0% found this document useful (0 votes)
197 views13 pages

HGP Grade 4 Module 2

The document provides guidance for students on a learning module about respect. It discusses the importance of family, school, and community members and outlines activities for students to reflect on their relationships and responsibilities towards others. The activities are designed to help students understand and appreciate the roles and rights of all people.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
197 views13 pages

HGP Grade 4 Module 2

The document provides guidance for students on a learning module about respect. It discusses the importance of family, school, and community members and outlines activities for students to reflect on their relationships and responsibilities towards others. The activities are designed to help students understand and appreciate the roles and rights of all people.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 13

4

Homeroom Guidance
Unang Markahan – Modyul 2:
Ating Kamtin ang Respeto
Homeroom Guidance – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan– Modyul 2 : Ating Kamtin ang Respeto
Unang Edisyon, 2021
The Intellectual Property Code of the Philippines states that “No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment
of royalties.”
Borrowed materials (e.g., texts, illustrations, musical notations, photos, and other
copyrightable, patentable contents) included in this learning resource are owned by their
respective copyright and intellectual property right holders. Where applicable, DepEd has
sought permission from these owners specifically for the development and printing of this
learning resource. As such, using these materials in any form other than agreed framework
requires another permission and/or licensing.
No part of this material, including its original and borrowed contents, may be reproduced in
any form without written permission from the Department of Education.
Recommended Entry
Department of Education. Homeroom Guidance Grade 4 Self-learning Modyul 2: Ating Kamtin
ang Respeto
Manila: Department of Education Central Office, 2021.
Published by the Department of Education, Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio, Assistant Secretary: Alma Ruby C. Torio
Development Team Mga Bumubuo ng Nakontekstwal na
Modyul
Writer: Masantol Elementary School
Manunulat:
Grade Level Coordinator: Cristina Shane C. Bacnat
Cherrylyn M. Cortez
Editors: Tagalapat:
Aurora S. Galit
Illustrator: Tagasuri Wika at Editor ng Nilalaman:
Lourdes C. Fajardo
Layout Artist: Language
Masantol North District
Editor: Rowena M. Duero
Tagalapat:
Management Team: Arnel Q. Mendoza
- Bureau of Curriculum Tagasuri at Editor ng Nilalaman:
Development: Jocelyn DR. Lourdes C. Fajardo
Andaya, Director IV, Ma. Isabel Tagasuri ng Wika:
A. Victorino, CSDD Chief, Mark Michael Q. Manansala
Anthony V. Bercando, Tagapamahala:
Supervising EPS, Jona Kristen Renato B. Canilao
Valdez, Senior EPS Melynda Public Schools District Supervisor
Andres, Senior EPS Jerome N. Manansala
- Bureau of Learning Resource P-I, Sta Lucia Elementary School
Ma. Theresa Q. Saclao
P-III, Masantol Elementary School
Lourdes C. Fajardo
MT-II, HGP Coordinator
Homeroom Guidance – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 2:
Ating Kamtin ang Respeto

Gabay sa Magulang/ Tagapangalaga

Hinihiling ang inyong paggabay upang matagumpay na


maisakatuparan ng mag -aaral ang mga tagubilin sa
pagsasagawa ng mga gawain sa isang sagutang papel o bond
paper. Kinakailangan din ang inyong paggabay sa mag-aaral
na masagot ang mga pamprosesong katanungan, mabasa at
maintindihang mabuti ang bawat mensaheng nakasulat.
Ang modyul na ito ay mayroong anim na interaktibong gawain
na dapat sundin. Ito ay ang mga sumusunod:
Subukin Natin – makatutulong upang maging handa ka;
Tuklasin Natin – gagabay sa mga bagay na dapat mong
matutuhan;
Isaisip – magbibigay ng mga aralin na dapat maintindihan at
matutunan;
Kaya Mo – makatutulong na magamit ang mga aralin na
iyong natutuhan sa pang araw araw na buhay;
Mga Natutuhan Ko – susubok at susuri sa iyong kaalaman;
Pagbabahagi ng Kaisipan at Saloobin– makatutulong upang
maipahayag ang inyong kaisipan, opinyon at saloobin.
Siguraduhing magbasa, mag-isip, sumunod at maging
masaya sa pagsagot sa mga gawain.
Masayang Pagkatuto! Manatiling ligtas at malusog!
Panimulang Mensahe
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay idinisenyo upang matulungan ka
sa iyong pag-aaral at sa iba mo pang pangangailangan na
nakaaapekto sa iyong sarili, maging sa pakikitungo mo sa
iba, pakikisalamuha sa komunidad, at sa iyong pagkatuto,
sa iyong mga kawilihan o mga naisin, mga talento,
kaalaman, at kasanayan na makatutulong sa iyo sa
paghahanap at pagsiyasat sa mga gawaing nakalaan o
opsyon sa karera na iyong tatahakin at oportunidad sa
hinaharap.

Ang mga araling nakapaloob sa modyul na ito ay hango


sa Most Essential Learning Competencies (MELC) na
sadyang binuo upang maging mas madali at epektibo ang
pagkatuto mo at masigurong makamtan ang mahahalagang
kasanayang dapat taglayin ng isang batang tulad mo upang
maging isang produktibong indibidwal.

Ang mga gawaing matatagpuan sa modyul ay


ginawang simple at interaktibo, upang maging kawili-wili
para sa iyo at maging mas makabuluhan ang iyong
karanasan sa pagsagot mo sa bawat gawain.
Maligayang pagkatuto!
MODYUL
Ating Kamtin ang Respeto
2
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy ang mga tungkulin at kahalagahan ng iba
bilang bahagi ng pamilya, paaralan at komunidad;
2. naipaliliwanag ang positibong epekto ng pagpapahalaga
sa iyong tungkulin sa pamilya;
3. nakikilala ang iyong mga pangunahing karapatan at ng
bawat miyembro ng pamilya; at
4. napahahalagahan ang mga positibong epekto ng
paggalang sa karapatan at kahalagahan ng bawat tao.
Itinakdang Araw ng Pagsagot: Ikatlong Linggo hanggang
Ikaanim na Linggo ng Unang Markahan.

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 240 minuto

Mga Kailangang Kagamitan: worksheet, papel, krayola,


bolpen/lapis.

Panimula
Sa pangalawang modyul na ito, pag-uusapan ang tungkol sa
mga taong may kaugnayan sa iyo. Maaaring sila ay mula sa
miyembro ng iyong pamilya o sa iyong mga kaibigan. Maaari ring
sila ay mula sa iyong paaralan o ang mga tao sa inyong
komunidad. Dahil sa Community Quarantine, tayo ay inatasan na
manatili muna sa bahay. Dahil dito, nakapaglaan tayo ng
maraming oras sa pamilya. Kumusta naman ang iyong relasyon
sa kanila? Nahihirapan ka ba sa pakikitungo sa kanila? Mayroong
mga nakalaang gawain para sa iyo na maaaring makatulong sa
pagsuri ng iyong sarili sa pakikitungo sa iyong pamilya.

Balik-aral

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 1 minuto


Sa unang modyul, maraming mga bagay ang nadiskubre mo
tungkol sa iyong sarili mula sa mga inilaang mga gawain. Nalaman
mo at napahalagahan ang mga pagbabagong naranasan mo
ngayong ikaw ay nasa ikaapat na baitang na.

Subukin Natin

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 30 minuto

“Ako ay Isang Manunulat”


1. Tingnan ang larawan sa ibaba.
2. Isipin na ang mag-anak ay may pinag-uusapan.
3. Isulat ang kanilang mga pag-uusap sa loob ng speech
bubble.
Isulat ang sagot sa isang papel
Pamprosesong Katanungan:
Isulat ang iyong mga sagot sa papel na ginamit sa unang
gawain.
1. Ano ang masasabi mo sa pamilya na nasa larawan?
2. Ano ang mararamdaman mo kung isa ka sa mga bata sa
larawan?
3. Ano sa palagay mo ang magiging reaksyon ng iyong
magulang/tagapangalaga kung makita ka na ginagawa mo
ang mga gawain na nasa larawan?

Tuklasin Natin
Itinakdang Oras ng Pagsagot: 30 minuto
Ako ang Gagawa
1. Kopyahin ang talahanayan sa ibaba sa malinis na papel.

Mga Nakatalagang Gawaing Bahay Mga Gawaing Ginagawa ko Kasama ang


Pamilya

2. Kumpletuhin ang talahanayan sa kaliwang hanay tungkol sa


mga nakatalagang gawain mo sa bahay.
3. Sa kanang hanay, itala ang mga gawaing ginagawa mo kasama
ang buong pamilya (Halimbawa: pagkain ng sama-sama o
paglalaro kasama ang mga magulang/tagapangalaga).
4. Maaaring hingin ang tulong ng iyong mga magulang
/tagapangalaga sa pagsagot sa gawain.
Pamprosesong Katanungan:

1. Ano ang nararamdaman mo tuwing ginagawa mo ang mga


gawaing bahay na nakatalaga sa iyo?

2. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang mga


gawaing bahay kasama ang iyong pamilya?

3. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng mga gampanin o


nakatalagang gawain sa bahay?

Itanim Sa Isip

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 30 minuto


Ikaw ay parte ng iyong pamilya. Ano mang uri ng pamilya
mayroon ka, ang iyong presensya at tungkulin ay mahalaga.
Kung kaya, kailangan mong tumulong upang mapanatiling
maayos ang relasyon mo sa kanila. Narito ang ilang mga payo:

Ating Kamtin ang Respeto

1. Sumali sa mga usapan at pagbibigay ng mga ideya at gawain


upang mapabuti ang pakikitungo ng bawat isa sa tahanan

2. Maglaan ng oras para makinig sa mga sasabihin ng mga


miyembro ng iyong pamilya upang mas maunawaan mo sila

3. Igalang at tanggapin ang opinyon at paniniwala ng lahat ng


miyembro ng pamilya

4. Pagyamanin ang pagtulong sa iba

5. Palaging piliin ang mga salitang sasabihin at iyong kilos


6. Palaging magpakita ng kabutihan at pagkalinga
7. Magpakita ng malasakit sa damdamin ng iyong pamilya

8. Sumali sa mga gawaing pampamilya at sa mga gawaing bahay

9. Sumali sa bukas na talakayan sa lahat ng oras

10. Kalmahin ang sarili tuwing makararamdam ng galit o


pagkabalisa

11. Pakitunguhan ang sarili at kapwa nang may respeto

Sa bawat oras, kailangan mong suriin ang iyong sarili at ang


iyong pakikitungo sa ibang tao, lalo sa ang iyong pamilya. Ito ay
mahalaga sa pagbuo ng magandang samahan.

Isa pang susi sa pagkakaroon ng magandang relasyon sa iba


ay ang pag-unawa sa karapatan ng bawat tao.

Ang karapatan ay isang bagay na hindi maaaring alisin sa


atin. Ito ay protektado ng pamahalaan para tayo ay magkaroon
ng magandang buhay. Narito ang ilan sa ating mga pangunahing
karapatan:

1. Karapatang maisilang. Ang karapatang ito ay nagsisimula


na habang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ng ating
ina.

2. Karapatang magkaroon ng maayos na pamilya. Ang


karapatang ito ay ang nagbibigay sa iyo ng mabuting pamilya
na magmamahal, mag-aalaga, at magbibigay ng iyong mga
pangangailangan.

3. Karapatang magkaroon ng mahusay na pag-unlad ng


pagkatao. Ito ang karapatang naglalayong makita kang
lumaking masaya at maging kapaki-pakinabang sa iyong
komunidad.

Tandaan na tayong lahat ay may pantay-pantay na


karapatan. Kung kaya marapat lamang na irespeto natin ang
bawat isa. Mayroong mga bagay na kailangan nating gawin para
sa isa’t isa. Ang mga ito ay tinatawag nating mga responsibilidad.
Narito ang ilan:

1. Alagaan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkain at


pagtulog nang maayos at paggawa ng ilang pisikal na
ehersisyo. (Karapatang maisilang)

2. Tulungan ang iyong pamilya sa pang-araw-araw na gawaing


bahay. (Karapatang magkaroon ng maayos na pamilya)

3. Mag-aral nang mabuti at makilahok sa mga ligtas na gawain


sa paaralan at komunidad. (Karapatang magkaroon ng maayos
na pag-unlad ng pagkatao.

Kaya Mo Ito!

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 30 minuto

Alam Ko na Ngayon

1. Tingnan ang larawan sa ibaba at isipin mong ikaw ang taong


ito.
2. Kumpletuhin ang pahayag ng mga bagay na gagawin mo upang
magkaroon ng magandang relasyon sa iyong pamilya at sa
ibang tao. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

a) Ako ay mag-iisip__________________________________
b) Aking ibabahagi__________________________________
c) Ipapakita ko ang aking pagmamahal sa iba sa
pamamagitan ng _________________________________
d) Igagalang ko ang iba sa pamamagitan ng__________
______________
Mga Natutuhan Ko

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 20 Minuto


Mga Mukha
Ang mga sumusunod ay ang mga iba’t ibang gawain na
maaari mong gawin sa bahay. Isulat ang bilang 1
hanggang 10 sa isang malinis na papel. Pagkatapos ng
bawat bilang, isulat ang Oo kung sumasang-ayon ka sa
pahayag at isulat naman ang Hindi kung hindi ka
sumasang-ayon. Kung ang iyong sagot ay Hindi, isulat
ang tamang sagot.
Mga Gawain
1. Iligpit ang pinaghigaan tuwing umaga.
2. Iwanan ang maruming pinagbihisan sa sahig pagkatapos
maligo.
3. Sabihin ang Thank you o “Salamat” sa iyong mga magulang
para sa pagtatrabaho nila para sa iyo at sa inyong pamilya.
4. Ipaalala sa mga magulang na magsuot ng facemask bago
pumasok sa trabaho.
5. Magdasal para sa kaligtasan ng lahat ng mga tao laban sa
Covid-19.
6. Regular na paghuhugas ng kamay.
7. Maglaro buong araw kahit na maraming gawain sa paaralan
dahil hindi ka naman nakikita ng iyong guro sa inyong
tahanan.
8. Sumulat ng liham pasasalamat sa lahat ng mga medical
worker.
9. Tapusin ang mga gawain sa tamang oras kahit hindi nakikita
ng guro.
10.Lumabas at maglaro kasama ang mga kaibigan nang hindi
nagpapaalam sa iyong mga magulang.
Pampresesong Katanungan

Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel na iyong ginamit


sa naunang gawain.
1. Ano ang iyong napagtanto habang ginagawa
mo ang mga gawain?
2. Sumulat ng tatlong (3) mahahalagang aral na iyong
natutuhan sa gawaing ito.

Pagbabahagi ng Kaisipan at Saloobin

Itinakdang oras ng pagsagot: 100 Minuto


A. Ako at ang Aking Pamilya
Gumuhit ng larawan ng iyong pamilya sa isang malinis na
papel at kulayan ito. Isulat ang mga pangalan ng bawat
miyembro ng iyong pamilya kabilang ka. Isulat ang tungkulin
ng bawat miyembro kasunod ng kanilang pangalan.
B. Pangako ng Kabaitan
1. Sumulat ng “Pangako ng Kabaitan” sa isang malinis na
papel at kumpletuhin ang mga pahayag.
2. Gumawa ng dalawang kopya.
3. Bigkasin ito sa harap ng iyong mga magulang o
tagapangalaga.
4. Itabi ang isang kopya bilang paalala sa iyong sarili ng
iyong pangako. Ipasa ang isa pang kopya sa iyong guro.
===================

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Office Address: Ground Floor, Bonifacio building, DepEd Complex Meralco
Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1074 o 634-1054; 631-4985
E-mail Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy