Pumunta sa nilalaman

Fabrizio Ruffo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Fabrizio Dionigi Ruffo (Setyembre 16, 1744 - Disyembre 13, 1827) ay isang Italyanong kardinal at politiko, na namuno sa tanyag na antirepublikang kilusang Sanfedismo (na ang mga miyembro ay kilala bilang Sanfedisti).

Si Ruffo ay ipinanganak sa San Lucido, sa Calabria Citra (ngayon ay nasa lalawigan ng Cosenza), noon ay bahagi ng Kaharian ng Napoles. Ang kaniyang ama, si Litterio Ruffo, ay isang aristokratang Calabres, may hawak ng titulong duke ng Baranello, habang ang kaniyang ina, si Giustiniana, ay mula sa pamilyang Romano ng Colonna. Kinuha ni Fabrizio ang kaniyang edukasyon sa kanyang tiyuhin, si kardinal Tommaso Ruffo, noon ay dekano ng Kolehiyo ng mga Kardinal. Sa maagang buhay ay nakuha niya ang pabor ni Giovanni Angelo Braschi, na noong 1775 ay naging Papa Pio VI. Si Ruffo ay inilagay ng papa sa chierici di camera, ang mga kerikong bumuo ng serbisyong sibil at pampinansiya ng papa. Nang maglaon ay nailuklok siya bilang tesorero-heneral, isang luklukang dala nito ang ministeryo ng digmaan. Ang pag-uugali ni Ruffo sa opisina ay iba-iba ang paghuhusga. Si Pietro Colletta, ang mananalaysay ng Napoles, ay nagsasalita tungkol sa kanoya bilang tiwali, at binabay ulit ni Jomini ang paratang, ngunit ang mga ito ay maaaring balewalain bilang bahagi ng isang 'di-kaaya-ayang tradisyon, dahil pareho silang lumahok pabor sa Pransiya. Sa katunayan, malawak siyang itinuturing bilang isang repormador.

Siya ang naghayag sa pagkahalal ni Papa Leon XII sa kongklabe ng papa noong 1823.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

 

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy