Content-Length: 106988 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Bahura_ng_mga_bulaklak_na_bato

Bahura ng mga bulaklak na bato - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Bahura ng mga bulaklak na bato

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang bahura ng mga bulaklak na bato o bahura ng mga koral (Ingles: coral reef) ay isang malaking kayarian na nasa ilalim ng tubig na binubuo ng patay at buhay na mga koral. Sa karamihan ng malulusog na mga bahura, namamayani ang mga koral na mababato. Nabubuo sila mula sa mga colony ng mga polyp na mula sa phylum na Cnidaria na gumagawa ng mga isang exoskeleton na mayroong calcium carbonate. Ang mga bahura ay nabubuo sa mga pook ng karagatan na pang-tropiko (30° sa hilaga at timog ng ekwador). Gumaganap ang mga bahura bilang tahanan ng maraming mga isda at iba pang mga hayop na pangtropiko. Ang mga sistema ng mga bahura ng mga koral ay isang pangunahing pang-akit na pangturismo dahil sa kanilang kagandahan at kulay ng mga bulaklak na bati at sa maraming kaugnay na mga hayop. Ang mga ito ay pinagmamasdan ng mga tao habang nag-iisnorkel o sumisisid sa kaibuturan ng karagatan.

Ang mga coral reefs ay itinuturing na likas na yaman ng Pilipinas at nasa pangangalaga ng DOST at DENR.

Karamihan sa mga bahura ng pangkasalukuyang panahon ay nabuo pagkaraan ng huling panahon ng yelo nang ang natutunaw na mga yelo ay nagdulot nang pagtaas ng antas ng dagat at binaha ang mga salansan na pangkontinente. Nangangahulugan ito na ang mga bahura ng mga koral ay 10,000 mga taon na ang gulang. Habang natatatag ang mga pamayanan ng mga bahura ng koral sa ibabaw ng mga salansanan, bumubuo ang mga ito ng mga bahura na lumalaking papaitaas, na sumasabay sa pagtaas ng antas ng dagat. Ang mga bahura na hindi nakakasabay ay nagiging “mga bahurang nalunod”, na natakpan ng napakaraming tubig kung kaya’t walang sapat na liwanag para sa patuloy na pag-iral.[1]

Matatagpuan din ang mga bahura ng koral sa kalaliman ng dagat na malayo mula sa mga salansanang pangkontinente, sa paligit ng mga kapuluang pangkaragatan at bilang mga karang. Ang halos karamihan ng pangkaragatan na mga kapuluan ng mga bulaklak na bato na ganito ay may pinagmulang bulkan. Ang ilang mga hindi pagsasali sa ganitong pinagmulan ay mayroong mga pinagsimulaang tektoniko kung saan ang mga kilos ng plato ay nagpaangat sa sahig ng ilalim ng karagatan papunta sa kaibabawan.[2]

Pagpapanatili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga bahura ng mga batong bulaklak ay mga ekosistemang marupok, dahil sa ang mga koral ay nangangailangan ng maalinsangan at naliliwanagan ng araw na tubig upang mabuhay. Kadalasan silang lumalaking malapit sa itaas na bahagi ng tubig. Sa kasamaang palad, ang pagiging malapit sa lupain ay nakapagdurulot na ang mga ito ay madalas na mapinsala ng mga lason at mga dumi na nagmumula sa mga bangkat at malapit na lupain. Ang dumi ay nakapagpapalabo ng tubig, na nakakasanhi ng pagkaunti ng lumalagos na sikat ng araw. Gayon din, mahirap na mapansin ang mga ito ng mga barko, subalit madaling matamaan, na nakapagsasanhi ng pagdaan ng mga bapor sa mga koral, na nakakapinsala kapwa ng mga bangka at ng mga koral. Ang mga lason na nakapagpapakula at nakapagpapaputi ay nakapapatay ng mga koral. Dahil dito, maraming mga bansa ang sumusubok na pakauntiin ang mga uri ng mga gusali na karaniwang itinatayo na malapit sa mga baybayin na mayroong mga bahura ng mga bulaklak na bato, at nagbibigay ng babala na mag-ingat ang mga Bangka na nagpupunta sa paligid ng mga bahura.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Coral reef The Encyclopedia of Earth, isinapanahon noong Pebrero 27, 2009.
  2. Darwin, Charles (1842), The structure and distribution of coral reefs. Being the first part of the geology of the voyage of the Beagle, under the command of Capt. Fitzroy, R.N. during the years 1832 to 1836, London: Smith Elder and Co
  3. Mulhall M (2007) Saving rainforests of the sea: An analysis of international efforts to conserve coral reefs Naka-arkibo 2010-01-06 sa Wayback Machine. Duke Environmental Law and Policy Forum 19:321–351.










ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Bahura_ng_mga_bulaklak_na_bato

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy