Pumunta sa nilalaman

Tsar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Alehandro III ng Rusya)

Tsar (Bulgaro цар, Ruso царь, car’; madalas binabaybay na Czar at minsan Tzar sa Ingles) ay isang titulong ginamit ng mga awtokratang pinuno mula sa mga lupaing Eslabo. Ginamit ito ng mga una at pangalawang Imperyong Bulgaro simula 913. Ginamit din ito sa kasaysayan ng Serbia noong kalagitnaan ng ika-14 dantaon, at sa Rusya mula 1547 hanggang 1917 (bagaman teknikal lang itong tama haggang 1721). Ito ay nanggaling sa salitang Latin na Caesar, na ibig sabihin ay "emperador" sa pag-uunawa ng mga Europeo sa Medyebal na panahon. Ngunit, sa pagdaan ng panahon ito'y iniitindi ng mga mula sa Kanlurang Europa bilang sa kalagitnaan ng hari at emperador. Nawala rin ang ma-emperador na konotasyon nito dahil sa mga pagsasalin ng Bibliya.

Ang unang gumamit sa titulong ito ay si Simeon I ng Bulgaria. Ang huling gumamit nito ay si Simeon II na mula rin sa Bulgaria.

Noong 705, Si Tervel ng Bulgaria ay binansagang "Caesar" ni Emperador Justinian II. Si Boris I ng Bulgaria ay ang kinikilalang unang tsar dahil sa kombersyon ng Bulgaria sa Kristyanismo noong panahon ng kanyang paghahari. Ngunit, ang tunay na unang gumamit ng titulong tsar ay ang kanyang anak ng si Simeon I ng Bulgarya. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Byzantino at Bulgarya dahil sa koronasyon ni Simeon I ngPatriarka ng Constantinople. Naganap ito hanggang kinilala ng mga Byzantino ang Bulgaria noong 924 at 927. Ginamit din ang titulong "awtokrato" na isang pag-sunod sa mga kaugaliang Byzantino na dalawa lamang ang maaring tawagin na Caesar sa Europa, para sa Emperador ng Silangan at Kanlurang Roma.

Boris III, ang Tsar ng Bulgaria mula 1918-1943

Ginamit ito ng dinastiya hanggang taong 1422 noong sinakop ng Imperyong Otomano. Sa Bulgarya, ang sultan ng Imperyo ay tinatawag na tsar. Ito ay kaugnay sa pagbansag ng mga Greco na "basileus" sa Sultan. Pagkatapos ng liberasyon ng Bulgarya mula sa mga Otomano, unang tinawag na kjanz ang lider ng Bulgarya. Sa tuluyang kasarinlan ng Bulgarya noon 1908, ginamit ni Ferdinand I ng Bulgarya ang titulong tsar hanggang sa pagbagsak ng tsardom noong 1946. Ngunit sa panahong iyon, hindi na konotasyon ng tsar ang "emperador". Sa labas ng bansa, ang pagsalin sa titulo ay "hari", tulad ng pagtawag ng Hari ng Gresya na "basileus" sa loob ng bansa at "hari" sa labas nito.

Ang titulong Tsar ay ginamit ng dalawang monarko sa kasaysayan ng bansang Serbiya. Ang lumang titulo na ginamit ay kralj o "hari". Noong 1345, itananghal ni Stefan Dušan ang kaniyang sarili bilang "Emperador ng mga Serb at Griyego" (ang pagsasalin ng titulo sa wikang Griyego ay basileus at autokrator ng mga Serb at Romano). Siya'y nakoronohan na gamit ang titulong binanggit sa Skopje sa Linggo ng Pagkabuhay (ika-16 ng Abril), taong 1346, ng patriyarka ng Serbiya, kasama ang patriyarkang Bulgaro at ang arsobispo ng Orhid. Nakoronohan din bilang Empatris ang kaniyang asawa na si Helena ng Bulgariya, kasama ng kaniyang anak na binigyan ng kapangyarihan na maitutulad sa hari. Nang mamatay si Dušan, naging Emperador ang kaniyang anak na si Stefan Uroš V. Nagkaroon ng digmaan tungkol sa pagkasunod-sunod ng dinastiya na sinimulan ni Simeon Uroš, na tiyuhan ng bagong emperador na sinundan naman ng pinsan ni Stefan Uroš V at anak ni Simeon na si John Uroš.

Nang mawala ang dinastiyang Nemanjić, nawala rin ang silbi ng titulo. Ngunit, ginamit ito ni Vukašin Mrnjavčević, isang monarkong Serb na nasa Masedoniya, na malapit kay Stefan Uroš. Marami rin ibang humawak sa titulong tsar ngunit hindi kinikilalang opisyal.

Tulad ng Bulgarya, ang sultan ng Imperyong Ottoman ay tinatawag rin na tsar na makikita sa literaturang Serb.

Ang unang lider na gumamit ng titulong "czar" sa Rusya ay si Mikhail ng Tver,na siyang unang humiwalay sa pamumuno ng Golden Horde.

Ginamit din ni Ivan IIIang titulo nang siya rin ay nagpahayag ng kasarinlan kontra sa Golden Horde at marahil, dahil na rin sa pagkakasal niya sa isang tagapagmana ng Imperiyong Byzantino. Sa kanyang mga ugnayang diplomatiko ay ginamit niya ang "tsar" na isinalin sa iba't ibang lenggwahe bilang "kejser" (Danesa), "keyser" (Suweko), "imperator" (wikang Latin) at "kaiser" (Aleman)

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy