Pumunta sa nilalaman

Bigas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga butil ng bigas.
Iba't-ibang klase ng bigas.

Ang bigas ay isang karaniwang kataga para sa kiniskis na palay na tinanggal ang ipa, darak, at germ nito. Pinapakinis ito pagkatapos makiskis, na nagbibigay sa produkto ng maliwanag, maputi, at makintab na anyo. Yayamang mayroong mga diyetetikang fiber ang darak nito, mayroong mga bitamina at mineral ang germ nito, at tinanggal ang panlabas na aleurone layer nito, isang walang laman na gawgaw lamang ang bigas.

Pagluluto ng bigas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinasaing ang mga butil ng bigas kasama ang katumbas na tubig upang maging sinaing o kanin kapag in-in na. Kung labis ang sabaw nito nagiging lugaw na. Kapag napasobra ang pagluluto nito nagiging tutong ang ilalim na bahagi. Malimit na niluluto ang mga natirang kanin upang gawing sinangag. Kadalasang niluluto ang kanin sa palayok o kaldero ngunit marami na rin ang gumagamit ng mga rice cooker, isang elektronikong kagamitan.

Hindi lamang kanin ang maaaring luto sa bigas, ang malagkit na bigas kasama ang ibang mga sangkap ay maaaring gawing mga kakanin katulad ng suman, bibingka, puto at biko. Ilan pa sa mga lutuing ginagawa sa bigas ang arroz negro, arosbalensiyana, lugaw, arròs negre.

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Sa Pilipinas, tinatapon ang bigas sa mga karamihan ng bagong kasal upang mabigay na kasaganahan.
  • Tungkol sa bigas ang isa sa tanyag na linya sa pelikula ni Fernando Poe, Jr. na Kapag puno na ang salop noong 1987 kasama si Eddie Garcia:
    • Eddie Garcia: "Marami ka pang bigas na kakainin."
    • Fernando Poe, Jr.: "Di ako kumakain ng bigas. Sinasaing ko muna para maging kanin. Ikaw Judge, palay pa lang kinakain mo na."

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy