Pumunta sa nilalaman

Bigkas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagbigkas o bigkas, kilala rin bilang pagsasatinig, pagsasabi, pronunsasyon o pronunsiyasyon,[1] badya[2] o pagbabadya, ay ang paraan ng kung paano binabanggit o sinasalita ang isang salita o wika, o ang kaparaanan kung paano namumutawi ang isang salita mula sa isang tao. Kapag sinabing ang isang tao ay may "tamang pagbigkas", sa gayon tumutukoy ito kapwa sa loob ng isang tiyak na diyalekto.

Ang isang salita ay maaaring wikain ng sari-saring mga indibidwal o mga pangkat sa iba't ibang mga paraan, depende sa maraming mga bagay-bagay, katulad ng: ang lugar na pinagkalakihan nila, ang pook na kinatitirahan nila sa ngayon, kung mayroon silang kapansanan sa pagsasalita o kapinsalaan sa tinig,[3] kanilang pangkat-etniko, kanilang antas sa lipunan, o kanilang edukasyon.[4]

Terminolohiyang lingguwistiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pantig (kataga) o silaba ay binibilang bilang mga yunit ng tunog (mga pono sa ponetika) na ginagamit nila sa kanilang wika. Ponetika ang tawag sa sangay ng lingguwistika nag-aaral ng ganitong mga yunit ng tunog. Pinagsasama-sama ang mga pono (phone sa Ingles) bilang mga klaseng katulad ng mga ponemo o ponema, ang pinakamaiigsing mga yunit ng tunog ng salita. Tinatawag na ponolohiya, ponemiks (ponemika, ponemika), o ponematiks (ponematiko, ponematika) ang pag-aaral ng mga ponemo. Bilang mga bahagi ng artikulasyon o pagbigkas, ang mga pono ay karaniwang nilalarawan na ginagamit ang Internasyunal na Ponetikong Alpabeto(IPA).[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Pronunciation - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Pronunciation, badya, bigkas". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
  3. Beech, John R.; Harding, Leonora; Hilton-Jones, Diana (1993). Assessment in speech and language therapy. CUP Archive. p. 55. ISBN 0415078822.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Labov, William (2003). "Some Sociolinguistic Principles". Sa Paulston, Christina Bratt; Tucker, G. Richard (pat.). Sociolinguistics: the essential readings. Wiley-Blackwell. pp. 234–250. ISBN 0631227172.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link)
  5. Schultz, Tanja; Kirchhoff, Katrin (2008). Multilingual speech processing. Academic Press. p. 12. ISBN 0120885018.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy