Pumunta sa nilalaman

Acab

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ahab)
Huwag ikalito kay Kapitan Ahab na isang kathang-isip na tauhan sa kuwentong Moby-Dick.
Ahab
guhit na Promptuarium Iconum Insigniorum
Kaharian ng Israel (Samaria)
Sinundan Omri, ama
Sumunod Ahazias, anak
Anak
Ama Omri
Kamatayan Ramoth-Gilead, Syria
Libingan Kaharian ng Israel (Samaria)
Pananampalataya

Si Ahab (Hebreo: אַחְאָב, Moderno: 'Aẖ'av, Tiberiano: ʼAḥʼāḇ; Acadio: 𒀀𒄩𒀊𒁍 Aḫâbbu [a-ḫa-ab-bu]; Padron:Lang-grc-koi Achaáb; Latin: Achab) ay hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) at anak ni Omri at asawa ni Jezebel. Ayon sa 1 Hari 16:29, si Ahab ay naging hari ng Israel sa ika-38 taon ni Asa ng Juda at siya ay naghari ng 22 taon. Ayon sa 1 Hari 16:30-33,"At si Ahab na anak ni Omri ay gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon na higit kay sa lahat na nauna sa kaniya.At nangyari, na wari isang magaang bagay sa kaniya na lumakad sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na siya'y nagasawa kay Jezabel, na anak ni Ethbaal na hari ng mga Sidonio, at yumaon at naglingkod kay Baal, at sumamba sa kaniya. At kaniyang ipinagtayo ng dambana si Baal sa bahay ni Baal na kaniyang itinayo sa Samaria.At gumawa si Ahab ng Ashera; at gumawa pa ng higit si Achab upang mungkahiin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa galit kay sa lahat ng mga hari sa Israel na nauna sa kanya.". Si Elias na pinuno ng mga propeta ni Yahweh ay nagpadala ng tagtuyot upang iproklama na si Yahweh ay laban kay Ahab at tinalo ni Elias ang mga propeta ni Ba'al ngunit ang pagwawagi ni Elias ay panandalian dahil napilitan siyang tumakas kay Jezebel(1 Hari 19). Pagkatapos ng kamatayan ni Ahab, siya ay sinundan siya ni Ahazias ng Israel na namatay at pagkatapos ay sinundan ni Jehoram ng Israel noong ika-18 taon ni Jehoshaphat ng Juda ayon sa 2 Hari 3:1 o sa ika-2 ng paghahari ni Jehoram ng Juda na anak ni Jehoshaphat. Si Jehoshaphat ay naghari ng 25 taon na nangangahulugan si Ahab ay namatay pagkatapos ng 9 na taon. Ayon sa 2 Kronika 18, si Ahab ay humingi ng tulong Jehoshaphat upang lumaban sa Ramoth-Gilead at dito ay napatay si Ahab.Ayon sa 2 Hari 8:16, si Jehoram ng Juda na anak ni Jehoshaphat ay naghari sa ika-4 taon ng paghahari ni Jehoram ng Israel na anak ni Ahab. Iminungkahi nina Hayes at Miller na ang dalawang Jehoram ay iisa lamang tao. Ang ilan ay nagmungkahing si Jehoram ng Juda ay naging hari ng Kaharian ng Juda nang si Jehoshaphat ay hari pa rin ng Juda ngunit nagpapalagay na si Jehoram ng Israel ay naghari ng 9 na taon lamang na salungat sa 2 Hari 3:1 na si Jehoram ng Israel ay naghari ng 12 taon. Inalis ng anak ni Ahab na si Jehoram ng Israel ang mga Ba'al na itinayo ng kanayang amang si Ahab ngunit salungat sa 2 Hari 10:25-26 na noong panahon lamang ni Jehu nang tanggalin ang mga Ba'al na itinayo ni Ahab at pinatay ni Jehu ang lahat ng kasapi ng pamilya ni Ahab kabilang Jehoram ng Israel, Jezebel at Ahazias ng Israel. Ayon sa 2 Hari 3:6, si Jehoram ng Israel ay humingi ng tulong kay Jehoshaphat upang lumaban sa mga Moabita. Ang Mesha Stele ay nagpapakita ng hegomoniya ng Israel sa Moab sa panahon ni Ahab ngunit ang Labanan sa Qarqar ay salungat sa mga salaysay ng 1 Hari 20. Sa Mga Monolitang Kurkh, isinalaysay ang paglahok ni Ahab sa koalisyong timog-Siryo puwersa na humarap sa kanya sa Orontes na nagsasalay na si Ahab ay nagsuplay ng 2,000 karro at 10,000 sundalo ngunit ayon sa 1 Hari 20, si Ahab ay inilalarawan na isang mahinang hari at basalyo ng Aram na may kakaunting mga hukbo na nagsasabing ang "hukbo ng israel" ay tulad ng dalawang maliit na kawan ng mga kambing(1 Hari 20:27) laban sa Aram. Ayon sa mga sangguniang Asiryo, si Ahab ang isang pinuno ng alyansa ng mga hari laban sa Asirya sa Qarqar sa ika-6 na taon ni Shalmaneser III (853 BCE). Pagkalipas ng kaunti sa 13 taon sa ika-18 taon ni Shalmanese, si Jehu ay naghandog ng tributo sa haring Asiryo.Ayon sa Bibliya, ang interbal sa pagitan ng 853 at 841 BCE ay bumubuo ng apat ng sekondaryang panahon, ang huling bahagi ng paghahari ni Ahab nmula sa Labanan ng Qarqar hanggang sa kanyang kamatayan; ang 2 taon ng paghahari ni Ahazias ng Israel, ang 12 taon ng paghahari ni Jehoram ng Israel at pasimula ng paghahari ni [[Jehu] mula sa kanyang kornasyon hanggang sa pagbibigay tributo sa Asirya. Ito ay bumubuo ng 13 taon samantalang ang Labanan ng Qarqar hanggang sa pagbibigay ng tributo ni Jehu ay kaunti sa 13 taon.[1]

  1. Chronology of the Kings of Israel and Judah, Gershon Galil
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy