Pumunta sa nilalaman

Bambang ng Inglatera

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Larawan ng Bambang ng Inglatera mula sa himpapawid

Ang Bambang ng Inglatera (Ingles: English Channel; Pranses: la Manche) ay isang tangkay ng Karagatang Atlantiko na naghihiwalay sa (pulo ng) Gran Britanya at sa hilagang Pransiya, at nakaugnay sa Dagat Hilaga patungo muli sa Atlantiko. May haba ito ng mahigit-kumulang 650 kilometro at ang lawak nito ay paiba-iba mula sa pinakamalawak na 240 km hanggang sa pinakamakipot na 34 km[1] lamang sa Kipot ng Dover. Ito ay ang pinakamaliit sa mga dagat na mabababaw na nakapaligid sa kontinente ng Europa, na may sakop sa mahigit-kumulang 75,000 km2.

Pangalan sa Ingles

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang katagang "English Channel" ay karaniwang ginagamit mula pa noong ika-18 siglo, pinaniniwalaang nanggaling sa pagkakasulat na "Engelse Kanaal"[2] sa mga lumang mapang pandagat ng mga Olandes noon pa mang ika-16 siglo at sa mga panahong sumunod.

Pangalan sa Pranses

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang katagang Pranses na "(la) Manche" ginamit din mula pa noong ika-17 siglo.[3] Ang pangalang ito ay karaniwang tumutukoy sa hugis-"manggas" (Pranses: manche) ng kanal. Gayumpaman, ito sa halip ay sinasabing galing sa isang salitang Celtico na nangangahulugang "kanal" na pinanggalingan din ng pangalan ng kipot ng Minch[4] sa Eskosya. Sa Espanyol at Portuges, ito ay tinatawag na bambang ng "Mancha"[5] (El Canal de la Mancha; O Canal da Mancha). Ito ay hindi direktong pagsasalin mula sa Pranses dahil ayon sa mga wikang ito, at gayundin sa Tagalog, ang salitang "mancha" ay nangangahulugang "mantsa," samantalang ang tawag ng mga wikang ito sa [isang] manggas ay "manga"; samakatuwid, ito ay tila galing sa maling pagkakarinig nila sa wikang Pranses. Ang katagang ito ay ginagamit din ng ilan pang mga wika, tulad ng Griyego (η Μάγχης) at Italyano (la Manica; ito ay tamang pagsasalin).

Ang Tunel ng Bambang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming tao ang naglalakbay patawid sa ilalim ng Kanal Ingles dahil sa Tunel ng Bambang (Channel Tunnel). Isa sa mga tagumpay ng mga inhinyero, una itong minungkahi noong ika-19 siglo at natapos din sa wakas noong taong 1994, na kumakawing sa Nagkakaisang Kaharian at sa Pransiya sa pamagitan ng daangbakal. Pangkaraniwan na ngayon ang maglakbay sa pagitan ng mga lungsod ng Paris, Bruselas at Londres sakay ng tren na Eurostar.[6] Maaari ring iangkas ang mga sasakyan sa mga espesyal na tren sa rutang Folkstone-Calais.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "English Channel". The Columbia Encyclopedia, 2004.
  2. http://www.jpmaps.co.uk/map/id.22553
  3. "English Channel." Encyclopædia Britannica 2007.
  4. Room A. Placenames of the world: origins and meanings, p. 6.
  5. Canal_de_la_Mancha (sa Kastila)
  6. http://www.eurostar.com/
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy