0% found this document useful (0 votes)
71 views9 pages

Reviewer FILI 101

Reviewer fili

Uploaded by

marklouied55
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
71 views9 pages

Reviewer FILI 101

Reviewer fili

Uploaded by

marklouied55
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 9

REVIEWER FILI 101

Part 1. Multiple Choice


1.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kahinaan ng mediadong pakikipagkapwa-tao?
A. Kahit nasa malayong lugar ang tagapagbatid ng impormasyon ay makakakuha pa din ng sagot mula sa
tagapagbatid.
B. Madali ang pag-oorganisa ng datos
C. Maaaring makakuha ng agarang kasagutan mula sa tagapagbatid ng impormasyon
D. Nakakatipid sa pamasahe dahil makakausap ang mga tagapagbatid sa pamamagitan ng iba’t ibang
online platform.

2. May mga konsiderasyon na dapat isaalang-alang ang mga mananaliksik bago pumili ng batis ng
impormasyon, alin ang hindi kabilang dito?
A. Paglilinaw ng Paksa
B. Layon o pakay ng mananaliksik
C. Uri o Kalakaran ng Sitwasyong Pangkomunikasyon
D. Paraan ng Pagkuha ng Impormasyon

3. Nagtatakda si Bb. Rose ng araw at oras ng pagpupulong para sa leksyon na pag-uusapan para sa isang
buong linggo. Hinihikayat niya ang mga estudyante na magbigay din ng kani-kanilang opinyon I ideya
tungkol sa paksang pinag-uusapan. Anong porma ng talakayan ang pinapakita sa sitwasyong ito?
A. Pormal
B. Di-pormal
C. Mediated
D. Harapan

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA hinggil sa impormal na talakayan?


A. Nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong at sa mga palabas sa telebisyon at programa sa radio
B. Pinipili ang mga kalahok sa impormal na talakayan.
C. May itinatalagang tagapagpadaloy sa tiyak na kaayusan ng daloy ng diskusyon at asal ng mga kalahok
habang nagpapalitan ng kuro-kuro at impormasyon.
D. Kalahok mismo ang kusang nagmamaneho sa diskusyon.
5. Nais malaman ni Jeremi ang pamumuhay ng pangkat ng mga Mangyan sa Mindoro. Nagtungo siya sa
Mindoro at nangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pakikinig sa mumunting usapan ng mga ito at
inoobserbahan niya din ang paraan ng pamumuhay ng mga ito, mula sa pagkain, paghahanapbuhay,
pag-uugali, pakikitungo sa isa’t isa, paraan ng pagsasalita at iba pa. Anong paraan ng pagkalap ng
impormasyon ang ipinakita ni Jeremi?
A. Pakikipanuluyan
B. Pagmamasid-masid
C. Pagtatanong-tanong
D. Pakikisangkot habang pakapa-kapa

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pinanggalingan ng tsismis?


A. Mga taong nanlilinlang sa isang grupo o madla
B. Imbentong pahayag ng isang tao
C. Mula sa masinsinang mga pag-aaral ng dalubhasa sa iba’t ibang larangan.
D. Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig ng tsismis.

7. Anong uri ng batis ng impormasyon ang labi ng dating buhay, mga specimen at nahukay na bagay?
A. Sekundaryang Batis
B. Social Media
C. Primaryang Batis
D. Batis ng Impormasyon

8. Isang malaking usapin ngayon sa bansa ang isyu ng kredibilidad hinggil sa online news site sa Pilipinas.
Alin sa mga sumusunod na alituntunin ang hindi dapat bigyang prayoridad sa pagpili ng online news
site?

A. Walang pinoprotektahang institusyon at mga tao at tahasang pinapahayag ang katotohanan.


B. Naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa pangalan ng isang tao, isang grupo at
institusyon.
C. Pumupuna sa sarili o umaaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento or errata
D.Walang kinikilingang tao, grupo o institusyon dahil naglalathala ng mga artikulong may iba’t ibang
panig.
9. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng harapan na talakayan?
A. Naiigpawan ang hadlang sa distansya kung ang kalahok ay magkakalayo.
B. Nakatuon sa mga tukoy na pamayanan at may mga dulog na partisipatori
C. Maraming tagapakinig o manonood ang naaabot ng talakayang isinasa-himpapawid sa pangmadlang
midya kagaya ng radyo at telebisyon.
D. Mas personal ang dulog at nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang magkakausap.

10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalakasan ng harapang ugnayan?


A. Madaling ma-oorganisa ang datos
B. Makakapagbigay ng follow-up question
C. Maaaring makakuha agad ng agarang sagot mula sa tagapagbatid
D. Maoobserbahan ang berbal at di-berbal na ekspresyon.

Part 2. Pumili sa kahon ng tamang sagot.

Paraan-Kinayarian Lugar ng isang kilos Espasyal


Pagkakasunod-sunod Istriktong Paglalakip Gamit
Atribusyon Sanhi-Bunga/Kinalabasan Pagbibigay Katuwiran

11.. Noong kasagsagan ng pandemya, ang pagdeklara ng mga travel restrictions ay naging paraan ng
gobyerno upang makontrol ang kaso ng COVID sa bansa.
12. Ang kawalan ng komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa ang isang dahilan kung bakit nasisira ang
kanilang relasyon.
13. Ang pakikipagpalagayang-loob ay isang hakbang sa pagdadalaw-dalaw.
14. Batay sa napag-alamab ni Tejada (2016), ang mababang perperpormans ng mga mag-aaral ng San
Rafael High School sa Matematika ay resulta ng paulit-ulit na estratehiyang ginagamit ng guro sa
pagtuturo.
15. Ang pagmamano sa matatanda ay isang katangian ipinamana ng mga espanyol sa mga Pilipino.
16. Ang komiks magasin ay uri ng publikasyon.
17. Ang silid-aralan ay bahagi ng pisikal at simbolikong espasyo ng buhay ng estudyante.
18. Sa panahon ngayon, ang sinehan ay isang lugar para sa romantikong ligawan.
19. Batay sa napag-alaman ni De Vera (1982) sa panig ng kapwa lalaki ay sanhi ng pakikiapid sa ibang
babae.
20. Ang kawalan ng sapat na pagkakakitaan ang isang dahilan kung bakit pinahihinto ng magulang ang
anak sa pag-aaral.
21. Noong panahon ng panunungkulan ni Marcos, ang pagdedeklara ng martial law sa buong bansa ay
isang paraan para makontrol ng pamahalaan ang midya at lahat ng sangay ng gobyerno.
22. Ang pagkahumaling sa ingles ay isang katangian ng kolonyal ba kamalayan.

Part 3. Tama o Mali


MALI 23. Ang mga sensitibong isyu kagaya ng pagbubuntis ng tinedyer, paggamit ng bawal na gamot at
pang-aabuso sa asawa ay mas angkop na pag-usapan sa pulong-bayan kaysa sa pagbabahay-bahay.
TAMA24. Ang mga lokal na ekspresyon ay nagbibigay ng kulay at katuturan sa mga kwentong bayan.
MALI 25.Sa pangkahalatan, ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino saan man sa bansa ay
lubhang kanluranin na.
MALI 26. Walang kahihinatnan ang talakayan kung may mga kalahok na magkakaiba ang pananaw.

Part 4. Multiple Choice (Chapter 1)


27. Ang nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran/kawanihan/opisina/instrumentaliti ng pamahalaan na
magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya. Saan nakapaloob ito?
A. Executive Order no. 210
B. Executive Order no. 335
C. Executive Order no. 201
D. Executive Order no. 406

28. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglabas ng posisyong papel hinggil sa CMO No.20 series of 2013?
A. Polytechnic University of the Philippines
B. Technological University of the Philippines
C. University of the Philippines
D. De La Salle University

29. Anong uri ng edukasyon ayon sa posisyong papel ng Dela Salle University ang nakatuon sa paghubog
sa mga estudyantenng maging mga kapakipakinabang na mamamayan ng bansa?
A. Bilingguwal na Edukasyon
B. Politikal na Edukasyon
C. Nasyonalistang Edukasyon
D. Global na Edukasyon
30. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay pangunahing ahensya ng gobyerno na nangangalaga sa patuloy
na pag-unlad at pagtataguyod ng paggamit ng wikang Pambansa. Sa kasalukuyan, ano ang tawag sa
ahensyang ito?
A. Komisyon sa Wikang Tagalog
B. Komisyon sa Wikang Filipino
C. Surian ng Wikang Pambansa
D. Surian ng Wikang Filipino

31. “Isang moog na sandigan ang Wikang Filipino upang isalin ang hindi pagmamaliw na karunungan na
pakikinabangan mga mamamayan para sa pambansang kapakanan.” Saang posisyong papel nakapaloob
ang pahayag na ito?
A. Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at
Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman
B. Pambansang Sentro sa Edukasyon Pangguro ng Philippine Normal University
C. Pagtiyak sa Akademikong Katayuang Akademiko ng Filipino Bilang Isang Asignatura sa Antas ng
Tersyarya
D. Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning
Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013

32. Alin sa sumusunod ang HINDI argumento ng Tanggol Wika?


A. Pagtuunan na lamang ng pansin ang Ingles dahil yun naman ang lamang natin sa karatig-bansa.
B. Duplikasyon lamang kapag may Filipino pa din sa kolehiyo
C. Ang Filipino ay madali lamang pag-aralan kumpara sa wikang Ingles
D. Lahat ng nabanggit

33. Sa pagsidhi ng globalisasyon at ASEAN Integration, alin sa mga sumusunod ang dapat pagtibayin at
mas linangin ng bansa?
A. Paggamit ng Wikang Ingles
B. Pagiging dalubhasa sa Kultura ng ibang bansa
C. Pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura.
D. Lahat ng nabanggit

34. Alin sa sumusunod na probisyon ang pinaka malalim na pundasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa
sistema ng edukasyon maging opisyal na wika ng komunikasyon?
A. CHED’s Resolution No. 298-2011
B. Artikulo XIV Seksyon 6
C. Proklamasyon Blg. 1041
D. Executive Order No. 335

35. Siya ang may akda ng Revised General Education Curriculum (RGEC) na kumumpirma sa tuluyang
pag-alis ng asignaturang Filipino sa antas ng tersyarya.
A. Tonisito MC. Umali
B. Dr. Bienvenido Lumbrera
C. Dr. Antonio Contreras
D. Dr. Aurora Batnag

36. Sa pagsidhi ng globalisasyon at ASEAN Integration, alin sa mga sumusunod ang dapat pagtibayin at
mas linangin sa ating bansa?
A. Paggamit ng wikang Ingles
B. Pagiging dalubhasa sa kultura ng ibang bansa
C. Pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura
D. Lahat ng nabanggit

37. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI tama hinggil sa organisasyong Tanggol Wika?
A. Ang Tanggol Wika ay kaisa ng CHED sa pagpapayabong ng Wikang Filipino sa tersyarya
B. Ang Tanggol Wika ay nabuo noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University
C. Sinimulan nila ang pagpapalaganap ng petisyong papel hinggil sa pagpapanatili ng asignaturang
Filipino sa Kolehiyo
D. Kaisa ng Tanggol Wika si Dr. Tonisito M. Umali, isang alagad ng sining at panitikan.
38. Ito ay organisasyong naglalayong panatilihin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa antas ng
tersyarya
A. Tanggol Wika
B. Tanggol Kasaysayan
C. Komisyon sa Wikang Filipino
D. Surian ng Wikang Pambansa

39. Ayon sa argumento ng Tanggol Wika, binigyan ng DepEd at CHED ng espasyo ang mga wikang
dayuhan sa kurikulum, kaya lalong dapat na may espasyo para sa mga wikang dayuhan sa kurikulum,
kaya lalong dapat na may espasyo para sa wikang pambansa. Alin sa mga sumusunod na programa ng
DepEd ang tumutugon sa argumentong ito?
A. College Readiness Standards
B. Special Program in Foreign Language
C. Implementation of Chinese Mandarin, Nihongo and German Language
D. Special Program for English Proficiency

40. Ano ang dahilan ng CHED sa pag-aalis ng asignaturang Filipino sa antas ng tersyarya?
A. Upang mas mapagtuunan ng pansin ang Wikang Ingles na siyang itinuturing na wikang global
B. Upang mas mapagaan ang kurikulum sa kolehiyo
C. Upang mas mabigyang pansin ang mga medyor na asignagtura
D. Upang lusawin ang departmento ng Filipino sa Unibersidad.

41. Noong Hunyo 28, 2013 inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtataka ng core
courses sa bagong kurikulum sa antas ng tersyarya sa ilalim ng K to 12. Alin sa sumusunod ang HINDI
kabilang sa bagong kurikulum?
A. Ethics
B. Purposive Communication
C. Readings in Philippine History
D. Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

42. Ang Tanggol Wika ang simbolo ng kolektibong paglaban ng mga kaguruuan na apektado ng CMO
No.20 Series of 2013. Sino ang nakaisip ng pangalan ng alyansa?
A. Dr. Bienvenido Lumbera
B. Prof. Ramilito Correa
C. Dr. Rowell Madula
D. David Michael M. San Juan
43.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapahayag ng katotohanan hinggil sa mga
argumento ng Tanggol Wika?
A. Hindi sapat ang mga materyales at nilalaman para ituro ang Filipino sa Kolehiyo
B. Mababa ang resulta ng National Achievement Test ng mga estudyanteng Pilipino sa mga asignaturang
Filipino.
C. Hindi pinaunlad, hindi napaunlad at hindi mapapaunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang
ekonomiya ng bansa.
44. Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay Wikang panlahat. Kaya kung ihihiwalay sa mga mag-
aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggalan na rin natin ang
identitad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo iyon ang identidad mo. Saang posisyong
papel nakapaloob ang pahayag na ito?
A. Pagtatanggol sa Wikang Filipino tungkulin ng bawat Lasalyano
B. Pagtitiyak sa Akademikong Katayuang Akademiko ng Filipino Bilang Isang Asignatura sa Antas ng
Tersyarya.
C. “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya” PUP
D. Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at
Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
45. Isa sa mga pinaka unang posisyong papel na nagtaguyod sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa
Kolehiyo ang resolusyon ng humigit kumulang 200 delegado sa isang pambansang kongreso ng
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literatura ng Filipino (PSLLF). Anong posisyong papel ito?
A.“Pagtitiyak sa Katayuang Akademiko ng Filipino Bilang Asignatura sa Antas sa tersyarya “
B. Pagtitiyak sa Akademikong Katayuang Akademiko ng Filipino Bilang Isang Asignatura sa Antas ng
Tersyarya.
C. “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya” PUP
D. Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at
Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Part 4: Yunit 3 Identification


46. Ito ay isang akto kung saan ang mga paninira ay pinaraan sa pasulat k broadcast na midyum.
47. Kung ang gagamitin na midyum ay pasalita.
48. Saan nakapaloob na batas ang Libelo at oral defamation?
49. Ang paksa dito ay hindi planado at pinag-isipan ng mabuti. Ito ay usapan, katuwaan at iba pa sa
malapitang salamuhaan. Impormal na paglapit ng tatlo o higit pang mga kakilala para makausap ng
magkakaharap.
50. Isang uri ng umpukan sa Marikina kung saan tampok ang kainan, kantahan, paglalaro ng bingo
kasama na din ang tsismisan, talakayan, baliktaktakan, biruan at iba pa na nagaganap sa silungan o
tambayan.
51. Mula sa Barlig mountain Province. Ito ay itinakdang pagsasama-samabng magkakabayan para
magpakilala, mag-usap hinggil sa iba’t ibang isyu, magbigayan ng payo at iba pa.
52. Ito ay ang masinsinang palitan at Talaban ng Kaalaman. May tukoy na paksa ang dalawa o higit pang
nagpapalitan ng ideya. Maaaring maging impormal at pwedeng harapan o mediated o ginagamitan ng
anumang midya.

Answer Key:
1. C 20. Pagbibigay Katuwiran 39. B
2. D 21. Paraan-Kinayarian 40. B
3. A 22. Atribusyon 41. D
4. D 23. MALI 42. C
5. B 24. TAMA 43. A
6. C 25. MALI 44. C
7. C 26. MALI 45. A
8. B 27. B 46. Libelo
9. D 28. B 47. Oral Defamation
10. A 29. C 48. Artikulo 353
11. Paraan-Kinayarian 30. B 49. Umpukan
12. Pagbibigay Katuwiran 31. B 50. Salamyaan
13. Pagkakasunod-sunod 32. D 51. Ub-ufon
14. Sanhi-Bunga/Kinalabasan 33. C 52. Talakayan
15. Atribusyon 34. B
16. Istriktong Paglalakip 35. A
17. Espasyal 36. C
18. Lugar ng Isang Kilos 37. A
19. Sanhi-Bunga/Kinalabasan 38. A

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy