0% found this document useful (0 votes)
243 views11 pages

Lesson 5 (Graft and Corruption)

The document discusses the problems of graft and corruption in the Philippines. It states that graft and corruption have been issues dating back to colonial times and continue to be widespread problems that have severe negative effects. Some of the effects mentioned are that funds intended for important projects like education, healthcare and infrastructure are embezzled, leading to underdevelopment and poverty. It also discusses some efforts being made to address the issues but that graft and corruption remain serious problems.

Uploaded by

Leo Tabulong
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
243 views11 pages

Lesson 5 (Graft and Corruption)

The document discusses the problems of graft and corruption in the Philippines. It states that graft and corruption have been issues dating back to colonial times and continue to be widespread problems that have severe negative effects. Some of the effects mentioned are that funds intended for important projects like education, healthcare and infrastructure are embezzled, leading to underdevelopment and poverty. It also discusses some efforts being made to address the issues but that graft and corruption remain serious problems.

Uploaded by

Leo Tabulong
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 11

Ang Graft and Corruption

Sinasabing isa sa masasamang epekto

ng pagkakaroon ng mga dinastiyang politi-

kal sa ating bansa ay graft and corruption.

Ang korupsiyon o corruption ay ang

intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at

obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan

o pagkilos na magbubunga ng kaniyang

kawalan ng integridad o prinsipyo. Naga

ganap ang korupsiyon sa pamamagitan ng

pakikipagsabwatan sa ibang tao.

Ang graftay ang pagkuha ng pera o po-

sisyon sa paraang taliwas sa batas, madaya,

at kuwestiyonable, tulad ng pagtanggap ng kabayaran para sa isang pampublikong

serbisyong hindi naman naibigay o kaya'y

paggamit sa isang kontrata o lehislasyon

bilang pagkakakitaan.

Graft and corruption ang karaniwang

paratang sa mga opisyal o nanunungkulan

sa pamahalaan na ginagamit ang pampub-

likong pondo para sa kanilang pansariling

interes. Ito ay kanilang nagagawa sapagkat,

kasama ng kanilang posisyon, may mala-

wak silang impluwensiya at kapangyarihan.

Ang isang pampublIkong opisyal na napa-

tunayang naging sangkot sa pagtanggap

ng lagay (bribery), nepotismo, at extortion ay

maaaring makasuhan at maparusahan.


Graft and Corrupt sa Pilipinas

Napabalita na ang Pilipinas ay duma-

ranas ng matinding korupsiyon sa pama-

halaan. Ayon sa pag-aaral ng World Bank

noong 2008, ang korupsiyon sa Pilipinas

ay itinuturing na pinakamalala sa Asya.

pinapakita ng talaan sa ibaba ang marka

ng Pilipinas sa tinatawag na Corruption

Perceptions Index (CP). Ang indeks na ito ay

inilalabas ng pandaigdigang organisasyong

Transparency International. Ang CPI score

ay nagpapahayag ng pananaw tungkol sa

korupsiyon sa pampublikong sektor ng

1sang bansa gamit ang eskalang 0-10 kung

saan ang markang 0 ay nangangahulugang

napakalala ng korupsiyon sa isang bansa

samantalang ang markang 10 naman ay

nangangahulugang walang korupsiyon sa

isang bansa.

Makikita sa talaan na sa paglipas ng

panahon, bumababa naman ang antas

ng korupsiyon sa Pilipinas. Sa kabila nito,

nananatili pa ring malaking suliranin ang

korupsiyon sa bansa. Ayon sa US Department

of State Investment Climate Statement 2013,

ang korupsiyon sa Pilipinas ay laganap sa

lahat ng antas ng pamahalaan lalo na iyong

may mataas sa posisyon sa civil service.


ahina rin ang pananalig nito sa sistemang hudisyal ng Pilipinas dahil sa mga palpak na

empleyado ng korte at napakabagal na pag

usad ng mga kaso.

Ayon sa Transparency International-

Philippines, ang mga nakatulong sa tila

pagbaba ng antas ng korupsiyon sa bansa

ay ang pagpapabuti sa mga pampublikong

serbisyoat pagputol sa tinatawag na red tape.

Maging ang plataporma ng administrasyong

Aquino laban sa korupsiyon at ang patuloy

na paglilitis sa mga tinaguriang tiwaling

opisyal, kabilang na ang dating pangulong

Gloria Macapagal-Arroyo, ay nakatutulong

din sa panunumbalik ng tiwala ng mama-

mayan sa pamahalaan.

Sa kabila ng tila pagbaba ng antas ng

korupsiyon sa ating bansa, nananatiling

malalang suliranin ang graft at corruption.

May mga naniniwala na bahagi na ang

suliraning ito ng kulturang Pilipino. Laganap

ito sa mga ahensiya ng pamahalaan sa

lahat ng antas: pambansa man o lokal, at

maging sa mga kompanyang kontrolado

ng pamahalaan. Ang mga opisyal ng pama-

halaan mula sa pinakamababa hanggang sa

pinakamataas ay nasasangkot sa graft and

corruption.
Graft and Corruption sa Ating Kasaysayan

Kung susuriin ang "tradisyon" ng

graft and corruption sa ating pamahalaan,

makikita na nagsimula ito noon pang

panahon ng kolonyalismo. Sa ilalim ng

mga Espanyol, marami sa mga opisyal ng

pamahalaan ang nang-abuso ng kanilang

impluwensiya at kapangyarihan. Ang

pondong nanggaling pa sa hari ng Spain

ay pinakinabangan ng mga opisyal na

Espanyol ng pamahalaang kolonyal para sa

kanilang pansariling interes.

Pagkatapos ng pamahalaang kolonyal

at sa paglipas ng panahon, naging laganap

ang ibat ibang uri ng korupsiyon: mula sa

nepotismo o pagbibigay ng pabor sa mga

kamag-anak, panghihingi ng lagay para sa

mga transaksiyon sa pamahalaan, pandaraya sa halalan, ilegal na smuggling ng mga

produkto, hanggang sa sari-sari pang paraan

ng pangungurakot sa mga mamamayan at

sa kaban ng bayan.

Epekto ng Graft and Corruption

Batid ng mga Pilipino na ang malalang

suliranin ng kahirapan ng ating bansa ay

bunga ng malawakang graft and corruption

sa ating pamahalaan. Kung ating iisipin,

sa bilyon-bilyong salaping nakulimbat

ng mga tiwaling opisyal, ilang mga silid-

aralan sa mga pampublikong paaralan, mga


Ospital, at pabahay sa mga maralita na kaya

ang naipatayo? Kung nagamit nang tama

ang pondo ng bayan, ilang mga kalsada

at tulay sa mga probinsiya na kaya ang

napaayos at ilang mga kabataan na kaya

ang napagkalooban ng scholarship upang

makatapos sa pag-aaral? Kung nagamit ang

salapi upang mapakain ang mahihirap na

bata, mayroon pa kayang makararanas ng

malnutrisyon?

Dahil sa katiwalian sa pamahalaan,

matindi rin ang ating suliranin sa tinatawag

na red tape o sobrang bagal na proseso ng

pakikipag-transaksiyon sa pamahalaan. Ang

Sistemang ito ay higit pang nagbibigay ng

pagkakataon para sa graft and corruption

sapagkat maraming kawani ng pamahalaan

ang tumatanggap ng lagay upang matu-

lungan ang mga mamamayan na mapabilis

ang serbisyong kanilang kailangan. Dahil

sa kalakarang ito, ang nakatatanggap ng

mabuting serbisyo mula sa pamahalaan ay

iyon lamang may kakayahang magbayad

nang higit sa kinakailangan. Muli, paano

naman ang mahihirap? Kung mababago

ang ganitong kalakaran at mapapatotoong

walang kinikilingan o pinapaboran ang mga

kawani ng ating pamahalaan, magiging

pantay-pantay ang pagbibigay-serbisyo sa


lahat ng mga mamamayan.

Maging ang mga militar at pulisya ay

hindi malayo sa katiwalian, Halimbawa, ang

pondong nakalaan sana sa modernisasyon

ng mga kagamitan ng militar ay nalustay ng mga makapangyarihang opisyal. Dahil

dito, hanggang ngayon ay kaawa-awa ang

kalagayan ng ating mga sundalo, kumpara

sa makabagong pagsasanay at kagamitang

mayroon ang ibang bansa. Ang isa pang

halimbawa ay ang laganap na katiwalian sa

pulisya kung saan napakaraming mga pulis

ang nangunguna sa panghihingi ng "tong"

at "lagay" at, nakalulungkot pa, nagiging

protektor sila ng mga gawaing ilegal at ng

mga sindikato.

Sa artikulo nina Oliver Teves at Nick

Perry noong Nobyembre 2013, pagkatapos

ng paghagupit ni Bagyong Yolanda sa

Tacloban, sinabi nilang dapat bantayang

mabuti ang pupuntahan ng mga tulong na

parasamgabiktimang bagyo. Nakalulungkot

isipin na diumano ay nakulimbat ng mga

tiwaling opisyal ng pamahalaan at mga

kasosyo nila ang pondong para sana sa mga

biktima ng kalamidad. Marami na ring mga

ulat ang nagsasabing may mga donasyon

ngang hindi naiparating sa mga biktima ng

Bagyong Yolanda. Nariyan na ang mga ulat

na may mga donasyong pagkaing nabulok


lamang dahil sa pag-iimbak at kawalan

ng sistema sa pagbabahagi nito sa mga

nasalanta.

Sa isang banda, hindi man isipin ang

naging epekto ng graft and corruption sa

mga donasyon para sa kalamidad, ang

nakalulungkot na katotohanan ay napalala

na ng graft and corruption ang epekto ng

bagyo. Ang pondo sa pagpapagawa ng

mga kalsada sa mga lalawigan ay nakurakot

na kaya't mas mahirap ang paglikas ng

mga nasalanta. Hindi rin nabigyan ng

sapat na pondo ang mga pampublikong

ospital upang mapabuti ang kanilang

serbisyo at may direktang epekto ito sa

mga biktima ng bagyong nangangailangan

ng tulong-medikal. Gayundin, ang mga

anomalya sa pagpapatupad ng building

code at pagbibigay ng building9 permit ay

nakadagdag sa pagkakaroon ng mga bahay

gusaling hindi matitibay at hindi kayang

labanan ang matinding kalamidad.

Paglutas sa Graft and Corruption

Noong 2007, nailathala sa New York

Times na ayon sa mga negosyanteng

banyaga o expatriate, pinakamalala ang

graft and corruption sa Pilipinas sa buong


Asya. Ito rawang pangunahing dahilan kung

bakit naghihirap ang ating bansa hanggang

sa ngayon.

Kung tutuusin, napakalaki na ng

ginugol ng administrasyong Aquino sa

pagpuksa sa graft and corruption sa bansa.

Nariyan na ang paglalabas ng malaking

salapi upang mahuli ang mga utak o pinuno

ng graft and corruption sa ating bansa.

Nagkaroon din ng impeachment trial ng mga

tiwaling opisyal at hukom at naglunsad din

ang Ombudsman ng iba't ibang programa

upang maiwasan ang graft and corruption sa

mga transaksiyon ng pamahalaan.

Bilang tugon sa hangarin ng adminis-

trasyong Aquino na sugpuin ang graft and

corruption sa bansa, ipinasa noong Mayo 13,

2011 ang Executive Order No. 43 na hinggil

sa re-organisasyon ng Gabinete ng Pangu-

lo. Isinaad dito ang mithing magkaroon ng

mapayapa at maunlad na bansa sa pama

magitan ng mabuting halimbawa ng mga

pinuno ng pamahalaan at pagtataguyod

ng pamamahalang makatarungan, tapat, at

may integridad.

Sumasang-ayon ito sa RA 6713 na

pinamagatang, "Code of Conduct and Ethical

Standards for Public Officials and Employees.

Bunsod ng malakihang pinsalang


dulot ng Bagyong Yolanda, nagtatag din

ang administrasyong Aquino ng Foreign Aid

Iransparency Hub, ang online information

portalng ating pamahalaan upang maipakita

ang lahat ng tulong na ibinibigay sa Pilipinas

ng ibang bansa para sa mga kalamidad.

Narito ang iba pang mga mungkahi

upang masolusyunan ang suliranin sa graft

and corruption sa bansa:

1. Magbigay ng mas mataas na sahod at

mas magagandang benepisyo para samga naglilingkod sa mga ahensiya ng

pamahalaan para hindi na matuksong

humingi ng lagay ang mga kawani ng

pamahalaan.

2. Dagdagan ang mga kawani sa mga

sektor ng pamahalaan. Marami sa

mga nagtatrabaho sa mga ahensiya

ng pamahalaan ay overworked kaya

mabagal ang pagproseso ng mga tran

saksiyon. Dahil dito, laganap ang pag-

bibigay ng lagay upang mapabilis ang

serbisyo

3. Magpasa ng batas na magtatanggal sa

serbisyo sa mga napatunayang tiwa-

ling opisyal. Hindi sapat na sila ay isus-

pende sa trabaho.

4. Subukang gawing online ang lahat ng

mga transaksiyon, tulad ng pagbaba-


yad sa pamamagitan ng mga on line

bank account.

5. Magbigay ng resibo para sa bawat

transaksiyon sa pamahalaan.

6. Maglagay ng CCTV camera sa lahat ng

mga ahensiya ng pamahalaan.

7. Pabilisin ang pagtatrabaho sa mga

ahensiya ng pamahalaan. Kailangang

siguraduhing may makatarungang

takdang oras ng pagseserbisyo (office

hours) na susundin ng mga kawani ng

ahensiya.

8. Pabilisin ang paglilitis ng mga kaso sa

mga hukuman.

9. Ganyakin ang media na maging res-

ponsable at magpasa ng batas na mag-

sisiguro nito. Dapat na maging tapat

ang mga tao sa media sa pagsisiwalat

ng kanilang nalalaman tungkol sa mga

katiwalian sa pamahalaan at hindi sila

dapat tumanggap ng lagay

10. Isaayos at gawing transparent ang siste-

ma ng pagtatalaga sa mga posisyon sa

pamahalaan. Kailangang masigurong

walang mga pabor na ibinibigay sa

mga posibleng kandidato.

11. Panatilihing mababa ang presyo ng

mga bilihin. Kung mangyayari ito,

maiiwasan ang katiwalian kung saan


pilit na itinataas ng mga negosyante ang presyo ng kanilang mga kalakal

kasabay ng paghingi ng proteksiyon

sa mga makapangyarihang politiko

kapalit ng bayad.

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy