Q4 Grade 6 Activity Sheets Week3
Q4 Grade 6 Activity Sheets Week3
There was once a King who ruled harshly over the land. One night after he was crowned as king, he thought of himself
as the greatest king on earth and in heaven.
He often went hunting. One early morning, while in the deep woods, he decided to cool himself in the lake. He proudly
swam away from the shore. Suddenly there came from the bottom of the lake someone who had the same face and form as
the king. This man quickly put on the King’s clothes and rode away with the King’s horse. When the proud King finished
cooling himself, he found his clothes and his horse already gone.
With some woven reeds covering his body, he walked to the castle. He beat loudly at the gate, but he was driven away.
He went to the duke’s hall, but he was put to prison. Working hard, he loosened the chains that bound his feet and fled away.
He went to his palace, but no one recognized him. Instead, he was beaten up and was thrown outside the palace.
The proud King fled away. He wished he was dead. Reaching the lake where he had bathed, he cried aloud. He asked
for forgiveness.
Directions: Choose the letter of the correct adverb. Write the answer in you answer sheet.
Directions: The following exercises will help you gain greater understanding about adverbs. Choose
the best answer to complete the sentence. Write the answer in you answer sheet.
Directions. Read the sentences carefully. Write (/) if the place of the adverb is correct and (x) if it is
not. Write the answer in you answer sheet.
Directions: Tell whether the underlined adverb is an adverb of manner, time, place or frequency.
Directions: Match Column A with column B. Write the letter of the correct answer. Write the answer in
you answer sheet.
A. B.
1. Mother __________kisses her children. a. on the streets
2. ____________, we are going to visit my grandma. b. lovingly
3. Children should not play __________. c. often
4. Susan is ___________ early for class. d. On Sunday
e. Last month
Directions: Copy the letter of the correct adverb of manner, time, place and frequency. Write the
answer in you answer sheet.
Directions: Complete the phrases below with the approriate adverbs in the box to form sentences.
Write the answer in you answer sheet.
1. Our teacher comes to school ____________________.
2. Hey! It’s my birthday ___________________________.
3. Paulo drives _________________________________.
4. Isa reads a book _____________________________.
Panuto: Isulat ang titik ng angkop na reaksiyon sa sumusunod ayon sa pangyayari. Isulat
ito sa sagutang papel.
Tandaan: Sa gawaing ito, pakinggan ang balita na nirekord ng guro gamit ang radio o basahin ng magulang o
sinumang miyembro ng pamilya na maaaring magbabasa sa balita upang mapakinggan ng bata.
Barko, Lumubog!
Isang barko na nagbuhat sa Cebu at patungong Maynila ang lumubog sa kalagitnaan ng
dagat. Tinatayang mahigit isandaang tao ang namatay. Sinasabing ang dahilan ng paglubog ay
ang kalumaan na ng barko at may diprensya ang makina nito. Agad na sumaklolo ang mga
marino, ngunit tila yata ilan lamang ang nailigtas.
Name: ___________________________________________ Grade: _________ Score
Panuto: Ipahayag ang iyong reaksiyon tungkol sa balitang napakinggan. Isulat ang iyong reaksiyon sa sagutang
papel.
Reaksiyon:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Panuto: Makinig ng isyu tungkol sa COVID-19 mula sa radyo, telebisyon, o kausap na tao at sumulat ng reaksiyon
_______________________________________
tungkol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Name: ___________________________________________ Grade: _________ Score
MGA BIKTIMA
(Hango sa Pagsulong sa Pagbasa pp. 61-65)
(At dumako si Hangin sa may ilog. Nakita niyang umiiyak ang karugtong nitong sapa. Nakinig si Hangin sa usapan
ng dalawa)
Sapa : Hu! Hu! Hu! Ang labu-labo na ng tubig ko. Dati’y napakalinaw.
Ilog : Huwag kang umiyak. Pareho lang tayo. Tingnan mo ako, katulad mo, halos hindi rin
ako makagalaw dahil punungpuno ako ng basura; bulok na bagay, dumi ng hayop at
iba pang basura.
Sapa : Bakit ginagawa ito ng tao sa atin? Mabait naman tayo sa kanila! Binibigyan natin sila
ng malinis na tubig at lamantubig.
Ilog : Wala silang puso at hindi sila marunong mangalaga sa atin!
Hangin : Haaay! (nasabi ni Hangin sa sarili) Kaawa-awang sapa at ilog. Tulad din ng gubat na
nagdurusa. Pareho silang napipinsala ng tao.
Reaksiyon:
___________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_________________________________________________.
Panuto: Basahin ang pahayag at piliin ang titik ng angkop na reaksiyon. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Sa mga liblib na pook, ang mga manggagamot ay kailangang-kailangan.
A. Malaking pera ang kikitain doon.
Name: ___________________________________________ Grade: _________ Score
B. Napakarami nang doktor sa siyudad.
C. Dumulog sa pamahalaan at humingi ng doktor na maipadadala roon.
2. Ang manggagawa ay nagpatulo ng pawis sa bukid.
A. Tulungan ang manggagawa sa paghahanap ng Gawain.
B. Ang mga mangagawa ay hindi masipag sa Gawain sa bukid.
C. Pahalagahan ang produkto ng mga manggagawa.
3. Naibibigay ng magulang ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak.
A. Balewalain ang ibinigay ng mga magulang.
B. Huwag humingi sa mga magulang.
C. Magpasalamat sa mga magulang.
4. Inubos lahat ng bunsong anak ang kabuhayang ibinigay sa kaniya.
A. Siya ay matulungin sa kapwa tao.
B. Siya ay mahilig sa pakitang tao.
C. Siya ay walang hinayang magtapon ng hindi niya pinaghirapan.
5. Ayon sa kanyang ama, ang kanyang kapatid ay namatay na at muling nabuhay.
A. Ang kanyang kapatid ay namatay na at muling bumangon sa libingan.
B. Ang kanyang kapatid na nagkasala at bumalik na nagsisi sa maling nagawa.
C. Naghihirap ang loob ng kanyang kapatid.
Sa pamamasyal, tayo’y maglakad na lamang. Maaaring lumakad nang katamtaman ang bilis o mag-
jogging kung kailangan. Maaari itong gawin sa lungsod o bukid sa umaga, sa hapon, o sa gabi. Ang jogging
ay para sa lahat ng may gulang mula 7 hanggang 70. Ito’y nakapagbubuti sa paghinga, nagpapatigas ng
laman, nagpapaunlad sa sikulasyon ng dugo at nakapaghihinga sa isipan. Ang paglalakad ay isang uri ng
ehersisyo na ang ginagamit ay sarili mong enerhiya. Ito ay hindi kumukonsumo ng gas tulad ibang uri ng
ehersisyo. Wala ring binabayarang mga makina at lugar. Higit sa lahat, ito ay magagawa maging bata man
o matanda.
Reaksiyon:
Basahing mabuti ang mga tanong at kilalanin kung ano ang tinutukoy nito. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
Pagtambalin ang mga pahayag sa Hanay A sa mga salita sa Hanay Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
A B
Suriin ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino nagbigay-daan sa pagwawakas ng Batas Militar
sa pamamagitan ng pagpuno sa mga nawawalang kaisipan nito. Isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.
Si Cory Aquino ay walang intensiyong kumandidato sa pagkapangulo. Sa katunayan, isa siya sa mga bumubuo ng
Convenor Group na ang layunin
ay pag-isahin ang mga oposisyon at mula rito ay pumili ng isang kandidato na haharap kay Marcos.
Ang NAMFREL ay isang samahang kinabibilangan ng mga mamamayang nagbibigay ng libreng serbisyo para
mabantayan ang mga presinto at maiwasan ang pandaraya sa botohan. Ang mga kasapi nito ay binubuo ng mga
kabataan, mga mag-aaral, propesyonal, mga madre, mga seminarista, mga guro, at mga empleyado ng mga publiko
at pribadong tanggapan.
Reaksiyon ng mga Pilipino Nang Mawalang Halaga ang Karapatan sa Pagboto
Ilang linggo bago maghalalan, muling pinakilos ang National
Movement for Free Elections (NAMFREL). Layunin nitong magtaguyod ng
isang malaya, malinis at tapat na halalan. Sa kabila ng pagmamalasakit ng
mga tagabantay ng halalan na ingatan ang balota, marami pa ring iniulat na
pandaraya.
Halimbawa:
pamimili ng boto
pang-aagaw ng mga ballot box
mga flying voter
hindi pagsasama sa talaan ng ilang pangalan ng mga botante
pagbabago ng Commission on Elections (COMELEC) sa kinalabasan ng halalan
Samantala, nanawagan din ang Simbahang Katoliko, sa pangunguna ni Arsobispo Jaime Cardinal
Sin, na magkaisa ang mga mamamayan na gawing malinis at malaya ang halalan. Nakiisa rin dito ang
Muslim, Protestante at iba pang pangkat ng relihiyon, gayundin ang mga pribadong sector ng lipunan.
Sa kabila ng pagbabantay na ginawa hindi nagwagi si Aquino batay sa resulta nito sa COMELEC. Magkaiba
ang kinalabasan ng bilang ng boto ng COMELEC at NAMFREL. Nagprotesta sa Batasan Pambansa ang oposisyon sa
resultang ito. Sa kabila nito, ipinahayag ng Batasang Pambansa noong Pebrero 15, 1986 na sina Ferdinand Marcos
at Arturo Tolentino ang mga bagong halal na Pangulo at Pangalawang Pangulo.
Bilang reaksiyon sa ginawang proklamasyon ng Batasan ay nagdaos ng isang rally na tinawag na
Tagumpay ng Bayan ang sambayanang Pilipino sa pangunguna nina Cory Aquino at Salvador Laurel sa Luneta Park
noong ding araw na idiniklarang nagwagi sina Marcos at Tolentino. Naging maalab ang suportang ginawa ng
sambayanang Pilipino sa panawagang ito. Ibinoykot ng mga mamamayan ang mga kalakal at paglilingkod na
nagmumula sa mga kumpaniya ng mga crony ni Marcos. Hinikayat din ni Cory Aquino ang mga mamamayang
huwag magbayad ng buwis, kuryente at tubig, at iboykot ang media na kakampi ng pamahalaan, gayundin ang
mga bangko at komersyal na produktong katulad ng beer, softdrinks, at iba pa. Ang pagpanig ng maraming
Pilipino sa kinikilalang tunay na nagwagi sa Snap Election ay nagpakita lamang kung paano kinimkim ng
sambayanang Pilipino ang kanilang galit sa rehimeng Marcos.
Ang 1986 EDSA People Power
Nangyari ang mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero 22-25 1986 bunga ng
pagnanais ng mga mamamayang magkaroon ng pagbabago sa bansa. Ang People Power ay
nagsimula nang si Juan Ponce Enrile, Ministro ng Tanggulang Pambansa at si Hen. Fidel V.
Ramos, ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ay tumiwalag sa administrasyong
Marcos. Naniniwala silang hindi si Marcos ang inihalal ng taong-bayan kundi si Cory Aquino.
Kaya noong ika-22 ng Pebrero 1986 ay ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa tungkulin
sa pamamagitan ng Radio Veritas at nanawagan sila sa mga mamamayang suportahan sila
at bigyan ng proteksiyon ang mga militar na tumiwalag sa pamahalaan.
Sa pangyayaring ito ay nanawagan din si Marcos sa telebisyon, nakiusap siya sa dalawang sumuko
at itigil na ang kanilang ginagawang paglaban sa pamahalaan. Subalit hindi sila natinag sa kanilang
ginawang desisyon. Lalong tumibay ang kanilang loob nang manawagan sina Jaime Cardinal Sin at Agapito
Aquino, kapatid ng yumaong Benigno Aquino na magtungo ang mga tao sa EDSA (Epifanio de los Santos
Avenue) sa paligid ng Camp Crame at Camp Aguinaldo kung saan nagkukubli sina Enrile at Ramos kasama
ang iba pang mga sundalo. Ilang saglit lamang ang lumipas at dumagsa na ang napakaraming tao sa
EDSA. May dala-dala silang mga inumin at pagkain para sa mga sundalo. Dito ganap na nagsimula ang
tinaguriang People Power sa EDSA o EDSA I.
Ang Kabayanihang Ginampanan ng mga Pilipino sa Rebolusyon sa EDSA
Ang unang pagsubok sa Lakas ng Bayan o People Power ay nangyari noong ika-23 ng
Pebrero, kinahapunan ng linggo nang ang isang convoy na kinabibilangan ng tatlong batalyong sundalo
sa pamumuno ni Hen. Artemio Tadiar ay dumating sa EDSA. Ang misyon nila ay gawin ang pinag-uutos ni
Marcos, ang salakayin ang Camp Aguinaldo, subalit sila ay sinalubong ng napakaraming tao sa panulukan
ng EDSA at Ortigas. Nakaharap nila roon ang mga kapwa nila Pilipino tahimik na nagdarasal at umaawit.
Sa halip na salubungin ng galit ang mga sundalo ay inabutan nila ang mga tao ng rosaryo, bulaklak, at
pagkain. Dahil dito hindi nagawa ng mga sundalo ang ipinag-uutos sa kanila.
Name: ___________________________________________ Grade: _________ Score
Kinabukasan ika-24 ng Pebrero, Lunes ng madaling araw ay isang pangkat naman ng mga
sundalong marino ang inatasang sumalakay sa Camp Aguinaldo. Hinagisan nila ng mga tear gas ang mga
tao upang mabuwag ang hanay ng mga ito subalit sila ang umurong sapagkat sa kanila pumunta ang usok
ng tear gas. Hindi nagtagal, dumating naman ang mga helicopter gunship sa pamumuno ni Col. Antonio
Sotelo. Nakadama ng takot ang mga tao sapagkat wala silang kalaban-laban sa isang pagsalakay mula sa
himpapawid. Subalit isang himala ang nangyari sapagkat ang mga sakay ng helicopter ay pumanig sa
kanila. Bago magtanghali noong araw na iyon ay maraming sundalo ang kumampi sa panig ng oposisyon.
Ang Pagwawakas at Resulta ng Rebolusyon
Tinatayang umabot sa tatlong milyon ang bilang ng taong nakiisa sa EDSA Revolution. Sa lugar ng EDSA,
sa Channel 4, at sa mga lansangan patungong Malacańang ay makikita ang nagkakaisang sambayanang Pilipino-
pari, madre, seminarista, pastor, ministro, matanda, bata, mayaman, mahirap, kristiyano at maging di mga
kristiyano na magkakapit-bisig habang nagdarasal. Buong tapang nilang sinalubong ang mga kanyon at tangke,
Pinakiusapan nila ang mga loyalistang sundalo na huwag ipuputok ang mga tangge at kanyon sa mga kapwa
nilang Pilipino. Sinikap nilang palambutin ang kalooban ng mga kawal sa pamamagitan ng pagngiti, at pagbigay
ng inumin at pagkain. Higit sa lahat nagdasal at nagkantahan ng makabayang awitin ang mga tao.
Noong Pebrero 25, ganap nang nagtagumpay ang sambayanang Pilipino.
Sa harap ni Mahistrado Claudio Teehankee si Corazon C. Aquino ay nanumpa
bilang pangulo ng bansa, samantalang si Salvador Laurel ay nanumpa bilang
pangalawang-pangulo sa harap ni Mahistrado Vicente Abad Santos. Ang
mahalagang pangyayaring ito ay nangyari sa Club Filipino sa Green Hills, San
Juan dinaluhan ng libo-libong Pilipino.
Sa kabilang dako, sa Malacaňang ay nanumpa rin si Marcos bilang
nagwaging pangulo diumano sa harap ni Punong Mahistrado Ramon Aquino.
Ngunit batid ng pamilyang Marcos na wala na silang
magagawa upang sila ay manatili pa sa posisyon dahil ang taong –bayan ang
kanilang kalaban. Dahil dito, noong gabi ng Pebrero 25, 1986 , ang pamilyang
Marcos, kasama ang kanilang malalapit na kaibigan ay umalis sa Malacaňang
sakay ng helicopter patungnong Clark Field at mula rito ay tumuloy sa Hawaii.
Sa wakas natapos na ang paghahari ng pamilyang Marcos. Ang mapayapang rebolusyon
ay tumagal ng apat na araw at nagwakas sa paghahari ng pamahalaan diktatoryal.
Noong araw na iyon ay napuno ng kagalakan at pagdiriwang ang sambayanang Pilipino
sapagkat sa wakas ay naibalik ang tunay na demokrasya at katarungang matagal na
nilang inaasam-asam.
Tunghayan ang larawan ng ilang karapatang pantao. Hanapin sa Hanay B ang wastong karapatan
sa larawan na nasa Hanay A.
A B
a. Karapatan sa Relihiyon
1.
Name: ___________________________________________ Grade: _________ Score
b. Karapatan sa Paglakbay
2.
c. Karapatan sa Pagpapahayag
3.
4.
Lagyan ng tsek (√) kung ang mga gawain ay nakatulong sa pagpapatatag at pagkamit ng kalayaan at
demokrasya sa bansa at (X) kung hindi. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga pagpipilian.
1. Nakatakda ang mga karapatan ng bawat mamamayang Pilipino sa Saligang Batas ng 1987 na nakasaad sa
Artikulo _____.
a. Artikulo I b. Artikulo III c. Artikulo V d. Artikulo II
2. Ito ay tawag sa komisyon na binuo upang bumalangkas sa Saligang Batas ng 1987.
a. Constitutional Commission b. Contitutional Convention c. Human Rights Commision d. Commission on
Election
3. Petsa na nangyari ang isang Plebisito.
a. Perbrero 25, 1987 b. Pebrero 22, 1987 c. Pebrero 2, 1987 d. Pebrero 20, 1987
4. Siya ang namuno sa Constitutional Commission.
a. Cecilia Muňoz Palma b. Carmen Planas c. Elisea Ochoa d. Josefa Llanes Escoda
5. Isang ahensiya ang nag-imbistiga sa mga nanakaw na pera sa kaban ng bayan mula sa pamilyang Marcos
upang maibalik ito sa pamahalaan.
a. ConCom NAMFREL c. PCG d. PCSO
6. Namuno sa ahensiya ng PCGG (Presidential Commission on Good Government).
a. Juan Ponce Enrile b. Salvador Laurel c. Fidel V. Ramos d. Jovito Salonga
Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Paano napangangalagaan ng Saligang Batas ang kapakanan ng mga mamamayan?
Pangangalaga sa Karapatan
Walang sinuman sa mga ito ang lubos na makapangalaga sa mga karapatan ng mga tao. Mismong
ang mga mamamayan ang tunay na makapagbibigay ng proteksyon sa kanilang mga karapatan.
Mahalagang alam ng mga tao ang kanilang mga karapatan at manindigan para dito. Kapag may mga isyu
kung saan direkta silang maaapektuhan, kailangan nilang ihayag ang kanilang opinyon sa tamang paraan
at gawin ang lahat ng makakaya upang mapangalagaan ang interes ng taong bayan.
Name: ___________________________________________ Grade: _________ Score