,
malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin (kitilin) ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit
Saulan mo cami (kami) ngayon nang aming kaning iyong inaraoarao(inaraw-
araw) at patauanin (patawanin) mo kami sa iyong pagungal (pag-ungol)
para nang pagpapataua (pagpapatawa) mo kung kami nacucualtahan
(nakukuwartahan); at huag (huwag) mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso

at iadya mo kami sa masama mong dila.

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 9
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

________________________________________________________________________________

L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 10
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Dispensasyon ng Panitikang Pilipino

Hindi maitatawa na may malaking aral na makikita sa pagbalangkas ng Panitikan ng bansa

sa bawat panahon. Dahil sa sinasabing ang panitikan ay salamin ng lipunan, maaari nating
masalamin o makita ang kalagayan ng bansa batay sa panahong umiiral ang panitikan.

Dispensasyon ng mga Katutubo

Hindi matatawaran ang kahusayan at kagalingan ng mga katutubong Pilipino sapagkat hanggang
sa kasalukuyan ay umiiral ang kanilang mga angking akdang nagiging mayaman na hanguan ng
kaalaman ng mga mamamayan sa kasalukuyang lipunan.

Bagama’t Karaniwang mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko,
salawikain at awiting-bayan na anyong patula; samantalang ang mga kwentong- bayan, alamat at
mito na anyong tuluyan. May mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang
anyo ng dula sa bansa.

Masasabing ang mga panitikan sa dispensasyong ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring
nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang
ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog
at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay
gawa ng demonyo.
Mababakas sa mga panitikan sa dispensasyong ito ang kalayaang makapag-isip,
makapamuhay, kabayanihan, katapangan, maging karangyaan o kaginhawaan sa buhay ng mga
ninuno. Ang mga ito marahil ang posibleng dahilan kung bakit maraming nahumaling na mga bayan
at pinagsamantalahang sakupin ang Pilipinas.

Dispensasyon ng mga Mananakop na Kastila

Sinasamsam ng mga dayuhang kastila ang yaman ng bayang Pilipinas nang sila’y nakapamuno sa
bansa. Upang magtagal ang pamumuno, pinilit nilang burahin sa kaisipan ng mga Pilipino ang
kanilang pinanggalingan sa pamamagitan ng pagsunog at pagwasak sa mga akdang panitikan na
kanilang pinaniniwalaan at ikintal sa kanilang kaisipan na ang mga ito ay pumapanig sa diyablo.

Nilunod ng mga panitikang may paksang pananampalataya at kabutihang-asal panahong ito.

Samantalang nang huling bahagi naman ay ang pagmulat ng mga Pilipino na naghatid sa
paglalathala ng mga panitikang panrebolusyon.

Ilan sa mga naging instrumento ng mga kastila sa pagpapalaganap ng kanilang pananapalataya ay

ang dulang senakulo, santa cruzan at tibag; mga tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Itinanim sa
kaisipan ng mga Pilipino ang konseptong maharlika o dugong bughaw sa pamamagitan ng mga
akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – na nasa
awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.

Lubhang kakaunti lamang ang nakasusulat sa panahong ito sapagkat bukod sa napakamahal ng
pag-iimprenta, tanging wikang Kastila lamang ang gamit sa pagsulat. Kaunti lamang ang

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 11
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga

Kastila. Nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Christiana noong 1553 na
kinapapalooban ng mga gawi at kilos kristiyanismo.

Bukod sa mga pagtuturo ng kristiyanismo, maging ang mga gawi at dapat na ikilos ng mga Pilipino
ay inilarawan din sa Urbana at Felisa. Sinusugan pa ng pagpapatibay ng mga patakaran sa
pamamagitan ng paglalathala ng mga peryodiko ng mga kastila.

Hindi naglaon, maraming Pilipino ang nagising mula sa pagkakaalipin sa mga dayuhan kung kaya’t
lumabas ang mga panitikang panrebolusyon. Karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang
rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di- makataong pagtrato sa kanila ng mga
Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.

Dahil sa nakasusulasok na kalagayan ng mga Pilipino, Nagsisulat ang mga Propagandista sa

panahong iyon ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala sa pahayagang La Solidaridad
noong Pebrero 19, 1889 ang kanilang mga akda na naglalayong“matamo ang pagbabagong
kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, at maisiwalat
ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila at upang pairalin
ang kalayaan at demokrasya.”
Nauso ang pagkakaroon ng mga sagisag-panulat noong panahong ito bilang pagtatago sa
tunay na pagkatao dahil sa paghihigpit ng pamahalaan at nagbabadya ng kamatayan sa
sinomang mapatutunayang sumulat laban sa pamahalaan. Maraming buhay ang naibuwis
nang dahil sa panitikan noong panahong ito. Isa sa mga naging patunay ay ang
eksekusyon ni Dr. Jose Rizal.

Dispensasyon ng mga Mananakop na Amerikano

Sukang-suka na ang mga Pilipino sa pamumuno ng mga Kastila at pursigidong mapatalsik ang
mga ito kung kaya’t nagmistulang mga bayani ang mga Amerikano na siyang sumagip sa mga
Pilipino at nagpabagsak sa Espanya noong 1898.

Binigyan ng bagong bihis ang paraan ng pananakop sa panahong ito. ng dati-rating ipinagkakait na
edukasyon ang naging instrumento ng mga Amerikano upang paamuhin ang mga Pilipino at
tuluyang mahulog sa bitag bagong berdugo. Nakaramdam ng pagkalinga ang mga Pilipino at
nagmistulang big brother ang mga mananakop dahil sa pagpapahintulot at pagtuturo sa mga ito ng
mga kaalamang kinasasabikan ng sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng mga gurong
Thomasites.

Isinilang sa panahong ito ang mga maraming manunulat na Pilipino na nagsisulat hindi lamang sa
Wikang Tagalog kundi maging sa Wikang Ingles. Ilan sa mga nagsiusbong na manunulat ay sina
Cecilio Apostol, Claro M. Recto, Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus, Jose dela Cruz, Severino
Reyes, Zoilo Galang at marami pang iba.

Sa panahong ito tumingkad ang mga dula. Nang mga panahong nagnanais na ng paglaya ng mga
Pilipino sa mga Amerikano ay nag-usbungan ang mga dulang umuusig sa kalapastangan ng mga

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 12
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

mananakop. Ilan sa mga ito ay ang ‘Tanikalang Ginto’ ni Juan

K. Abad, ‘Kahapon, Ngayon at Bukas’ ni Aurelio Tolentino at ang ‘Hindi Ako Patay’ na hindi nakilala
ang mgay akda.

Dispensasyon ng mga Mananakop na Hapon

Bagama’t napakasama ng dating ng mga Hapon dahil sa naging marahas ang pagbugso ng
kanilang pananakop, hindi maikakaila na itinuturing itong gintong panahon ng Panitikan ng Pilipinas
sapagkat nabigyang laya ang mga Pilipino na gumamit ng sariling wika sa pagsulat at ipinagbawal
ang paggamit ng wikang Ingles sapagkat ayaw ng mga Hapon na mabahiran ng ideyang
makakanluran ang mga akdang nililikha bagkus ay hinikayat ang paggamit ng katutubong wika at
karaniwang naisasanib sa mga akda ang kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino.

Ilan sa mga babaeng manunulat na natanyag sa panahong ito ay sina Liwayway A. Arceo at
Genoveva Edroza-Matute. Siyempre, nabahiran din ng impluwensiya ng panitikang Hapon
noong panahong ito sa pamamagitan ng mga maiikling tulang ‘Haiku’ na may tatlong
taludtod at 5-7-5 na pantig bawat taludtod; at ‘Tanaga’ na may apat na taludtod at ang
bilang ng pantig ay 7-7-7-7.

Dispensasyon ng Republika ng Pilipinas

Unti-unting bumangon ang mga Pilipino sa tulong pa rin ng mga Amerikano. Sa

pangalawang pagkakataon ay naging tagasagip ang mga ito tungo sa hinahangad na
kalayaan. Dahil sa ipinangakong pagsasarili ng Pilipinas, hindi mahahalata ang pagiging
kolonya ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pinuno at lider ng bansa sa
katauhan ng mga Pilipino.

Naging masigla ang panitikan sa panahong ito at dahil higit na madali ang pagsulat at
paglimbag ay dumaloy nang husto ang mga akdang isinulat ng mga Pilipino. Bumuha ng
mga akda at dumami ang mga manunulat. Ilan sa mga unang manunulat sa panahong ito
ay sina: Alejandro Abadilla nan naging tanyag sa kaniyang mga sanaysay, Teodoro
Agoncillo sa kaniyang mga Maikling Kuwentong Tagalog, at pagpapatuloy ng panulat ni
Genoveva Edroza-Matute. Lumaganap rin ang panitikan mula sa iba’t ibang lalawigan.

Pinasigla pang lalo ang panitikan dahil sa pagkakaroon ng mga gawad o parangal sa mga
manunulat sa pamamagitan ng Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature.

Dahil na rin sa panunuyot ng mga akdang higit na pumapaksa sa mga isyung panlipunan,
sinikap ng mga premyadong manunulat ang maglathala ng akda sa pamamagitan ng sarili
nilang pera upang dumaloy at sumibol ang de-kalidad na maikling kwento sa Pilipinas sa

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 13
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

pamamagitan ng “Mga Agos sa Disyerto” nina Efren Abueg, Dominador Mirasol, Rogelio
Ordoñez, Edgardo Reyes at Rogelio Sikat.

Nagkulay pula ang mga akdang gawa ng mga Pilipino noong panahon ng Batas Militar.
Nag-usbungan ang mga makabayang manunulat at karaniwang pumapaksa sa karalitaan,
pagsasamantala ng mga nanunungkulan, panggigipit ng mga nasa kapangyarihan at
Karapatan ng bawat mamamayan. Ilan sa mga manunulat noong panahong ito ay sina
Wilfredo Virtuoso, Pedro Dandan, Jun Cruz Reyes, Efren Abueg, Benigno Juan, Ave Perez
Jacob, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Lilia Santiago at marami pang iba.

Lalo pang lumawak ang panitikang Pilipino dahil sa impluwensiya at pag-usbong ng mga
radyo at telebisyon. Lumaganap rin ang mga pelikula at daigdig ng musika. Naging
pangunahing libangan ng mga Pilipino ang sinehan samantalang naging instrumento
naman sa pagbabasa at libangan ng mga Pilipino ang komiks.

Hindi maitatatwa na dumami nang dumami ang mga manunulat at lumawak nang lumawak
ang mga paksa sa pagpasok ng Rebolusyon ng Edsa. Higit na naging malaya at
komersiyalisado ang panitikan. Mayroong mga edukasyonal gaya ng Batibot, Sineskwela,
Hiraya Manawari, Math Tinik, Epol Apple, Wansapanataym at iba pa. Habang
nahuhumaling naman sa mga dulang panradyo ang mga matatanda gaya ng radio-drama
ni Tiya Dely, Gabi ng Lagim, Matud Nila, Kapitan Pinoy, at iba pa.

Impluwensiya ng Panitikan

Panimulang Gawain:
Panuto: Mag browse sa internet o anomang libro at tunghayan ang iba’t ibang uri ng gobyerno
o relihiyon mayroon ang iba’t ibang bansa. (limitahan lamang sa 10)

1. Bansang -
2. Bansang -
3. Bansang -
4. Bansang -
5. Bansang -
6. Bansang -
7. Bansang -
8. Bansang -
9. Bansang -
10. Bansang -

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 14
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Ang Impluwensya ng Panitikan

Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa iba’t ibang panig nito, may natutukoy
na isa o ilang tanging akda na naghatid ng malaking impluwensiya sa kultura, tradisyon,
pamumuhay at kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

a. Banal na Kasulatan o Bibliya – ang nagging pinakabatayan ng pananampalatayang

Kristiyano sa buong daigdig.
b. Koran mula sa Arabia – ang pinakabibliya ng mag Muslim
c. Illiad at Oddysey ni Homer – kinatutuhan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya.
d. Mahabharata – tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya.
Ipinapalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
e. Canterburry Tales ni Chaucer – naglalarawan sa pananampalataya at pag- uugali ng
mga Ingles noong unang panahon.
f. Uncle Tom’s Cabin ni Harrit Beecher Stowe – nagbukas sa mga mata ng Amerikano
sa kaapihan ng mga lahing itim at nagging simula ng paglaganap ng demokrasya sa
buong daigdig.
g. Divina Comedia ni Dante - nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-
uugali ng mga Italyano noong panahon.
h. El Cid Compeador – naglalarawan sa katangiang panlapi ng mga Kastila at
kasaysayan ng Espanya.

i. Isang Libo at Isang Gabi – akdang nagmula sa Arabya at Persya. Naglalarawan ito ng
pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.

j. Analects ni Confucius – katipunan ng mga kasabihan at ideya na pinagbatayan ng

Confucius sa Tsina.

k. Aklat ng mga Patay – naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiya

at teolohiya ng Ehipto.
l. Awit ni Rolando – kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya.
Isinasalaysay ditto ang gintong panahon ng Kristiyanisno sa Pransya.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Sariling Panitikan

Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit isinama ang pag-
aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag-aaral. Ilan sa mga kapakinabangang matatamo sa
pag-aaral ng ating sariling panitikan ay ang sumusunod:
a. Lubos nating makilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang minana nating
yaman at talinong taglay ng ating pinagmulan;
b. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating mga sariling tradisyon at kultura,
maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang naging sandigan ng
kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan;
c. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang
pagpapakasakit ng ating mga ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at kapayapaang
pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon;

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 15
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

d. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga panitikan ng iba’t

ibang rehiyon at matutunan nating ipagmalaki ang ating pagka- Pilipino.
e. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y mapag-ibayo
pa ang ating mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas ang ating mga kahinaan
bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga pagkakamali bilang isang indibibwal at
bilang isang komunidad;
f. Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa ating
pinakamahalagang yamang panlipi;
g. Mahuhubog natin ang magiging anyo, hugis, nilalaman at katangian ng panitikan sa
kasalukuyan na siya naming magiging sanligan ng panitikan sa hinaharap;
h. Malilinang ang ating pagmamalasakit sa ating sariling kultura at maging ang ating
malikhaing pag-iisip na ilang sa mga mahahalagang pangangailangan upang tayo ay
umunlad bilang isang bansa.

V. AKTIBITI:

Pagsasanay 1: Kahulugan ng Panitikan

Panuto: May mga pahayag bang pasalita o kaya’y mga naisulat na akda na nagkaroon ng
malaking impluwensiya sa iyong paniniwala, pananampalataya o kaya naman ay kung paano ka
kumikilos o nabubuhay sa ngayon batay sa mga prinsipyong pinaniniwalaan mo na iyong
sinusunod? Ibidyu ang iyong kuwento.

Pagsasanay 2: Uri ng Panitikan

Panuto:Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino. Mayroon bang kuwento na maaaring naisalin-
salin mula sa iyong mga ninuno, kalahi, kababayan (sa probinsiya) na hindi pa nailathala na iyong
napakinggan? Magtanong-tanong sa mga kamag-anak o kaya’y kakilala. Ikuwento ito dito bilang
bahagi ng Yaman ng Panitikang Pilipino.
(pamagat)

L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 16
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Pagsasanay 3: Anyo ng Panitikan

Panuto: Tunghayan ang pahayag ni Kim Chu sa youtube hinggil sa isyu ng ABS CBN
https://www.youtube.com/watch?v=o3OlCxCmSwc

“Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply ka
na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila inayos mo yung law ng classroom
niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.”
Ipaliwanag kung paanong umabot ang pahayag niyang ito na mula sa anyong tuluyan ay naging
isang awit o anyong patula. Ikuwento ang naging pag-unlad ng simpleng pahayag na ito at
nagkaroon ng sampung milyong views sa youtube. Talakayin ito sa iyong bidyu.

Pagsasanay 4: Depinisasyon ng Panitikang Pilipino

Panuto: Mula sa mga tinalakay hinggil sa dispensasyon ng Panitikang Pilipino ay mapapansing
nagbabago ang paksa at anyo ng mga panitikan depende sa pangangailangan ng sambayanan.
Halimbawang ikaw ay nabuhay sa isa sa mga panahong ito (maliban sa kasalukuyan), sumulat ng
isang akda (maaring nasa anyong patula o tuluyan) na aakma sa pangangailangan ng panahong
iyon.

_______________________________________________________________________________

Pagsasanay 5: Impluwensiya sa Panitikan

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 17
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Paano naiimpluwensiyahan ng mga akdang pampanitikan ang bawat

tao?
2. Paano mo mailalarawan ang panitikan bilang instrumento sa pagbabagong bihis
ng mga pamahalaan o pananampalataya?

3. Magtala ng mga bansang may mga akdang pampanitikan na hindi pinahihintulutan

makapasok o makarating sa kanilang lugar. Ano-ano ang mga kaparusahang ipinapataw
dito?

4. Kung ihahambing mo sa mga kasaysayan ng Korea, China at mga bansa sa Europe ang
preserbasyon ng kanilang kultura at pananampalataya batay sa mga panitikan ng kanilang
bayan, masasabi mo bang mahalagang balikan at halukayin ang ating mga sinaunang
panitikan bilang tunay na pagkakakilanlan ng lahing Pilipino? Ipaliwanag.

5. Sumulat ng iyong refleksiyong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng Preserbasyon ng

Panitikang Pilipino para sa sambayanang Pilipino.

VI. AWTPUT:
Isumite ang soft copy sa lms at google drive ng asignaturang L 105 – Panunuring
Pampanitikan.

VII. EBALWASYON:

Maghanda sa inihandang pagsusulit ng guro.

a. Panuto: Punan ang patlang sa loob ng sumusunod na pahayag ng mga angkop na kataga
upang mabuo ang wastong diwa ng mga ito.
1. Ang anyo ng panitikan na pangungusap at patalatang paraan.
2. Ang panitikang ay nasusulat sa taludturan at saknungan
3. Ang ay paglalahad nf mga pang-araw-araw na pangyayari sa iba’t ibang aspeto n gating
lipunan.
4. Ang parabola ay mga kwentong hinango sa .
5. Ang ay maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga
mambabasa.
6. Ang editoryal ay isang mahusay na halimbawa ng .
7. Ang ay isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
8. Ang ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang
minamahal.
9. Ang talambuhay na sinulat ng isang may-akda at tumatalakay sa kanyang sariling buhay at
tinatawag na .
10. Ang ang pinakabibliya ng mga Muslim.

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 18
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

b. Panuto:Piliin sa hanay B ang mga tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
patlang.

Hanay A Hanay B

11. Nagsasalaysay ng gintong Bibliya

panahon ng Kristiyanismo sa Pransya Koran
12. Batayan ng pananampalatayang Illiad at Oddysey
Kristiyanismo sa buong daigdig Mahabharata
13. Tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya Canterburry Tales
ng Ehipto Uncle Tom’s Cabin
14. Kinatutuhanan ng mga mitolohiya at El Cid Compeador
alamat sa Gresya La Divina Comedia
15. Batayan ng Confucianismo sa Tsina Isang Libo at Isang Gabi
16. Tumatalakay sa kasaysayan ng Analects
pananampalataya sa Indiya Aklat ng mga Patay
17. Naglalarawan ng pamahalaan, Awit ni Rolando
kabuhayan at lipunan ng Arabo at Persyano
18. Naglalarawan ng pananampalataya, at
pag-uugali ng mga Ingles
19. Nagpapahayag ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugali ng mga
Italyano
20. Nagbukas sa mga mata ng Amerikano sa
kapihan ng lahing itim

c. Panuto: Talakayin ang kahalagahan ng pag-aaral ng sariling panitikan. (21-50)

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 19
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

VIII. MGASANGGUNIAN:

Alcaraz, Cid V., et.al, Komunikasyon sa Akademikong Filipino. 2005. Metro Manila: Lorimar Publishing
Co., Inc.
Arthur P. Casanova at Ligaya Tiamson Rubin. Retorikang Pangkolehiyo. 2001. Maynila: Rex Book
Store, Inc.
Bagsit-Macaraig. Pagpapahayag, Retorika at Bigkasan. 1999. Maynila: Rex Book Store, Inc.
Bernales, Rolando., et.at: Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon. 2009. Malabon
City: Mutya Publishing House, Inc.
Merlinda Cueto-Cantre at Reynaldo J. Cruz. Ang Masining na Pagpapahayag. 2013. Metro Manila:
Lorimar Publishing House, Inc.
Pagkalinawan, Leticia C., et.al. Sanayang-Aklat sa Sining Pangkomunikasyong Pantersarya. 2004.
Valenzuela City: Muta Publishing House, Inc.
Tumangan, Alcomtiser P., et.al. Sining ng Pakikipagtalastasan. 2000. Valenzuela City: Mutya
Publishing House, Inc.

Isinumite ni:

JEAN D. DEL MUNDO, LPT, MAEd.

Instruktor 1

Iniwasto at Inaprubahan ni:

BIBIANA JOCELYN D. CUASAY, Ed.D. Ph.D.

Pinuno, Pagsusuri ng Modyul

Pinagtibay ni:

AQUILINO D. ARELLANO Ed.D. Ph.D.

Dekano ng CTE
Pangalawang Pangulo, Ugnayang Pang-Akademiko

CTE
L 105- PANUNURING PAMPANITIKAN 20
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy