Pumunta sa nilalaman

Analisis ng paktor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang analisis ng paktor o pagsusuri ng salik ay isang pamamaraang estadistikal na ginagamit upang ilarawan ang bariyansa sa mga napagmasdang koreladong mga bariabulo sa mga termino ng isang potensiyal na mas mababang bilang ng mga hindi napagmasdang bariabulong tinatawag na mga paktor. Sa ibang salita, posible halimbawa na ang mga bariasyon sa tatlo o apat na mga napagmasdang baribulo ay pangunahing nagpapakita ng mga bariasyon sa mas kaunting mga hindi napagmasdang bariabulo. Ang analisis ng paktor ay naghahanap ng gayong magkasanib na mga bariasyon bilang tugon sa hindi napagmasdang mga latentong bariabulo. Ang mga napagmasdang bariabulo ay minomodelo bilang mga kombinasyong linyar ng mga potensiyal na paktor na dinagdagan ng mga terminong pagkakamali. Ang nakamit na impormasyon tungkol sa interdependiyensiya sa pagitan ng mga napagmasdang bariabulo ay maaaring kalaunang gamitin upang paliitin ang hanay ng mga bariabulo sa isang hanay ng datos. Sa pagkukuwenta, ang paraang ito ay katumbas ng aproksimasyong mababang ranggo ng matriks ng mga napagmasdang bariabulo. Ang analisis ng paktor ay nagmula sa sikometrika at ginagamit sa mga agham pang-asal na agham panlipunan, marketing, pangangasiwa ng produkto, pagsasaliksik ng mga operasyon, at iba pang mga nilalapat na agham na nakikitungo sa malalaking kantidad ng mga datos. Ang analisis ng paktor ay nauugnay sa analisis ng pangunahing bahagi(PCA) ngunit ang dalawang ito ay hindi magkatulad. Ang mga modelong latentong bariabulo kabilang ang analisis ng paktor ay gumagamit ng mga pamamaraang pagmomodelong regresyon upang subukan ang mga hipotesis na lumilikha ng mga terminong pagkakamali samantalang ang PCA ay isang pamamaraang deskriptibong estadistikal[1].

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bartholomew, D. J., Steele, F., Galbraith, J., & Moustaki, I. (2008). Analysis of Multivariate Social Science Data (2 ed.). New York: Chapman & Hall/Crc.


Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy