Pumunta sa nilalaman

Ariel Sharon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ariel Sharon
Kapanganakan26 Pebrero 1928[1]
    • Mandatory Palestine
  • (Drom HaSharon Regional Council, Petah Tikva (sub-district), Central District, Israel)
Kamatayan11 Enero 2014
MamamayanMandatory Palestine (1928–14 Mayo 1948)
Israel (14 Mayo 1948–11 Enero 2014)
NagtaposHebrew University sa Jerusalem
Unibersidad ng Tel Aviv
Trabahoopisyal, politiko
Pirma

Si Ariel “Arik” Sharon (Ebreo: אריאל ”אריק“ שרון) (Pebrero 26, 1928–Enero 11, 2014)[2] ay isang matagal nang nanunungkulang pinunong pampolitika at militar na Israeli. Ipinanganak siya noong Pebrero 26, 1928 bilang Ariel Scheinermann (Ebreo: אריאל שיינרמן) sa Kfar Malal sa Mandatong British ng Palestina. Siya ang pangkasalukuyang punong ministro ng Israel simula Marso 2001, ang ika-11 tagahawak ng posisyong yon. Simula Enero 4, 2006, ay nawalan siya ng kakayahang manungkulin dulot sa mga epekto ng isang malubhang istrok.

Isang kontroversyal na tauhan si Sharon, sa loob o sa labas man ng Israel, umaakit ng sari’t sari at madalas mga polar na pananaw. Itinuturing siya ng maraming Israeli at ng mga tagasuporta ng Israel bilang isang matatag na pinunong lumalaban sa terorismo at tumatanggol sa Tsiyonismo habang tinuturing naman siya ng maraming Arabo—dulot na rin ng pampopropaganda ng kanilang mga sariling diktatoryal na pamahalaan—bilang isang war criminal o salaring pandigmaan. Pananaw naman ng kaniyang mga kalaban sa loob ng Israel na labis niyang pinagbibigyan ang pamumunong Palestino at di-kailangang ipinamimigay ang lupang ipinanalo ng Israel sa kanilang defensive wars o mga digmaan ng pagtatanggol sa sarili kapalit ng isang pangako ng kapayapaan na ayon sa kanila ay ilusori at imposibleng makamit.

Si Sharon ang tagapagtatag at kasalukuyang kapwa-pinuno kasama ni Ehud Olmert ng partidong gitnang Kadima.

  1. "חה"כ אריאל שרון". {{cite web}}: no-break space character in |title= at position 11 (tulong)
  2. "Former Israeli prime minister Ariel Sharon dead at 85". Reuters. 11 Enero 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-01-11. Nakuha noong 13 Enero 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 11 January 2014[Date mismatch] sa Wayback Machine.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy