Dukado ng Benevento
Ang Dukado ng Benevento (pagkatapos ng 774, Prinsipalidad ng Benevent ) ay ang pinakatimog na dukadong Lombardo sa Tangway ng Italya na nakasentro sa Benevento, isang lungsod sa katimugang Italya. Pinamunuan ng mga Lombardong duke ang Benevento mula 571 hanggang 1077, nang sakupin ito ng mga Normando sa loob ng apat na taon bago ito ibigay sa Santo Papa. Bilang nahihiwalay mula sa lahat ng sakop ng mga Lombardo sa pamamagitn ng Dukado ng Roma ng Papa, ang Benevento ay halos malaya mula sa simula. Sa panahon lamang ng paghahari ni Grimoaldo, Hari ng mga Lombard at ang mga hari mula kay Liutprando ay nagkaroon ng mahigpit na ugnayan ito sa kaharian. Matapos ang pagbagsak ng kaharian, ito ay ang nag-iisang Lombardong teritoryo upang patuloy na umiral bilang isang puwitang estado, pinapanatili nito ang isang de facto na pagsasarili sa halos 300 taon, kahit na ito ay nahahati matapos 849.
Tinukoy ni Pablo ang Diyakono ang Benevento bilang "Samnitang Dukado" (Ducatum Samnitium) pagkatapos ng rehiyon ng Samnio.[1]
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ Thomas Hodgkin, Italy and Her Invaders, Vol. 6, 2nd ed. (Oxford: Clarendon, 1916), pp. 68 and 76.
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gwatkin, H. M. (1926). J. P. Whitney; atbp. (mga pat.). The Cambridge Medieval History: Volume III. Cambridge University Press.
- Oman, Charles (1914). The Dark Ages 476-918. London: Rivingtons.
- Hodgkin, Thomas (1895). Italy and her Invaders. Clarendon Press.
- Norwich, John Julius (1970). The Normans in Sicily. Penguin Books.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- (sa Italyano) Ducato (570 ca.-774) et Principato di Benevento (774-1077) Naka-arkibo 2012-02-16 sa Wayback Machine.
- (sa Italyano) I Longobardi del Sud