Pumunta sa nilalaman

Ahmet Davutoğlu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ahmet Davutoğlu

MP PhD
Punong Ministro ng Turkey
Nasa puwesto
28 Agosto 2014 – 22 Mayo 2016
PanguloRecep Tayyip Erdoğan
Diputado
Nakaraang sinundanRecep Tayyip Erdoğan
Sinundan niBinali Yıldırım
Pinuno ng Justice and Development Party
Nasa puwesto
27 Agosto 2014 – 22 Mayo 2016
Nakaraang sinundanRecep Tayyip Erdoğan
Sinundan niBinali Yıldırım
42nd Minister of Foreign Affairs
Nasa puwesto
1 Mayo 2009 – 29 Agosto 2014
Punong MinistroRecep Tayyip Erdoğan
Nakaraang sinundanAli Babacan
Sinundan niMevlüt Çavuşoğlu
Member of the Grand National Assembly
Nasa puwesto
12 Hunyo 2011 – 7 Hulyo 2018
KonstityuwensyaKonya (2011, Hunyo 2015, Nobyembre 2015)
Personal na detalye
Isinilang (1959-02-26) 26 Pebrero 1959 (edad 65)
Konya, Turkey
Partidong pampolitikaJustice and Development Party
AsawaSare Davutoğlu (1984–kasalukuyan)
AnakSefure
Meymune
Mehmet
Hacer Bike
Alma materBoğaziçi University
Pirma

Si Ahmet Davutoğlu (ipinanganak 26 Pebrero 1959) ay isang Turko na akademiko, politiko at dating diplomata na naging Punong Ministro ng Turkey mula 28 Agosto 2014 at bilang pinuno ng Adalet ve Kalkınma Partisi (AKP; Justice and Development Party) mula 27 Agosto 2014. Siya ay dating naglingkod bilang Ministro ng Ugnayang Panlabas mula 2009 hanggang 2014 at bilang chief advisor ni Punong Ministro Recep Tayyip Erdogan mula 2003 hanggang 2009. Siya ay nahalal bilang Miyembro ng Parlamento para sa Konya sa halalang pangkalahatan ng 2011.

Pagkaraang mahalal ang naglilingkod na Punong Ministro at pinuno ng AKP na si Recep Tayyip Erdoğan bilang ika-12 Pangulo ng Turkey, si Davutoğlu ay ipinahayag ng AKP Central Executive Committee bilang kandidato sa pagkapinuno ng partido.[1][2] Siya ay inihalal nang walang kalaban sa unang AKP extraordinary congress at humalili kay Erdoğan bilang punong ministro. Nabuo ang ika-62 Pamahalaan ng Republikang Turko.[3][4] Ang kanyang gabinete ay pinangungunahan ng mga kaalyado ni Erdoğan kagaya ni Yalçın Akdoğan, na humahantong sa mga haka-haka na magiging mahinay ang kanyang diskarte bilang punong ministro habang ipapagpatuloy ni Erdoğan ang kanyang political agenda bilang pangulo.[5][6] Sa halalang pangkahalatan ng Hunyo 2015, nawala ng AKP ang mayorya sa Parlamento bagaman nanatili ito bilang pinakamalaking partido. Ang Pamahalaang Davutoglu ay nagbitiw ngunit nanatili sa kapangyarihan hanggang mabubuo ang isang bagong pamahalaan. Pagkatapos pamunuan ang isang serye ng mga hindi matagumpay na negosasyong pangkoalisyon sa mga kasalungat na partido, si Davutoglu ay inatasang bumuo ng kauna-unahang interim election government ng Turko, na namumuno sa snap elections na nakatakda sa Nobyembre 2015.

Sa pagka-Punong Ministro ni Davutoglu napasingawaan ang patuloy na alitang pampolitika ng pamahalaan at ng Gülen Movement at spillover effects ng Syrian Civil War sa kabila ng hangganan nito sa Turkey. Kahit na ang pananaw ng kanyang polisiyang panlabas ay inilarawan bilang Neo-Ottoman o Pan-Islamist, ginawa ni Davutoglu ang paglahok ng Turkey sa Unyong Europeo na isang estratehiko target ng kanyang pamahalaan.[7][8] Siya ay binatikos sa hindi pagbigay pansin sa katiwaliang pampolitka at para sa mga lumalagong awtoritarismo ng pamahalaan, at may komentarista sa oposisyon na inaakusahan ang kanyang pamahalaan na ginagawang police state ang Turkey matapos isinabatas ang mga bagong paraan sa seguridad upang supilin ang mga protesta noong Oktubre 2014. Ang polisiya ni Davutoğlu na mapapansing hindi pagkilos laban sa organisasyong terorista na Islamikong Estado ng Iraq at Levant (Islamic State of Iraq and the Levant; ISIL) ay binatikos ng ibang bansa, kahit na pinahintulutan ng kanyang pamahalaan ang airstrikes laban sa ISIL at mga rebeldeng Kurdish noong tag-init ng 2015 pagkatapos ng suicide bombing sa Suruç na pinatay ng 32 tao, na nagtapos sa ceasefire dito mula Disyembre 2012.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy