Content-Length: 154072 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Papa_Leo_VII

Papa Leo VII - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Papa Leo VII

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Leo VII
Nagsimula ang pagka-Papa3 January 936
Nagtapos ang pagka-Papa13 July 939
HinalinhanJohn XI
KahaliliStephen VIII
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakan???
KapanganakanUnknown
Yumao(939-07-13)13 Hulyo 939
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Leo

Si Papa Leo VII o Papa León VII (namatay noong 13 Hulyo 939) ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 3 Enero 936 hanggang sa kanyang kamatayan noong 939.[1] Ang kanyang pagkahalal sa pagkapapa ay nakuha ni Alberiko II ng Spoleto na pinuno ng Roma sa panahong ito. Ninais ni Alberiko na pumili ng papa upang ang kapapahan ay patuloy na sumuko sa kanyang kapangyarihan. Si Leo ay isang pari ng simbahan ng San Sisto Vecchio sa Roma at pinaniniwalaang isang mongheng Benediktino. Siya ay may kaunting ambisyon sa pagkapapa ngunit pumayag sa pagpipilit na maging papa. Bilang papang Romano Katoliko, siya ay naghari lamang sa loob ng 3 taon. Ang karamihan ng kanyang mga bull ng papa ay mga pagkakaloobi ng mga pribilehiyo sa mga monasteryo lalo na sa Abbey ng Cluny. [2] Tinawag ni Leo si Odo ng Cluny upang mamagitan sa pagitan nina Alberiko at [[Hugh ng Italya na amain ni Alberiko na Hari ng Italya. Si Odo ay naging matagumpay sa negosiasyon ng isang tigil away pagkatapos isaayos ang isang kasal sa pagitan ng anak na babae ni Hugh at Alberiko. Si Leo CII ay humirang rin kay Frederick, Arsobispo ng Mainz bilang isang repormer ng Alemanya. Pinayagan ni Leo si Frederick na palayasin ang mga Hudyo na tumangging magpabautismo ngunit hindi niya ininderso ang isang sapilitang bautismo ng mga Hudyo.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 9th edition (1880s) of the Encyclopædia Britannica
  2. "Pope Leo VII" from New Advent Catholic Encyclopedia
  3. Popes Through The Ages by Joseph Brusher S. J.

Katolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Papa_Leo_VII

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy