Chapter 3 and 4
Chapter 3 and 4
Gawain 1- Pagsulat ng Sintesis Layunin: Natutukoy ang mahalagang impormasyong binasa upang makabuo
ng sintesis
a.1 Nabibigyang-kahulugan ang sintesis o buod
a.2 Nailalahad ang mga hakbang at dapat tandaan sa pagsulat ng buod
a.2. Nasusuri ang halimbawa ng sintesis/buod ayon sa katangian nito.
a.3. Nakasusulat ng sintesis o buod ng isang akda.
Sa araling ito matutuhan mo ang kahulugan, katangian at mga hakbang na dapat tandaan sa
pagsulat ng sintesis o buod.
Basahin ang tekstong Ang Sintesis o Buod at gawin ang mga sumusunod na pagsasanay.
Ang Sintesis o Buod
Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin sa Ingles
ay put together o combine (Harper 2016). Ang Sintesis/buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit
sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba
pang anyo ng panitikan. Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang
pangungusap lamang. Mahalagang maibuod ang nilalaman gamit ang sariling salita. Ito ay makatutulong sa
madaling pag-unawa sa diwa ng akda. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng
akda. Sa pagkuha ng mahalagang detalye, mahalagang matukoy ang sagot sa mga sumusunod: Sino?, Ano?,
Kailan?, Bakit?, Paano?.
Sa pagsulat ng buod, mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong
ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat, may akda at pinanggalingan ng akda.
Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong inilahad ay hindi
galling sa iyo kundi ito ay buod lamang. Iwasan din na magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag
tungkol sa akda.
Panuto: Gamit ang grapik organayser, ibigay ang kahulugan ng mga salitang may kaugnayan sa
sintesis/buod.
PAG-UNAWA
DIWA
BALANGKAS
SARILING
SALITA
Pagsasanay 1.2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
5. Paano mo iuulat ang isang pangyayaring iyong nasaksihan sa payak na paraan? Bakit?
Narito ang ilang mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng sintesis. Basahin at unawain ang mga ito at gawin ang mga sumusunod
na pagsasanay.
1. Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na nauunawaan ay ulit-ulitin
itong basahin.
2. Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama dahil maisasapuso at mailalagay
nang wasto sa isipan ang mahalagang diwa ng teksto.
3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.
1. Sekwensiyal – pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng mga panandang
naghuhudyat ng pagkakasunodsunod tulad ng una, pangalawa, pangatlo, susunod at iba pa.
2. Kronolohikal – Pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye ayon sa pangyayari.
3. Prosidyural – pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa.
4. Maaari ding isaalang –alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna, at wakas.
5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat.
Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Matapos mong basahin at maunawaan ang mga impormasyon, subukan mo namang sagutin ang
mga sumusunod na katanungan.
1. Sa iyong sariling opinyon, bakit kinakailangan munang basahing mabuti ang kabuuan at nilalaman
ng teksto bago magpatuloy sa pagbubuod?
Malayang Pagtatasa 1
_____________ Pagkadating sa resort ay agad na nagyaya ang kanyang anak na maligo sa dagat.
___________ Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kanyang anak ay naipangako niyang
dadalhin niya ito sa isang mamahaling resort, ang Amanpulo.
____________ Masayang-masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang bigla na lamang silang napahinto
sa biglang pagdilim ng kapaligiran.
____________ Maagang gumising ang ina upang mag-empake ng mga damit na dadalhin.
____________ Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa gitna ng dagat.
_____________ Nakikita nilang lumalaki ang alon kaya mabilis silang umahon sa dalampasigan.
_____________ Bagama’t sila ay nakaahon sa dalampasigan, biglang rumagasa ang higanteng alon at sila ay
sinaklot at tinangay.
____________ Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na lamang ng sariwang
balita.
Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga Hakbang sa pagsulat ng Sintesis o Buod sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1 hanggang 6.
___________ Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
__________ Habang nagbabasa, ,magtala at kung maari ay magbalangkas.
___________ Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan.
___________ Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggnag makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito
____________ Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.
____________ Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
2
Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Ibuod ang huling pelikulang iyong napanood. Gamitin ang sekwensyal na paraan ng
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa pagbubuod.
Una:
Pangalawa:
Pangatlo:
Pang-apat:
Panlima:
Malayang Pagsasanay 3
Panuto: Basahin ang buod ng “Alibughang Anak”. Suriin ito ayon sa katangian
ng sintesis/buod. Matapos maunawaan ay subukan mo naming sagutin ang
mga pagsasanay.
“Alibughang Anak”
May isang ama may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana nito at kanyang
ginugol sa makmundong gawain. Dumating ang panahong
naubos ang lath ng kayamanang minana niya at lubos siyang naghirap at nagdalita at
namuhay ng masahol pa sa katayuan ng mga alipin sa kanilang tahanan. Dahil sa mga
hirap at sakit na kanyang nararanasan, napagtanto niya ang kanyang masasamang
ginawa, nagpasya siyang bumalik sa kanyang ama, magpakumbaba at humingi ng
tawad. Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa kanyang anak, buong puso niya itong
tinanggap, at hindi lang ito, pinagdiwang pa ang kanyang pagbablik na ikinasama naman
GAWAIn
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ilahad sa sariling salita ang buod ng nabasang akda.
2. Ano-ano ang mga kaisipang iyong nakuha mula sa binasa?
3. Masasabi mo bang sapat ang buod na iyong binasa upang makita ang
pangkalahatang ideya ng may akda? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3
Bionote
Pagsulat ng Talambuhay
Ang kahulugan ng salitang bio ay “buhay” na nagmula sa salitang Greek na “bios” o “buhay” na may
kaugnayan din sa salitang Latin na “vivus” na ang ibig sabihin din ay “buhay” at Sankrit na “jivas”.
(Dictionary.com)
Ang bionote ay maikling tala ng personal na impormasyon sa isang awtor na maaaring makita sa
likuran ng pabalat ng libro na kadalasan ay may kasamang litrato.
Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang
tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng
kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography. Prang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na
maikli kumpara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz sa kanilang aklat na Academic Writing for Health
Sciences (2012), ang bionote ay tala sa buhay ng isng tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic
career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites
at iba pa.
Ang bionote o talambuhay ay isang anyo ng akdang pampanitikan tungkol sa buhay ng isang tao.
Isinusulat ito hindi para suriin ang tagumpay at kabiguan kundi upang kalaunan ay magamit na huwaran ng
iba.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang
ipakilala ang sarili para sa isang propesyunal na layunin. Ito rin ang madalas mababasa sa bahaging
“Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites. Halimbawa nito
ay ang bionote o pagpapakilala sa sarili ng mga gumagawa ng blog. Ito ang nagpapakilala ng ilang
mahahalagang detalye sa buhay ng kung sino ang nasa likod ng blog. Ito rin ay maaaring magamit ng taong
naglalathala ng isang aklat o artikulo. Sa madaling salita, layunin ng bionote na maipakilala ang sarili sa
madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga
nagawa o ginagawa sa buhay.
Narito ang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng bionote. Basahin at unawain pagkatapos
ay gawin ang mga sumusunod na pagsasanay.
*Bionote*
Ikalawang Talata: mga katangian, mga hilig, paborito, libangan, mga bagay na
natuklasan sa sarili
BIONOTE
Panuto: Gamit ang graphic organizer na rebentador ibigay ang iba’t ibang katangian ng bionote,
awtobiograpiya at biograpiya.
BIONOTE
AWTOBIOGRAPIYA
BIOGRAPIYA
Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Matapos mong basahin at maunawaan ang mga impormasyon, subukan mo namang
sagutin ang sumusunod na katanungan. Tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali.
Panuto: Kumpletuhin ang hinihinging impormasyon ng biodata, pagkatapos ay gawan ito ng bionote.
BIONOTE
BIO-DATA
PERSONAL BACKGROUND
Position Desired: Senior Cabin Crew Date: November 10, 2035 Name: Name:
Marione Kyle Waje Garcia Gender: Female
City Address: None Cellphone: 09197281284
Provincial Address: 083 Santa Maria St. Birth of Place: Mother and
Pandatung, Hermosa, Bataan Child Hospital, Olongapo
City, Zambales
Telephone: None Citizenship: Filipino
E-mail Address: marionekyle17@gmail.com Weight: 62 kilogram
Date of Birth: March 17, 2003
Civil Status: Single
Height: 5’5
Religion: Christian
Spouse: None Occupation: None
Children: None Date of Birth: None
EMPLOYMENT RECORD
Company Name: Stellar Airport From: 2026 To: 2030
Position: Regular Flight Attendant
Company Name: Uno del Skyway From: 2031 To:2033
Position: Senior Flight Attendant
CHARACTER REFENCE
Name:Mr. Paul U. Manalang Company: Stellar Airport
Position: CEO Contact No. 091624576123
Name: Ms. Lorette Anne C. Uy Company: Uno Del Skyway
Position: Human Resources Manager Contact No. 222-4357-187
I hereby certify that the given information above are true and correct to the best knowledge
that I have.
Bionote ng Bio-Data
Marione Kyle Waje Garcia ang aking ngalan, ipinanganak ako sa Ospital ng Mother and Child na
matatagapuan sa Lungsod ng Olongapo. Ang aming tirahan ay mapupuntahan sa 083 Santa Maria Street,
Pandatung, Hermosa, Bataan. Ang pangalan ng aking nanay ay Maria Loreta W. Garcia, ang aking tatay Arnold
S. Garcia at ang aking kapatid ay si Miguel Benedict W. Garcia.
Mayroon akong mga kakayahan tulad ng kaya ko maglider sa isang kumpanya o sa mga tao, kaya ko ring
gamitin ang oras sa maayos na pamamaraan, handa akong magserbisyo sa mga tao, kayang ayusin ang mga
problema, marunong ako makipagkapwa-tao at makisama pati na rin ang laging alerto at handa. Bilang Flight
Attendant dapat handang matuto sa lahat ng oras.
Gusto ko maging Senior Flight Attendant upang maipamalas at maibahagi ko ang kaalaman ko sa
pagseserbisyo at sa trabaho mismo. Makakuha pa ng mga bagong kaalamanan at mas mapahusay ko pa ang
aking abilidad sa trabaho na ito
Malayang
Pagtatasa 3
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang bawat pahayag. Kung mali ang pahayag, salungguhitan
ang salita at ilagay ang tamang sagot sa loob ng kahon. Kung tama ang pahayag isulat ang
salitang tama sa kahon.
4. Ayon kay Cristina Pantoja-Hidalgo, ang bionote ay tala sa buhay ng isng tao na
naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o
mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites at
iba pa.