Pumunta sa nilalaman

Catherine ng Aragon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Catherine ng Aragon
Kapanganakan16 Disyembre 1485
    • Alcalá de Henares
  • (Madrid Province, Pamayanan ng Madrid, Espanya)
Kamatayan7 Enero 1536 (Huliyano)
  • (Kimbolton, Huntingdonshire, Cambridgeshire, East of England, Inglatera)
MamamayanEspanya
Trabahodiplomata, reynang konsorte
AsawaEnrique VIII ng Inglatera (11 Hunyo 1509 (Huliyano)–2 Hunyo 1533 (Huliyano))
AnakHenry, Duke ng Cornwall
Maria I ng Inglatera
Magulang
PamilyaIsabella ng Aragon, Reyna ng Portugal
John, Prinsipe ng Asturias
Juana I ng Castilla
Maria ng Aragon, Reyna ng Portugal
Alonso de Aragón
John ng Aragon, Prinsipe ng Girona
Pirma

Si Catherine ng Aragon na binabay-bay din bilang Katherine, isang historikal na Espanyol: Catharina</link> , ngayon ay: Catalina</link> ; Ay isinilang noong 16 Disyembre 1485 at namatay noong 7 Enero 1536. Sya ay naging Reyna ng Inglatera ng maging unang asawa nya si Haring Henry VIII mula sa kanilang kasal noong 11 Hunyo 1509 hanggang sa pagpapawalang-bisa nito noong 23 Mayo 1533. Ipinanganak sa Espanya, siya ay naging Prinsesa ng Wales habang kasal sa nakatatandang kapatid ni Henry, si Arthur, Prinsipe ng Wales, sa maikling panahon bago siya namatay.

Sya ang anak na babae ni Isabella I ng Castile at ni Ferdinand II ng Aragon, si Catherine ay tatlong taong gulang nang siya ay ipinagkasundo kay Arthur, ang tagapagmana ng trono ng Ingles. Nagpakasal sila noong 1501, ngunit namatay si Arthur pagkalipas ng limang buwan. Si Catherine ay gumugol ng maraming taon sa kalituhan at kawalan ng katiyakan, at sa panahong ito, hawak niya ang posisyon bilang embahador ng korona ng Aragonese sa Inglatera noong 1507, Sya ang pinaka unang kilalang babaeng naging embahador sa kasaysayan ng Europa. [1] Napangasawa niya si Henry sa maikling panahon pagkatapos ng pag-akyat nito sa trono noong 1509. Sa loob ng anim na buwan noong 1513, nagsilbi si Catherine bilang taga-pamahala o regent ng England habang nasa France si Henry. Noong panahong iyon, natalo ng mga Ingles ang isang tangkang pananakop ng mga Scotts sa Battle of Flodden, isang kaganapan kung saan gumanap ng mahalagang bahagi si Catherine sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang emosyonal na pananalita tungkol sa katapangan at pagkamakabayan. [2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Weir 1991.
  2. Catherine of Aragon, Queen of England.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy