100% found this document useful (1 vote)
3K views18 pages

Ang Kilusang Propaganda at Ang Katipunan: Modyul Sa Araling Panlipunan 6

The Kilusang Propaganda was a reform movement established in Spain from 1872-1892 by Filipino ilustrados in Europe through peaceful campaigns of speeches and publications. It aimed for equal treatment of Filipinos and Spaniards under the law, Filipino representation in the Spanish Cortes, secularization of parishes in the Philippines, and freedom of expression. Notable members included Rizal, del Pilar, and the Luna brothers. The movement helped foster Filipino nationalism through publications like La Solidaridad and Rizal's novels, which criticized Spanish rule, and through organizations like the La Liga Filipina established by Rizal in 1892.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
3K views18 pages

Ang Kilusang Propaganda at Ang Katipunan: Modyul Sa Araling Panlipunan 6

The Kilusang Propaganda was a reform movement established in Spain from 1872-1892 by Filipino ilustrados in Europe through peaceful campaigns of speeches and publications. It aimed for equal treatment of Filipinos and Spaniards under the law, Filipino representation in the Spanish Cortes, secularization of parishes in the Philippines, and freedom of expression. Notable members included Rizal, del Pilar, and the Luna brothers. The movement helped foster Filipino nationalism through publications like La Solidaridad and Rizal's novels, which criticized Spanish rule, and through organizations like the La Liga Filipina established by Rizal in 1892.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 18

Ang Kilusang Propaganda

at ang Katipunan
Modyul sa Araling Panlipunan 6
Unang Kwarter/Ikalawang Linggo

CONNIE B. TULAN
Developer

Department of Education • Cordillera Administrative Region

i
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra

Published by:
Learning Resource Management and Development System

KARAPATANG SIPI
2021

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created
shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum
through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management
Section. It can be reproduced for educational purposes and the source must be
acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material
for commercial purposes and profit.

Borrowed materials (e.g., texts, illustrations, musical notations, photos, and other
copyrighted contents) included in this learning resources are owned by their respective
copyright and intellectual property right holders, DepEd is represented by the Filipinas
Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. in seeking permission to use these
materials. Publishers and Authors do not represent nor claim ownership over them. This
module is intended for educational purposes and will be subjected for further Learning
Resource Copyright evaluation and the inventory of copyrighted third party content will
be prepared.

ii
Alamin
Mahalaga para sa isang bansa ang pagkakaroon ng kalayaan o kasarinlan. Dito
nakasalalay ang tagumpay ng mithiin nitong umunlad. Dahil dito, nagbuwis ng buhay ang
magigiting na Pilipino na tunay na nagmamahal sa bansang Pilipinas.

Ang kalayaan ng bansa ay hindi lamang minsang dumaan sa pagsubok.Ilang ulit


itong ipinagtanggol ng mga Pilipino sa mga dayuhan.

Sa modyul na ito iyong pag-aaralan ang dalawang kilusang itinatag ng mga


Pilipino upang makamit ang hinihiling na pagbabago sa lipunan na pinamamahalaan ng
mga Espańol; ang Kilusang Propaganda at Ang Katipunan.

Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito ay inaasahang

• Maipaliliwanag mo ang layunin at resulta ng pagkatatag ng Kilusang Propaganda


at Katipunan sa paglinang ng nasyonalismong Pilipino

vii2
Subukin
Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin, subukan mo munang sagutan ang
mga katanungan sa ibaba.

Panuto: Suriin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ng titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay layunin ng Kilusang Propaganda, maliban sa isa.


A. Pagiging pantay ng mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas.
B. Gawin ang Pilipinas na bahagi o lalawigan ng Espanya.
C. Kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag.
D. Pagpapaubaya sa mga Espanyol ang mga lupain ng bansa.

2. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Katipunan?


A. Makamit ang mga pagbabago sa bansa sa panulat na paraan.
B. Wakasan ang pananakop ng mga Espanyol sa pamamagitan lakas.
C. Makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng eleksiyon.
D. Makiisa ang mga Pilipino sa pagbabagong nais ng mga Espanyol.

3. Alina ng kilusan na may mapayapang kampanya para sa reporma sa


pamamagitan ng talumpati at pamamahayag?
A. La Solidaridad
B. La Liga Filipina
C. Propaganda
D. Katipunan

4. Ano ang lihim na kilusan na naglalayong wakasan ang pananakop ng mgA


Espanyol sa pamamagitan ng puwersa o lakas?
A. Propaganda
B. Sekularisasyon
C. Katipunan
D. Kalayaan

5. Ang Katipunan ay may opisyal na pahayagan. Ano ang tawag sa pahayagang ito?
A. Diaryong Tagalog
B. Kalayaan
C. La Solidaridad
D. Doctrina Cristiana

6. Ang Kilusang Propaganda ay itinatag ng mga sumusunod na ilustrado maliban sa


isa.
A. Jose P. Rizal C. Marcelo H. del Pilar
B. Melchora Aquino D. Antonio Luna
3
viii
7. Kailan itinatag ang Kilusang Katipunan?
A. Hulyo 7, 1892
B. Hulyo 7, 1893
C. Hulyo 7, 1894
D. Hulyo 7, 1895

8. Ang Katipunan ay tinatawag ding KKK? Ano ang kahulugan ng KKK?


A. Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan
B. Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Kalipunan ng mga Anak ng Bayan
C. Kataas-taasang, Kagitingan, Katipunan ng mga Anak ng Bayan
D. Kasamahang, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan

9. Sino ang nagging pinuno ng KKK?


A. Jose P. Rizal
B. Emilio Aguinaldo
C. Andres Bonifacio
D. Emilio Jacinto

10. Ang nagsilbing Utak ng Katipunan ay si______.


A. Emilio Jacinto
B. Emilio Aguinaldo
C. Andres Bonifacio
D. Antonio Luna

Balikan
Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung nagpapakita ng pag-usbong ng
damdaming Nasyonalismo at ekis ( x ) kung hindi.

_____1. Ang pagbukas ng Kanal Suez.


_____2. Ang pagbukas ng Pilipinas sa Kalakalang Pandaigdig
_____3. Malayang pag-aaral sa ibang bansa.
_____4. Ang paglitaw ng Gitnang Uri ng mga Pilipino.
_____5. Pagpapalaganap ng isang relihiyon.
_____6. Pagbabago ng antas sa lipunan.
_____7. Pagbibigay ng isang pangalan sa mga lupain na dati ay nahahati sa mga
barangay.
_____8. Pang-aabuso at pagmamalupit.
_____9. Ang pagpatay sa tatlong pari (GOMBURZA).
_____10. Makatarungang pag-usig sa mga nagkasalang Pilipino.

4
ix
Tuklasin
Bago ka pumunta sa iyong aralin, suriin mo ang mga pangungusap sa loob ng
kahon. Piliin sa sumusunod ang apat sa mga naging mithiin ng mga repormistang
Pilipino. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

A. Matamo ang pantay-pantay na pagtrato sa mga Pilipino at Espanyol


sa ilalim ng batas.
B. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
C. Maging opisyal na malayang bansa sa pamumuno ng isang Espanyol.
D. Paglalagay ng mga paring sekular sa mga parokya.
E. Kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag.
F. Magkaroon ng pagkakataong tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas.
G. Maging malaya sa paglabas-pasok sa Espanya.

Suriin
Kilusang Propaganda

Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusang itinatag sa Espanya noong 1872–


1892 ng mga Pilipinong ilustrado sa Europa. Ito ay isang mapayapang kampanya para
sa reporma sa pamamagitan ng talumpati at pamamahayag. Ilan sa mga kasapi nito ang
mga ilustradong sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano
Ponce, Trinidad H. Pardo de Tavera, Jose Maria Panganiban, Pedro A. Paterno,
Dominador Gomez at magkapatid na Juan at Antonio Luna.
Ilan sa mga pangunahing layunin ng kilusan ang sumusunod:

A. ang pagkakaroon ng pantay na pagtingin at karapatan sa mga Español at


mga Pilipino,
B. pagkakaroon ng representasyon ng Pilipinas sa Cortes (ang kongreso ng
España),
C. sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas
D. gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
E. pagkakaroon ng batayang kalayaan sa pagpapahayag.

5
x
Kabilang sa nga dayuhang nagtaguyod sa kilusan ay sina Ferdinand Blumentritt,
kaibigan ni Rizal at Miguel Morayta, isang politikong Espanyol. Tumulong sila sa
paglilimbag ng pahayagang La Solidaridad na itinatag ni Lopez-Jaena. Mga paksang
makabayan ang nalathala sa La Solidaridad kaya palihim itong ipinadala sa Pilipinas.
Ang mga nakabasa ng pahayagan ay nagkaroon ng kamalayan sa mga naganap sa
Pilipinas at nakaunawa sa kahalagahan ng reporma sa bansa.

Kabilang sa mga repormang natamo ng Kilusang Propaganda ang sumusunod:

A. Pagbuwag ng monopolyo sa tabako


B. Pagpapalit sa buwis na sedula
C. Pagbabawas sa sapilitang paggawa mula sa 40 araw hanggang sa 15 araw sa
loob ng isang taon
D. Pagpapatuloy sa ibang probisyon ng batas sa mga pamahalaang local noong
1893.

Nakatulong rin sa paglinang ng nasyonalismong Pilipino ang nobelang Noli Me


Tangere at El Felibusterismo ni Rizal at ang La Liga Filipina, isang samahang binuo ni
Rizal noong ika-3 ng Hulyo 1892. Ang dalawang nobela ni Rizal ay tumalakay sa iba’t-
ibang kalagayan ng pamumuhay sa kolonya at sa uri ng pamamahala ng mga Espanyol.

Ang La Liga Filipina ay naglalayong:

• Mapagsama-sama ang mga Pilipino


• Maipagsanggalang sila sa mga pang-aabuso at katiwalian ng mga Espanyol
• Magsagawa ng reporma sa bansa
• Mapabuti ang edukasyon, pagsasaka at kalakalan sa kolonya

Marami ang naakit sumapi sa La Liga Filipina. Ang mga ilustradong kasapi ay
nagtaguyod ng pakikipaglaban para sa reporma. Ang mga iba ay nagbalak ng
paghihimagsik.

Sa pagkatatag ng mga kilusang ito, unti-unting naipakita ang pagmamalabis ng


mga Espanyol sa kanilang kapangyarihan at nabuksan ang mga mata ng mga Pilipino
sa tunay nilang kalagayan.

Hindi man maituturing na tagumpay ang Kilusang Propaganda sa kahilingan nitong


pagbabago sa pamahalaan dahil na rin sa kakulangan ng pagkakaisa. Napukaw naman

5
xi
nito ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino at nagbigay-daan ito sa pagbuo ng
isang lihim na kapisanang tinawag na Katipunan.

Pagtatatag ng Katipunan

Hindi gaanong nagtagumpay ang mga reporma sa mapayapang paraan na


isinagawa ng Kilusang Propaganda at La Liga Filipina. Dahil dito, nagpasya si Andres
Bonifacio na itatag noong Hulyo 7, 1892 ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayn (KKK). Ang samahan ay itinatag upang makamit ang
kalayaan na gagamit ng armas sa pakikipaglaban. Nanguna sa pagtatatag ng Katipunan
sina Andres Bonifacio, Deodato Arellano, Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Valentin Diaz.
Si Andres Bonifacio ang itinuring na pinuno at nakilala bilang Ama ng Katipunan.

Si Emilio Jacinto. ang tinaguriang Utak ng Katipunan, ang tagapayo ni Andres


Bonifacio. Siya rin ang patnugot ng pahayagan ng samahan na Kalayaan. Sina Bonifacio
at Jacinto ay sumulat ng mga artikulo upang makaakit ng marami pang kasapi. Higit dito
layunin ng kanilang panulat na maitanim ang mga mithiin at aral ng Katipunan sa mga
kasapi nito. Ang Kartilya ang panimulang aklat ng Katipunan. Sinulat ito ni Emilio Jacinto.
May 13 artikulo itong inaasahang susundin ng mga Katipunero.

Naging mabilis ang pagdami ng mga sumapi sa Katipunan. Sa simula ay pawing


taga-Maynila ang mga kasapi nito. Pagkaraan ng ilang buwan, lumaganap na ang
kilusan sa iba’t-ibang lugar tulad ng Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan at Nueva Ecija.
Puspusang pagsasanay ang ginawa ng mga Katipunero bilang paghahanda sa
rebolusyon.

Noong Agosto 19, 1896, dahil sa pagkakamali ng Katipunerong nagngangalang


Teodoro Patiṅo, ang lihim na samahan ay nabunyag sa mga Espanyol. Ang biglaang
pagkatuklas nito ang nagpadali sa pagsiklab ng himagsikan sa bansa.

Nagsimula ang himagsikan noong Agosto 23, 1896 sa pangunguna ni Bonifacio.


Naging hudyat ng pagsiklab ng rebolusyon ang Sigaw ng Pugad Lawin.

6
xii
Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, itala ang mithiin ng Kilusang Propaganda at
Katipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

KILUSANG PROPAGANDA KATIPUNAN

Gawain 2

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang sagot sa sumusunod na pangungusap o pahayag.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.
KKK Kalayaan Jose Rizal Kartilya
Emilio Jacinto Teodoro Patiṅo La Solidaridad Andres Bonifacio
El Felibusterismo Kilusang Propaganda

1. Ama ng Katipunan __________


2. Pahayagan ng Katipunan_________
3. Isa sa mga nobelang isinulat ni Rizal na nakatulong sa paglinang ng
nasyonalismong Pilipino ________________
4. Siya ang nagbunyag ng lihim ng Katipunan_____________

xiii
5. Utak ng Katipunan__________
6. Ang kilusang may mapayapang kampanya para sa reporma sa pamamagitan ng
talumpati at pamamahayag___________
7. Siya ang bumuo sa samahang La Liga Filipina____________
8. Ang panimulang aklat ng Katipunan____________
9. Kilusang gagamit ng armas o puwersa sa pakikipaglaban para sa
kalayaan___________
10. Ang pahayagang naglalaman ng makabayan na lihim na ipinapadala sa
Pilipinas____________

Gawain 3

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot.


1. Ano ang Kilusang Propaganda?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano-ano ang natamo ng Kilusang Propaganda para sa Pilipinas?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Paano naiiba ang Katipunan sa Kilusang Propaganda?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Ano-ano ang layunin ng KKK?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Kung ikaw ang papipiliin, ano ang gusto mong pakikipaglaban, sa mapayapang paraan
o sa madugong paraan? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

7
xiv
Isaisip
• Ang Kilusang Propaganda ay isang mapayapang kampanya para sa mga reporma
sa pamamagitan ng talumpati at pamamahayag.
• Ilan sa mga kasapi nito ang mga ilustradong sina Jose Rizal, Graciano Lopez
Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Trinidad H. Pardo de Tavera, Jose
Maria Panganiban, Pedro A. Paterno, Dominador Gomez at magkapatid na Juan
at Antonio Luna.
• Ilan sa mga pangunahing layunin ng kilusan ang sumusunod:
B. ang pagkakaroon ng pantay na pagtingin at karapatan sa mga Español at
mga Pilipino,

B. pagkakaroon ng representasyon ng Pilipinas sa Cortes (ang kongreso ng

España),

C. sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas

D. gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas

E. pagkakaroon ng batayang kalayaan sa pagpapahayag.

• Ang Katipunan o Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak


ng Bayn (KKK).
• Ang samahan ay itinatag upang makamit ang kalayaan na gagamit ng armas o
puwersa sa pakikipaglaban.
• Si Andres Bonifacio ang naging Ama ng Katipunan samantala si Emilio Aguinaldo
naman ang Utak ng Katipunan.
• Nabunyag ang lihim ng Katipunan sa pamamagitan ni Teodoro Patiṅo, isang
katipunero kaya napaaga ang rebolusyon.
• Nagsagawa ang mga Espanyol ng marahas na kampanya laban sa smahan
subalit gaano pa man supilin ng mga Espanyol ang mga Pilipino ay lalo lamang
silang naghimagsik at huling ng kalayaan.

8
xv
Isagawa
Panuto: Magnilay-nilay at ilagay ang sarili sa panahon ng Kilusang Propaganda at
Katipunan. Sagutin nang buong katapatan ang bawat tanong.

1. Sang-ayon ka ba sa paraan ng pakikipaglaban ng Kilusang Propaganda? Bakit


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Sang-ayon ka ba sa paraan ng pakikipaglaban ng KKK? Ipaliwanag.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang layunin ng KKK?


A. Mapatanyag sa buong daigdig
B. Makipagkalakalan sa ibang bansa
C. Magkaroon ng kalayaan mula sa Espanya
D. Humuhingi ng pagbabago sa pamahalaang Espanyol

2. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga repormang natamo ng Kilusang


propaganda?
A. Pagbuwag ng monopolyo sa tabako
B. Pagkakaroon ng kalayaan sa pananalita at pamamahayag
C. Naging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
D. Naging pantay ang Pilipino at Espanyol sa harap ng batas

3. Kailan nadiskubre ang Katipunan?


A. Agosto 19, 1896
B. Agosto 20, 1896
C. Agosto 21, 1896
D. Agosto 22, 1896

4. Siya ang itinuring na Ama ng Katipunan?


A. Emilio Aguinaldo C. Andres Bonifacio
B. Emilio Jacinto D. Jose Rizal

9
xvi
5. Ano ang pahayagang ipinapadala sa Pilipinas mula Espanya na may paksang
makabayan at itinatag ito ni Lopez-Jaena?
A. La Liga Filipina
B. Noli Me Tangere
C. El Felibusterismo
D. La Solidaridad

6. Ano ang ginawa ng mga Espanyol sa mga nahuli nilang Katipunero?


A. Pinalaya
B. Ikinulong at pinatay
C. Ipinadala sa Espanya
D. Tinuruan at pinag-aral

7. Ang katipunerong nagbunyag ng lihim ng KKK?


A. Pedro Paterno
B. Mariano Gil
C. Andres Bonifacio
D. Teodoro Patiṅo

8. Ano ang kilusang naglalayong matamo ang pantay-pantay na pagtrato sa mga


Pilipino at Espanyol sa ilalim ng batas sa pamamagitan ng mapayapang
pamamaraan?
A. Katipunan
B. Propaganda
C. La Solidaridad
D. Kalayaan

9. Bakit hindi naging matagumpay ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol?
A. Wala itong mahusay na pinuno
B. Hindi malinaw ang layunin nito
C. Kulang sa pagkakaisa ng mga Pilipino
D. Kaunti ang bilang ng mga Pilipino noon

10. Alin sa sumusunod ang hindi layunin ng Katipunan?


A. Makamit ang kalayaan ng Pilipinas
B. Pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino
C. Pagpapatupad sa mga layunin ng Kilusang Propaganda
D. Pagtatanggol sa mga mahina at maralitang mamamayan

10
xvii
Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik tungkol sa lupain ng Pilipinas na inaangkin ng Tsina. Sumulat ng


maikling talata na naglalaman ng pagtatanggol mo sa ating lupain na inaangkin nila.

11
xviii
Susi sa Pagwawasto

Subukin Gawain 2
1. D 1. Andres Bonifacio
2. B 2. Kalayaan
3. C 3. El Felibusterismo
4. C 4. Teodoro Patiṅo
5. B 5. Emilio Jacinto
6. B 6. Kilusang Propaganda
7. A 7. Jose Rizal
8. A 8. Kartilya
9. C 9. KKK
10. A 10. La Solidaridad

Balikan Gawain 3
1. √ 1. Kilusang Propaganda - ang kilusang may
2. √ mapayapang kampanya para sa reporma
3. X sa pamamagitan ng talumpati at
4. √ pamamahayag
5. √ 2. Kabilang sa mga repormang natamo ng
6. √ Kilusang Propaganda ang sumusunod:
7. √ - Pagbuwag ng monopolyo sa tabako
- Pagpapalit sa buwis na sedula
8. √
- Pagbabawas sa sapilitang paggawa mula
9. √ sa 40 araw hanggang sa 15 araw sa loob
10. X ng isang taon
- Pagpapatuloy sa ibang probisyon ng
Tuklasin batas sa mga pamahalaang local noong
A 1893.
B 3. (Iba’t-ibang sagot)
4. Makamit ang kalayaan (tanggapin ang iba
D
pang kasagutan)
E 5. (Iba’t-ibang sagot)

Gawain 1 Isagawa
Kilusang Propaganda Katipunan/KKK Iba’t –ibang sagot
A. Ang pagkakaroon ng - Makamit ang
pantay na pagtingin at Tayahin
kalayaan
karapatan sa mga
Español at mga Pilipino, 1. C
2. A
B. Pagkakaroon ng 3. A
representasyon ng
Pilipinas sa Cortes (ang
4. C
kongreso ng España), 5. D
6. B
C. Sekularisasyon ng 7. D
mga parokya sa 8. B
Pilipinas
9. C
D. Gawing lalawigan ng 10. C
Espanya ang Pilipinas
E. Pagkakaroon ng
batayang kalayaan sa
pagpapahayag.

12
xix
Sanggunian
(Estelita B. Capina, 2000)
https://philippineculturaleducation.com.ph/kilusang-propaganda
Cite this article as: Kilusang Propaganda. (2015). In V. Almario
(Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the
Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/kilusang-
propaganda/
(DepEd, 2020)

13
xx
Annex

Rubric sa Karagdagang Gawain

Pamantayan 4 3 2 1
Masusing pag- Masusi ang May ilang tiyak May Hindi natalakay
aaral pagkakatalakay na pagtalakay pagtatangkang ang paksa
ng mga paksa sa paksa talakayin ang
paksa
Pagsasaayos Malinaw at Maayos ang Magulo ang Walang
maayos ang kabuuan ng ilang datos kaayusan ang
paglalahad ng paglalahad mga
mga impormasyon
impormasyon
Kalidad ng Lahat ng mga May isa o Hindi wasto at Hindi tama o
impormasyon impormasyon dalawang hindi tiyak ang
ay wasto, impormasyon maliwanag ang karamihan sa
maliwanag at na hindi wasto ilang mga
ayon sa paksa at hindi impormasyon impormasyon
kaugnay ng
paksa
Paglalahad ng Malinaw at Malinaw ngunit Malabo at hindi Walang
reaksyon o makatwiran hindi makatwiran ibinigay na
opinyon ang lahat ng makatwiran ang mga reaksiyon o
mga reaksiyon ang ilang reaksiyon o opinyon
at opinyon reaksiyon o opinyon
opinyon
Kaayusan ng Inilalahad ang Inilalahad ang Maayos na Hindi
paglalahad lahat ng mga ilang mga inilalahad ang maunawaan
ideya nang ideya nang ideya ang paksa
maayos at maayos at dahil sa
kawili-wili kawili-wili walang
kaayusan ang
inilalahad

14
xxi
For inquiries or feedback, please write of call:
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Abra
Address: Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra
Telephone No.: (074)614-6918
e-mail: abra@deped.gov.ph
Website: http://www.depedabra.com
LRMS Website: https://lrmsabra.blogspot.com

15
xxii

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy