Langit (meteorolohiya)
Ang langit ay isang walang harang na tanaw pataas mula sa ibabaw ng Daigdig. Kabilang dito ang atmospera at kalawakan. Maaring din na ituring ito na isang lugar sa pagitan ng lupa at ng kalawakan, kaya, naiiba sa kalawakan.
Sa larangan ng astronomiya, tinatawag din itong esperong selestiyal. Isa itong esperong abkstrak, konsentriko sa Daigdig, na kung saan lumilitaw na parang umaagos ang araw, buwan, mga planeta, at mga bituin. Nakasanayang hinahati ang esperong selestiyal sa itinalagang lugar na tinatawag na mga konstelasyon.
Kadalasan, impormal na tumutukoy ang langit sa isang perspektibo mula sa ibabaw ng Daigdig; bagaman, maaring iba't iba ang kahulugan at gamit. Maaring makita ng isang nagmamasid sa ibabaw ng Daigdig ang isang maliit na bahagi ng langit, na katulad ng isang simboryo (na tinatawag minsan bilang sky bowl o mangkok na langit) na lumilitaw na mas pantay tuwing araw kaysa gabi.[1] Sa ilang mga kaso, tulad ng pagtalakay sa lagay ng panahon, tumutukoy ang langit sa mas mababa, mas siksik na patong ng atmospera lamang.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Baird, J. C.; Wagner, M. (1982). "The moon illusion: I. How high is the sky?". Journal of Experimental Psychology: General (sa wikang Ingles). 111 (3): 296–303. doi:10.1037/0096-3445.111.3.296. PMID 6215460.