Pumunta sa nilalaman

Estatwa ng Kalayaan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pambansang Bantayog ng Estatwa ng Kalayaan
Estatwa ng Kalayaan
LocationLiberty Island, New York,[1] Estados Unidos
Nearest cityJersey City, New Jersey
Area12 acres (49,000 m²)
EstablishedItinalaga ang estatwa noong 28 Oktubre 1886; Inilunsad bilang Pambansang Bantayog noong 15 Oktubre 1924
Visitors4,235,595 (kabilang ang Ellis Island NM) (in 2005)
Governing bodyPalingkuran ng Pambansang Liwasan
Estatwa ng Kalayaan
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO
PamantayanPangkalinangan: i, vi
Sanggunian307
Inscription1984 (ika-8 sesyon)

Ang Kalayaang Nagbibigay ng Liwanag sa Mundo (Ingles: Liberty Enlightening the World, Pranses: La liberté éclairant le monde), na mas kilala sa pangkaraniwang katawagang Estatwa ng Kalayaan (Ingles: Statue of Liberty, Pranses: Statue de la Liberté), ay isang malaking estatwa na iniregalo ng Pransiya sa Estados Unidos noong 1886. Nakatayo ito sa Liberty Island - o Pulo ng Kalayaan - (isang bahagi ng New York subalit pisikal na nasa gawing New Jersey ng Daungan ng New York). Nagsisilbi ito bilang pambati sa lahat ng mga panauhin, mga imigrante, at mga nagbabalik-bayang mga Amerikano. Itinalaga ang estatwang ito na nababalutan ng tansong patina noong 28 Oktubre 1886 upang alalahanin ang sentenyal ng Estados Unidos at bilang pagpapakita ng pagkakaibigan ng Pransiya sa Amerika. Nililok ni Frédéric Auguste Bartholdi ang estatwa at nakatanggap ng patente mula sa Estados Unidos na nagamit sa pagipon ng mga laang salapi para sa pagpapagawa sa pamamagitan ng pagbibili ng mga maliliit na estatwang kahawig. Si Alexandre Gustave Eiffel (ang dumisenyo ng Toreng Eiffel) ang nagsilbing inhinyero para sa panloob na kayarian ng estatwa. Samantalang si Eugène Viollet-le-Duc naman ang nagkaroon ng tungkulin sa pagpili ng tansong gagamitin para sa paggawa ng estatwa, siya rin ang may katungkulan sa paggamit ng pamamaraang repoussé sa pagawaing ito.

  1. "Frequently Asked Questions". National Park Service. Nakuha noong 2007-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Estados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy