Content-Length: 156830 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Lyon

Lyon - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Lyon

Mga koordinado: 45°45′32″N 4°50′29″E / 45.7589°N 4.8414°E / 45.7589; 4.8414
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lyon

Lyon
Lugdunum
commune of France, commune of France with specific status, big city, college town
Watawat ng Lyon
Watawat
Eskudo de armas ng Lyon
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 45°45′32″N 4°50′29″E / 45.7589°N 4.8414°E / 45.7589; 4.8414
Bansa Pransiya
LokasyonMetropolis of Lyon, Auvergne-Rhône-Alpes, Metropolitan France, Pransiya
Bahagi
Pamahalaan
 • mayor of LyonGrégory Doucet
Lawak
 • Kabuuan47.87 km2 (18.48 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Enero 2021, Senso)
 • Kabuuan522,250
 • Kapal11,000/km2 (28,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00
Plaka ng sasakyan69
Websaythttps://www.lyon.fr/

Ang Lyon ( /lˈɒn/; Pagbigkas sa Pranses: [ljɔ̃]  ( pakinggan), locally: [lijɔ̃]; Padron:Lang-frp Padron:IPA-frp; historikal na binabaybay bilang Lyons) ay isang siyudad sa silangang sentral na Pransiya sa rehiyong Rhône-Alpes na matatagpuan sa pagitan ng Paris at Marseille. Sa etimolohiya, ito ay nauugnay sa diyos na Keltikong Lugoves, Lugh, Laon at Leiden. Ang Lyon ay matatagpuang mga 470 km (292 mi) mula sa Paris, 320 km (199 mi) mula sa Marseille, 420 km (261 mi) mula sa Strasbourg, 160 km (99 mi) mula sa Geneva, 280 km (174 mi) mula sa Turin. Ang mga residente ng siyudad na ito ay tinatawag na mga Lyonnais.

Ang populsyon ng Lyon ay 484,344 (2010). Kasama ng mga suburb at mga bayang satellite nito, ang Layon ang bumubuo ng pinakamalaking conurbation sa Pransiya sa labas ng Paris na may populasyong mga 1,551,228 (2010);[kailangan ng sanggunian] its overall metropolitan area was estimated to have a population of 2,118,132.[kailangan ng sanggunian] Ang rehiyong urbano nito ay kumakatawan sa kalahati ng populasyon ng rehiyong Rhône-Alpes na may 2.9 milyong naninirahan.[1] Ang Lyon ang kabisera ng rehiyong ito gayundin ang kabisera ng mas maliit na Rhône département.

Ang siyudad na ito ay kilala para sa mga palatandaang historikal at arkitektural at tinuturing na isang UNESCO World Heritage Site. Ang Lyon ay makasaysayang kilala bilang isang mahalagang pook para sa produksiyon at paghahabi ng seda at sa modernong panahon ay nagkaroon ng reputasyon bilang kabisera ng gastronomiya sa Pransiya. Ito ay may malaking papel sa kasaysayan ng pelikula dahil kay Auguste and Louis Lumière na nag-imbento ng cinematographe sa Lyon. Ang siyudad ay kilala sa sikat nitong pistang liwanag na 'Fête des Lumières' na nangyayari kada Disyembre 8 at tumatagal ng 4 na araw na nagbigay ng pangalan ditong Kabisera ng mga Liwanag. Ang isang alamat ay nagsasalaysay na si Birheng Maria ay nagligtas sa siyudad mula sa isang salot at bilang pasalamat ay nagtayo ng isang rebulto sa kanya. Sa ekonomiya, ang Lyon ay isang pangunahing sentro ng pagbabangko gayundin sa mga industriyang kimikal, parmasyutikal at biotech. Ang siyudad ay naglalaman ng malaking industriyang software na may partikular na pagtutuon sa mga video game.[2] Ang Lyon ang kinaroroonan ng mga internasyonal na headquarters ng Interpol, Euronews at International Agency for Research on Cancer. Sa ilang mga sukatan, ang Lyon ay may ranggong ika-2 sa Pransiya bilang isang sentrong pang-ekonomiya at sentrong kombensiyon.[3] Lyon was ranked 8th globally and 2nd in France for innovation in 2011.[4] Ito ay may ranggong ika-2 sa Pransiya at ika-38 sa buogn mundo sa Mercer's 2010 liveability rankings.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Chiffres-clés de la population". Région urbaine de lyon. Nakuha noong 18 Nobyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Lyon entrepreneurship, Lyon company, Invest Lyon – Greater Lyon". Business.greaterlyon.com. Nakuha noong 3 Abril 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-09. Nakuha noong 2013-09-06.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Innovation Cities Top 100 Index, 2011". Innovation Cities Program. 18 Oktubre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Septiyembre 2013. Nakuha noong 22 Nobyembre 2012. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Lyon

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy