Pumunta sa nilalaman

Ambroise Paré

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Ambroise Paré.

Si Ambroise Paré (c. 1510/1517 – 20 Disyembre 1590) ay isang siruhanong Pranses.[1][2] Siya ang dakilang opisyal na maninistis ng mga hari ng Pransiyang sina Henry II[1], Francis II, Charles IX at Henry III. Itinuturing siya bilang isa sa mga ama ng siruhiya o pagtitistis. Isa siyang pinuno ng pagpapabuti ng mga pamamaraang pangpaninistis[1] at panggagamot na pampook ng labanan, partikular na ang sa paggagamot ng mga sugat. Isa rin siyang anatomista at imbentor ng ilang mga kasangkapang para sa pag-oopera o mga instrumentong pangsiruhano. Kabilang sa mga nalikha niya ang ilang maiinam na mga huwad na sangang pangkatawan.[1]

Nagsimula si Paré bilang isang katulong lamang ng isang barbero, sapagkat hindi nagsasagawa ng siruhiya ang mga manggagamot sa Europa noong mga 1500.[1][2] Bahagi noon ng trabaho ng isang barbero at ng ibang may kaunting pagsasanay ang pag-oopera.[2]

Sa pagsapit ng 1541, naging isa siyang ganap na barberong siruhano.[1] Sumali rin siya sa hukbong katihan ng Pransiya, noong naniniwala pa ang sinaunang mga manggagamot na Pranses na naglalaman ng lason ang mga sugat mula sa pagkakabaril.[1][2] Noong mga panahon ding yaon, ginagamot ng mga manggagamot ang mga sugat sa pamamagitan ng pagbubuhos dito ng kumukulong langis upang mapalabas ang lason. Sa isang pagkakataon, naubusan ng langis si Paré habang nanggagamot ng mga sugat ng mga sundalo, kaya't ginamot niya ang mga sugat na hindi ginagamitan ng kumukulong langis. Sa kanyang pagkakagulat, mas madali pang gumaling ang mga sugat ng pasyenteng hindi binubuhusan ng mainit na langis. Dahil sa pagkakatuklas niyang ito, nangako siyang hindi na niya muling "may dahas na papasuin ang kaawa-awang" sugatang mga kawal.[2]

Nang lumaon, naging maninistis siya ni Haring Henry II ng Pransiya, at ng tatlong mga anak na lalaki nito. Naglingkod siya bilang punong maninistis o hepeng siruhano ng mga haring ito Pransiya.[1][2]

Naging isang bantog na siruhano si Paré dahil sa kanyang mga pagpapainam sa larangan ng pagtitistis, katulad ng hindi na paggamit ng kauterisasyon sa pamamagitan ng kumukulong tubig para sa paggagamot ng mga sugat. Sa halip, tinalian niya ang mga nakalantad na mga arteryo. Tinakpan pa niya ang mga sugat ng payak na mga uri ng pantampal.[1]

Umimbento rin si Paré ng artipisyal na brasong napapagalaw sa siko, at ng isang kamay na may napapagalaw na mga daliri.[1]

  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Made the First Artificial Limbs?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 100.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Ambroise Paré (1517?-1590), Medicine and the Renaissance, History of Medicine". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 204-205.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy