Content-Length: 108095 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Martir

Martir - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Martir

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang martir (Ingles: martyr; Griyego: μάρτυς, mártys, "saksi"; tangkay na salita: μάρτυρ-, mártir-) ay isang tao na dumanas ng kahirapan dahil sa pag-uusig at kamatayan dahil sa pagtanggi upang talikuran, o tanggapin, ang isang pananampalataya o layunin, na karaniwang panrelihiyon, o ibang dahilan na hiningi ng isang partidong panlabas.

Sa kuwento ng pagiging martir ng pamayanang umaalala, nagresulta ang pagtangging ito na sumunod sa ipinakitang pangangailangan ng parusa o pagbitay sa isang indibiduwal ng isang mapang-api. Kaya, ang katayuan ng 'martir' ay maaring ituring isang titulong postumo bilang isang gantimpala para sa mga tinuturing na karapat-dapat sa konsepto ng pagiging martir ng nabubuhay, hindi alintana ang kahit anumang pagsubok ng namatay na ikontrol kung paano sila aalalahanin noong nabubuhay pa sila.[1] Sa ngayon, ang martir ay isang taong relasyonal ng isang lipunang may ginawang paghahati na nagagawa ng memoryang kolektibo.[2] Orihinal na nailalapat sa mga nagdusa para sa kanilang paniniwalang relihiyon, ginagamit na ang katawagan na may koneksyon na ngayon sa mga taong pinatay dahil sa politika.

Karamihan sa mga martir ay tinuturing banal o nirerespeto ng kanilang mga tagasunod, na naging simbolo ng pambihirang pamumuno at kabayanihan sa pagharap sa mahihirap na kalagayan. Gumaganap ang mga martir ng mahalagang gampanin sa mga relihiyon. Katulad nito, mayroong kapansin-pansing epekto ang mga martir sa buhay sekular, kabilang ang mga indibiduwal tulad ni Socrates, bukod sa ibang halimbawang pampolitika at pangkalinangan.

Sa orihinal na kahulugan, ang salitang martir, nangangahulugang saksi, ay ginagamit sa mundong sekular gayon din sa Bagong Tipan ng Bibliya.[3] Hindi nilayon ng proseso ng pagsaksi na humantong sa pagkamatay ng saksi, bagaman, alam na mula sa mga sinaunang manunulat (halimbawa si Flavio Josefo) at mula sa Bagong Tipan na kadalasang namamatay ang mga saksi para sa kanilang mga testimonya.

Noong unang mga siglo ng maagang Kristiyanismo, nakuha ng katawagan ang pinalawak na kahulugan ng mga mananampalataya na tinawag maging saksi para sa kanilang paniwala at dahil sa saksing ito, tiniis ang pagdurusa o kamatayan.

Ang mga unang Kristiyano na unang ginamit ang katawagang martir sa bagong kahulugan nito ay nakitang si Jesus bilang ang una at pinakadakilang martir, sa salaysay ng kanyang pagkapako sa krus.[4][5][6] Mukhang nakikita ng unang mga Kristiyano si Jesus bilang ang arketipong martir.[7]

Ginagamit ang salitang martir upang isalarawan ang iba't ibang uri ng tao. Bagaman, pinapaktia ng sumusunod na tala ang isang pangkalahatang balangkas ng karaniwang katangian sa mga estereyotipikong pagiging martir.

Karaniwang tampok ng estereyotipikong pagiging martir[8]
1. Isang bayani Isang taong kilalang nakatuon sa isang layunin na pinaniniwalaang kahanga-hanga.
2. Oposisyon Mga taong sumasalungat sa mga layuning iyon.
3. Nakikinita-kinita na panganib Nakini-kinita ng bayani ang aksyon ng mga kalaban upang saktan siya, dahil sa kanyang pangako sa layunin.
4. Lakas ng loob at pangako Nagpatuloy ang bayani, sa kabila ng kaalaman ng panganib, dahil sa pangako sa layunin.
5. Kamatayan Pinatay ng mga kalaban ang bayani dahil sa kanyang pangako sa layunin.
6. Tugon ng madla Ang pagkamatay ng bayani ay ginunita. Maaaring tahasang maglagay ang mga tao ng marka sa bayani bilang isang martir. Ang iba pang mga tao ay maaaring magkaroon ng inspirasyon upang ituloy ang parehong layunin.

Martir na asawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa katawagang Pilipino, ang martir ay ginagamit din bilang pantukoy sa isang asawa (mapalalaki o mapababae) na matiisin sa kabiyak na masama ang ugali.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gölz, Olmo "Martyrdom and the Struggle for Power. Interdisciplinary Perspectives on Martyrdom in the Modern Middle East.", Behemoth 12, no. 1 (2019): 2–13, 5. (sa Ingles)
  2. Gölz, Olmo "The Imaginary Field of the Heroic: On the Contention between Heroes, Martyrs, Victims and Villains in Collective Memory." Naka-arkibo 2020-01-03 sa Wayback Machine. In helden.heroes.héros, Special Issue 5: Analyzing Processes of Heroization. Theories, Methods, Histories. Ed. by N Falkenhayner, S Meurer and T Schlechtriemen (2019): 27–38, 27. (sa Ingles)
  3. Tingnan ang halimbawa ni Alison A. Trites, The New Testament Concept of Witness, ISBN 978-0-521-60934-0. (sa Ingles)
  4. Frances M. Young, The Use of Sacrificial Ideas in Greek Christian Writers from the New Testament to John Chrysostom (Eugene, OR: Wipf & Stock, 2004), pp. 107. (sa Ingles)
  5. Sinulat ni Eusebio tungkol sa mga unang Kristiyano: "They were so eager to imitate Christ ... they gladly yielded the title of martyr to Christ, the true Martyr and Firstborn from the dead." Eusebius, Church History 5.1.2. (sa Ingles)
  6. Naniniwala ang mga iskolar na sinulat ang Pahayag noong panahon nang ang salita para sa saksi ay nagiging iba ang kahulugan sa pagiging martir. Isinasalarawan ng Pahayag ang ilang saksing Kristiyano nakakabit sa katawagang martir (Pahayag 17:6, 12:11, 2:10–13), at sinasalarawan si Jesus sa parehong paraan ("Si Hesukristo, ang tapat na saksi/martir sa Pahayag Rev 1:5, at gayon di sa Pahayag 3:14).
  7. A. J. Wallace and R. D. Rusk, Moral Transformation: The Original Christian Paradigm of Salvation (New Zealand: Bridgehead, 2011), pp. 217–229. (sa Ingles)
  8. From A. J. Wallace and R. D. Rusk, Moral Transformation: The Original Christian Paradigm of Salvation (New Zealand: Bridgehead, 2011), pp. 218. (sa Ingles)
  9. "Martir na misis ng babaerong asawa gagawin ang lahat maging buo lang ang pamilya". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-24.








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Martir

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy