Wikang Kastila
Espanyol, Kastila | |
---|---|
español, castellano | |
Bigkas | /espaˈɲol/, /kasteˈʎano/ - /kasteˈʝano/ |
Rehiyon | Mga bansa at teritoryo na gumagamit ng Espanyol: Argentina, Bolivia, Chile, Colombia, Costa Rica, Cuba, Republikang Dominikano, Ecuador, El Salvador, Equatorial Guinea, Guatemala, Honduras, Mexico, Nicaragua, Panama, Paraguay, Peru, Puerto Rico, Espanya, Uruguay, Venezuela, Western Sahara at may kapansin-pansing bilang ng populasyon sa Andorra, Belize, Gibraltar, Pilipinas, at Estados Unidos. |
Mga natibong tagapagsalita | Pangunahing wikaa: 450[1]– c. 400 million[2][3][4] Kalahatan a: 400–500 milyion[5][6][7] aLahat ng mga bilang ay humigit-kumulang lamang. |
Latin (Halaw sa Kastila) | |
Opisyal na katayuan | |
22 mga bansa, Nagkakaisang mga Bansa, Unyong Europeo, Organisasyon ng mga Amerikanong Estado, Unyong Latin | |
Pinapamahalaan ng | Asosasyon ng Mga Akademya ng Wikang Kastila (Real Academia Española at ng iba pang 21 mga akademya ng pambansang wikang Espanyol) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | es |
ISO 639-2 | spa |
ISO 639-3 | spa |
Ang Kastila o Espanyol ay isang wikang Romanse na umunlad mula sa kolokyal na Latin na kasapi sa angkan ng mga wika na Indo-europeo. Ito ay kabilang sa pangkat ng Iberian at nagmula sa “Castilla”, ang kaharianang medyebal ng Tangway ng Iberia. Nagbuhat sa Espanya at ngayon ay ang pangunahing wika ng Amerikang Ispano.
Ito ang Ikalawa sa pinakasinasalitang kong wika sa buong mundo kasunod lamang ng Tsino, at pang-apat na pinakasinasalitang wika sa buong mundo sa pangkalahatan pagkatapos ng Ingles, Tsino at Hindi. Ang Kastilá din ang pangatlong ginagamit na wika sa mga website sa internet pagkatapos ng Ingles at Tsino.
Pangunahing sinasalita ang wika sa Espanya at Amerikang Ispano, pati na rin sa mga pamayanan na nagsasalita ng Kastila na naninirahan sa iba't-ibang mga bansa, sa Nangagkakaisang Bayan ng Amerika na may humigit-kumulang na 40-milyong tagapagsalita. Sa ilang mga bansa na dati ay nasa ilalim ng pamamahala ng Espanya kung saan ang Kastilà ay hindi na ang karamihan o opisyal na wika, patuloy nitong pinapanatili ang malaking kahalagahan sa pang-kultura, kasaysayan at madalas na pangwika na kahulugan, na naging kaso ng Pilipinas at ilang mga isla ng Karibe.
Ito ay isa sa anim na opisyal na wika ng Nangagkakaisang Bansa. Ito rin ay isang opisyal na wika sa maraming pangunahing mga organisasyong pangdaigdig - ang Unyong Europeo, ang Unyong Aprikano, ang Organisasyon ng mga Estadong Amerikano, ang Organisasyon ng Estadong Ibero-Amerikano, ang Kasunduan sa Malayang Kalakalan ng Hilagang Amerikano (NAFTA), at iba pa.
Klasipikasyon
Ang wikang Kastilà ay myembro ng sangay na pamilya ng Romanse ng pamilya ng mga wikang Indo-Europeo at isa sa mga wikang nag-ugat sa Latin.
Ponolohiya
Madaling maiaangkop ang ponolohiya ng Tagalog sa Kastila. Gayumpaman, ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga pinakamahalagang pagkakaiba:
(base sa Wastong Pambalitang Kastila ng Mehiko)
- Ang eu ay binibigkas na /ew/ at hindi /e·u/ o /yu/: eucaristía /ew·ka·ris·tí·ya/.
- Ang güe at güi ay binibigkas na /gwe/ at /gwi/: Argüelles /ar·gwé·lyes/, pingüino /ping·gwí·no/.
- Hindi binibigkas ang h, maliban kung kasunod ng c: historia /is·tor·ya/, pero coche /kó·tse/.
- Ang ng ay binibigkas na /ng·g/ at hindi /ng/: inglés /ing·glés/, tango /táng·go/, fritanga /fri·táng·ga/, singapur /sing·ga·pur/.
- Magkasintulad ang bigkas ng v sa b at hindi ito binibigkas nang /v/: voluntario /bo·lun·tá·ryo/.
- Ang w ay maaaring bigkasin na /v/ o /gw/: Walhala /val·á·la/, whisky /vís·ki/ o /gwís·ki/, wafle /vá·fle/ (karaniwan sa mga salitang-hiram lamang; hindi ito katutubong titik)
- Ang z ay hindi binibigkas na /z/, kundi bílang /s/ (o /th/ sa hilagang Espanya).
Hindi likás sa wikang Kastila ang mga titik k at w.
Balarila
Talasalitaan
Espanyol | Tagalog | Pagbigkas |
---|---|---|
mundo | daigdig | [mun-do] |
canción | awit | [kan-syon] |
teléfono | pantawag | [te-le-fono] |
agua | tubig | [ag-wa] |
fuego | apoy | [fwe-go] |
libro | aklat/pluma | [li-bro] |
lápiz | panulat | [la-pis] |
casa | bahay | [ka-sa] |
cama | tulugan | [ka-ma] |
vida | búhay | [bi-da] |
papel | kalastas | [pa-pel] |
cocina | lutuan | [ko-si-na] |
padre | ama | [pa-dre] |
madre | ina | [ma-dre] |
niño | laláki | [nin-yo] |
niña | babae | [nin-ya] |
comida | pagkain | [ko-mi-da] |
grande | malaki | [gran-de] |
pequeño | maliit | [pe-ken-yo] |
noche | gabí | [no-tse] |
mañana | umaga | [man-ya-na] |
día | araw | [di-ya] |
mes | buwan | [mes] |
enero | Sapar | [e-ne-ro] |
febrero | Pebrero | [feb-re-ro] |
marzo | Marso | [mar-so] |
abril | Abril | [ab-ril] |
mayo | Mayo | [ma-yo] |
junio | Hunyo | [hun-yo] |
julio | Hulyo | [hul-yo] |
agosto | Agosto | [a-gos-to] |
septiembre | Ramadlan | [sept-yem-bre] |
octubre | Oktubre | [ok-tub-re] |
noviembre | Nobyembre | [no-wiem-bre] |
diciembre | Disyembre | [di-syem-bre] |
lunes | lunes | [lu-nes] |
martes | martes | [mar-tes] |
domingo | linggo | [do-min-go] |
pero | ngunit/subalit/marahil | [pe-ro] |
porque | kasi | [por-ke] |
pero | ngunit/subalit/marahil | [pe-ro] |
para | para | [pa-ra] |
Distribusyong heograpiko at mga diyalekto
Ang Kastila ay isa sa mga wikang opisyal ng Nangagkakaisang Bansa, Unyong Europeo at Unyong Aprikano.
Ang Mehiko ang may pinakamaraming tagapagsalita nito na nasa bílang na 100 milyon. Ang sumunod ay ang mga bansang Kolombiya (44 milyon), Espanya (41 milyon), Arhentina (39 milyon) at Estados Unidos (30 milyon).
Kastila ang opisyal at pinakamahalagang wika sa 21 mga bansa: Arhentina, Bulibiya (koopisyal sa Aymara), Tsile, Kolombiya, Kosta Rika, Kuba, Ekwador, El Salvador, Espanya (koopisyal sa Katalan, Galisyano at Basko), Guwatemala, Gineang Ekwatoriyal, Honduras, Mehiko, Nicaragua, Panama, Paraguay (koopisyal sa Guaraní), Kanluraning Sahara, Peru (koopisyal sa Quechua at Aymara), Puerto Rico, Republikang Dominikano, Urugway at Beneswela.
Ito ay mahalaga at ginagamit, ngunit walang opisyal na status, sa Andorra at Belize.
Ito ay ginagamit ng karamihan sa mga taga-Hibraltar (na inaangkin ng Espanya), pero ang Inggles ang nananatiling tanging opisyal na wika ng kolonya.
Sa Estados Unidos—na walang kinikilalang tanging opisyal na wika—ang Kastila ay ginagamit ng ¾ ng populasyon nitong Ispano. Ito rin ay pinag-aaralan at ginagamit ng maliit ngunit mabilis na lumalaking bahagi ng populasyong di-Ispano nito bunga ng pag-usbong ng negosyo, komersyo, at politikang Ispano.
Ang Kastila ay may mga tagapagsalita rin sa Antilyas ng Nederlandiya, Aruba, Canada, Israel (kapwa Kastila at Ladino o Hudeokastila), Kanluraning Sahara, hilagang Maruekos, Trinidad at Tobago, Turkiya (Ladino), at US Virgin Islands.
Sa Brasil, kung saan ang salita ay Portuges, ang wikang Kastila ay nagiging pangalawa o pangatlong wika sa mga kabataang estudyante at propesyonal. Ang popularidad nito sa bansa ay dahil na rin sa maraming pagkakahalintulad ang dalawang wika at pati na rin sa halos lahat ng karatig bansa ng Brasil ay Kastila ang gamit.
Sa Pilipinas, kung saan ang paggamit nito ay bumababa ng husto sa mga nakalipas na dekada, tinanggalan ng opisyal na status ang wikang Kastila noong 1973. Bagamat tadtad ng katutubong salita at Inggles ang mga wika sa Pilipinas, nanatili pa rin ang Kastila sa wika tulad ng sistema ng pagbibilang, pananalapi, pagsasabi ng oras, ng edad, atbp. Pati ang sistemang kalendaryo ng Pilipinas ay isang bersyon ng Kastila. Gayunpaman, ang natatanging kryolyong Kastila-Asyatiko, ang Wikang Zamboangueño o Wikang Chavacano ng Zamboanga at Wikang Caviteno o Chavacano ng Cavite, ay ginagamit ng 292 630 mga Pilipino (senso ng 1990) sa ilang rehyon sa isla ng Mindanao at sa isang rehyon sa kalapit-timog ng Maynila sa isla ng Luzon. Ang ibang mga wika sa Pilipinas ay naglalaman din ng maraming hiram na salitang Kastila.
Mga bansang may mga populasyon ng mga Hispaniko | |
---|---|
Alphabetical Order | Bílang ng mga tagagamit |
|
|
Mga panghalip Tagalog sa Ingles at Kastila
Iminumungkahing mailipat ang bahagi na ito sa Talaan ng mga salitang Filipino mula sa Wikang Kastila. (usapan) |
syon -> tion/sion -> ción/sión
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
aksiyon | action | acción | kilos |
aplikasyon | application | aplicación | |
bersiyon | version | versión | |
depinisyon | definition | definición | kahulugan |
deklarasyon | declaration | declaración | panunumpa |
deliberasyon | deliberation | deliberación | |
direksiyon | direction | dirección | |
donasyon | donation | donación | kaloob, ambag |
edukasyon | education | educación | pag-aaral |
eleksiyon | election | elección | halalan |
eksplorasyon | exploration | exploración | paggalugad |
impormasyon | information | información | kabatiran |
kalkulasyon | calculation | cálculo | |
klasipikasyon | classification | clasificación | pag-uuring |
kumbensiyon | convention | convención | kapulungan |
kombersyon | conversion | conversión | pagbabagong-loob |
komisyon | commission | comisión | |
komunikasyon | communication | comunicación | pahatiran |
koneksiyon | connection | conexión | ugnayan |
kontribusyon | contribution | contribución | ambag |
konstitusyon | constitution | constitución | saligang batas |
korupsiyon | corruption | corrupción | pangungurakot |
kumpirmasyon | confirmation | confirmación | |
pinalisasyon | finalization | finalización | pagtapos |
polusyon | pollution | polución | karumihan |
posisyon | position | posición | katungkulan |
punsiyon | function | función | tungkulin |
reserbasyon | reservation | reserva | pasubali |
rebolusyon | revolution | revolución | himagsikan |
seksiyon | section | sección | pangkat |
sitwasyon | situation | situación | kalagayan |
sirkulasyon | circulation | circulación |
dad -> ty -> dad
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
unibersidad | university | universidad | pamantasan |
kalidad | quality | calidad | |
kantidad | quantity | cantidad | dami |
realidad | reality | realidad | katotohanan |
aktuwalidad | actuality | actualidad |
ismo -> ism -> ismo
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
organismo | organism | organismo | tataghay/mayuhay |
komunismo | communism | comunismo | kalamaan |
sosyalismo | socialism | socialismo | malalipunan |
liberalismo | liberalism | liberalismo | makaharlika |
kapitalismo | capitalism | capitalismo |
ista -> ist -> ista
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
sosyalista | socialist | socialista | |
peryodista | journalist | periodista | mamamahayag |
piyanista | pianist | pianista |
iko -> ic -> ico
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
demograpiko | demographic | demográfico | |
heograpiko | geographic | geográfico | |
fotograpiko | photographic | fotográfico | |
diplomatiko | diplomatic | diplomático | |
awtomatiko | automatic | automático | |
publiko | public | público |
isasyon -> isation -> ización
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
organisasyon | organisation | organización | kasapian |
sosyalisasyon | socialisation | socialización | pagsasapanlipunan |
o -> cian -> o
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
politiko | politician | político |
te -> t -> te
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
bakante | vacant | vacante | |
independiyente | independent | independiente | malaya, nagsasarili |
dependiyente | dependent | dependiente | |
konstante | constant | constante | |
pasaporte | passport | pasaporte |
yal -> ial -> ial
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
industriyal | industrial | industrial | pangkapamuhayan |
materyal | material | material |
wal -> ual -> ual
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
indibidwal | individual | individual | sarili |
bilingguwal | bilingual | bilingüe | dalwikaan |
ulo/ro -> le/re -> ulo/ro
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
prinsipyo | principle | principio | simulain, alituntunin |
artikulo | article | artículo | |
partikulo | particle | partícula | |
sirkulo | circle | círculo | bilog |
litro | litre | litro | |
metro | metre | metro | |
teatro | theatre | teatro | dulaan |
miyembro | member | miembro | kasapi |
ya -> y -> ia
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
monarkiya | monarchy | monarquía | karahahan |
anarkiya | anarchy | anarquía | |
ekonomiya | economy | economía | |
pamilya | family | familia | angkan |
demokrasya | democracy | democracia | madlakasan |
historya | history | historia | kasaysayan |
memorya | memory | memoria | alaala |
impluwensiya | influence | influencia | |
industriya | industry | industria | |
sekretarya | secretary | secretaria | kalihim |
Pinlandiya | Finland | Finlandia | |
Taylandiya | Thailand | Tailandia | Ayuttaya |
Islandiya | Iceland | Islandia | |
demograpiya | demography | demografía | |
heograpiya | geography | geografía | |
fotograpiya | photography | fotografía | |
biyolohiya | biology | biología | haynayan |
ponolohiya | fonology | fonología | palatunugan |
titik + yo -> letter -> letra + io
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
kalendaryo | calendar | calendario | talaarawan |
komentaryo | commentary | comentario | |
boluntaryo | voluntary | voluntario | kusang-loob |
titik + a -> letter + e -> letra + a
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
kultura | culture | cultura | kalinangan |
estruktura | structure | estructura |
titik + o -> letter -> letra + o
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
konsepto | concept | concepto | |
diyalekto | dialect | dialecto | |
símbolo | symbol | símbolo | sagisag |
proseso | process | proceso | |
argono | argon | argón | |
karbono | carbon | carbono | |
kriptono | cripton | criptón | |
neono | neon | neón | |
atomo | atom | átomo | |
kongreso | congress | congreso | |
kritiko | critic | crítico | manunuri |
Kataliwasan
Kastilang Tagalog | Ingles | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
titik + a -> letter -> letra + a | |||
musika | music | música | tugtugin |
pulitika/politika | politic | política | |
problema | problem | problema | suliranin |
programa | programme | programa | |
sistema | system | sistema | pamamaraan |
alarma | alarm | alarma | hudyat |
prutas | fruit | fruta | bunga |
tableta | tablet | tableta | |
matematika | mathematics | matemáticas | sipnayan |
pisika | physic | física | liknayan |
kimika | chemistry | química | kapnayan |
titik + o -> letter + e -> letra + o | |||
telepono | telephone | teléfono | hatinig |
senado | senate | senado | |
lehislatibo | legislative | legislativo | |
administratibo | administrative | administrativo | |
uniberso | universe | universo | sansinukob |
imberso | inverse | inverso | kabaligtaran |
Tingnan din
- Balarilang Espanyol
- Kastilang Rioplatense
- Wikang Kastila sa Pilipinas
- mga loanwords mula sa Wikang Kastila sa Wikang Tagalog
Talasanggunian
- ↑ "Encarta-Most spoken languages". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-31. Nakuha noong 2008-12-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ciberamerica-Castellano". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-04. Nakuha noong 2008-12-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "El Nuevo Diario". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-04. Nakuha noong 2008-12-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Terra Noticias
- ↑ Universidad de México[di-maaasahang pinagmulan?]
- ↑ Instituto Cervantes ("El Mundo" news)
- ↑ "Yahoo Press Room". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-26. Nakuha noong 2008-12-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Spanish". ethnologue.
- ↑ Pinakawiniwikang mga wika, Nations Online
- ↑ Pinakawiniwikang mga wika Naka-arkibo 2008-10-06 sa Wayback Machine., Ask Men
- ↑ "Mga wika ng Encarta na winiwika ng mahigit sa 10 milyong mga tao". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-31. Nakuha noong 2008-12-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
- Learn to Speak Spanish FAST Naka-arkibo 2015-05-09 sa Wayback Machine., malaman espanyol
- Learn Spanish, libreng online na tyutoryal
- Kurso Espanyol gratis, Matuto kang magsalita ng Espanyol
- Spanish 101, Kastila para sa mga baguhan at manlalakbay (sa Inggles)
- Diksiyonaryo ng wikang Kastila, mula sa Real Academia Española
- Instituto Cervantes, kapisanang internasyonal na may hangaring ituro ang Kastila bílang pangalawang wika
- Makinig sa Kastilang Rioplatense
- Spanish Tuition, OnetoOneSpanish.co.uk - Dagdagan ang Espanyol balarila at kultura online.
- Spanish to English Naka-arkibo 2017-08-08 sa Wayback Machine. pagsasalin
- All articles lacking reliable references
- Articles lacking reliable references (Marso 2008)
- Languages with ISO 639-2 code
- Languages with ISO 639-1 code
- Language articles missing Glottolog code
- Mga artikulong hahatiin
- Lahat ng artikulong hahatiin
- Artikulong may bahaging ililipat
- Lahat ng artikulong may bahaging ililipat
- Wikang Kastila
- Mga wika ng Mexico