0% found this document useful (0 votes)
145 views9 pages

MASUSING BANGHAY ARALIN SA Ap 2

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ap 2

Uploaded by

Rolando Garo
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
145 views9 pages

MASUSING BANGHAY ARALIN SA Ap 2

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ap 2

Uploaded by

Rolando Garo
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA

ARALING PANLIPUNAN 10
Mga Kontemporaryong Isyu

I. Layunin
Sa pagtatapos ng 60-minutong aralin nang may 80% katumpakan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Naibibigay, nauunawaan at naipaliliwanag ang konsepto ng migrasyon.
b. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin batay sa mga dahilan ng migrasyon dulot ng
globalisasyon.
c. Nakapagbibigay ng mga ideya at pamamaraan upang masolusyonan ang isyung kalakip ng
migrasyon.
d. Nakagagawa ng isang jingle o kanta batay sa epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan.

II. Paksang Aralin/Gawain sa Pagkatuto

a. Pangkalahatang Paksa: Dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.


Ispesipikong Paksa: Konsepto ng Migrasyon
b. Sanggunian: 1. Araling Panlipunan 10 Learning Material p. 24-31
2. Internet
Mga Kagamitan: kagamitang biswal, laptop, speakers, google meet at mobile phone.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Pang-araw-araw na Gawain Handa na ba kayong magdasal mga kamag-
a. Panalangin aral?

Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin. Handa na!


(Tatawag ng mag-aaral upang pangunahan
ang pagdarasal) Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu
Santo,…..Amen

b. Pagbati

Maraming Salamat! Magandang araw sa Magandang araw rin po, Sir!


inyong lahat!

c. Pagtatala ng Liban

Mayroon bang liban sa ating klase? Wala po!

Magaling kung gayon!


d. Pagbabalik-Aral

Bago natin simulan ang ating aralin ngayong


araw, atin munang babalikan ang ating
katatapos na aralin tungkol sa kalagayan,
suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa.

Alin sa tingin ninyo ang kalagayan ng


paggawa sa bansa? Ang mga manggagawang Pilipino ay
nakahaharap ng ibat-ibang anyo ng suliranin
tulad ng mababang pasahod.
Magaling! Tama! Base sa ating obserbasyon
ay nakararanas ang mga manggagawa ng Kawalan ng seguridad sa pinapasukang
mababang sahod sa kabila ng hirap ng trabaho sir!
kanilang trabaho. Ano pa klas?

Mahusay! Ano naman ang naging


implikasyon nito sa bawat manggagawa? Mas naging delikado ang kanilang sarili hindi
lang sa sahod maging sa kanilang seguridad.

Tama! Tuald ng ano klas? Katulad na lng kapag may nangyaring aberya
o di kaya ay enngkwentro. Hindi natin
masasabi na ang bawat isa ay ligtas dahil sa
kakulangan ng seguridad sir.

Tama! Ano ang take home o natutunan mong


aral mula sa nakaraang paksa? Ang natutunan kopo ay kailangan ng sapat na
kaalaman upang hindi magkaroon ng
problema at alam mo ang iyong ipinaglalaban
sir!

Magaling! Mukhang marami na kayong Wala na po!


natutunan mula sa nakalipas na aralin.
Mayroon pa ba kayong katanungan?

Kung wala na ay sisimulan na natin ang ating


bagong aralin.

B. Pagganyak

Bago natin simulan ang ating pagtatalakay sa


paksa, tayo muna ay magkakaroon ng
munting palaro na ating tatawaging Open
YOUR MIC! Mayroon akong apat na kulay
na ipapakita. Ito ay ang dilaw, pula, rosas at
kahel. Kung sino ang mauunang magbukas ng
kanilang mic. Ay pipili ng kulay. Ang kulay
na mapipili ay may kalakip na katanungan. At
kung masasagutan ang katanungan ay pipili
ulit siya ng panibagong kulay at magbibigay
ng pangalan ng kanilang kaklase upang siya
ang susunod na sasagot. At kung sino ang
makakasagot sa mga katanungan ay siya ang
mabibigyan ng premyo.
Handa na ba kayo? Handa na po!

C. Mga Gawain
Batay sa ating naging laro, mayroon ba Sa atin pong naging laro, maaaring ang atin
kayong ideya kung ano ang paksang ating pong paksa ay may kinalaman sa paglipat ng
pag-aaralan? isang tao mula sa isang lugar patungo sa iba
pang lugar.

Sa akin pong pagkakaalam, ang migrasyon po


Mahusay! Ang ating pag-aaralan ay paksang ay mayroong kaugnayan sa paglipat o pag alis
may kaugnayan sa pag-alis o paglipat ng sa isang lugar patungo sa iba pang lugar.
isang tao patungo sa ibang lugar. At ito ay
ang tinatawag nating Migrasyon. Mayroon ba
kayong ideya kung ano kahulugan ng
migrasyon?

May mga pagkakataon po na ang migrasyon


Mahusay! Ang Migrasyon ay tumutukoy sa ay nagaganap dahil na rin sa pangangailangan
proseso ng pag-alis o paglipat ng isang tao o at kagustuhan ng tao sa iba’t-ibang sitwasyon
grupo ng tao mula sa isang lugar o teritoryong na nakakaapekto sa kanyang buhay.
pulitikal patungo sa iba pa maging ito man ay
pansamantala o permanente. Mayroong mga
kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng
Migrasyon. Mayroon ba kayong mga ideya
kung bakit nagkakaroon ng Migrasyon?

May malaking kaugnayan po ang hanapbuhay


Tama! Ang mga kadahilanang ito ay at migrasyon. Halimbawa na lamang po ang
nakabatay sa pangyayari o mga sitwasyong isang nagtratrabaho sa isang kompanya ay
nakaaapekto sa pamumuhay ng isang tao. Una mapapadala sa ibang lugar, kailangan po na
na sa dahilang ito ay ang hanapbuhay. Paano sila ay lumipat ng tirahan kung saan sila
ba nagkaroon ng ugnayan ang hanapbuhay at iaassign ng kanilang trabaho.
migrasyon?

Isang halimbawa po nito ay bahay po ng isang


Magaling! Ang hanapbuhay at migrasyon ang pamilya ay mayroong giyera o malapit sa
mayroong malaking kaugnayan dahil may sakuna, ang gagawain po nila ay lumipat o
mga trabaho na sa ibang lugar mo lamang umalis na lamang po roon at lumipat na
mahahanap at ito ay maaaring makapagbigay lamang sa ibang bahay.
ng malaking kita na inaasahang maghahatid
ng masaganang pamumuhay. Ang ikalawang
dahilan ay ang paghahanap ng ligtas na
tirahan. Maaari nyo ba itong ipaliwanag?
Magaling! Masasabi natin na nagkakaroon ng Halimbawa po nasa magandang lugar po ang
migrasyon kapag ang isang tao o pamilya ay mga kamag-anak nyo, tapos po ang gusto
nakatira sa lugar na maaaring makapagdulot nilang mangyari ay doon na lamang po sila
sa kanila ng kapahamakan o disgrasya, ang tumira, kaya po hihikayatin nila ang kanilang
kanilang magiging solusyon ay umalis na mga kamag-anak o kapamilya.
lamang rito at humanap ng mas ligtas na lugar
o tirahan. Ang susunod naman na kadahilanan
ay ang panghihikayat ng kapamilya o kamag-
anak. Paano ito nakakakaapekto sa
migrasyon?

Nagiging dahilan po ng migrasyon ang pag-


Tama! Ang panghihikayat ng kapamilya o aaral kapag ang isang tao ay lumipat ng lugar
mga kamag-anak na nasa ibang lugar ay isa kung saan mayroong malapit na paaralan
ring dahilan kung bakit nagkakaroon ng upang siya ay makapag-aral.
migrasyon. Isang halimbawa nito ay kapag
ang isang miyembro ng inyong pamilya ay
nagtatrabaho sa ibang bansa, darating ang
punto na gugustuhin na rin nila na ikaw ay
doon na rin manirahan at ito ang dhilan kung
bakit nagkakaroon ng migrasyon. Ang huling
dahilan ay ang pag-aaral. Sa paanong paraan
ito naging dahilan ng migrasyon?

Ang flow po ay tumutukoy sa mga


Mahusay! Ang pag-aaral o pagkuha ng mga nandarayuhang pumapasok o lumalabas po sa
teknikal na kaalaman ay isang dahilan kung isang bansa.
bakit nagkakaroon ng migrasyon katulad na
lamang ng paglipat ng tirahan kung saan
mayroong accessible na paaralan. Samantala po ang stock po ay bilang ng
Sa pag-aaral ng Migrasyon, mahalagang nandayuhan na naninirahan o nananatili sa
maunawaan natin ang ilang mahalagang bansang nilipatan.
termino na ginagamit sa paksa. At ito ay ang
Flow at Stock. Mayroon ba kayong ideya
kung ano ang mga ito?

Sa akin pong palagay, ang globalisasyon po


Magaling ! Ang Flow ay tumutukoy sa dami o ay isang dahilan kung bakit tumataas ang
bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa bilang ng migrasyon.
isang bansa sa isang takdang panahon.
Madalas din itong gamitin sa mga salitang
inflow, entries or immigration. Kasama rin
dito ang mga bilang ng mga taong umaalis o
lumalabas ng bansa na madalas tukuyin
bilang emigration, departures or outflows.
Ano naman ang kahulugan ng stock?

Ang pangyayari pong ito ay maaaring dahil


Magaling! Ang Stock ay tumutukoy sa bilang rin po sa pagpasok ng globalisasyon sa isang
ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansa.
bansang nilipatan. Ngayon naman ay ating
pag-aaralan ang iba’t-ibang obserbasyon ukol
sa migrasyon. Una ay ang Globalisasyon ng
Migrasyon. Saan ba ito tumatalakay?

Kapag sinabi po natin na may pagkakaiba iba


Mahusay! Bunsod ng globalisasyon, tumataas sa uri, ibig pong sabihin nito ay mayroong iba
ang bilang ng mga bansang nakararanas at pang uri ng migrasyon na nasa loob ng isang
naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga bansa.
bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng
Australia, New Zealand, Canada at United
States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa
katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng
mga bansang pinagmumulan nito. Ang
ikalawa ay ang Mabilisang paglaki ng
migrasyon. Bakit kaya ito nagaganap?

Tama! Ang kapal o dami ng mga


nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t
ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang
implikasiyon nito sa mga ipinatutupad sa
isang bansa. Ang ikatlong obserbasyon, ay
ang pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon.

Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang Ang migrasyon bilang isyung politikal po ay
nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nangangahulugang ang pamahalaan ay
nakapaloob sa usaping ito. May mga bansang mayroong gampanin ukol sa migrasyon.
nakararanas ng labour migration. Ang iba Ito po ay nangangahulugang sa usaping
migrasyon, mayroon na pong kaugnayan ang
pang uri nito ay tinatawag nating irregular mga kababaihan rito. Kung noon po ay halos
migrants, temporary migrants at permanent puro lalaki ang nasa paggawa, nagyon po ay
migrants.Ang susunod ay ang pagturing sa parte na rin ang mga kababaihan rito.
migrasyon bilang isyung politikal. Paano mo
ito bibigyang kahulugan?

Mahusay! Malaki ang naging implikasyong


politikal ng migrasyon sa mga bansang
nakararanas nito. Ang usaping pambansa,
pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at
maging ang polisiya tungkol sa pambansang
seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng
migrasyon. Ang huling obserbasyon ay ang
Peminisasyon ng migrasyon. Kapag sinabi
nating peminisasyon ay may kaugnayan sa
kababaihan.

Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa


usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa
nagdaang panahon, ang labour
migration at refugeesay binubuo halos ng
mga lalaki.

D. Paglalapat
Ang bawat mag-aaral ay lilikha ng isang
islogan na mayroong kaugnayan sa paksang
migrasyon. Maaring ito ay may kinalaman sa
konsepto ng migrasyon, dahilan ng migrasyon
at pangkalahatang obserbasyon ukol sa
migrasyon.
Ang lilikhaing slogan ay nararapat na
nakabatay sa ugnayan ng paksa.
IV. Pagtataya
Sa iyong buong papel, bigyang katuwiran ang mga sumusunod na dahilan kung bakit lumilikas
ang mga tao pansamantala man o permanente.
a. Trabaho
b. Paghanap ng ligatas na lugar
c. Paghihikayat ng mga kamag-anak o kapamilya na nasa ibang bansa.
d. Pag-aaral

V. Takdang Aralin

Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa mga Pilipinong nagtatrabaho abroad at ibigay ang
posisyon sa sitwasyong doon na sila permanenteng naninirahan.

Inihanda ni:

Rolando C. Garo Jr.


Gurong Nagsasanay

Binigyang pansin ni:

Sheryl Maglay Malupeng


Gurong Kaagapay

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy