Bangko sa Lupa ng Pilipinas
Itsura
Logo of Landbank | |
Uri | Kompanyang pampanahalaan |
---|---|
Industriya | Pananalapi at Seguro |
Itinatag | Maynila, Pilipinas (1963) |
Punong-tanggapan | Maynila, Pilipinas |
Pangunahing tauhan | Margarito B. Teves, Tagapangulo Gilda E. Pico, Ikalawang Tagapangulo, Pangulo at Punong Opisyal sa Tagapagpaganap (CEO) |
Produkto | Serbisyong pananalapi |
Kita | PHP 2.45 bilyon (3Q 2005) [1] |
Dami ng empleyado | 7,954 |
Website | www.landbank.com |
Ang Bangko sa Lupa ng Pilipinas (Landbank) (Inggles: Land Bank of the Philippines) ay isa sa mga pinakamalaking bangko sa Pilipinas, bilang ika-apat sa kalakihan ng mga pangangari (assets). Ang mga tipikong kliyente ng Landbank ay ang mga magsasaka at mangingisda dahil ang Pilipinas ay mayroong isang ekonomiya na naka-base sa pagsasaka. Nagbibigay ito ng serbisyo ng isang bangkong panlahatan (universal bank), subali't ito ay isang natatanging bangkong pampamahalaan (specialized government bank) na may lisensya bilang isang bangko panlahatan. Dahil sa kalakihan ng bangko, ang Landbank ay ang pinakamalaking bangko kung saan ang may-ari ay ang pamahalaan. Ito rin ay isa sa mga pinakamalaking pampublikong kompanya sa Pilipinas.