Pumunta sa nilalaman

Atoy M. Navarro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Atoy M. Navarro ay isinilang noong ika- 9 ng Marso at kasalukuyang Kasamang Mananaliksik ng Forum for Ethical Review Committees in Asia and the Western Pacific (FERCAP) at Kasapi ng Lupon ng Bagong Kasaysayan-Bahay Saliksikan sa Kasaysayan (BAKAS). Tubong Lalawigan ng Batangas. Nagtapos ng Bachelor of Arts in History, cum laude sa University of the Philippines (UP) Diliman at Diploma in Product Research and Development for Public Health Needs sa Nagasaki University (Sakamoto Campus). Naging Tagapangulo ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS), Tagapangulo ng UP College of Social Sciences and Philosophy Student Council (UP CSSPSC), Gurong Tagapayo ng UP Buklod CSSP, Gurong Tagapayong Tagapagtatag ng UP Kalipunan sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino (UP KAPPP), Gurong Tagapayong Tagapagtatag ng UP Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (UP ALYANSA), Pangulong Tagapagtatag ng UP Katipunan ng mga Nakababatang Guro (UP KATIPON), Pambansang Kalihim ng Asosasyon ng mga Dalubhasa, may Hilig at Interes sa Kasaysayan (ADHIKA) ng Pilipinas, at Pambansang Kalihim ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP). Naging Mananaliksik din ng UP Center for Integrative and Development Studies (UP CIDS); Philippine Nonprofit Sector Project (PNSP)-UP Center for Leadership, Citizenship, and Democracy (UP CLCD); Southeast Asian Consortium for Gender, Sexuality, and Health (SEACONSORTIUM); at Development RoundTable Series (DRTS) on Foreign Policy-Focus on the Global South (FOCUS). Kasapi rin ng AKBAYAN! Citizens’ Action Party (AKBAYAN!) at Solidarity To Oppose Wars (STOP the War!) Coalition – Philippines. Naging Guro rin ng Kasaysayan, Humanidades, at Agham Panlipunan sa UP Los Baños, UP Diliman, UP Open University, Mapua Universuty, at UP Manila. Nagbasa at nagharap na rin ng mga akademikong papel sa mga pambansa, rehiyunal, at pandaigdigang kumperensiya sa Cambodia, China, Germany, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Thailand, United Kingdom, at United States of America. Kasamang May-akda at/o Kasamang Patnugot ng Talaarawan 1996 ng Himagsikang 1896 (1995); Talaarawan 1997 ng Himagsikang 1897 (1996); Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan (1997/2000); Tayabas: Pagmumulat sa Kasaysayan, Himagsikan at Sentenaryo (1998); Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan (1998); Balara at Krus na Ligas sa Panahon ng Himagsikan (1998); Hermano Puli sa Kasaysayan (2001); Extending the Self: Volunteering as Pakikipagkapwa (2004); Mga Babasahin sa Agham Panlipunang Pilipino: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, at Pantayong Pananaw (2007); Kaalaman at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Kasaysayan (2008); at ASYA: Kasaysayan at Kabihasnan (2009). Kasamang Tagasalin din ng Sikolohiyang Pilipino: Pamana ni Virgilio G. Enriquez (2002/2007). At May-akda ng Ang Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino (2000) at Kalikasan ng Komiks; Panimulang Pangkasaysayang Pagbabalangkas (2000).


TalambuhayPilipinasSikolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pilipinas at Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy