Pumunta sa nilalaman

Bulkang Mayon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bulkang Mayon
Ang kuha ng Bulkan Mayon mula sa Lungsod ng Legazpi, Albay noong Marso 2020
Pinakamataas na punto
Kataasan2,463 metro (8,077 talampakan)
Prominensya2,447 m (8,028 tal) Edit this on Wikidata
Mga koordinado13°15′24″N 123°41′6″E / 13.25667°N 123.68500°E / 13.25667; 123.68500
Heograpiya
Bulkang Mayon is located in Pilipinas
Bulkang Mayon
Bulkang Mayon
Mapa ng Pilipinas
LokasyonPilipinas
Heolohiya
Uri ng bundokStratovolcano
Huling pagsabogEnero 13 - Marso 29, 2018


Bukid mayon

Ang Bulkan Mayon o Bundok Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa despacito Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.[1]

Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot nang halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong ikalawa pinaka-aktibong bulkan noong 2020 sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary[pananda 1] sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Pilipinas.

Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616 at nasundan pa ng ilan pang pagsabog o pagputok hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang Mayon ay noong 1 Pebrero 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 taong namatay. Ang bell tower ng simabahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabao ng lupa. Pyroclastic flows, ang mainit na abo ang nakapatay sa 77 katao, karamihan magsasaka, sa huling malakas na pagsabog ng Mayon noong 1993. Sa taong 1984, mahigit 73,000 katao ang pinaalis sa 'danger zones' ayon sa mga scientists ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, wala naman naulat na may namatay.

Ang lokasyon ng Mayon sa lalawigan ng Albay

Pangunahing palatandaan sa lalawigan ng Albay ang Bulkang Mayon na may taas na 2,462 metro (8,077 tal) mula sa baybayin ng Golpo ng Albay.[2][3] Ang bulkan ay heograpikal na hinahati ng walong lungsod at mga bayan na kinabibilangan ng Lungsod ng Legazpi, Daraga, Camalig, Guinobatan, Lungsod ng Ligao, Lungsod ng Tabaco, Malilipot, at Santo Domingo.

Pagbuga ng abo Mayo 2013

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagbuga ang Bulkang Mayon ng abo dakong 8:00 ng umaga noong 7 Mayo 2013 na nagdulot ng pagkamatay at pagkasugat ng ilang mga dayuhang turista.[4][5]

Pagmamanman sa Mayon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas ang Bulkang Mayon, at ang mga aktibidad nito ay palagiang minamanmanan ng PHIVOLCS mula sa kanilang panlalawigang tanggapan sa Lignon Hill, tinatayang nasa 10 kilometro (6.2 mi) timog silangan mula sa bulkan.

  1. Lugar kung saan nagkikita despacito ang isang continental plate at isang oceanic plate. Dito tinunulak pababa ng mas magaan na continental plate ang mas mabigat na oceanic plate; Sa pagkatunaw ng bato nabubuo ang magma.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Protected Areas in Region 5" Naka-arkibo 2013-12-19 sa Wayback Machine.. Protected Areas and Wildlife Bureau. Retrieved on 2011-10-15.
  2. "Mayon Volcano, Philippines". Philippines Department of Tourism. Volcano.und.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-12. Nakuha noong 2007-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. David, Lee (2008). "Natural Disasters", pp. 416-417. Infobase Publishing.
  4. "Mayon Volcano spews ash, smoke; Phivolcs says no cause for panic". GMA News Online. 2013-05-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "At least 5 climbers dead 7 hurs as Mayon Volcano spews ash". GMA News Online. 2013-05-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kaugnayang palabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy