Pumunta sa nilalaman

Kaharian ng Israel (Samaria)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kaharian ng Israel
Kaharian ng Israel sa Hilaga
Kaharian ng Samaria
𐤉𐤔𐤓𐤀𐤋[1]
a 922 BCE o c. 930 BCE–c. 723 BCE o 721 BCE
Mapa ng Israel at Judah noong ika-9 na siglo BCE, ang Kaharian ng Israel sa Samaria ay asul at Kaharian ng Juda ay dilaw.
Mapa ng Israel at Judah noong ika-9 na siglo BCE, ang Kaharian ng Israel sa Samaria ay asul at Kaharian ng Juda ay dilaw.
KatayuanKaharian
Kabisera
Karaniwang wikaHebreong Biblikal, Hebreong Israelita
Relihiyon
PamahalaanMonarkiya
King 
• ca 922-901 BCE ayon kay Albright
c. 931–910 BCE ayon kay Thiele
Jeroboam I (una)
• 732–721 ayon kay Albright
732 - 723 BCE ayon kay Thiele
Hoshea (last)
PanahonPanahong Bakal
a 922 BCE o c. 930 BCE
c. 723 BCE o 721 BCE
Kodigo sa ISO 3166IL
Pinalitan
Pumalit
Kaharian ng Israel (nagkakaisang monarkiya)
Imperyong Neo-Asirya
Bahagi ngayon ng

Ang Kaharian ng Israel o Hilagang Kaharian ng Israel o simpleng Kaharian ng Samaria(Hebreo: מַמְלֶכֶת יִשְׂרָאֵל, Moderno: Mamleḵet Yīsra'ēl, Tiberiano: Mamléḵeṯ Yīśrāʼēl) ay isang kaharian sa Sinaunang Israel noong panahong Bakal. Ayon sa Lumang Tipan ng Bibliya, ito ay isa sa dalawang kaharian na nagmula sa nakaraang umiral na Nagkakaisang Kaharian na pinamununuan nina David at Solomon. Ang historidad o pagiging totoo ng mga salaysay sa Bibliya tungkol sa kahariang ito ay patuloy na pinagdedebatihan ng mga iskolar at arkeologo.[2] Ang Kaharian ng Samaria ay winasak ng Imperyong Neo-Asiryo npong ca. 722- 720 BCE[3] kung saan pinatapon ni Haring Sargon II ng Assyria ang mga 27,290 mamamayan nito sa Mesopotamia.[4] Ang mga salaysay sa Lumang Tipan ay isinulat sa pananaw na teolohikal ng mga may-akda nito na isinulat noong mga ika-6 siglo BCE at karaniwan ay sobrang nabaluktot at sobrang malabis at lubos na maraming mga salungatan(2 Kronika at 1 at 2 Hari). Ayon sa may akda ng mga Mga Aklat ng mga Hari, ang pagkawasak ng Israel ay dahil sa kaparasuhan ng Diyos dahil sa kanilang kasamaan at politeismo. Dahil sa paglaho nito sa historikal na rekord, ito ang batayan ng paniniwala sa Nawalang Sampung Tribo ng Israel ngunit ang ilang arkeologo ay naniniwalang ang ilang mamamayan ay tumungo sa Judah.[5] Ang mga dayuhan ay pangkat ay pinaniniwalaan ng ilan na pinatira sa winasak na kaharian ng Samaria.[6]

Mga sanggunian ng kwento sa Lumang Tipan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang tinatanggap ng mga iskolar ng Bibliya ang thesis na isinulong ni Martin Noth na ang Mga Aklat ng mga Hari ay sumasalamin sa wika at teolohiya ng Aklat ng Deuteronomio na tinatawag ng mga iskolar na kasaysayang Deuteronomistiko.[7] Ayon kay Noth, ang mga salaysay sa Aklat ng mga Hari ay gawa ng isang tao na nabuhay noong ika-6 siglo BCE ngunit ang mga karamihan ng mga iskolar at historyan ay naniniwalang ito ay binubuo ng dalawang patong kung saan ang unang edisyon ay isinulat noong panahon ng hari ng Kaharian ng Juda na si Josias(huli nang ika-7 siglo BCE) na nagtataguyod ng pagbabagong pang relihiyon at pangangailangan ng kapatawaran. Ang ikalawang edisyon ay mula ika-6 siglo BCE.[8][9]

Sa Kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang pinalawig ni Ashurnasirpal II ang sakop ng Imperyong Neo-Asirya, pinalawig niya ang mga sakop nito hanggang sa Arva, Byblos, Sidon at Tyre kung saan nagpataw siya ng mga tributo sa mga ito. Dahil sa pananakop ng mga Asiryo, ang mga kaharian sa Palestina, Lebanon at Syria ay bumuo ng isang koalisyon nang ang sumunod na haring si Shalmaneser III ay sumakop sa kanluran. Sa Labanan ng Qarqar, hinarap ni Shalamaneser ang koalisyong ito kung saan ayon sa mga rekord na Asirya ay winasak ng mga Asiryo ang mga ito at nagwagi laban sa mga pinuno ng koalisyong ito na binubuo ng 12 hari kabilang ang mga hukbo ng Kaharian ng Israel (Samaria) ng haring si Ahab.

Kuwento ayon sa Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Laban sa pananakop ng mga Asiryo, ang magkaaway na mga kahariang ng Syria at Kaharian ng Israel (Samaria) ay bumuo ng alyansa(2 Hari) 22:1). Bago nito, humingi ng tulong si Ahab sa hari ng Kaharian ng Juda na si Jehoshaphat laban sa Syria(2 Kronika 18:3). Bagaman namatay si Ahab, ipinagpatuloy ni Jehoshaphat ang pakikipagtulugan sa mga hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) na sina Jehoram at Ahazias. Sa sumunod na siglo, naging basalyo ng mga Asiryo ang mga hari ng Israel at Syria. Ang hari ng Israel na si Menahem ay pumayag na maging basalyo ng Asirya na napilitang magbigay ng tributo sa Asirya ng 2000 talento ng pilak (2 Hari 15:19) o mga 36 tonelada ng pilak Si Pekah na pinuno ng hukbo ng Israel sumunggab sa trono ni Pekaiah na anak ni Menahem. Tumanggi si Pekah na maging basalyo ng Asirya at kasama ng Syria ay naghimagsik laban sa Asirya. Gayunpaman, alam nilang ang kanilang koalisyon ay walang kakayahan na talunin ang mga Asiryo at sinikap na bumuo ng koalisyon sa ibang mga bansa. Tanging ang hari ng Kaharian ng Juda na si Ahaz ang tumanggi na sumapi sa koalisyong ito. Dahil dito, sinikap nina Pekah at hari ng Syria na si Rezin na palitan si Ahaz at ilagay ang anak ng isang taong nagngangalang Tabeal(Aklat ni Isaias 7:6). Sinalakay ng dalawa ang Kaharian ng Juda(1 Cronica 28, 2 Hari 16:6). Sa takot ni Ahaz, humingi siya ng tulong sa Asirya(2 Hari 16:7-8) at nagbigay ng tributo dito. Ayon sa 2 Hari 16:9, pinatay ng hari ng Asirya si Rezin. Ito ay salungat sa 2 Cronica 28:20-21 na nagsalaysay na hindi tinulungan ng Asirya si Ahaz. Ang Israel ay naging basalyo ng Asirya. Pinatalsik ni ni Tiglath Pileser si Pekah at ipinalit si Hoshea na pumayag na maging basalyo ng Asirya. Pinatay ni Hoshea si Pekah. Pagkatapos mamatay ni Tiglath Pileser, tumanggi si Hoshea na magbigay ng tributo sa Asirya. Kinulong ng sumunod na haring si Shalmaneser V si Hoshea at kinubkob ang Kaharian ng Israel (Samaria). Ipinagpatuloy ng sumunod na haring si Sargon II ang pagsalakay sa Israel at ipinatapon ang mga mamamayan nito noong ca.722

Mga kuwentong salungat sa arkeolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kasaysayan ng Kaharian ng Israel ay batay sa Tanakh na isinulat pagkatapos ng mahabang panahon pagkatapos ng pagkakawasak nito. Ito ay batay sa mga alamat, mga anyong literaryo at mga anakronismo na matatagpuan sa Bibliya. Sa karagdagan, ang arkeolohiya ay sumasalungat sa mga salaysay ng Bibliya. Ayon sa Bibliya, si David at Solomon ay naghari sa Kaharian ng Israel (nagkakaisang monarkiya) ngunit sa kamatayan ni Solomn pagkatapos ng maikling pagitan na ang kahariang ito ay pinamunuan ng anak ni Solomon na si Rehoboam, ang mga tribong hilaga ay naghimagsaik at nagtatag ng kanilang sariling kaharian sa ilalim ni Jeroboam na hindi mula sa linya ni David. Ang kahariang ito ang naging Kaharian ng Israel. Ang kauna-unahang pagbanggit ng pangalang ysrỉꜣr (ipinagpalagay na Israel) ay mula sa Merneptah Stele (circa 1200 bCE ngunit hindi tumutukoy sa isang kaharian ngunit isang pangkat at maaaring ang pangalang ito ay hiniram ng kahariang ito.[10] Ayon sa 2 Hari Kapitulo 3, si Mesha na hari ng Moab ay basalyo ng Israel sa pamumuno ni Ahab at nagbibigay ng tributo,Pagkatapos ng kamatayan ni Ahab, si Mesha ay naghimagsik at ang anak ni Ahab na si Joram ay bumuo ng koalisyon sa Kaharian ng Juda at Edom na sumalakay sa Moab mula sa timog hanggang sa kabisera ng Moab na Kir-Hareseth at winasak ang mga tabing bayan ng Moab ngunit nabigong sakupin ang matibay na siyudad at umurong. Ayon sa Mesha Stele na itinayo ni Mesha, ang Moab ay napailalim kay Omri sa panahon ng ama ni Mesha at ang Moab ay naging basalyo ng Israel nang 40 taon. Ang Mesha Stela ay itinayo ni Mesha bilang parangal sa Diyos na si Chemosh sa kanyang mga pagwawagi laban sa Israel na nagtapos noong 850 BCE. Si Mesha ay naghimagsik sa anak ni Omri at muling sinakop ang teritoryo ng Moab at sinakop ang mga dating teritoryo ng Israel, Ayon sa Mesha Stele, siya ay naghimagsik sa anak ni Omri. Ang pananakop ng tatlong hari ng Israel ay hindi binanggit sa Stele na ito at sumasalungat sa salasay ng 2 Hari. Halimbawa, ang monarkiya ay itinatag sa Edom pagkatapos ng paghihimagsik sa Juda sa panahon ni Jehoram(2 Hari 8:20-22). Ang paglalarawan sa Edom bilang monarkiya na may sariling hari sa 2 Hari 3 ay anakronistiko. Sa huli lamang ng mga taon ni Mesha nang sakupin at kunin ang mga lugar sa timog ng ilog Arnon.Ang paglalarawan ng isang organisadong kahariang Moabita sa mga lugar ng timog ng Arnon sa maagang mga taon ni Mesha ay mali.Ayon sa 2 Hari 10:33, si Hazael na hari ng Aram ay sumakop sa lahat ng mga lupain ng transhordang Israel hanggang sa Arnon mula kay Jehu. Gayunpaman, ang kabisera ni Mesha na Dibon ay nasa hilaga ng ilog Arnon at ang mga hangganan ng Israel ay hindi maaaring umabot hanggang sa Arnon sa panahon ni Jehu. Sa karagdagan, si Mesha at hindi si Hazazel ang sumakop sa mga lugar ng Israel sa kapatagan ng Moab sa hilaga ng ilog Arnon.[11] Sa karagdagan, ayon sa Bibliya, si Mesha ay basalyo ni Ahab ngunit sa Mesha Stele, si Mesha ay basalyo ni Omri at anak nito. Ayon din sa Bibliya, si Mesha ay naghimagsik pagkatapos ng kamatayan ni Ahab ngunit ayon sa Mesha Stele, si Mesha ay naghimagsik nang buhay pa si Ahab. [12] Sa Itim na Obelisk ni Shalmaneser III, ipinapakita ang isang Yahua (Jehu na anak ni Hubiri(ipinagpalagay na si Omri) na nagpapailalim sa Hari ng Asirya. Si Jehu ay anak ni Jehoshapat at hindi ni Omri at apo ni Nimshi. May ilang mga panloob na kontradiksiyon sa mga salaysay ng Bibliya. Halimbawa, ang salaysay ng kamatay ni Naboth sa 1 Hari 21 ay iba sa 2 Hari 9:25-26, ang pagbibigay diin sa pagbabawal ng pagbebenta ng patrimonya sa kuwento ni Naboth ay salungat sa 1 Hari 16:24 na binenta ni Shemer ang Samaria kay Omri, ang kuwento ng lugar ng hari ng Edom ay salungat sa 1 Hari 22:48 na walang hari sa Edom sa panahon ni Jehoshaphat at ang unang hari ng Edom ay naluklok lamang noong panahon ng paghahari ni Jehoram ng Israel(2 Hari 8:20), ang pagtatanggal ng anak ni Omri na si Jehoram ng Israel sa mga Ba'al na itinayo ng kanyang ama ay salungat sa 2 Hari 10:26-27 na ang mga Ba'al ay tinanggal lamang noong panahon ni Jehu, ang Ramoth-Gilead ay nasa kamay na ng mga Arameo at ang mga Israelita ay makikidigma rito(2 Hari 8:28) samantalang sa 2 Hari 9:14, ang Israel ay nagtatanggol laban kay Hazael ng Aram, si Jehoram ay kasama ni Ahazias upang digmain ang mga Arameo sa Ramoth-Gilead(2 Hari 8:28) ngunit sa 2 Hari 8:29 si Jehoram lamang ang nakidigma sa mga Arameo sa Ramoth-Gilead(ang Ramoth-Gilead ay inalis sa 2 Hari 9:15 na isang pagtutuwid ng kalaunang editor ng 2 Hari) na parehong pangyayari sa 2 Hari 8:29, na si Eliseo ang sinabihan ni Yahweh na maging hari ng Aram si Hazael(2 Hari 8:10-13) samantalang sa 1 Hari 19:15, si Elias ang sinabihan ni Yahweh na humirang kay Hazael bilang hari ng Aram, at ang direksiyon ng pagtakas ni Ahazias ng Juda mula kay Jehu sa 2 Hari 9:27 mula sa Beth-Hagan hanggang sa Megiddo kung saan siya pinatay ni Jehu ngunit sa 2 Kronika 22:9,si Ahazias ay nagtago sa Samaria kung saan siya pinatay Jehu.[13] Sa Mga Monolitang Kurkh, isinalaysay ang paglahok ni Ahab sa koalisyong timog-Siryo puwersa na humarap sa kanya sa Orontes na nagsasalay na si Ahab ay nagsuplay ng 2,000 karro at 10,000 sundalo ngunit ayon sa 1 Hari 20, si Ahab ay inilalarawan na isang mahinang hari at basalyo ng Aram na may kakaunting mga hukbo na nagsasabing ang "hukbo ng israel" ay tulad ng dalawang maliit na kawan ng mga kambing(1 Hari 20:27) laban sa Aram. Ayon sa mga sangguniang Asiryo, si Ahab ang isang pinuno ng alyansa ng mga hari laban sa Asirya sa Labanan ng Qarqar sa ika-6 na taon ni Shalmaneser III (853 BCE). Pagkalipas ng kaunti sa 13 taon sa ika-18 taon ni Shalmaneser, si Jehu ay naghandog ng tributo sa haring Asiryo.Ayon sa Bibliya, ang interbal sa pagitan ng 853 at 841 BCE ay bumubuo ng apat ng sekondaryang panahon, ang huling bahagi ng paghahari ni Ahab nmula sa Labanan ng Qarqar hanggang sa kanyang kamatayan; ang 2 taon ng paghahari ni Ahazias ng Israel, ang 12 taon ng paghahari ni Jehoram ng Israel at pasimula ng paghahari ni Jehu mula sa kanyang kornasyon hanggang sa pagbibigay tributo sa Asirya. Ito ay bumubuo ng 13 taon samantalang ang Labanan ng Qarqar hanggang sa pagbibigay ng tributo ni Jehu ay kaunti sa 13 taon.[14] Sa isang propetikong kautusan, pinatay ni Jehu sina Ahazias ng Juda, Jehoram ng Israel(2 Hari 9:24-27) at 70 anak na lalake ni Jehoram(2 Hari 10:11) gayundin din si Jezebel(2 Hari 9:7). Ito ay salungat sa Tel Dan Stele na ang pumatay kina Ahazias at Jehoram ay si Hazael ng Aram. Ang ilang apolohistang Kristiyano ay nagmungkahing walang salungatan dahil si Hazael at Jehu ay may alyansa ngunit ayon sa 2 Hari 10:31-33, si Hazael at Jehu ay magkalaban. Salungat rin ang 2 Hari 8:7-15 sa Tel Dan Stele sa kamatayan ni Hadad at paghirang kay Hazael.

Ayon sa 2 Hari 22:51, si Ahazias ng Israel ay nagsimulang sa ika-17 taon ng paghahari ni Jehoshaphat at naghari ng 2 taon at ang sumnod kay Ahazias ng Israel na si Jehoram ng Israel ay naghari noong ika-18 taon ni Jehoshaphat (2 Hari 3:1) na nangangahulugang si Ahazias ng Israel ay naghari lamang ng isang taon. Ayon sa 1 Hari 15:25, si Nadab ay naghari noong ika-2 taon ni Asa at naghari ng 2 taon. Ayon sa 1 Hari 15:28, si Baasha ay naghari noong ika-3 taon ni Asa at naghari ng 24 taon na nangangahulugang ang kahang kahaliling si Zelah ay dapat magsimula sa ika-29 ni Asa sa halip na ika-26 taon ni Asa (1 Hari 16:8). Si Zimri ay naghari sa ika-27 taon ni Asa (1 Hari 16:10) sa halip na ika-31 taon ni Asa.Si Elah ay naghari ng 2 taon (1 Hari 15:25) at si Omri ay naghari sa ika-31 taon ni Asa (1 Hari 16:23) samantalang si Zimri ay naghari lamang ng 7 araw(1 Hari 16:15). Si Omri ay naghari nang 12 taon(1 Hari 16:23) sa ika-31 taon ni Asa ngunit ang sumnod sa kanya na si Ahab ay naghari sa ika-38 taon ni Asa(1 Hari 16:29) sa halip na ika-2 taon ni Jehoshaphat at kaya ay nagtapos sa ika-24 taon ni Jehoshaphat ngunit ang sumunod na si Jehoram ng Israel ay nagsimula sa ika-17 taon ni Jehoshaphat(1 Hari 22:51). Si Ahazias ay naghari ng 2 taon na ika-1 taon ni Jehoram ngunit ayon sa 2 Hari 1:17 ay sa ika-2 taon ni Jehoram samantalang sa 2 Hari 3:1, siya ay naghari sa ika-18 taon ni Jehoshaphat na mas maaga ng 8 taon.Si Ahazias at Jehoram ay naghari ng magkasama nang 14 taon(1 Hari 22:51, 2 Hari 3 1), si Jehu nang 28 taon(2 Hari 10:36) na may kabuuang 42 taon mula sa ika-25 taon ni Jehoshaphat na nangangahulugang ito ang ika-27 taon ni Jehoash dahil sa Jehoshaphat ay naghari nang 25 taon(1 Hari 22:42), si Jehoram nang 8 taon(2 Hari 8:16), si Ahazias nang isang taon(2 Hari 8:26) at si Ataliah nang 6 na taon(2 Hari 11:3) na ibinigay na ika-23 taon ni Jehoash(2 Hari 13:1) ngunit si Jehoaz ay naghari nang 17 taon(2 Hari 13:1). Ito ay gagawa sa sumunod sa kanya sa ika-3 taon ni Amazias ngunit ayon sa 2 Hari 13:10 ay noong ika-37 ni Jehoash na mas kaunti sa 10 taon. Walang direktang sinabi kung gaanon katagal naghari si Jeroboam II ngunit may pahiwatig sa 2 Hari 15:1 na sinasabing si Ahazias ay naghari sa ika-27 taon ni Jeroboam at si Zecarias ay sumunod kay Jeroboam sa ika-38 taon ni Azarias (2 Hari 15:8) at kaya ay si Jeroboam ay naghari nang 65 taon Si Jehoash ng Israel nang ika-40 taon ni Jehoash ng Juda at naghai ng 16 taon(2 Hari 13:10).Si Jeroboam II ay nagsimula sa ika-17 taon ni Amazias at si Zecarias sa ika-1 taon ni Jotham hindi sa ika-38 taon ni Azasia na nangangahulang nawawala ang 15 taon at kaya ay sa mga sumunod na hari ng Israel.

Mga hari ng Israel

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Jeroboam I(ca 922-901 BCE ayon kay Albright, c. 931–910 BCE ayon kay Thiele, 931-909 BCE ayon kay Galil, 931-911 BCE ayon kay Kitchen)
  • Nadab (ca 901-900 BCE ayon kay Albright, 910-909 ayon kay Thiele,909-908 BCE ayon kay Galil)
  • Baasha(ca. 900-877 BCE ayon kay Albright, 909-886 BCE ayon kay Thiele 908-805 BCE ayon kay Galil, 910-887BCE ayon kay Kitchen)
  • Elah (ca. 877-876 BCE ayon kay Albright, 886-885 BCE ayon kay Thiele,885-884 BCE ayon kay Galil,887-886 BCE ayon kay Kitchen)
  • Zimri (ca. 876 BCE ayon kay Albright, 885 BCE ayon kay Thiele, 884 BCE ayon kay Galil,886 BCE ayon kay Kitchen)
  • Tibni (ca. 876-871 BCE ayon kay Albright, 885-880 BCE ayon kay Thiele)
  • Omri (ca. 876-869 BCE ayon kay Albright, 888-880 BCE ayon kay Thiele, 884-873 BCE ayon kay Galil, 886-885 BCE ayon kay Kitchen)
  • Ahab (ca. 869-850 BCE ayon kay Albright, 874-853 ayon kay Thiele, 873-852 BCE ayon kay Galil, 875-853 BCE ayon kay Kitchen)
  • Ahazias (ca. 850-849 BCE ayon kay Albright, 853-852 BCE ayon kay Thiele, 852-851 BCE ayon kay Galil)
  • Jehoram ng Israel (ca. 849-842 BCE ayon kay Albright, 852-841 BCE ayon kay Thiele, 851-842 BCE ayon kay Galil)
  • Jehu (ayon sa Aklat ni Hosea 1:4, dahil sa kalupitan ni Jehu, ang Kaharian ng Israel ay wawakasan ni Yahweh
  • Jehoahaz ng Israel (ca. 815-801 BCE ayon kay Albright, 814-798 BCE ayon kay Thiele,819-804 BCE ayon kay Galil)
  • Jehoash ng Israel (ca.801-786 BCE ayon kay Albright, 798-782 BCE ayon kay Thiele, 805-790 BCE ayon kay Galil)
  • Jeroboam II (ca. 786-746 BCE ayon kay Albright, 793-753 BCE ayon kay Thiele, 790-750 BCE ayon kay Galil, 791-750 BCE ayon kay Kitchen)
  • Zecarias ng Israel (ca. 746-745 BCE ayon kay Albright, 756-752 BCE ayon kay Thiele)
  • Shallum (745 BCE ayon kay Albright, 752 BCE ayon kay Thiele, 749 BCE ayon kay Galil)
  • Menahem (ca. mula 743 BCE ayon kay Kautsch, 745-736 BCE ayon kay Schrader, 745-738 BCE ayon kay Albright, 752-742 BCE ayon kay Thiele, 749-738 BCE ayon kay Galil)
  • Pekaiah (ca 738-736 BCE ayon kay Albright, 742-740 BCE ayon kay Thiele, 738-736BCE ayon kay Galil)
  • Pekah(737-732 BCE ayon kay Albright,740-732 BCE ayon kay Thiele, 736-732 BCE ayon kay Galil)
  • Hoshea (ca. 732-721 BCE ayon kay Albright, 732-723 BCE ayon kay Thiele)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
    • Rollston, Chris A. (2010). Writing and Literacy in the World of Ancient Israel: Epigraphic Evidence from the Iron Age. Society of Biblical Literature. pp. 52–54. ISBN 978-1589831070.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    • Compston, Herbert F. B. (1919). The Inscription on the Stele of Méšaʿ.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  1. The debate is described in Amihai Mazar, "Archaeology and the Biblical Narrative: The Case of the United Monarchy" (see bibliography), p.29 fn.2: "For conservative approaches defining the United Monarchy as a state “from Dan to Beer Sheba” including “conquered kingdoms” (Ammon, Moab, Edom) and “spheres of influence” in Geshur and Hamath cf. e.g. Ahlström (1993), 455–542; Meyers (1998); Lemaire (1999); Masters (2001); Stager (2003); Rainey (2006), 159–168; Kitchen (1997); Millard (1997; 2008). For a total denial of the historicity of the United Monarchy cf. e.g. Davies (1992), 67–68; others suggested a ‘chiefdom’ comprising a small region around Jerusalem, cf. Knauf (1997), 81–85; Niemann (1997), 252–299 and Finkelstein (1999). For a ‘middle of the road’ approach suggesting a United Monarchy of larger territorial scope though smaller than the biblical description cf.e.g. Miller (1997); Halpern (2001), 229–262; Liverani (2005), 92–101. The latter recently suggested a state comprising the territories of Judah and Ephraim during the time of David, that was subsequently enlarged to include areas of northern Samaria and influence areas in the Galilee and Transjordan. Na’aman (1992; 1996) once accepted the basic biography of David as authentic and later rejected the United Monarchy as a state, cf. id. (2007), 401–402".
  2. Schipper, Bernd U. (2021-05-25). Chapter 3 Israel and Judah from 926/925 to the Conquest of Samaria in 722/720 BCE (sa wikang Ingles). Penn State University Press. doi:10.1515/9781646020294-007. ISBN 978-1-64602-029-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Younger, K. Lawson (1998). "The Deportations of the Israelites". Journal of Biblical Literature. 117 (2): 201–227. doi:10.2307/3266980. ISSN 0021-9231.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Finkelstein, Israel (2015-06-28). "Migration of Israelites into Judah after 720 BCE: An Answer and an Update". Zeitschrift für die alttestamentliche Wissenschaft (sa wikang Ingles). 127 (2): 188–206. doi:10.1515/zaw-2015-0011. ISSN 1613-0103.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Israel, Finkelstein (2013). The forgotten kingdom : the archaeology and history of Northern Israel. Society of Biblical Literature. p. 158. ISBN 978-1-58983-910-6. OCLC 949151323.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Perdue, xxvii.
  7. Grabbe
  8. Frektheim
  9. Davies 2015, p. 71-72.
  10. Ancient Israel and Historiography, Nadav Na'aman, 2006
  11. Lester Grabbe
  12. Ancient Israel and Historiography, Nadav Na'aman
  13. Chronology of the Kings of Israel and Judah, Gershon Galil
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy