Pumunta sa nilalaman

Bienvenido Lumbera

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bienvenido Lumbera
Kapanganakan
Bienvenido L. Lumbera

11 Abril 1932
Kamatayan28 Setyembre 2021
NasyonalidadPilipino
LaranganPanitikan
Pinag-aralan/KasanayanPamantasan ng Santo Tomas, Pamantasang Indiana
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Panitikan
2006

Si Bienvenido Lumbera ay isang makata, tagapuna, dramatista, at iskolar ng Pilipinas na may maraming napanalunan.

Siya ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas at nakatanggap ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag, Panitikan at Malikhaing Komunikasyon. Nanalo siya ng maraming gawad pampanitikan, kabilang ang mga Pambansang Gawad sa Aklat mula sa Pambansang Pundasyon sa Aklat, at ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca para sa Panitikan.

Talambuhay ng kanyang unang kabataan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isinilang si Lumbera sa Lipa noong 11 Abril 1932. Noong halos isang taon gulang pa lamang, ang kanyang ama na si Timoteo Lumbera (isang tagapukol ng lokal na kuponan ng beysbol), ay nahulog mula sa puno, nabali ang likod, at nabuhay habang buhay. Pagkatapos ng ilang taon, nagkasakit ang kanyang ina na si Carmen Lumbera sa karamdaman na kanser at namatay. Sa taong limang taong gulang, siya ay naulila. Siya at ang kanyang nakatatandang kapatid na babae ay inampon ng kanilang pang-amang lola, Eusebia Teru.

Pumasok siya sa paaralan na may pagkabantulot. Sa unang araw, kinakailangan ni Eusebia na hilahin siya papuntang Mababang Paaralan ng Padre Valerio Malabanan, nagwawasiwas ng sangay ng puno. Sa totoo lamang, ang kabuuang unang taon ni Lumbera sa paaralan ay kalunus-lunos. Naalala niya ang kanyang guro, Gng. Contreras, na minsan pinapalo siya na may patpat nang dahil sa may inuulat na kanyang kapilyuhan sa guro mula sa tiyak na tuta ng guro na may pangalang Angel. Simula sa ikalawang baitang, gayumpaman, ang kanyang mabilis na pagtuto sa pagbabasa ay nabigyan ng kakilanlan kay Lumbera bilang kinikilingang mag-aaral. Mula't sapul, sinasabi nang pang-akademika, hinaharap ng paaralan ng ilang kahirapan.

Pagkatapos ng digmaan, bumalik sina Lumbera at ang kanyang lola sa tahanan sa Lipa. Si Eusebia, gayumpaman, ay kinabukasang sumakabilang-buhay dahil sa katandaan at naulila na naman siya. Para sa kanyang mga bagong tagapangalaga, pinagpipili siya sa mga dalagang tiyahin kung saan kinakailangan ng kanyang nakatatandang kapatid na tumira kina Enrique at Amanda Lumbera, ang kanyang nino't ninang. Sa huli ay wala silang anak na sarili at sinasabi ni Bienvenido, noong labing-apat na taong gulang pa lamang siya, na pinili niya sila sapagka't "ipapadala nila ako sa paaralan."

Para sa mataas na paaralan, lumipat si Lumbera sa paaralang pribado ng Akademiyang Mabini, kung saan umusbong ang kanyang pag-ibig sa wika. Nagtapos si Lumbera nag pangatlo at nagtalumpati ng mabulaklak na Klase sa Kasaysayan sa araw ng pagtatapos.

Edukasyon at larangan ng edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagtapos si Lumbera ng dalubhasaang pamamahayag at Pantas ng Sining mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1950, at kasunod ang Paham ng Pilosopiya sa Panularang Panitikan sa Pamantasang Indiana noong 1967.

Nagturo si Lumbera ng Panitikan, Araling Pilipino at Malikhaing Pagsusulat sa Pamantasang Ateneo de Manila, Pamantasang De La Salle-Maynila, Pamantasan ng Pilipinas, at ang Pamantasan ng Santo Tomas. Inatasan siya bilang panauhing-propesor ng Araling Pilipino sa Araling Panlabas ng Pamantasang Osaka sa Hapon mula 1985 hanggang 1988 at kauna-unahang nagtatahang iskolar sa Pamantasan ng Hawaii sa Manoa.

Batas militar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ng pagkadeklara ni Pangulong Ferdinand Marcos, hinuli si Lumbera ng Pilipinong militar noong Enero 1974. Lumabas sa kulungan noong Disyembre ng taong din iyon. Sumulat si Cynthia Nograles, kanyang dating mag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila, kay Hen. Fidel Ramos para sa kanyang paglaya. Pagkatapos ng ilang buwan, ikinasal ni Lumbera si Cynthia. Noong 1976, nagsimulang magturo si Lumbera sa Kagawaran ng Pilipino at Panitikang Pilipino, Dalubhasaan ng Sining at Panitik ng UP. Noong 1977, naging patnugot siya ng Diliman Review sa kahilingan ng Dekanang Francisco Nemenzo ng Dalubhasaan ng Sining at Panitik. Ang paglalathala ay bukas na lumalaban sa diktadurya nguni't naiwang mag-isa ng pamumuno ni Marcos.

Mga malikhaing gawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kalagitnaan ng batas militar, nakapaghawak si Lumbera sa mga isang malikhaing proyekto. Nagsimulang sumulat ng mga libreto para sa teatrong pangmusika. Sa simula pa lamang, humiling ng Kapisanan ng Teatrong Pang-edukasyon ng Pilipinas (PETA) sa kanya na maglikha ng pangmusikang Nasa Puso ang Amerika mula kay Carlos Bulosan. Sa huli, naglikha si Lumbera ng mga dramang pangmusika na may mataas na karangalan tulad ng mga Mga Kuwento ni Manuvu; Rama, Hari; Bayani; Noli me Tangere: Pangmusika; at Hibik at Himagsik Nina Victoria Laktaw. Sa Sariling Bayan: Apat na Dulang May Musika, isang antolohiya ng dramang pamgmusika ni Lumbera, ay inilathala ng Palimbagan ng Pamantasang De La Salle-Maynila noong 2004. Nakapag-akda si Lumbera ng mga aklat, antolohiya at mga aklat-batayan tulad ng mga Muling Pagsusuri; Paghahanda sa Pagtuturo; Panitikan ng Pilipinas: Isang Kasaysayan at Antolohiya; Pagsusulat ng mga Pilipino: Panitikang Pilipino mula sa mga Rehiyon; at Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo.

Mga pagsanib sa organisasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag din ni Lumbera ang kanyang pamumuno sa mga Pilipinong manunulat, artista at mga tagapuna sa pamamagitan ng kapwa-pagkakatatag ng mga organisasyong pangkultura tulad ng mga Kapisanan ng Panularang Panitikan ng Pilipinas (1969); Pamana ng Panitikan ng Pilipinas (1970); Kalipunan para sa mga Panitikan ng Pilipinas (1975); Kapisanan ng Araling Pilipino ng Pilipinas (1984) at Manunuri ng Pelikulang Pilipino (1976).

Reputasyong pampanitikan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Lumbera ay kasalukuyang kinikilala nang malawakan bilang isa sa mga haligi ng walang-kamatayang Pilipinong panitikan, araling pangkultura at pelikula, nakapagsusulat at nakapagsaayos sa lathala ng mga aklat sa pampanitikang kasaysayan, pampanitikang puna, at pelikula.

Nakatanggap din siya ng mga gawad na nagtutukoy sa kanyang ambag sa Pilipinong panitik, karaniwan ay Gawad Palanca para sa Panitikan (1975); Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag, Panitikan, at Malikhaing Sining Pangkomunikasyon (1993); mga Gawad Pambansa sa Aklat mula sa Pangkat ng mga Tagapuna ng Maynila; Parangal na Pampanitikang Sentenyal ng Pilipinas (1998); at Sanghayang Sentenyal ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas para sa Sining (1999).

Siya ay kasalukuyang patnugot ng Sanghaya (Pambansang Komisyon sa Sining at Kultura, Propesor sa Kagawaran ng Inggles sa Paaralan ng Katuruang Pantao ng Pamantasang Ateneo de Manila, Propesor na Emeritus sa Kagawaran ng Pilipino at Panitikang Pilipino, Dalubhasaan ng Sining at Panitikan, Pamantasan ng Pilipinas-Diliman, at Propesor ng Panitikan sa Pamantasang De La Salle-Maynila. Sa panahon lamang, naglingkod din siya bilang pangulo ng Alyansa ng mga Nag-aalintana Guro (ACT), isang pambansang organisasyon na binubuo nang humigit sa 40,000 guro't manggagawa sa sektor ng edukasyon.

  • Likhang Dila, Likhang Diwa, 1993

Punang pampanitikan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Muling Pagsusuri: Mga Sanaysay sa Panitikan, Pelikula, at Kulturang Popular, 1984
  • Mga Tulang Tagalog, 1570-1898: Tradisyon at mga Impluwensiya sa Kaunlaran, 1986
  • Abot-Tanaw: Sulyap at Suri sa Nagbabagong Kultura at Lipunan, 1987

Mga aklat-batayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Paghahanda sa Pagtuturo
  • Panitikan ng Pilipinas: Isang Kasaysayan at Antolohiya
  • Muling Pagtutuklas: Mga Sanaysay sa Buhay at Kulturang Pilipino
  • Pagsusulat ng mga Pilipino: Panitikang Pilipino mula sa mga Rehiyon
  • Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo
  • Kuwento ng Manuvu
  • Rama, Hari
  • Nasa Puso ang Amerika
  • Bayani
  • Noli Me Tangere
  • Hibik at Himagsik Nina Victoria aktaw

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy